Tuesday, January 22, 2013

Crazy Love Story: Update 53//


Crazy Love Story

By: InnocentPen


 Update 53//


DJ’s POV




I keep on thinking the reason why Kath acted like that last time for four days. Kakilala ba niya si Kuya TJ? Bakit parang natakot siya nito? Tapos ayaw pa niya akong kausapin. Binigyan ko siya ng time but now hindi na ako makapag-hintay kaya nandito ako sa bahay nila ngayon.


“Good evening po.” Binati ko ang parents ni Kath.
“DJ…” Hinawakan ako ni Tita sa kamay then she said, “She already knew…”

Nung una hindi talaga ako makapaniwala, parang nagi-guilty ako pero masaya. Kasi ineexpect ko na sana maibalik yung dating kami, yung wala akong itinatago sakanya sa oras na magkasama kami. Kahit kasi gustung-gusto ko ng sabihin sakanya ang totoong nangyayari pero hindi pwede, agree naman ako sa inuutos nina tita, baka nga makasama iyon sakanya.

“T-talaga po?” Hindi ko na talaga naitago ang saya ko, “Pwede ko po ba siyang makita??”

“I think…kailangan muna natin siyang hintayin na maging fully recovered. Mahirap na kasi baka mag-away lang kayo. Ang sabi niya kailangan pa daw niya ng time na makapag-isip isip muna para mas maintindihan niya ang mga nangyayari kaya nga naisipan niyang—“ Hindi naituloy ni tita ang sasabihin niya ng biglang dumating si…Kath.

“Ma, mas maganda po kung ako na lang ang magsasabi.” Lumapit naman si Tita kay Kath at hinalikan sa may noo. Pagkatapos non umalis din sina tita at naiwan na lang kami ni Kath. Mukang stressed na stressed siya pero ang ganda pa rin.

“Kath, I miss you…” Niyakap ko siya pero parang bato lang siya na nakatayo sa harapan ko, “Kath?”

“DJ..si TJ..ang kuya mo. S-siya ang nagtangkang p-patayin ako.” Hirap na hirap siyang sabihin sa akin yun. Hinihintay ko ang salitang ‘joke’ kaso wala, at base naman sa reaksyon niya, she really meant it.

Si TJ? Pano naging siya?



“S-seryoso ba yan? Pero…bakit? Bakit naman gagawin yun ni K-kuya?” Kahit naman sinong tao ang mauutal kapag malalaman niyong ang mismong kuya mo pala ang dahilan ng pangungulila mo sa taong mahal mo. Kahit ayaw kong pagbintangan si Kuya…kaso kelangan, naniniwala ako kay Kath.
Napapansin ko din minsan ang mga harsh words na naririnig ko sa kuya ko, and this..
“I came back to face the mistake I made, eight years ago…”
Mukhang ito nga ang sinasabi ni Kuya. Ang sabi niya aayusin niya ang mali niya pero paano? Paano niya sisimulan? Pero ano ba talaga? Ano ba talagang ginawa ni Kuya? Siya ba ang nakabanggan ni Kath ?

“Tomorrow, 11:50 pm, sa may park ng village.” Nakatingin lang ako sakanya, “May sasabihin ako.” Then she kissed my cheek and go.

--

TJ’s POV


Alam ko ang iniisip ninyo, iniisip niyong mamamatay tao ako. I admit, kasalanan ko lahat pero maniwala kayo na hindi ko ginusto yon.

Kasalukuyang nasa loob na ako ng Rehabilitation center…

Flashback

“I came here to ask about the crime happened last eight years with Kathryn Espiritu. Pwede bang malaman ang totoong nangyari?” I’m at the police station. Inabutan lang ako ng police in charge sa mga folders ng mga crime ng isang newspaper.

( LOCAL NEWS:
Thirteen years old girl, committed a suicide?
   -Base sa imbestigasyon, ang batang babaeng ito ay nagmaneho ng isang sasakyan (na hindi niya pag-aari) at nabangga sa isang puno. Nakuha pang dalhin ang babae sa ospital pero hindi rin nagtagal ay namatay din ito. Walang taong mismong nakakita sa insidente pero ayon sa nasabing imbestigasyon ay tunay na aksidente lang ang nangyari. )

Pagkatapos kong basahin ang article nagsalita ako habang may ibang inaayos ang police, “I’m Toby John Alcantara, ako ang dahilan kung bakit naaksidente si Kathryn Espiritu.” Napatingin sa akin ang police at tinawag ang isa pang police para siguro makakuha ng back up.

“Matagal ng tapos ang krimeng sinasabi mo pero dahil sa biglang pag-aako mo ng kasalanan. Maaari mo bang ikwento sa amin ang tunay na nangyari?” Sabi ng police na may hawak na recorder.

Huminga lang ako ng malalim at saka na nagkwento, “I’m only sixteen years old that time, may girlfriend ako na bestfriend ni Kathryn Espiritu. Napapansin kong nawawalan na ng time ang girlfriend ko saakin at napapansin ko ring si Kathryn ang lagi nitong kasama. Dahil sa naiinis ako naisipan kong ipatapon si Kathryn sa ibang lugar, wala akong balak na patayin siya dahil alam kong maraming masasaktan at isa na roon ang younger brother ko na boyfriend ni Kathryn. Nagpanggap ako na ako ang kapatid ko para sumama sa akin si Kathryn ng gabing iyon. My brother and I are look alike, so Kath didn’t notice what I’m trying to do. Kaya naisipan kong patulugin muna siya para mas mapadali baka kasi makahalata siya. Inuntog ko siya sa isang matigas na bagay, nahilo nga siya. Then I continued driving, but my conscience was killing me. Kaya hindi na ako naka-ilag sa isang puno. We bumped at that tree , nakita kong duguan di Kathryn…sinisisi ko ang sarili ko ang sabi ko kasi ilalayo ko lang siya para kapag wala na siya mababalik na ang atensyon sa akin ng girlfriend ko pero hindi ko inaasahan na ganun ang mangyayari. Nandilim na ang panigin ko that time kaya nang may nakita akong isang car, binayaran ko siya para umalis gamit ang kotse ko at iwanan sa akin ang kotseng gamit niya. Napapayag ko naman yung tao, ang  ginawa ko isinakay ko si Kathryn dun sa binayaran kong kotse at pinabangga ulit yun sa may puno. Ang tanga tanga ko, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Kaya ang lumabas na si Kath mismo ang nagdadrive kaya nabangga siya, sinadya ko talagang iupo siya sa may driver’s seat para hindi sila maghinala. Sa pagkakaalam namin namatay si Kathryn kaya pagkatapos ng libing niya naglibot na ang sa ibang bansa para takasan at mabawasan ang konsenyang nararamdaman ko. Pero nang hindi ko na makayanang itago, I came back here to fix what I have done at dun ko nakita na hindi pala napatay si Kathryn pero nagka-amnesia siya.”

“Handa akong makulong ng kahit ilang years, pero sana kapag after kong maka-recover sa kung anumang sakit ko. Ipapa-rehab ko ang sarili ko and after that I will be the one who will put myself in jail.”

-end of flashback-

Natanggap ko na sa sarili ko na may mali talaga sa pag-iisip ko, sino ba namang minor-de edad na gagawa ng krimen na ganon? I’m not into drugs, pero alam kong may mali lang talaga sa akin. Bago nila ako ikulong dito sa kwarto, nakausap ko pa ang parents ko and DJ, galit na galit sakin si DJ pero he still manage na tiisin iyon. Kinuwento ko lahat lahat sakanila then my parents apologizes about….

“Anak, We are sorry. Pero alam kong bata ka palang ay may iba na sa pag-iisip mo. We know that you are genius pero parang may mali. Then nun pina-check up ka namin, lumabas nga na nung times na pinagbubuntis kita lagi akong naiistress. Hindi maayos ang relasyon namin ng daddy mo noon kaya iyon ang naging cause kung bakit naging ganon ka. I’m sorry, anak.”

Yun ang sinabi ni mommy. Hindi ko alam na nag-aaway din pala sila ni daddy noon kasi nung pinanganak si DJ parang hindi naman, they were so sweet. Pero siguro nga, hindi talaga maayos ang relasyon nila ni dad dati nung ako ang ipinagbubuntis. Kaya nung ipinanganak ako naging maayos ang relasyon nila at dumating nga si DJ non sa buhay namin. I’m really glad na he’s my brother, pero hindi yata ako deserving maging kuya.


Yes, nagtataka siguro kayo kung sino ang sinasabi kong bestfriend ni Kathryn na naging girlfriend ko. She’s Beatrice, bestfriend ni Kath si Bea dati at sobrang close sila. Kung iisipin napakababaw naman ng dahilan na iyon para makapatay pero alalahanin niyo na lang na ibang ang naiisip ng mga taong may ibang mundo in short…na may sira sa pag-iisip. Nahirapan akong aminin yon noon pero now naamin ko na.
                                                              

My only wish for now is….for everyone to move on.

--



(This was original posted at http://www.wattpad.com/story/1145695-crazy-love-story-kathniel)





©InnocentPen 2012-All Rights Reserved






Crazy Love Story | Prologue | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 |




1 comment:

  1. Nakita ko na rin to sa Wattpad .. Beautiful story !! :)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^