Crazy
Love Story
By:
InnocentPen
Update 53//
DJ’s POV
I keep on thinking the reason why
Kath acted like that last time for four days. Kakilala ba niya si Kuya TJ?
Bakit parang natakot siya nito? Tapos ayaw pa niya akong kausapin. Binigyan ko
siya ng time but now hindi na ako makapag-hintay kaya nandito ako sa bahay nila
ngayon.
“Good evening po.” Binati ko ang
parents ni Kath.
“DJ…” Hinawakan ako ni Tita sa kamay
then she said, “She already knew…”
Nung una hindi talaga ako
makapaniwala, parang nagi-guilty ako pero masaya. Kasi ineexpect ko na sana maibalik
yung dating kami, yung wala akong itinatago sakanya sa oras na magkasama kami.
Kahit kasi gustung-gusto ko ng sabihin sakanya ang totoong nangyayari pero
hindi pwede, agree naman ako sa inuutos nina tita, baka nga makasama iyon
sakanya.
“T-talaga po?” Hindi ko na talaga naitago
ang saya ko, “Pwede ko po ba siyang makita??”
“I think…kailangan muna natin siyang
hintayin na maging fully recovered. Mahirap na kasi baka mag-away lang kayo.
Ang sabi niya kailangan pa daw niya ng time na makapag-isip isip muna para mas
maintindihan niya ang mga nangyayari kaya nga naisipan niyang—“ Hindi naituloy
ni tita ang sasabihin niya ng biglang dumating si…Kath.
“Ma, mas maganda po kung ako na lang
ang magsasabi.” Lumapit naman si Tita kay Kath at hinalikan sa may noo.
Pagkatapos non umalis din sina tita at naiwan na lang kami ni Kath. Mukang
stressed na stressed siya pero ang ganda pa rin.
“Kath, I miss you…” Niyakap ko siya
pero parang bato lang siya na nakatayo sa harapan ko, “Kath?”
“DJ..si TJ..ang kuya mo. S-siya ang
nagtangkang p-patayin ako.” Hirap na hirap siyang sabihin sa akin yun.
Hinihintay ko ang salitang ‘joke’ kaso wala, at base naman sa reaksyon niya,
she really meant it.
Si TJ? Pano naging siya?
“S-seryoso ba yan? Pero…bakit? Bakit
naman gagawin yun ni K-kuya?” Kahit naman sinong tao ang mauutal kapag
malalaman niyong ang mismong kuya mo pala ang dahilan ng pangungulila mo sa
taong mahal mo. Kahit ayaw kong pagbintangan si Kuya…kaso kelangan, naniniwala
ako kay Kath.
Napapansin ko din minsan ang mga
harsh words na naririnig ko sa kuya ko, and this..
“I came back to face the mistake I
made, eight years ago…”
Mukhang ito nga ang sinasabi ni Kuya.
Ang sabi niya aayusin niya ang mali niya pero paano? Paano niya sisimulan? Pero
ano ba talaga? Ano ba talagang ginawa ni Kuya? Siya ba ang nakabanggan ni Kath
?
“Tomorrow, 11:50 pm, sa may park ng
village.” Nakatingin lang ako sakanya, “May sasabihin ako.” Then she kissed my
cheek and go.
--
TJ’s POV
Alam ko ang iniisip ninyo, iniisip
niyong mamamatay tao ako. I admit, kasalanan ko lahat pero maniwala kayo na
hindi ko ginusto yon.
Kasalukuyang nasa loob na ako ng
Rehabilitation center…
Flashback
“I came here to ask about the crime
happened last eight years with Kathryn Espiritu. Pwede bang malaman ang totoong
nangyari?” I’m at the police station. Inabutan lang ako ng police in charge sa
mga folders ng mga crime ng isang newspaper.
( LOCAL NEWS:
Thirteen years old girl, committed a
suicide?
-Base sa imbestigasyon, ang batang babaeng ito ay nagmaneho ng isang
sasakyan (na hindi niya pag-aari) at nabangga sa isang puno. Nakuha pang dalhin
ang babae sa ospital pero hindi rin nagtagal ay namatay din ito. Walang taong
mismong nakakita sa insidente pero ayon sa nasabing imbestigasyon ay tunay na
aksidente lang ang nangyari. )
Pagkatapos kong basahin ang article
nagsalita ako habang may ibang inaayos ang police, “I’m Toby John Alcantara,
ako ang dahilan kung bakit naaksidente si Kathryn Espiritu.” Napatingin sa akin
ang police at tinawag ang isa pang police para siguro makakuha ng back up.
“Matagal ng tapos ang krimeng
sinasabi mo pero dahil sa biglang pag-aako mo ng kasalanan. Maaari mo bang
ikwento sa amin ang tunay na nangyari?” Sabi ng police na may hawak na
recorder.
Huminga lang ako ng malalim at saka
na nagkwento, “I’m only sixteen years old that time, may girlfriend ako na
bestfriend ni Kathryn Espiritu. Napapansin kong nawawalan na ng time ang
girlfriend ko saakin at napapansin ko ring si Kathryn ang lagi nitong kasama.
Dahil sa naiinis ako naisipan kong ipatapon si Kathryn sa ibang lugar, wala
akong balak na patayin siya dahil alam kong maraming masasaktan at isa na roon
ang younger brother ko na boyfriend ni Kathryn. Nagpanggap ako na ako ang
kapatid ko para sumama sa akin si Kathryn ng gabing iyon. My brother and I are
look alike, so Kath didn’t notice what I’m trying to do. Kaya naisipan kong
patulugin muna siya para mas mapadali baka kasi makahalata siya. Inuntog ko
siya sa isang matigas na bagay, nahilo nga siya. Then I continued driving, but
my conscience was killing me. Kaya hindi na ako naka-ilag sa isang puno. We
bumped at that tree , nakita kong duguan di Kathryn…sinisisi ko ang sarili ko
ang sabi ko kasi ilalayo ko lang siya para kapag wala na siya mababalik na ang
atensyon sa akin ng girlfriend ko pero hindi ko inaasahan na ganun ang
mangyayari. Nandilim na ang panigin ko that time kaya nang may nakita akong
isang car, binayaran ko siya para umalis gamit ang kotse ko at iwanan sa akin
ang kotseng gamit niya. Napapayag ko naman yung tao, ang ginawa ko isinakay ko si Kathryn dun sa
binayaran kong kotse at pinabangga ulit yun sa may puno. Ang tanga tanga ko,
hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Kaya ang lumabas na si Kath mismo ang
nagdadrive kaya nabangga siya, sinadya ko talagang iupo siya sa may driver’s
seat para hindi sila maghinala. Sa pagkakaalam namin namatay si Kathryn kaya
pagkatapos ng libing niya naglibot na ang sa ibang bansa para takasan at
mabawasan ang konsenyang nararamdaman ko. Pero nang hindi ko na makayanang
itago, I came back here to fix what I have done at dun ko nakita na hindi pala
napatay si Kathryn pero nagka-amnesia siya.”
“Handa akong makulong ng kahit ilang
years, pero sana kapag after kong maka-recover sa kung anumang sakit ko.
Ipapa-rehab ko ang sarili ko and after that I will be the one who will put
myself in jail.”
-end of flashback-
Natanggap ko na sa sarili ko na may
mali talaga sa pag-iisip ko, sino ba namang minor-de edad na gagawa ng krimen
na ganon? I’m not into drugs, pero alam kong may mali lang talaga sa akin. Bago
nila ako ikulong dito sa kwarto, nakausap ko pa ang parents ko and DJ, galit na
galit sakin si DJ pero he still manage na tiisin iyon. Kinuwento ko lahat lahat
sakanila then my parents apologizes about….
“Anak, We are sorry. Pero alam kong
bata ka palang ay may iba na sa pag-iisip mo. We know that you are genius pero
parang may mali. Then nun pina-check up ka namin, lumabas nga na nung times na
pinagbubuntis kita lagi akong naiistress. Hindi maayos ang relasyon namin ng
daddy mo noon kaya iyon ang naging cause kung bakit naging ganon ka. I’m sorry,
anak.”
Yun ang sinabi ni mommy. Hindi ko
alam na nag-aaway din pala sila ni daddy noon kasi nung pinanganak si DJ parang
hindi naman, they were so sweet. Pero siguro nga, hindi talaga maayos ang
relasyon nila ni dad dati nung ako ang ipinagbubuntis. Kaya nung ipinanganak
ako naging maayos ang relasyon nila at dumating nga si DJ non sa buhay namin.
I’m really glad na he’s my brother, pero hindi yata ako deserving maging kuya.
Yes, nagtataka siguro kayo kung sino
ang sinasabi kong bestfriend ni Kathryn na naging girlfriend ko. She’s Beatrice,
bestfriend ni Kath si Bea dati at sobrang close sila. Kung iisipin napakababaw
naman ng dahilan na iyon para makapatay pero alalahanin niyo na lang na ibang
ang naiisip ng mga taong may ibang mundo in short…na may sira sa pag-iisip.
Nahirapan akong aminin yon noon pero now naamin ko na.
My only wish for now
is….for everyone to move on.
--
(This was original posted
at http://www.wattpad.com/story/1145695-crazy-love-story-kathniel)
©InnocentPen
2012-All Rights Reserved
Crazy Love Story | Prologue | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 |
Nakita ko na rin to sa Wattpad .. Beautiful story !! :)
ReplyDelete