Tuesday, January 22, 2013

Crazy Love Story: Update 54//

Crazy Love Story

By: InnocentPen



Update 54//

Kath’s POV

Napakadaming nangyari sa day na ‘toh. First of all talagang nagulat ang lahat ng malaman na si TJ pala ang may kasalanan sa nangyari sa akin. Nagulat din naman ako dahil hindi ko inaasahan na siya mismo ang aamin ng naging kasalanan niya.

Nalaman na lang namin sa tumawag na police kina mama na inalita ang nangyari. Nag-apologize ang parents nina DJ, naintindihan din naman agad nina mama dahil nga sa kondisyon ni TJ ngayon. Ang nakakagulat pa ay nung nirequest ni TJ na  magparehab muna siya para kapag gumaling na siya, siya pa mismo ang magkukulong sa sarili niya.

Napatawad ko na naman siya pero gusto ko lang talaga ng time for myself. Para makapag-isip.

11:40 pm (December 31)

Gaya ng naging usapan namin ni DJ, magkikita kami sa may plaza. I waited for five minutes pero wala pa ring DJ na dumarating.

Naa-out of place na nga ako dito sa may plaza eh parang bawal ang loner dito. Lahat sila may kasama. May mga couples, peer groups, and families na naghihintay for the new year.

“Kathmylabs…”

Napangiti ako ng marinig ko ang boses niya. Ang ganda ganda ganda talaga ng boses niya! Ay nakoo, mamimiss ko toh ng sobra.

Umupo siya sa tabi ko, ilang minutes rin bago kami makapagsalita. Awkward.

“Gusto kong magpa-sorry sa Kuya ko, sa nagawa ng kuya ko—“ Hindi ko na pinatapos si DJ>

“No need, napatawad ko na siya. Pinuntahan ako ni Kuya TJ bago siya magpunta sa police station. He already asked for forgiveness.” Napa-smile na lang kami ni DJ then awkward na naman. Nakuu! Kailan ba matatapos itong ‘awkwardness’ na toh?

“Kath..”
“Dhiee..”

Natawa kami, ano ba toh. Bakit ba kasi ang awkward?

“Sige,ikaw na mauna.”
“Sige, mauna ka na.”

Natawa na naman kami, haaay. Tumahimk na lang muna ako saglit para siya na maunang magsalita.

“Kath…na-miss ko tong feeling na toh. Yung tipong walang itinatago sa isa’t isa. Parang yung dati nung mga bata pa lang tayo. Ang tanda na nating ngayon noh? 21 years old…pero ang gulo pa rin natin. Haha, kaya naisipan kong…”

Hindi kaya?

“Naisipan kong lumayo na muna… Gusto kong mag-move on from the past. Gusto kong kalimutan lahat ng masamang nangyari sa atin dati. Hindi ko sinasabing kakalimutan kita…ang gusto ko lang, kung sakaling magkakabalikan tayo…gusto ko wala ng sakit na mararamdaman. Gusto ko pure happiness na lang.”

Pinigil kong tumulo yung mga luha ko, ang hirap palang huminga ng maayos kapag may pinipigilan noh?

“Y-yun din sana ang gusto ko, DJ. Bukas na ang flight ko. Gusto ko ring kalimutan ang mga nangyari para makapagsimula tayo ng bago pagka-uwi natin. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik pero I promise I’ll return.” He holds my hands.

(11:51 pm)

“Kath…babalik ako, babalikan kita. Pwede bang malaman kung saan ka pupunta?” Tanong nito sa akin.

Dinilaan ko siya, “Bleeh! Ayoko nga baka puntahan mo pa ako eh, haha. Wala munang communications ha? Magtiis ka na muna.”

Naka-pout na naman siya, haaay. Kaya ko bang iwanan toh? Hindi yata, pero kailangan. “Asar naman. Nakita ko na yung Christmas gift mo sa akin, kathmylabs. I appreciate it. Ang mahal ng magpa-paint ha? Yaman natin ah.” Parang kaming tanga dito. Nagkita kami para magpaalam pero parang ayaw namin. Feeling ko nga nasa date ako eh. Landee ko talaga. XD

“Syempre naman noh! Ikaw nga diyan ang mayaman eh! Ang mahal kaya magpa-special order sa guitar! Mas mayaman ka ‘bebsDaniel!” Sabay kaming natawa.

“May iba ka na namang call name sakin, my sexybebs.”

“Ikaw din naman eh, Danielmylabs!” Hinawakan niya ako ng mahigpit sa isang kamay ko.

“Teebeh..” Yung pinipigilan kong luha ay tuluyan ng tumulo kasabay niyon ng pagtulo din ng mga luha ni DJ.

“Ang hirap humiwalay sayo, pero naniniwala akong ito ang kailangan natin sa ngayon. Kath, ngayon pa lang miss na miss na miss na misssss kita.” Halos hindi siya makapagsalita ng maayos dahil sa pag-iyak niya.

“Ang sakit para saakin na malaman na ang taong naging dahilan ng lahat ng masamang nangyari sa taong mahal mo ay ang kapatid mo. Napatawad ko na si Kuya dahil nag-explain na rin sina mama pero mahirap pa ring tanggapin. Kath, sorry sa lahat, ang dami kong naging kasinungalingan sayo—“

“Daniel, alam kong napilitan ka lang na magsinungaling sa akin. Naiintindihan ko kayo kung bakit niyo itinago yon. Sana kung saan man tayo magpunta…maisip natin na nasa tabi lang tayo ng isa’t isa. *huk* Waaah, DJ…mamimiss kita.” Kahit nakakahiya, napa-ubo pa ako sa pag-iyak ko. Sobrang sakit.


“Kath…kapag nagkita tayo ulit at okay na ang lahat…if ever na our feelings are still the same. Kung mahal pa rin nating ang isa’t isa…scratch that. Kung mahal mo pa rin ako, magpapakasal tayo.” Iyak pa rin ako ng iyak habang tinatayo niya ako then he hugged me, “Sana pagkatapos nito makapag-let go na tayo sa mga pains, sana bago tayo magkahiwalay ngayon makita ni Lord kung gaano kita kamahal para wala na Siyang reasons para paghiwalayin Niya tayo. I thank God na buhay ka, I will forever thank Him that He gave you. I love you, Teehbeh…forever.”

“Alam kong nakikita tayo ni Lord at alam kong ikaw ang ibibigay Niya sa akin para may makasama ako, forever…” Lumapit ako sakanya, “Pagkatapos nito sabay tayong maglalakad palayo, mamimiss kita. Hintayin mo’ko ha? I love you, DJmylabs…forever.”

We kissed; pinaramdam namin ang pagmamahal namin sa bawat is through this kiss. Ito na ba ang last?

May narinig kaming mga nagbibilang, nagka-countdown na pala ang mga tao sa paligid para salubungin ang bagong taon. Kami ni DJ wala kaming pakialam basta walang gustong humiwalay.

5..

4..

3..

Pero dahil kailangan….

2..

1..


Humiwalay kami sa isa’t isa at sabay na lumakad palayo.
(12:00, January 1)

“HAPPY NEW YEAR!”

Sabay sabay na sigaw ng mga tao sa paligid. I’ll be living a new year without my happiness. Ito naman ang gusto namin at ang kailangan namin kaya kailangan naming panindigan. Mahal namin ang isa’t isa kaya…destiny will lead us.

Kasabay ng pag-labas ng mga nag-gagandahang at nagsisikatan na mga fireworks sa kalangitan…ay kasabay din ng pagtulo na naman ng mga luha ko.

“Ang hirap talagang gawin ang ayaw mo pero iyon ang dapat at iyon ang kailangan mo.” Naibulong ko sa sarili ko.


Basta, Lord kayo na po ang bahala sa amin ni DJ. Nagtitiwala po ako na kahit anong bagay ay mapapaganda kapag desisyon Mo ang nasunod. Salamat po sa pagbigay Niyo kay DJmylabs. Pero ngayon po, ito na muna po ang sasabihin ko…



See you next time, DJmylabs…





(This was original posted at http://www.wattpad.com/story/1145695-crazy-love-story-kathniel)





©InnocentPen 2012-All Rights Reserved

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^