Sunday, June 10, 2012

Computer Shop-Love Story (One-Shot)

(KATHNIEL) One-Shot Story
COMPUTER SHOP-LOVE STORY
By: _Joyce4ever (JOYCEI)

Ito ay gawagawa ko lamang, don’t take it seriously. =)


---




“Putcha naman oh!” Inis na sabi ko.


“Nagbabayad naman ako monthly ng internet bills ha? Bakit ba ayaw nitong buset na connection na itong makaaccess sa net!” Naiinis ako kase hindi ako makapagnet. Isa pa naman akong online writer, kahit graduating college student pa lang ako. Sikat na ako pero wala pa ring nakakakita kung sino talaga ang taong nasa likod ng username na “MagandangNilalang”  Of course, ayaw kong magpakita. Nakakahiya…Baka sabihin lang nila ginamit ko lang tong ganda ko para makahakot ng maraming readers. XD


Ayy,… Wala akong magawa kung hindi magnet na lang sa aking Phone. Ang hirap kaseng gamitin nito. Pero sinubukan ko pa rin kung makakapag-update ako ng story ko dito…


PROCESSIINGGGG…….


CONNECTION FAILED.


Buset naman talaga oh! Magagalit na ang mga readers ko. =(


Kaya wala akong magawa kundi lumabas na lang at maghanap ng computer shop sa tabi tabi. Hindi kase ako lumalabas, nasa bahay lang ako at kaharap ang aking pinakamamahal na laptop. =)


May nahanap naman ako, hindi naman kalayuan sa bahay namin. Sumilip muna ako sa glass window nung Computer Shop.  May 10 computers lang sa loob nyon. Air-conditioned. Mukhang sosyalin itong shop ha.  Pero walang katao-tao, siguro dahil lunch time pa. Dun sa likod nung shop meron isang nakatayong bahay dun. Wow! Pang-mayaman.


“Mag-iinternet po ako. Tao po!” Sigaw ko.


“Here po. Sa number 2.” Sabi nung cute na batang babae.


“Okay.” Nakangiting sabi ko sa bata.


“Ilang oras po?”


“I-open time mo na lang.” Sabi ko at saka in-on na ang computer. Habang nagloloading hinarap ko yung bata na kasalukuyang naglalaro.


“Hi. Ikaw lang ba talaga ang tagabantay dito?”


“Hm. No po, kay Kuya ko po ito. Naliligo lang po sya.”


“Ahh.. O sige.” Yun na lang sinabi ko at saka. Nag-bukas na lang ako ng tab para makapag-internet. Dahil nga malamig sa loob ng shop at maganda ang ambiance dito ay nagpalipas-oras na lang ako dito. Nagsulat na lang ako ng story.  Busyng-busy. Dahil nasa climax na yung story. One-shot lang tong ginagawa ko. Dahil mabilis akong magtype natapos ko naman agad. Kaya cinlose button ko na….nang-isasave ko na sana may biglang…..


“UY! ANGINGAY NAMAN NG KEYBOARD MO! DI TULOY AKO MAKAPAG-CONCENTRATE DITO!” Sabi nung lalaking nasa Number 1 na computer.


“Ay! Sorry sorry. Tapos ko na rin ito, isesave----Ayyysssssh! Buset naman oh! Ikaw may kasalanan nito eh!” >.<


Na-exit yung Microsoft Word, dahil sa pagkagulat ko dun sa lalaking bardado na iyon. Napindot ko ang NO! Ayan tuloy,.. hindi na save! >.< Kainiss!  Almost 20 pages iyon e!


“Ano nangyari sayo?” Takang tanong nito.


“Dahil sayo! Hindi ko nasave yung tinatype kong story! Ibalik mo yun!” Isang maling sagot lang, kakainin ko tong napaka-gwapong-slash-antipatiko na nasa tabi ko.


“Sus, yun lang pala! Tabi nga dyan…” Tumayo ako at saka hinayaan syang pakialaman yung nirent kong computer. Mukhang may alam naman ito sa computer e.


Nakatayo lang ako dun sa tabi nya habang pinapanuod siya sa ginagawa nya. Ambango…hmm.


“Oh? Ano? Kumusta naman ang pabango ko?” Naka-smirked na sabi nya. Nagroll eyes na lang ako dun. >.<


“Bilisan mo ng dyan, ako na muna gagamit nitong number 1 para di naman masayang yung time ko.” Naiinis na sabi ko….pero may halong kilig din.


Naglalaro sya ng tetris. Ano ba toh? Lagi kong naririnig ito pero hindi ko naman nilalaro. Masubukan nga.


WOW! Rank 100 na sya. Ayun, nilaro laro ko sya. Lagi na lang akong talo. Napapansin ko na lang na parang nababawasan ng kulay yung mga stars.


“Asus… Hindi marunong.” Narinig kong sabi ni Daniel, iyon yung nakita kong name sa tetris e.


Bigla na lang umupo si Daniel sa tabi ko at tinuruan nya akong laruin yung tetris.

^/////^


Ang lapit namin…Naamoy ko yung pabango niya at nakikita ko yung napakagwapo nyang face.


“Oh, ayan. Itry mo ulit.” Narinig kong sabi nito.


“Ah… h-ehe.” Wala kasi akong naintindihan eh. Nakakadistract ang kagwapuhan niya e. >_<


Tinry ko na lang habang naka-akbay siya saken este dun sa back ng chair ko. Sorry, feeler lang ako. XD



“Tssss. Wala pa ring nangyari. Dun ka na lang nga. Gumawa ka na lang ng story mas magaling ka dun.” Sabi nya. Eh…talaga namang magaling akong magsulat ng story eh.


Tumayo na lang ako dun at lumipat dun sa computer #2.


Nga pala….Fan ko rin siguro itong si Daniel. Alam kasi nyang magaling akong magsulat e.


Eh? O______O

Eh?!

Paano nya nalaman? Wala namang nakakaalam na ako si ‘MagandangNilalang’ ha?


“Oy! Daniel! Pano mo nalaman na writer ako? Ha?”


“Nabasa ko dun sa pinapabalik mong tinaype mo. Tsss. At ikaw naman, pano mo ko nakilala?”


“Ah, nakita ko dun sa tetris.” Taas noong sabi ko.


“Okay, ikaw pala si mysterious… ‘MagandangNilalang’ . Fan ka ng sister ko.”Sabi nya habang nakatingin saken.


“Weh? PG13 mga story ko ha.”


“Hindi naman yung nagbantay dito kanina yung ate ko.”


“Ah…”


“Wait. Tawagin ko lang.”


“NO!”


“A-ah… Why?”


“Ayoko. Secret lang na ako si ‘MagandangNilalang’ ! Kaya please lang, just….just shut up your mouth.” Sabi ko at saka inaapan siya. Inuloy ko na lang yung ginagawa ko kanina.


“K.”


Medyo nagka-ilangan kami. Pero medyo nabawasan kasi may mga estudyante ng nagcomputer. Mostly girls sila…Hindi lang nagcocomputer ang habol nila dito pati na rin ang pakikipag-flirt. Ito yata yung sinasabi nung cute na bata kanina na may-ari dito sa shop e. Ito siguro yung kuya nya. Nung natapos na akong magreply sa mga messages saken.


Lumapit na ako dun kay Daniel.


“Close Time na.” Mataray na sabi ko.


“Osya, ingat na lang.” Nakangiting sabi nya.  Ang gwapo…


“Magkano po yung bayad?” Tsss. Kakalimutan pa yata na hindi ako nagbayad,.


“Wag na, libre na lang. Basta ikaw.” Bolero. ^/////^


“Hindi, magkano nga babayaran ko na lng.”


“Php. 85.00, five and a half hours.”


“Okay.”  Kumuha ako ng pera sa pocket ko. At inabot ko sakanya.


“Oh.” Pero hindi pa rin niya kinukuha. Tinitingnan lang nya.


“Kulang, 50 peso bill lang yan.” Ay! Shet! 50 lang pala yung nadala kong pera.  Balak ko talagang 2 oras lang ako e.


“AH.. Hehe. Balik ko na lang kaya yung 35.” Nagpapacute kong sabi. Sana lang gumana.


“Hatid na kita…” Huh?


“Ah.. B-Bakit?”


“Gabi na, delikado naman kung mag-isa kang maglalakad dyan alam mo naman dito sa lugar naten. At saka para mabayaran mo na rin yung kulang mo.” At saka sya umiwas ng tingin.


“O-Okay…” Ngumiti na lang ako ng pilit.


“Ate, kaw na muna bahala dito.” Sabi nya dun sa maputing girl.


---

“Magcacar ka pa? Wag na, sayang. Maglakad na lang tayo.” Sabi ko.


“Weh? Sayang daw… Gusto mo lang akong makasama ng matagal eh.” Pang-aasar nito.


“Tsss. Tara mag-jet na lang tayo. Para mas mabilis.”


“Hahaha! Tara na nga!” Natatawang sabi nya at saka hinawakan nya ako sa kamay. WEW! Holding hands under the moonlight. XD


Hinayaan ko na lang….masarap kase sa pakiramdam yung hawak nya ang kamay ko.


“Nandito na tayo.” Bigla nyang sabi.




“Ah. Oo. Thanks Daniel!” Nakangiting sabi ko.


“Wala yun.” Nagbablush sya? ^___^ How cute…


“Hehe. Pano mo nga pala nalaman ang bahay ko?” Nagtataka lang ako, ngayon ko lang kase nakita itong si Daniel. Hindi nga kasi ako lumalabas ng bahay.


“N-nakita lang kita minsan ng mapadaan ako minsan dito.”


“Okay. Good night!” Sabi ko.


“Good Night.”


“Daniel… Hawak mo pa rin yung kamay ko.” Nahihiyang sabi ko.


“Sorry, sorry. Hindi ko maiwasan eh.” Sabi niya at nagtwinkle ang eyes niya. Tumango na lang ako sakanya.


O.O


Hinalikan nya ako sa cheeks???  O/////O




“Good Night, ‘MagandangNilalang’…”


---

Yun na ang naging simula ng friendship namin. One week ding sira ang web connection ko non kaya araw araw na lang ako nasa computer shop nya habang wala pang class. Pero nung nagstart na ang class every Saturday’s na lang ako nakakapunta. Running for cum laude kase ako kaya pinagbabawalan akong maglakwatsya kapag weekdays. Pero kapag wala ng school works, nirereplyan ko si DJ. DJ pala yung tawag nila sakanya. Hehe. Sabi ng ate nya ako lang daw ang nagtatangkang tumawag kay DJ ng ‘Daniel’ , ayaw daw kase nyang tinatawag ng ganon, nagagalit siya. Kaya nga nagtaka si Ate kung bakit hindi man daw nagagalit si DJ kinikilig pa daw siya. =D


Parang MU kami ni DJ, hindi sya pormal na nanliligaw pero alam kong nagcacare sya for me.


“Kath! Kath! Tumawag si Roanna,….may…may nangyari daw kay DJ..” Nag-aalalang sabi ni Kuya. Pagkasabi nyang yon. Bigla na lang akong tumakbo papunta sa computer shop nila.


Nakabukas ito, walang tao…


Biglang bumukas ang lahat ng mga computer…Natakot ako. Tatakbo na lang sana ako ng biglang may lumabas na picture namin ni DJ sa mga computer. Isang presentation iyon.



(Paniwalaan Mo sang by Daniel Padilla--- > PLAY )



Pag-ibig ko sayo’y totoo

Ni walang halong biro
Kaya sana’y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kong ito

<3


Walang ibang mamahalin

Kundi ikaw lamang giliw
Kaya sana’y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kong ito


O_O



Sa aking buhay ay walang kapantay
Aking pagmamahal, asahan mong tunay




Isang slideshow yun ng mga pictures namin ni DJ. Kahit mga one month pa lang kami magkakilala ni DJ, marami na kaming pinagsamahan. Lagi kaming nagpipicture-picture sa web cam kapag wala masyadong tao sa computer shop.


Anong nangyari kay DJ?


Nang matapos yung kanta natapos na rin yung huling picture pero may lumabas na text sa slide show, saying…..




“CAN YOU BE MY GIRL? FOREVER?” Sabi ni…. DJ?


“Alam mo bang napakasaya ko ng pumunta ka non sa shop namin? Matagal na kitang nakikita dito sa village, matagal na kitang gustong makasama….at matagal na kitang mahal. Kaso parang hindi mo naman ako napapansin. Kaya gumawa ako ng paraan. Sorry ha? Pero humiling ako sa Kuya mo na, sirain muna yung conection ng laptop mo, para maisipan mo namang magcomputer dito sa computer shop namin. Paniwalaan mo sana na mahal na mahal kita…”


Niyakap ko na lang bigla si DJ.


“Akala ko kung ano ng nangyari sayo…” Naiyak na lang ako bigla. Tapos nakita ko sina tita at sina mama sa labas na nakangiti.


“Ano yung sagot mo Kath?” Kinakabahang tanong nito.


“Oo na.” Nakangiting sabi ko.


“Forever?”


“And ever…” Nagkangitian kami at hinalikan niya ako sa lips…. In front of my parents.


“I love you…DJ.”


“Ehem…ehem.. Hindi pa kayo kasal.” Pang-aasar ni Papa. XD









Natawa na lang kami. Nagkaroon ng maliit na celebration dito mismo….Kung saan nagsimula ang aming COMPUTER SHOP-LOVE STORY….


---     


 Makakattulong ng marami ang mga feedbacks nyo. Salamat! :*

2 comments:

  1. ang gondo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! hwooooooooooooaaaaaaaaaaaaah! kinilig me!!!!!! super tlga!!!

    ReplyDelete
  2. hahaha..kakiligs..
    >aj..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^