Tuesday, May 8, 2012

Crazy Love Story : Update 1//


Update 1//


KATHRYN POV



“Sige na, mama! Ibili mo na ako ng bagong phone! Nagsawa na ako dito sa iPhone 3 eh.”  Pangungulit ko sa mama ko.


“Baby, ibibili kita kung ipapasa mo ang test mo ngayon.”


“Ma, alam mo naman na hindi ko kaya iyon e! Ganito na lang kapag tumaas yung score ko.”


“Baby, nakakuha ka lang ng 15/100 sa last test niyo, kung hindi mo ipapasa iyon siguradong babagsak ka ngayon grading.”

“Ma, magaling naman ako pagdating sa oral recitation eh.”


“Baby, nangungulit ka lang naman sa mga teachers mo eh.”


“Ma naman eh, kahit konteng moral support naman sa katawan niyo. Paniwalaan niyo namang nagpa-participate ako sa class.” Nakalabing sabi ko.


“Ang kulit ng baby ko, basta hindi kita bibilhan ng bago.” Sabi ni mama.


Tsss… Wala na. period na yon. Final na! But I want a new phone…



*Ting* ~BRIGHT IDEA~  Ginaya ko lang yung sa showtime. =D


Kay Daddy na lang ako papabili.


And speaking of Daddy, ayan na siya may kausap sa phone.


“ Hello Daddy!” Bati ko dito.


“Wait, I’ll call you later…” Sabi nito sa kausap nito, for sure yung secretary niya.


Hello baby!” Nakangiting bati nito sa akin.



Sabi ko sa inyo eh, spoiled ako kay Daddy!



“Dad, can you buy me new phone?” Pakiusap ko.


“Why? Kabibili lang natin nung iPhone mo ha?”


“Nagsawa na ako dad…”


“Okay, do you want iPhone 4s?” Tanong ni Daddy.


“Sure…” Sagot ko.


“Okay, I will give it later. But for now, you need to go to school.” Sabi ni Daddy.


“Sure dad. Thank you… I love you dad!” Hinalikan ko na ito sa pisngi at tatakbo na sana ako palabas.


“Wait… nakalimutan mo na yata ako, Baby. Where’s my kiss?” Tila nagtatampong sabi ni mama.

I gave her a kiss on cheeks.


“Bye na! I love you ma!” Sigaw ko.


“Be good!” Pahabol na sigaw ni Daddy.



*SCHOOL*


*History Subject*


“Pano nga po nabuo ang Pilipinas?” Tanong ko sa History teacher namin.


“Ang layo naman ng tanong mo sa topic natin ngayon.” Sabi ng teacher.


“Pero Ms. Hindi ko pa kasi alam e.” Kinukulit ko na naman ang teacher namin.


“Marami kasing mga alamat na ginawa kung paano nabuo ang Pilipinas, isa na rito ang alamat ng mag-asawang higante. Noong unang panahon daw ang Pilipinas ay isa lamang mahabang kapuluan, dahil sa dalawang mag-asawang higante ay nagkahiwawalay ito na naging mga pulo.” Pagkukwento ng teacher.


“Eh, paano naman naghiwahiwalay? Anong ginawa ng mga higante?” Tanong ko. Sa ngayon, pareho na kaming nakatayo ni Ms.


“Nag-away daw ang mga ito dahil meron silang hindi napagkasunduan.”


“Ano naman kaya iyon?” Tanong ko ulit.


“Hindi kasi nila alam kung paano nila hahatiin ang kayamanan nila.”


“Saan naman po nila nakuha ang kayamanan na iyon?”


“Nanguha sila ng mga kabibe at nakakita sila ng perlas. Kaya kumuha pa sila ng maraming kabibe at hindi nagtagal dumami ang mga perlas na hawak nila.” Sagot ni Ms.


“Ahh. Tapos po?”


“Iyon ang kanilang pinag-awayan, dahil nga malalaki sila bawat padyak nila sa kanilang mga paa dahil sa galit ay yumayanig ang mga lupa, at doon na nahati-hati ang mga kapuluan ng Pilipinas.” Kwento pa ni Ms.



“Ahhh…Ganon pala. Kaya dapat wag natin galitin ang mga higante. Diba Ms?”


“Oo.” Tipid  na sagot nito.


“Kaya class, hwag niyong gagalitin si Ralph baka tuluyan ng gumuho ang mundo.” Biro ko sa kaklasi naming mataba.


“HAHAHAHAHA!” Tawanan naman ng mga kaklasi ko.



“Quiet na class.” Saway ng natatawa naming guro.


“Hindi kasama sa lesson natin ang alamat ng pilipinas. Kaya balik tayo sa ating lesson for today----.”



*KRIIINNNGGG*  School Bell.



“Hi Ma’am. Good day po.” Pagpapaalam ko sa teacher namin.



Talagang sinadya kong ibahin ang lesson namin, boring kasi nun eh.



“Nice one…Kyla! Hahaha. Funny ka talaga!” Puri ng kaklasi ko.


“Excuse me, but do I know you?” Mataray na tanong ko sito. Wala lang! Trip ko lang.


“Tsss….Ayaw na ayaw mo talagang pinagsasabihan ng funny ka. “ Sabi pa nito.


Yes, tama ito. Ayokong pinagsasabihang nakakatawa ako. Mas gusto kong marinig na makulit ako.
Ewan nga kung bakit. Trip ko lang! =D


     
       
        Ako nga pala si Kathryn Espiritu. Para sa akin maganda ako, pero sabi nila cute naman daw. Tapos tingin ko maldita ako, sabi naman nila mabait ako. Sabi ko boring ako kasama sabi naman nila nakaka-enjoy daw akong kasama. Pero sa tingin ko tatlong adjective lang ang maide-describe ko sa sarili ko na a-agree ang mga tao sa paligid ko. Iyo ang…


Makulit ako.


Napaka-kulit ko,


At ako ang pinaka-makulit.



Diba? Pati kayo nag-agree… =D

Wala pa yatang nakakaligtas dito sa mga mata ko. Lahat ng gusto kong pagtripan. Pinagtitripan ko.


Kahit sino.

Kahit kailan, kahit saan. …. Alam kong ako’y patungo… sa marami pang tagumpay. Sa isang pangarap ako’y naniniwala. (Wala lang. Trip ko lang i-share ang kantang ito. Idol ko si Angeline Quinto eh. Bakit? Ewan, trip ko lang.)


‘Ewan, trip ko lang’ Ayan ang script ko lagi.


Para saken, isang malaking TRIP lang ang mundo. Enjoy ka lang.



Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong 3rd year college na ako? Edi wag kayong maniwala. 1st year college pa lang naman ako eh. Hahaha!


1st year college pa lang ako  sa Wonderstruck University . I’m taking mass communication.

Tingin ko, hindi pa ang course na iyan ang gusto ko. Trip ko lang yan eh.



“Ang gwapo naman talaga noh?”

“Mukha pang matalino.”

“Mukhang mabango.”

“At malinis…”


Bulong-bulungan ng mga kaklasi ko, dahil dun sa dumaan na male student.
Matagal ko na ring nakikita iyon. Oo, gwapo siya. Pero snob, lalo na sa mga girls.


“Hey, malakas naman ang loob mo diba? Itanong mo naman kung may girlfriend na siya. Please…”


“Ayoko nga. I don’t talk to strangers. Ang who are you by the way?”


“Seatmate mo ko, hello? Sige na ililibre kita ng lunch mamaya.”


“Mayaman ako.” Sabi ko naman.

“Edi tutulungan kita sa test later.”



“Deal!” Mabilis na sang-ayon ko.




“Hey! You! Lalaking gwapo!” Malakas na tawag ko sa lalaki.


“Uy! Lalaking hindi namamansin!” Hindi pa rin tumitigil sa paglalakad.


“Uy, yung underwear mo nalaglag!” Sigaw ko parin. Wala, deadma pa rin.


“LALAKING PANGIT!!!” Malakas na sigaw ko.


Ay! Sa wakas lumingon din ang bruho.



“Ako ba ang tinatawag mo?” Masungit na tanong nito.


“A-ah…Y-Yeah.” Ang gwapo nga talaga! Underwear ko ata ang nalaglag!


“Bakit?” Naka-kunot noong tanong nito.



“May girlfriend ka ba?” Tanong ko.


“Mag-aaply ka ba?” Nakangiting tanong nito.



“Ohmmyyy…”

“Ang gwapo niyang nakangiti”

“Ilang taon na ako dito sa university, ngayon ko lang nakitang ngumiti ito.”

“Mamatay na yata ako.”

“He’s my angel.”

Hindi ko rin inaasahang ngingiti ito. Super gwapo nga.



“H-Hindi ah! Gusto ko lang itanong.” Sabi ko pa. nauutal ako dahil hindi ko namalayang nakalapit na pala ito sa akin.


“Bakit mo namang naisipang itanong?” Tanong nito at hindi pa rin inaalis ang magandang ngiti nito.


“Ewan, trip ko lang.” Sabi ko at saka tumalikod na.



Wew! Bakit ba kasi ganon siya kagwapo? Baka ma-inlove na ako kay… ano nga pala ang pangalan nito?



“Uy! Lalaking pangit! Ano nga palang pangalan mo?” Tanong ko ulit dito buti na lang hindi pa ito nakakalayo.


“You’re free to call me DJ.” Nakingiting sabi nito.


“Okay!”


“Bakit mo natanong?”


“Ewan, trip ko lang.” Sabi ko na naman. Umalis na lang talaga ako.





DJ…DJ…DJ…DJ….DJ…DJ…DJ


Iyan lang ang naiisip ko habang nagtetest kami. Buti na lang pinakopya ako ng seatmate ko. Hahaha! Wise ito, man! =D


Kapag nakapasa pa ako dito sa test na ito. Bibilhan ako ni mama ng new phone. Edi dalawa na ang bago kong phone.


1 comment:

  1. nice! ayun nakapag-post na siya! pero sis next time wag mong kalimutan gumamit ng JUMPBREAK sa next post mo ha.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^