Crazy Love Story
By: _Joyce4ever
Update 14//
ENRIQUE’s POV
“Hands down. Ang galing mo Kath!” Masayang bati ko kay Kat h… But deep inside my heart suffering on a disease. A disease of love.
“E-enrique?”
“Ako nga! Buti nakilala mo ako.” Natuwa naman ako dahil talagang kilala na pala niya ako.
“Oo naman. Salamat pala.” She smiled, a fake one.
“Wala yun, pero bilang kabayaran…hmm”
“Ano??”
“Samahan mo ako sa mall!” Excited na sabi ko.
Wag
nyong mamasamain, I invite her not because I wan’t to take advantage to
her. I just want her to be happy. I will make her happy. Kahit alam
kong iisang tao lang kailangan niya para makuha ang kasiyahang iyon.
“Ahmm…May klase pa kasi---“
“Tss.. Wala naman kayong ginagawa, may program lang kayo.”
“Wait nga, bakit ka pala nandito? Hindi ka naman nag-aaral dito ha?” Nagtatakang tanong niya.
“Ah,
balak ko lang talagang manuod kaya nandito ako, accidentally nakita
kita. Dito ka pala pumapasok noh? Ang cool naman ng school nyo.” I lied. Sa totoo alam kong dito sya pumapasok kasi nga nagkakilala na sila ni DJ, diba?
“Tara na?” Tanong ko.
“Tara! Sa back gate tayo dumaan, for sure walang tao dun…”
*Sa Mall*
Kumakain kami sa KFC. Hwag nyong sabihing kuripot ako ha? First time ko lang kumain dito. Si Kath ang namili e.
Tahimik lang siyang kumakain. Halatang ang lungkot niya. Bakit ang swerte ni DJ? Siya ang mahal ng mahal ko.
Yes, mahal ko siya, si Kath. Kaya nung nagkita kita kami nina Daniel sa mall nung bumibili ng phone, sobrang nagulat talaga ako.
Matagal ko na siyang mahal… Kung kailan nag-start? Mas maganda siguro kung hindi ko muna sabihin. Pero malalaman nyo rin.
Sa totoo naiinis ako kay DJ, nasakanya na ulit si Kath pero nag-give up pa sya.
Pero this time… gusto ko muna maibalik ang dating Kath. Si Kath na masayahin.
“Uy! Kathy! Ang tahimik mo naman.” Nakla-smile na sabi ko sakanya. Nag-smile rin siya pero pilit. Kailan ka kaya ngi-ngiti ng totoo saken? I’ll wait for that to happen.
“Pagkatapos nito sa time zone tayo.”
“Uhm. Sige ba.” At nagsmile sya ulit. Fake na naman.
*Time zone*
Niload namin yung powercard ko. 1000, marami na siguro kaming magagawa dun. :”>
Halos lahat yata ng game machine napaglaruan namin. Nakikita kong sumaya naman siya kahit papano.
“Tara sa videoke room tayo!” Yaya ko kay Kath.
“Sige po… Your Highness.” Natatawang sabi nya. P-pero…?
“Y-Your Highness?” Kabadong tanong ko, kasi naman ba’t ganun yung ginamit nyang pantawag, hindi kaya----
“Kasi, ikaw lang ang nasusunod kaya ikaw ang hari, so you’re my wonderful Your Higness!” Naka-smile na sabi nya, yung totoong smile. I miss that smile.
“Ah… edi ikaw ang aking dakilang slave?” Mala-haring sabi ko. LOL.
“Pssh.” Ang sarap nyang kasama,
……….
“Oh, pili kana.” Inabot ni Kath yung song book.
“Ah.. K-kasi, ahm… tara, sayaw na lang tayo!” Ako XD
“Di ka marunong kumanta?”
“Marunong! K-kaso panget yung boses ko e.”
“AHAHAHAHA!”
=___= Pagtawanan ba?
“Sige na oh..” Naka-pout na siya.
“Sige na nga..” Pumili na ako sa song book. Hindi kasi ako mahilig sa music, sa dance, oo.
“Wala talaga akong talent dito..kaya Kath, pagtyagaan mo muna..” I smile. Nagsimula na akong kumanta while nakayuko nahihiya ako. ^/////^
Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran?
Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin.
Hindi na masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul ngayo'y naging itim
Hindi
ko tinitingnan si Kath, alam kong natatawa na siya. Maririnig mo na nga
yung pagpipigil nya sa kanyang tawa, tinatago niya ba talaga yung tawa
nya para hindi ako mapahiya? Kasi naman lumang kanta na tong kinakanta
ko.
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit huwag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man, sariwang hangin
Sa langit natin matitikman
Pero mukhang hindi nya napigilan…
“WAHAHAHAHAHAHA!!” tawa ni Kath. Kahit nahihiya ako sa pinangagawa ko natutuwa pa rin ako kasi narinig ko ulit yung napakagandang tawa nya. =”>
“Tssh.”
“HAHAHAHAHA!”
“Kath naman eh…”
“Sorry… kasi … Hahahaha! Sorry ulit. Kasi naman … Hahahahaha!” Hindi na niya nasabi ang gusto nyang sabihin as kakatawa. =___=
“ha?”
“Hahaha…Kasi naman, sa dinami-rami ng mga kanta. Iyan pa ang napili mo, LOLO! Hahahaha! Pang-matanda! HAHAHAHA!”
KATH’s POV
“Hahaha…Kasi naman, sa dinami-rami ng mga kanta. Iyan pa ang napili mo, LOLO! Hahahaha! Pang-matanda! HAHAHAHA!”
Tawa ako ng tawa dahil kay Enrique. Ang saya nyang kasama parang nakalimutan ko yung problema ko.
“Namiss ko yang tawa mo.” Bigla akong natahimik sa sinabi nya. Namiss nya? Ngayon lang kami nagkakilala ha?
“H-ha?”
“Namiss ko yung tawa mo sabi ko.”
“Ha? Ngayon lang naman tayo nag-bonding eh?”
“Tss.. Nung una kitang makita tawa ka ng tawa.”
“Ahh.. Nung kasama mo si—“
“Tara na…dun tayo.” Halatang hindi nya pinatapos ang sasabihin ko.
Mukhang gusto nya akong tulungan mag-moved on.
Nagpapasalamat ako dahil may isang tulad nya na kaya akong pasayahin kapag nasasaktan ako ng iba.
Crazy Love Story | Prologue | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 |
waah!.. sana nga!.. haha.. ang bait kya ni enrique.. update na po ate..
ReplyDelete--DemiDoLL