Saturday, January 5, 2013

Crazy Love Story: Update 44//

Crazy Love Story
By: InnocentPen

Update 44//


KATH’s POV


After a week…


“Baby, itatanong ko sana…bakit biglaan kang nagyayang magbakasyon?” Tanong ni mama.
“Wala naman ‘ma, na-miss ko lang toh.”I sighed. Hindi ko kayang sabihin sakanila yung nangyari.
Hinawakan ni mama ang mga kamay ko, “Baby….basta nandito lang ako ha? Kung kaya mo ng sabihin ang problema mo….makikinig ako.” She’s so sincere.
Hindi ko na napigilan kaya napayakap ako kay mama….at umiyak for the n’th time.

“Ma….ang sakit.”
“Shhhh, baby.”
After kong madiscover yung tungkol sa kamukha ko, umalis lang ako sa bahay nina DJ, hindi na ako nagpaalam. Pagkauwi ko, nagyaya akong magbakasyon dun sa resthouse namin sa subic. Hindi ko kasi alam kung paano ko haharapin si DJ…sila ng barkada. Puro sila kasinungalingan, ang galing galing nilang magtago ng mga sikreto.
“Ma….ang sakit palang magmahal noh? Hindi kinakaya ng powers ko.” I tried to joke but I failed.
***

“Babyyy Kathh…welcome back!”
“Kaaathh, sabi ni prof nagbakasyon ka daw? Whereee?”
“Kaathhh. I miss yooou!”
“Babyy Kathh! Magreview ka sa English, may quiz tayo.” >_<
Nginitian ko lang silang lahat, ang daming bumabati, nangangamusta sa’kin. One week ba naman akong mawala, talagang maraming makaka-miss sa’kin. Pagkadating ko sa seat ko, umupo at yumuko ako agad.
“Beh, saan ka galing?”—Julia. Hindi ko siya sinagot.
“….”
“Uyy, Kath.”
“….”
“Kumusta bakasyon? Saan kayo nagbakasyon? Bakit hindi mo naman kami sinama?”
Talagang balak nilang itago sa’kin lahat. Galing! *clap clap* Tsk!
“Uyy, Kath. Pansinin mo naman ako oh. Tulog ka ba—“

“PWEDE BA?! TIGILAN NIYO MUNA AKO HA?! UMALIS KA MUNA SA HARAPAN KO! PLEASE!!!”Sinigawan ko siya dahil sa sobrang galit, sakit, inis, lungkot….hindi ko na maintindihan kung ano ang nararamdaman ko.
Alam naman natin kung anong ugali ni Julia, mahina siya kaya sobrang natakot siya. Nagpa-sorry ito at saka umalis. Sa sobrang inis ko, napasabunot ako sa buhok ko. Akala ko ba, ready ka na kath? Kailan ka ba magiging ready?
Alam kong nakatingin lahat sa’kin ang mga ka-blockmates ko. May mga natakot din, nagulat, naawa kay Julia, nainis sa’kin, may mga naawa din saakin dahil siguro sa itsura ko. But I don’t care.
Whole day wala akong ginawa kundi umubob sa desk ko, kapag may tumatawag sakin mapa-profs or classmates….hindi ko sila pinapansin. Hindi ko rin alam kung bumalik si Julia, at wala akong pakialam. Kahit nga nung lunch break di ako umalis sa pwesto ko. Basta ang alam ko lang ngayon….galit ako.
“Ms. Espiritu, I’m asking you! Can you get up?!” Sino bang professor ‘toh? Kung makasigaw ah. >_<
Hindi ko na lang ulit pinansin.
“Ms. Espiritu…may problema ka ba?” Narinig ko yung isa pang prof, ilang prof ba ang nandito ngayon? Tsss.
“Gusto mo bang umuwi muna, Kath? May masakit ba sayo?”….oo, sa puso..
Tumingin ako sakanila, actually sa prof lang na huling nagsalita. Favorite prof ko toh.
“Ayos lang po ako, don’t mind me.”
“Are you sure?”—Prof1
“….”
“Gusto mo bang pumunta muna sa clinic?”—Prof2
“…”
“Bibigyan ko siya ng pass, i-uuwi ko siya…paki-inform na lang ang mga susunod na profs niyo.” Sabi ni Prof3 sa class.
“Ma’am Furton, ayaw ko pa pong umuwi. Pwede bang dito na lang muna ako sa school? Sa clinic?”
“SIgurado ka ba?” Tumango ako, “Sige, hated na kita—“
“Thanks, pero kaya ko na po. Salamat na lang po.” Tumayo ako at saka inayos na yung gamit ko na hindi naman nagalaw. Bago ako lumabas nag-smile muna ako kay Ms. Furton.

**

“Kaathyyyyy!”
Oh, great. Hindi talaga pala-sumbong si Julia. Ang lakas din naman kasi ng loob ng apat na toh para tawagin pa ako. EJ, Kiray, Luis, and Agnes. Sucks!
“I miss you, Kath.” Nakipag-beso pa sa’kin si EJ. Tahimik lang ako habang nakatingin sakanila.
“Uy! Tahimik natin ha? Anong meron?”
“Manahimik ka daw Kiray, magigising ang mga Lizards!” –EJ
“Weh? May lizards ba dito sa garden?”
“Oo kaya! Yung malaki!”
“Wala kaya!”-Kiray
“Meron kaya! Ayun oh!” May itinuro si EJ, isang crocodile na statue. Tsss. Kalokohan.
“Ay! Oo nga noh? Kalahi na pala ng crocodile ang mga lizards.”Ay! Tangang si Kiray.
“Oo naman, matagal na.” Napa-iling na lang ako sakanila.
“So, kath…kumusta?” Tumingin ako kay Agnes, base sa mga nakita kong pictures…si Agnes siguro ang pinaka-close nung Babaeng kamukha, sila lagi ang magkatabi sa mga group pictures eh. Halata ngayon sakanya ang pagka-uneasy.
Tumayo ako sa pagkaka-upo ko dun sa may malaking bato sa garden at naglakad palayo. Rude ba masyado? I don’t care and it’s not my fault…theirs.
“Nice talking Kath!”—Narinig kong sabi ni Luis.
“Shh. Shut up.”Saway dito ni Agnes. Alam kong may alam na si Agnes sa nangyayari.
Pumunta ako sa may back gate, may iilang bench dun kaya dun na muna ako umupo. Wala naman akong magawa. Kinuha ko yung headset and iPhone ko para magpa-sound. Pumikit ako after that, may araw pa nun kaya mainit pero hindi ko naman ramdam dahil pumwesto ako dun sa bench na nasa tabi ng puno.
*tsup*
Napamulat akong may biglang humalik sa akin. Si DJ…


“Kathmylabs! Ang tagal mong nawala. Ni hindi ka man nagpaalam. *pouts*
DJ….bakit ang galing mong um-acting? Hindi mo pa ba napapansin na alam ko na? Hindi mo ba nakita yung mga albums mo na pinakialaman ko?

“DJ.”

“Yep?” Tugon nito at sabay sandal sa shoulder ko.
“Bakit ganyan ka? Bakit ang hilig mong saktan ako?” Alam kong nagulat siya, na-feel ko kasing natigilan siya dahil sa sinabi ko.
“H-huh? H-h..hindi ko gets.” Humarap na siya ulit sa’kin.

“Hindi mo ba nakita yung mga albums mo sa room mo? Diba nagalaw yung mga yon? Hindi ka ba nagtaka kung bakit bigla na lang ako umalis ng bahay niyo ng walang pasabi? Hindi ka ba nagtaka kung bakit bigla na lang akong nawala ng one week nang hindi nagpapaalam sayo?”
“Kath…” Sinusubukan niyang punasan ang mga tumulong luha sa mga mata ko. Pero umiwas lang ako.

“DJ….sino yung babae sa mga pictures na kamukhang kamukha ko?” Straight to the point na tanong ko, gusto ko na talaga malaman ang totoo.

“Si Teebeh.” Teebeh? Anong lahi nun? Unique ng name ha.


“Ka-ano ano mo siya?”


“Siya yung first love at first girlfriend ko.”


“Mahal mo pa ba siya?”

“T-talaga bang gusto mong sagutin ko yan?”—Malungkot ang mga mata nito. Nasan na ba si Teebeh? Anong nangyari sakanya?”

“Sagutin mo na lang!”

“O-oo! Mahal ko pa siya.”
Nanlamig ang buong katawan ko, ang sakit. Tama nga ako. Imposible naman kasing nagka-Amnesia ako. Haha, kung may amnesia ako, bakit hindi man lang sumakit ang ulo ko nung nakita ko yung mga pictures? At saka kung nagka-amnesia ako, wala akong matatandaan sa childhood years ko, pero meron…may mga naging kaibigan ako dati…at kakilala ko pa sila hanggang ngayon, hindi sila ang Barkada.
“Last question, minahal mo ba ako? O minahal mo ako dahil pinipilit mo lang ang sarili mo dahil nga kamukha ko siya?” Pinipilit kong hindi umiyak pero hindi ko kaya lalo na nung narinig ko ang sagot niya.
“Oo, siya lang ang minahal ko.” Nakangiting sabi ni DJ habang nakatingin sa kawalan. Mukhang inaalala niya si Teebeh.

“Ang sakit…DJ. Alam mo ba yun? Kasi akala ko mahal mo ako, ang galing mo! I salute you! BAKIT BA LAGI MO NA LANG AKONG SINASAKTAN HA? MAY KASUNOD PA BA TOH?!” Inilabas ko lahat ng sama ng loob ko. Kulang pa yun, madami pa akong gustong sabihin, madaming-madami pa.
“Sorry…”

“SORRY?! SORRY LANG?! NASAAN NA BA ANG TEEBEH NA IYAN HA?! HAHAHA! BAKA NAMATAY NA?! NAMATAY NA SIYA NOH?!” Hindi ko na talaga alam ang ga lumalabas sa bibig ko. Basta gusto kong sumigaw para hindi ako magmukhang weak…kahit na mukha na akong weak, dahil sa mga pesteng luhang toh.
Tumayo ito. Bakas sa mukha nito ang galit…sobrang galit.

“Wala kang karapatan na sabihin iyan! Hindi mo naman siya kakilala!!” Sigaw nito sakin at saka na umalis.
I left dumbfounded. </3
--

(This was original posted at 
http://www.wattpad.com/story/1145695-crazy-love-story-kathniel)




©InnocentPen 2012-All Rights Reserved

>>> CHAPTER 45 HERE



Crazy Love Story | Prologue | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 |


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^