Wednesday, May 9, 2012

Crazy Love Story : Update 6//


 Crazy Love Story


Update 6//

KATH POV

“Ano ba?!  Tumingin nga kayo sa dinadaanan niyo.” Galit na sabi nung babaeng  masungit. May nakabangga yata sakanya.

“Sorry po, Ms. B-Beatrice.” Takot na sabi ng kawawang babae.

“Tumingin ka sa dinaraan mo, baka sa susunod iba ang mabangga mo. Kawawa ka.” Sabi nung masungit na babae. Tingin ko mabait ito. Kukulitin ko nga. 

“Hi!” Nakangiting bati ko dun sa suplada. Umupo ako sa tabi nito. Nasa cafeteria kami.

Tiningnan lang ako nung babae at saka bahagyang tumango.

“Anong pangalan mo?” Tanong ko.

“Hindi mo ba narinig yung sinabi nung babae kanina? At saka bakit mo ko kinakausap?” Supladang sabi ni Bea.

“Rinig ko, kaso lang hindi masyadong malinaw. Mukhang takot sayo.”

“Eh, ikaw ba natatakot ka saken?”

“Bakit naman ako matatakot sayo?”

“Bahala ka sa buhay mo, aalis nako.” Aalis na sana toh, ng hinawakan ko yung arm niya. Akala mo ha? Makakatakas ka. Bleeh! :P

“”Hwag muna mag kwentuhan---.”

“Ano ba!” mariing sabi nito at saka pilit na inaalis yung pagkakahawak ko sa kamay niya. Hindi niya maalis kaya, itinulak niya ako. Malakasito kaya tumilapo ako. Ang liit ko pa naman kumpara dito. Pero arOUCH! :”(

“Ikaw naman, para lang makikipag-usap sayo. Tss… Pasalamat ka nga may gusto pang makipag-kaibigan sayo.” Tila nagtatampong sabi ko. Mukhang nagulat naman si Bea.

“Ikaw naman ang may kasalanan! Sinabi ko na sayong ayaw kong makipagkaibigan!” Pasigaw na sabi nito.

“Hmm…Wala ka namang sinabing ayaw mong makipagkaibigan sakin ha?” Sabi ko habang nasa sahig pa, hindi ako makatayo. Ang lakas talaga ng pagkaka-upo ko. Parang naflat yung pwet ko. ^^

“Ang kulit mo rin noh?!”

“Oo, matagal ko ng alam, ngayon mo lang nalaman?” Biro ko.

“Isa pa, sasampalin kita.”

“Weh? Kaya mong sampalin ang baby face na toh?” Pagbibiro ko ulit.

“Nasasayang oras ko dito, makaalis na nga.” Akmang aalis ito ng, kumapit ako sa paa nito kaya hindi pa rin ito makaalis.

“Ang kulit mo talaga! Pakawalan mo nga ak o!” nagsisigaw na ito.

“Papadyakin kita!”

“Papadyakin talaga kita!” Mukhang gagawin talaga nito. Bigla ako natakot kaya napabitaw ako dito. Pero mas natakot ako dahil talagang papadyakin na niya ako.

1…
2…
3…
4…
5…
6…

Hindi ko pa rin nararamdaman yunng padyak nito, nakapikit lang ako.


“SUBUKAN MO SIYANG SAKTAN!  TINGNAN NA LANG NATIN KUNG ANONG MAPAPALA MO!” Sigaw ng isang guy. OMG! Si DJ yun. +.+

Itinayo niya ako at biglang niyakap.

“Hwag ka na kasing mangulit, baka kung mapano ka.” Malambing na sabi nito. Kinikilig ako. Dugdugdugdug… Ano na naman yun?

“Gusto ko lang naman makipagkaibigan dun.” Nakalabing sabi ko.

“Ayyiiiiieeeh!” Panunukso ng mga nakakakita sa amin. Humiwalay naman ako dito. Kahiya eh! Meron din pala ako nun?

“DJ, ikaw pala. Ingatan mo na iyang jowa mo, baka kung ano na namang mangyari. By the way, pakikumusta na lang ang kuya TJ mo, ha?” Sabi ni Bea kay DJ. Kakilala niya si DJ? Magkakilala sila?

“Sige, Sa susunod hwag mo ng sasaktan toh. Ako makakalaban mo.” Mariing sabi ni DJ.

“Magka-ugali talaga kayo ng Kuya mo, pakisabi rin dun sa kalugong iyon. Hwag na siya tumigil sa paglilibot sa buong mundo  basta hwag na siya babalik dito.” Sabi nito at saka na umalis.

“Magkakilala kayo?” tanong ko kay DJ. Nakaupo na kami sa mga upuan sa cafeteria.

“Ah, oo. Ex-boyfriend ni kuya.” Sabi nito.

“Ow… Bakit galit siya?”

“Ewan, pero sa pagkakaalam ko naloko siya ng Kuya ko. Pero matagal na iyon, pero tingin ko may feelings pa si Kuya ka Bea.” Pagkukwento nito.

“Pano mo naman nasabi?”

“Ayaw kasi niyang bumalik sa Pilipinas, nalulungkot siya sa pag-break nila ni Ate Bea.”

“Huh? Akala ko niloko niya si Ate bea mo?”

“Ewan nga e. Ang gulo ng kwento nila. Hindi naman pala-kwento si Kuya.”

“Ahh… Salamat pala ah.” Nakangiting sabi ko.

“Okay lang, hwag mo kasing buruin iyon. Hindi naman ganyan iyan dati, naging bad girl lang ang dating ng magkahiwalay sila ni kuya.”

“Ah. Tingin ko kasi mabait iyon.” Sabi ko.

“Mabait naman iyon, dati. Takot nga silang lahat.”

“Oo nga. Ba’t ka pala nandito?”

“Wala lang, gusto lang kitang makita.” Nakangiting sabi nito.

“Sus… hahaha. Kinikilig naman ako.”

“Hahaha! Ang cute mo talaga kaya nga gusto kita eh!” Natutuwang sabi ni DJ at saka kinurot pa ang pisngi ko.


A-ano daw? Gusto niya ako?


DJ POV  [Minsan lang ito. Haha xD]


“Hahaha! Ang cute mo talaga kaya nga gusto kita eh!” hindi ko alam kung bakit nasabi ko yun.

Natulala ito.

“kath?”

“Kath? Ayos ka lang?”

“Uy! Kath!” Nagising naman ang diwa nito.

“A-ahm… Anon nga yung sinabi mo?”

“Ang cute cute mo…sabi ko.”

“Hindi, yung kasunod nun.”

“Ano dun?” Tanong ko..

“Yung ano mo ko.”

“Huh?” =)

“Eeeh! DJ naman eh!”

“Haha! Oo na nga. Gusto kita.” Sabi ko. Totoo naman, kaya nga nung una ko siya nakita ngumiti ako. Parang pinakulay niya ang buhay ko tulad ng dati. Yung dati..

“Totoo?”

“Ayaw mo?”

“Gusto ko.” Masayang sabi niya.

“So? Ano na?” Tanong ko.

“Hm? Anong ano na?” Tanong nito. Kinikilig siya. Hwag kang mag-alala. Ako rinnaman.

“Tayo na?” Lakas loob na sabi ko.

“Sige… Tara na, TAYO na tayo.” Sabi nito at saka itinayo niya ako.



Ha? Tatayo kami? Pero…ang itinanong ko. Kung kami na.

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^