15: Sino Ang Nagseselos???
[Queen POV]
Nakaka-gulat na hindi nakaka-gulat na mag-kapatid pala si Bratty at si Lolo
Sues! Ano daw? Nakaka-gulat kasi never ko in-expect na may kapatid pala si
Bratty dahil wala namang nagtangka na magsabi sa amin ng bagay na yon, on the
other hand hindi na rin sya nakaka-gulat bilang pareho silang brat at malakas
ang toyo sa ulo.
QUEEN: HEY PRESSY I’M
DONE… TARA NA… (anong masamang hangin naman kaya ang
nagdala sa salot sa buhay ko na to sa ganitong lugar?) OH?? BAKIT NANDITO SI LOLO
SUES?
EMPRESS: NAGTA-TRY
SUMALI SA BANDA NILA KUYA.
Sa sinabi na yon ni Pressy ay talaga namang natawa ako, kahit kailan talaga ang
Lolo na to lagi na lang laugh trip! Imagine gustong maging member ng banda!
Wala naman sa itchura nya na sanay syang kumanta o sanay syang gumamit ng kahit
na anong musical instrument.
QUEEN: IKAW?
NANGANGARAP SUMALI SA BANDA? OH COME ON! BWAHAHAHA! NAGPAPATAWA KA BA?
COLLOSUES: SHUT UP!
QUEEN: SHUT UP YOU
TOO!
EMPRESS: (hinila na
ako ni Empress dahil malapit ko na syang tustahin hanggang sa maging uling sya
eh) TARA NA
GWING-GWING… BYE KUYA! BYE LOLO SUES!
ROHAN: BYE! INGAT
KAYO!
COLLOSUES: 6PM QUEEN…
DON’T FORGET THE TIME.
Hay nako, six pm nya muka nya! Pahihirapan lang naman nya ako eh, bakit ba kasi
sya pa ang naging trainer ko? Kahit naman muntikan na akong matigok sa last
training namin mas pipiliin ko pa rin si Xeya! Buti pa si Pressy si Xeya ang
trainer, tapos si Bratty si Eros! Samantalang ako ang masungit at sumpungin na
si Collosues ang trainer ko, ANG SAKLAP LANG TALAGA!!!
++++++++++++++++++++
TIME: 6:20 pm
PLACE: SA BAHAY NILA EMPRESS
Hala ka, hindi ko man lang namalayan ang oras, past six na pala! Lalo ako
nitong pag-iinitan ni Lolo Sues eh! Kasi naman yung mga kantang pinili ni
Genesis nakaka-adik kantahin!
QUEEN: TITA ALIS PO
MUNA AKO SANDALI, BABALIK PO AKO BEFORE OUR DINNER.
TITA: MAG-IINGAT KA GWING. (kita nyo
naman, pati si Tita na Mama ni Pressy Gwing na rin ang tawag sa akin.)
Kailangan ko ng mag-madali para naman hindi ako super late sa usapan namin ng
lalake na yon! Takbo Queen, takbo!!! Pero teka lang…
QUEEN: SAAN NGA BA
KAMI MAGTE-TRAINING NUNG ASERO NA YON? AY ANG TANGA LANG, HINDI NYA NGA PALA
SINABI KUNG SAAN ANG MEETING PLACE NAMIN.
Maka-tambay na nga lang muna dito sa park, tutal wala naman sa bahay si Pressy
tapos si Bratty kasama si papa Dylan nya. Buti na lang dala ko yung lyrics nung
mga kakantahin ko sa Saturday dun sa next gig namin.
GENESIS: WUUUUUIIII!!!
QUEEN: AY ANAK KA NG
SAMPUNG KABAYO!!! ANO KA BA NAMAN GEN, KUNG MAY SAKIT AKO SA PUSO MALAMANG
PAGLALAMAYAN NA AKO MAMAYA! TEKA, ANONG GINAGAWA MO DITO?
GENESIS: BAKIT, BAWAL
BANG PUMASYAL ANG GWAPONG LALAKE NA TULAD KO SA GANITONG KLASENG LUGAR? KAYO
LANG BA NA MGA PANGET ANG PWEDE DITO?
QUEEN: WHATEVER!
BAKIT NGA KASI NANDITO KA? HOY, KUNG BALAK MONG MANGUTANG WALA AKONG
MAIPAPAHIRAM SAYO DAHIL HINDI PA NAGPAPADALA SINA MAMA.
GENESIS: KAPAG BA
NAGKITA TAYO MANGUNGUTANG AGAD AKO? HINDI BA PWEDENG NANININGIL LANG NG UTANG?
QUEEN: ANG KAPAL NG
TINGA MO HA, WALA AKONG INUUTANG SAYO! TIBAY NITO AH!
GENESIS: HOY, HOY, HOY
KA JAN GWING-GWING BAKA NAKAKALIMUTAN MO, MAY UTANG KAYONG DALAWA NI EMPRESS SA
AKIN.
QUEEN: EH BAKIT AKO
LANG ANG SINISINGIL MO EH KAMI PALANG DALAWA NI PRESSY ANG MAY UTANG SAYO? UMUWI
KA NA NGA LANG AT MUKANG WALA KA NAMANG MAIDUDULOT NA MAGANDA SA BUHAY KO
NGAYON!
GENESIS: KAILAN KO
PWEDENG MAKA-USAP SI PRINCESS?
QUEEN: I DON’T KNOW!
BUSY SI LOLA BRATTY DAHIL MARAMI SYANG ISSUE SA BUHAY KAYA KUNG AKO SAYO WAG KA
MUNANG MANGULIT NA MAKA-USAP SI PRINCESS, OK?
GENESIS: BUT YOU AND
PRESSY PROMISED NA IPAPA-KAUSAP NYO SA AKIN SI PRINCESS.
QUEEN: EH ANONG GUSTO
MONG GAWIN KO, HILAHIN KO SI BETHANY PALABAS NG MANSYON NILA? EH KUNG BARILIN
AKO NUNG MGA BODYGUARDS NUNG JOWA NI PRINCESS? HELLO GENESIS, WALA
SA PLANO KO ANG MAMATAY NG MAAGA!
GENESIS: NAPAKA-BILIS
TALAGA NG UTAK MO GWYNETH!
QUEEN: KAPAG MABILIS
ANG UTAK, MABILIS ANG PAG-UNLAD!
GENESIS: WAG MONG
IBAHIN ANG USAPAN, KAILAN NYO IPAPA-KAUSAP SA AKIN SI PRINCESS BETHANY?
QUEEN: PWEDE
MAG-TANONG?
GENESIS: SURE, ANO BA
YON?
QUEEN: WHY DO YOU
WANT TO TALK TO HER?
GENESIS: MAY ITATANONG
LANG AKO SA KANYA.
QUEEN: BAKIT SA KANYA
PA? BAKIT HINDI NA LANG KAY JULIET, SA AKIN O KAYA KAY PRESSY? BAKIT KAILANGANG
KAY BRATTY PA?
GENESIS: DAHIL ALAM KO
NA SYA LANG ANG MAKAKA-SAGOT SA MGA TANONG KO!
QUEEN: SO BOBO KAMI
SA TINGIN MO AT HINDI NAMIN KAYANG SAGUTIN YANG MGA MAHIWAGA MONG KATANUNGAN?
*samantala, merong isang pares ng mata ang naka-tingin
sa dalawang nagkukulitan na sina Queen at Genesis. Muka ngang gusto na nung may
ari ng mga mata na yon na hugutin yung bakal na poste na pinag-tataguan nya
dahil sa inis, galit at selos na ngayon lang nya ulit naramdaman.*
GENESIS: WALA AKONG
SINABI NA BOBO KAYO, BASTA ANG ALAM KO LANG SI PRINCESS LANG ANG MAKAKA-TULONG
SA AKIN.
QUEEN: YUN NAMAN PALA
EH, BAKIT HINDI NA LANG IKAW ANG GUMAWA MISMO NG
PARAAN PARA MAKAPAG-USAP KAYO. ABA GENESIS, BUSY RIN NAMAN
KAMING TAO NOH!
GENESIS: SIGE, SAYO KO
MUNA ITATANONG AT KAPAG NA-SATISFY AKO SA SAGOT MO OK LANG KAHIT HINDI KO NA
MAKA-USAP SI PRINCESS.
Eh kung konyatan ko kaya ang lalake na to! Aaksayahin pa nya ang laway ko tapos
kapag hindi nya nagustuhan yung sagot ko eh itatanong pa rin nya kay Bratty!
Kahit kailan talaga tong si Genesis, nakaka-init ng bumbunan!
QUEEN: ANO BA KASI
YANG LECHENG TANONG MO NA YAN AT HINDI KA MATAHIMIK?
GENESIS: ANO BA ANG
DAPAT GAWIN PARA MAPA-AMO MO YUNG BABAE NA GUSTO MO?
QUEEN: EEEHHH??? IKAW
BA TALAGA SI GENESIS NA KAKILALA KO?
GENESIS: GWYNETH QUEEN
WILLIAMS, SAGUTIN MO NA LANG KASI ANG TANONG KO!
QUEEN: WALA, WALA
KANG DAPAT GAWIN PARA MAPA-AMO SYA.
GENESIS: HA? WALA?
BAKIT WALA?
QUEEN: EH ANONG
MAGAGAWA MO KUNG SA TALAGANG MABANGIS NA SYA? KUNG TALAGANG GUSTO MO SYA DAPAT
WALA KANG BABAGUHIN SA KANYA. TEKA, HAYOP BA YUNG TYPE MONG BABAE AT KAILANGAN
MONG PAAMUHIN?
GENESIS: SABI NA NGA BA
AT WALA AKONG MAKUKUHA NA MATINONG SAGOT GALING SAYO EH!
QUEEN: ITAGO MO YANG
MUKA MO, MALAMANG KAYA LAGI YUNG NAGSUSUNGIT SAYO KASI NAALIBADBARAN SYA
SA ITCHURA MO.
GENESIS: SA KA-GWAPUHAN
NA TAGLAY KO EH NAAALIBADBARAN PA SYA?
QUEEN: SIGE NA, GWAPO
KA NA, PAYAG NA AKO JAN SA SINASABI MO. PERO TINGNAN MO NGA YANG BUHOK MO,
MALAPIT KA NG MAGING ERMITANYO SA HABA. WALA KA BANG PAM-PAGUPIT NG BUHOK?
WILLING NAMAN AKO NA BIGYAN KA NG PANG-PAGUPIT EH, SANA NAGSABI KA
DIBA!
*mabalik naman tayo dun sa may-ari nung mga mata na
kanina pa nanonood dun sa dalawa. Yung poste na pinag-tataguan nya kanina, ayun
yupi-yupi na dahil sa higpit ng pagkaka-hawak nya. Natanggal na nga din yung
isa sa apat na turnilyo na naka-baon dun sa flooring ng park. Hindi naman sya
selos na selos diba?*
GENESIS: BALIW, MERON
AKONG PANG-PAGUPIT. ANONG AKALA MO SA AKIN, MAHIRAP?
QUEEN: HINDI, BARAT
LANG! HAHAHAHA!!!
GENESIS: IKAW BA BABAE KA
EH WALA KANG BALAK NA UMUWI, HINDI KA PA BA HINAHANAP NG MGA KASAMA MO SA
BAHAY?
Ay pechay! Anong oras na ba? Anak ng pating, alas-otso na? Ano ba naman yan,
lagi ko na lang nakakalimutan tumingin sa relo! Haaaay!!! Maka-uwi na nga at
baka nag-aalala na sina Tita.
QUEEN: MAUNA NA AKO
SAYO GEN, KITA NA LANG TAYO SA REHEARSALS.
GENESIS: TEKA LANG,
TEKA LANG!!! (tamang hilahin ako sa buhok? Eh kung sya
kaya hilahin ko ang buhok!) IHAHATID NA KITA!
QUEEN: OH MASAMANG
ESPIRITU, LAYUAN MO ANG LALAKE NA ITO, WALA KANG MAKA-KAIN NA UTAK SA KANYA!!! (bago sa
pandinig ko yun eh) ARRRAAAAAAYYYY!!! BAKIT BA ANG HILIG MONG MANABUNOT, BAKLA KA BA?
GENESIS: EH KUNG
HALIKAN KAYA KITA JAN?!
QUEEN: EH KUNG
PADUGUIN KO KAYA YANG NGUSO MO? TARA NA, IHATID MO NA AKO KUNG
IHAHATID MO AKO AT AKO AY GUTOM NA!
GENESIS: HOP-IN!
QUEEN: MASAMA BA
TALAGA ANG PAKIRAMDAM MO GEN, UMUWI KA NA LANG KAYA!
GENESIS: ANO BANG
PINAG-SASABI MO JAN? PINAG-BUKAS KA LANG NG PINTO NG KOTSE MAY SAKIT NA AGAD
AKO.
QUEEN: HINDI LANG
NAMAN KASI YUN ANG WEIRD NA GINAWA MO EH.
GENESIS: WAG MO NA LANG
KASI MASYADONG PANSININ!
Eh di wag pansinin! Pero talagang may mali sa kanya eh, bakit ang
bait nya sa akin ngayon? Dati kapag nakikita ako nun sa kung saan hinahayaan
lang nya akong umuwi ng mag-isa, tapos ngayon ihahatid pa nya ako eh malapit
lang naman dito yung bahay nila Pressy!
GENESIS: WE’RE HERE!
SIGE NA, PUMASOK KA NA!
QUEEN: OK… PERO
SIGURADO KA HA, WALA KANG SAKIT?
GENESIS: SIGE NA,
LUMAYAS KA NA SA LOOB NG KOTSE KO! SHUU, SHUU!!!
QUEEN: HEH!!! MAS
MUKA KA KAYANG ASO, HMMP! JAN KA NA NGA, SALAMAT!
Binuksan ko yung gate ng walang sabi-sabi kaya naman ayun, kasama si Pressy at
Kuya Rohan na namboboso! Akala naman nila may makikita silang live-show, no
way! Wala ng libre sa panahon ngayon! Hahaha!!!
Habang kumakain kami, tanong sila ng tanong kung
nanliligaw daw ba si Gen sa akin, kung kami na daw ba, kailan naging kami!
Muntik ko na ngang maibiga yung mga pagkain na nasa bibig ko dahil sa mga
nakaka-lurkey nilang mga tanong! Eto namang si Pressy, hanggang dito sa kwarto
yun pa rin ang issue nya.
EMPRESS: HOY, BAKIT
MAGKASAMA KAYONG DALAWA NI GENESIS KANINA? KAYO NA BA?
QUEEN: MALISYOSA!! WE
ACCIDENTALLY MET SA PARK KANINA, DUN KASI AKO TUMAMBAY!
EMPRESS: EH ANO NAMAN
ANG NANGYARI SA TRAINING NYO NI LOLO?
QUEEN: WALA!
EMPRESS: ANONG WALA?
PANONG WALANG NANGYARI?
QUEEN: HINDI KAMI
NAGKITA, ABA MALAY KO BA KUNG SAAN KAMI MAGKIKITA. WALA NAMAN SYANG
SINABI, SABI LANG NYA 6PM! AT SAKSI KA DOON!
EMPRESS: NAKO, GINAGALIT
MO ANG LOLO, LAGOT KA!
QUEEN: I KNOW, I
KNOW! KAYA NGA KAILANGAN KO NG MAG-PAHINGA NG MAAGA DAHIL SIGURADO AKO NA
PATAYAN ANG MAGIGING TRAINING NAMIN NI LOLO SUES BUKAS. TULOG NA TAYO PRESSY!
GOODNIGHT!!
++++++++++++++++++++
TIME: 4:00PM
PLACE: UNIVERSITY
EMPRESS: MAUNA NA AKO SA
INYO, MAY TRAINING PA KAMI NG SWIMMING TEAM EH. BYE!!!
PRINCESS & QUEEN: BYEEE!!!
PRINCESS: SO HOW’S YOUR
TRAINING WITH THAT LOLO SUES WHOSE CLAIMING THAT HE IS MY BROTHER?
QUEEN: WALA, HINDI
KAMI NAG-TRAINING KAHAPON! KAYO BA NI EROS, NAG-START NA NG TRAINING?
PRINCESS: NOT YET,
MAMAYA PA LANG SIGURO. WAIT, BAKIT HINDI KAYO NAG-TRAINING KAHAPON? HE EVEN
TOLD YOU WHAT TIME KAYO MAGSISIMULA.
QUEEN: YOUR STUPID
BROTHER DIDN’T TELL WHERE THE HELL WE SHOULD MEET. ANONG AKALA NYA SA AKIN,
MANGHUHULA, HUH JOSA LANG AKO NG APOY NO! NAKUUU, ANG SARAP NYANG PUKPUKIN NG
MASO SA ULO NG MARAMDAMAN NYA ANG SAKIT NG ULO KO DAHIL SA KANYA!
PRINCESS: HE’S STUPID IF
THAT SO. HAVE YOU SEEN EACH OTHER NA BA TODAY?
QUEEN: I THANK GOD
DAHIL HINDI PA.
PRINCESS: TARA, KAIN NA
MUNA TAYO NG SNACK HABANG HINIHINTAY NATIN SI PRESSY.
So ayun pumunta kaming dalawa ni Bratty sa cafeteria para bumuli ng snack
habang hinihintay na matapos ang training ni Empress. Bukas magiging busy na
ako kasi pukpukan ang magiging rehearsals namin dahil sa isang kilalang bar
kami tutugtog sa Saturday, sa WINELINE!
PRINCESS: OO NGA PALA,
BAKIT GUSTO DAW AKONG MAKA-USAP NI GENESIS?
QUEEN: MAY ITATANONG
LANG SYA SAYO NA WALANG KAKWENTA-KWENTANG BAGAY. ANO DAW BANG GAGAWIN
NYA PARA MAPA-AMO NYA YUNG BABAE NA GUSTO NYA!
PRINCESS: THAT GUY IS
ALSO STUPID! WHAT COMES TO HIS CRAZY MIND TO ASK ME THAT KIND OF NON-SENSE
QUESTION? IUNTOG KO KAYA SYA SA GITARA NYA!
QUEEN: NAKAKA-ULUL
NGANG KAUSAP KAGABI YUN EH!
PRINCESS: YOU MEAN
MAGKASAMA KAYO LAST NIGHT? COME ON, TELL ME WHAT HAPPENED? NAG-DATE BA KAYO?
QUEEN: (eh kung
sya naman kaya ang iuntog ko sa table? Isa pa ‘tong malisyosa eh!) HINDI KAMI NAG-DATE OK! WE
ACCIDENTALLY MET AT THE PARK YESTERDAY, AT PINILIT NA NAMAN NYA AKONG
I-SCHEDULE KAYO PARA MAKAPAG-USAP KAYONG DALAWA.
PRINCESS: HAY NAKO, KUNG
IYON LANG ANG ITATANONG NYA SA AKIN, DON’T YOU DARE NA MAG-SET NG APPOINTMENT
PARA SA AMING DALAWA AT BAKA MAPALIPAD KO LANG SYA NA PARANG SARANGGOLA!
QUEEN: DON’T WORRY
DAHIL HINDI KO SYA TUTULUNGAN, MALAKI NA SYA!
COLLOSUES: HELLO BABY
SISTER, HELLO QUEEN OF FIRE!
PRINCESS: (nakaka-walang
gana naman ang dumating) DON’T CALL ME BABY SISTER, NAKAKA-INIS LANG! WHAT ARE YOU DOING HERE?
COLLOSUES: KAILAN KA PA
NAGING TANGA PRINCESS? SYEMPRE DITO AKO NAG-AARAL KAYA NANDITO AKO, KAKAIN AKO
KAYA NANDITO AKO SA CANTEEN!
QUEEN: BRATTY, DUN NA
LANG TAYO SA TUHOG-TUHOG SA LABAS KUMAIN!
PRINCESS: WHAT A GREAT
IDEA GWING, LET’S GO!
COLLOSUES: HOY GWYNETH
QUEEN WILLIAMS, MAY ATRASO KA PA SA AKIN!
QUEEN: HOY, ANG KAPAL
NG TANSO MO SA KATAWAN! WALA AKONG ATRASO SAYO!
COLLOSUES: ANONG WALA,
BAKIT HINDI KA SUMIPOT SA PAGSASANAY NATIN KAGABI?
QUEEN: EH HINDI KO
NAMAN KASALANAN YON, SISIHIN MO ANG SARILI MO KUNG BAKIT HINDI NATULOY ANG
TRAINING NATIN KAGABI! JAN KA NA NGA AT LALO LANG NADADAGDAGAN ANG BWISIT KO
SAYO!
Umalis na kami ni Bratty sa cafeteria at iniwan doon si Lolo na kasalukuyan ng
pinagkaka-guluhan ng mga babae na may tama ang mga mata! Kaloka lang talaga ang
kapatid na yon ni Bratty.
QUEEN: KAMUSTA NAMAN
NA KAYO NI DYLAN AT NI EROS?
PRINCESS: ANO BA NAMAN
KLASENG TANONG YAN!
QUEEN: EH DI CHANGE
TOPIC NA LANG, ETO NA LANG ANG SAGUTIN MO. BAKIT PARANG AYAW MONG MAGING
KAPATID SI COLLOSUES, EH PAREHO LANG NAMAN KAYONG BRAT DIBA?
PRINCESS: SIGURO KUNG
NASA CAELUM UTOPIA TAYO BAKA SAKALING MATANGGAP KO SYA, PERO DITO SA PLANET
EARTH NEVER. HINDI KO KAILANGAN NG KUYA!
QUEEN: AKO KAYA, MAY
KAPATID KAYA AKO SA CAELUM UTOPIA? EVER SINCE I WANTED TO HAVE A BROTHER OR A
SISTER, I DON’T CARE IF MAS MATANDA OR MAS BATA SA AKIN BASTA MAY KAPATID AKO.
PRINCESS: NANDITO NAMAN
KAMI NI PRESSY AH, SAKA ANJAN DIN ANG KUYA ROHAN NI PRESSY.
QUEEN: YEAH RIGHT!
MANANG SAMPUNG PISO PA PONG KIKIAM AT KWEK-KWEK!
PRINCESS: KAYA KA SIGURO
BINIGYAN NA PANGALAN NA GWING-GWING NI GENESIS DAHIL MAHILIG KA JAN SA
KWEK-KWEK.
QUEEN: MASARAP TO
TEH, TRY MO! ITLOG LANG NAMAN TO NG PUGO!
PRINCESS: MASARAP NGA
AH! MANANG PAGBILAN DIN PO AKO NG KWEK-KWEK, BENTE PESOS PO.
QUEEN: HOY BAKA
MA-HIGHBLOOD KA NAMAN JAN!
PRINCESS: HINDI YAN,
ANAEMIC AKO KAYA OK LANG.
QUEEN: AY NAKO BAHALA
KA NA NGA! BALIK NA TAYO SA SCHOOL, BAKA HINAHANAP KA NA NI PRINSIPE DYLAN MO!
HAHAHA!!!
PRINCESS: PAG-BUHULIN KO
PA KAYONG DALAWA EH, PAREHO KAYONG SAKIT SA ULO.
QUEEN: HEY DYLAN,
WAZZUP? MAY SINASABI KA BA BRATTY?
DYLAN: TAPOS NA BA
ANG LAHAT NG KLASE MO PB?
PRINCESS: YEAH, WHAT ARE
YOU DOING HERE?
DYLAN: WELL, I THINK
MAS OK KUNG SABAY NA LANG TAYO UUWI.
PRINCESS: NO, AYOKO!
DYLAN: BUT PRIN—
QUEEN: ANO KA BA
NAMAN PRINCESS.
PRINCESS: BUT WE STILL
NEED TO WAIT FOR EMPRESS.
QUEEN: SABAYAN MO NA
LANG MUNA SYA NGAYON BRATTY, NAKAKAHIYA NAMAN JAN SA JOWA MO.
PRINCESS: HE’S NOT MY
BOYFRIEND OK!
QUEEN: GALIT? GALIT?
DON’T WORRY AKO NA LANG ANG BAHALANG MAGSABI SA KANYA. (nilapitan ko si Bratty at saka
bumulong.) PERO SA
SUSUNOD NA BASTA NA LANG SUMULPOT ANG KUMAG NA LALAKE NA YAN TUTUSTAHIN KO YAN
AT SASABIHIN KO KAY PRESSY NA LUNURIN NYA YAN!
PRINCESS: SIGE NA
NGA, TARA NA NGA!
At umalis na yung dalawa, hindi naman halata na ayaw pang umuwi ni Bratty diba!
I understand her naman dahil madami syang na-missed na kwentuhan dahil sa
paglalamyerda nila nung ungas na yon! At ako naman ay dumirecho sa may
bleachers malapit sa lugar kung saan nagte-training si Empress. Practice muna
ako ng isa sa kakantahin ko sa Saturday.
You know the bed
feels warmer
Sleeping here alone
You know I dream in
color
And do the things I
want.
You think you got the
best of me
Think you had the
last laugh
Bet you think that
everything good is gone
Think you let me
broken down
Think I’d come
running back
Baby you don’t know
me, ‘cause you’re dead wrong.
QUEEN: AY ANG TABA NI
KELLY!!! (pootek, kung makapang-gulat naman!) HOY---
COLLOSUES: ANG PANGIT MO
PALANG MAGULAT, ANO YUNG KINAKANTA MO?
QUEEN: BAKIT NANDITO
KA NA NAMAN, SINUSUNDAN MO BA AKO?
COLLOSUES: WHERE’S MY
ANNOYING SISTER PRINCESS?
QUEEN: UMUWI NA
KASAMA NUNG JOWA NYA! LOLO, PWEDE MAGTANONG?
COLLOSUES: PWEDE PERO MAY
KUNDISYON!
QUEEN: ANG ARTE NAMAN
NITO EH. (pasalamat ka
at mahalaga ang itatanong ko!) SIGE, SIGE!
COLLOSUES: STOP CALLING
ME LOLO OK, AND AFTER MONG MAGTANONG AKO NAMAN ANG MAGTATANONG NA KAILANGAN
MONG SAGUTIN.
QUEEN: SIGE! SUES,
MERON DIN BA AKONG KAPATID SA CAELUM UTOPIA?
COLLOSUES: MERON, PERO
IKAW MISMO ANG DAPAT GUMAWA NG PARAAN PARA MALAMAN MO KUNG SINO ANG KAPATID MO.
QUEEN: MADAYA, EH
BAKIT IKAW SINABI MO KAY BRATTY NA MAG-KAPATID KAYO?
COLLOSUES: EH KASI
PASAWAY AKO, YUNG KAPATID MO MABAIT HINDI KATULAD MO NA PASAWAY.
QUEEN: SABI NI XEYA
NUNG UNA KA NAMING MAKILALA LAGI NA DAW TAYONG NAG-AAWAY, SABIHIN MO NAMAN SA
AKIN KUNG BAKIT.
COLLOSUES: DAHIL SOBRA
KANG PASAWAY, LAGI MO NA LANG PINAPASAKIT ANG ULO KO SA KUNSUMISYON!
QUEEN: AHHH… WAG KANG
MAG-ALALA, AKO NAMAN NGAYON ANG LAGING MASAKIT ANG ULO NG DAHIL SAYO!
COLLOSUES: AKO NAMAN ANG
MAGTATANONG HA, SUMAGOT KA NG MAAYOS!
Ok din naman palang kausap ang isa na to eh, kaya din naman pala nyang maging
seryoso kahit paano. Pero bakit ko sya sasagutin ng maayos eh hindi naman nya
sinagot ng maayos yung una kong tanong, ano sya sinu-swerte?
COLLOSUES: WHY DO YOU
ALWAYS HURT MY FEELINGS?
QUEEN: HA? (inaano ko
ba sya? Oy, wala akong ginagawang masama sa kanya ha!)
COLLOSUES: LAGI MO NA
LANG AKONG INIIWAN NA NAG-IISA, LAGI MO NA LANG AKONG PINA-PAASA SA WALA.
QUEEN: (nakaka-salubong
naman ng kilay ang mga sinasabi nito!) EEEHHH???
COLLOSUES: IDARAOS NA
LANG YUNG RITWAL PARA SA ATING DALAWA TAPOS BIGLA KA NAMANG PINA-TAPON DITO SA
MUNDO NG MGA MORTAL. NGAYON NAMAN NA NAKITA NA ULIT KITA AT NAG-SET NG ORAS NG
TRAINING NATIN HINDI KA NA NAMAN NAGPAKITA, AT ANG DAHILAN NAMAN NGAYON AY
DAHIL SA ISANG LALAKE NA TAGA-LUPA.
QUEEN: HOY MR. ZUES
MADRIGAL, ANO BA YANG INE-EMOTE MO JAN, WALA KASI AKONG MAINTINDIHAN EH.
SIGURADO KA BANG SA AKIN MO DAPAT SINASABI ANG MGA BAGAY NA YAN?
COLLOSUES: IKAW LANG
NAMAN ANG TAO DITO DIBA?
QUEEN: EH KUNG
IPATAPON KAYA KITA SA PAYATAS? WALA KASI TALAGA AKONG MAINTINDIHAN SA MGA
PANG-PELIKULA MONG LINYA EH.
COLLOSUES: HINDI AKO
SIGURADO KUNG TAMA BA ANG NAGING DESISYON NG MGA GREAT GODS NG IKAW ANG
ITINAKDA NILA PARA MAKA-ISANG DIBDIB KO (maka-isang dibdib? As in maging
asawa nya?).
QUEEN: TEKA NAMAN
KASI, ANG MGA BRAIN CELLS KO EH AYAW MA-ABSORB YUNG MGA SINASABI MO!
NAKAKA-TANGA KA NAMANG KAUSAP EH! PAKI-ELABORATE NAMAN OH!
COLLOSUES: IKAW AT AKO
ANG ITINAKDA PARA SA ISA’T-ISA, IKAW AT AKO ANG NAKA-TAKDA NA MAGING MAGKASAMA
HABANGBUHAY!
Makasama habangbuhay? Asawa yun diba?! Anak ng tokwa lang talaga, uso din pala
sa mundo na yon ang fixed marriage! Mahal ko ba si Collosues nung nasa Utopia
pa ako, pero bakit sabi ni Xeya lagi kaming mag-aaway?
QUEEN: JAN KA NA NGA,
ANG LABO MO TALAGANG KAUSAP. KITA NA LANG TAYO MAMAYA SA MIRROR HOUSE PARA SA
TRAINI--- (bigla na lang nya akong hinila nung tumayo
ako at saka nya ako hinalikan.)
‘Cause when I’m kissing you my senses comes alive,
Almost like a puzzle pieces I’ve been trying to find.
Falls into place, you’re all that it takes,
My doubt fades away when I’m kissing you.
Ano bang problema nitong God of Metal na ito, bakit bigla na lang nya akong
hinalikan. Saka ano rin ba ang nangyayari sa akin at hindi man lang ako maka-galwa,
bakit wala man lang akong ginagawa para pigilan sya? Shemay ka talaga Gwyneth
Queen, ang sarap mong itapon sa Ilog Pasig!
When I’m kissing you it all starts making sense,
And all the questions I’ve been asking in my head
Like are you the one, should I really trust.
Crystal clear it becomes when I’m kissing you.
COLLOSUES: I-I’M SORRY, I
SHOULDN’T DO THAT!
QUEEN: (etong
para sayo, kambal na sampal!) TAR*NT*D* KA! BAKIT MO AKO HINALIKAN HA, ANO BA TALAGA ANG PROBLEMA MO?
HOY, KUNG SABOG KA DAHIL SA KAKA-SINGHOT MO NG SOLVENT AT AKO
ANG NAPILI MO NA MAPAG-TRIPAN EH HINDI AKO NATUTUWA! SIMULA NGAYON HINDI NA
IKAW ANG TRAINER KO SA AYAW AT SA AYAW MO, KAILANGAN MO YUNG GUSTUHIN!
COLLOSUES: YOU THINK I’LL
ALLOW THAT? NO, AKO PA RIN ANG MAGIGING TRAINER MO SA AYAW AT SA GUSTO MO!
QUEEN: OH PWES,
MAGHANAP KA NG IBANG TAO JAN NA MAY PANGALAN NA GWYNETH QUEEN AT SYA ANG ISAMA
MO SA MGA TRAINING NA BINABALAK MO!
Leche talaga!!! Sakit ng ulo talaga ang dala nya sa akin! Pwede bang pukpukin ko
na lang ng martilyo ang ulo ko, kesa naman dahil sa peste na ‘to!
GENESIS: G*GO KA AH!!! (at
sinapak ni Gen si Sues!) BAKIT MO HINALIKAN SI GWING? (at isa pang sapak!)
QUEEN: GENESIS!!! (saan
galing ang isa na to? Paano nya nalaman na hinalikan ako ni Sues, kanina pa ba
sya nandito?) TAMA
NA!!!
COLLOSUES: SINO KA BA HA?
GENESIS: AKO LANG NAMAN
ANG BOYFRIEND NG BABAE NA HINALIKAN MO!
ANU DAW??? BOYFRIEND??? KAILAN PA??? Akala ko pa naman tutulungan nya ako, yun
pala dadagdag pa sya!!! Wala na bang gustong dumagdag???
EMPRESS: WAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!
KAYO NA? SABI NA NGA BA EH, KAYA PALA HINATID KA PA NYA KAGABI!!!
QUEEN: (ay may
dumagdag pa nga! Empress naman eh, joke lang naman yon eh) H-HA?
A-AH…E-EH…I-IH..O-OH…U-UH…
EMPRESS: IKAW HA,
MASYADO KA NAMANG MALIHIM JAN. BAKIT HINDI MO PA INAMIN KAGABI NUNG TINATANONG
KITA?
GENESIS: YUP, KAMI NA
NGA KAGABI LANG! DIBA GWING-GWING?
Ano bang isasagot ko? Langya naman na buhay to, ang gulo-gulo, tinalo pa yung
buhok ko kapag bagong gising!
EMPRESS: SANDALI NGA,
PICTURE-AN KO KAYONG DALAWA NG NAKA-AKBAY SI GENESIS SAYO GWING. ONE… TWO… SAY
KAMATIS!!! (uto-uto naman kaming dalawa kaya naman
nag-kamatis naman kami) ANG CUTE NYO OH, BAGAY NA BAGAY KAYO!!! (Pressy naman, magtigil ka na jan!) LOLO ZUES, BAGAY NA BAGAY SILA DIBA?! ANG CUTE NILANG TINGNAN TOGETHER!!!
AYYYIIEEE…KINIKILIG AKO!!! (at
nag-walkout ang Lolo) HOY ZUES, SAAN KA PUPUNTA? ANONG PROBLEMA NON? AY TEKA AT IBABAHAGI KO
LANG KAY BRATTY ANG ISANG MASAYA AT MAGANDANG BALITA!!!
QUEEN: TEH
NAKAKA-KAIN KA BA NG PWET NG MANOK KANINA? ANG DALDAL MO LANG!!! UMUWI NA NGA
LANG TAYO!
EMPRESS: EH NASAAN SI
BRATTY?
QUEEN: NAUNA NA,
SINUNDO NI DYLAN!
EMPRESS: ANG EPAL NAMAN
NON, ILANG LINGGO DIN NYANG NILAYO SI PRINCESS SA ATIN, TAPOS HANGGANG NGAYON
AYAW PA RIN NYANG I-SHARE! GENESIS, HATID MO NA LANG KAMI NG MAHABA ANG BUHOK
NA JOWA MO.
Ano na naman ba ang problema ko, bakit ayaw kong i-correct ang iniisip nitong
madaldal na kasama ko ngayon? Saka bakit parang wala ring balak ang Genesis na
to na bawiin yung mga sinabi nya kanina? Anak ng pating naman oh!!!
GENESIS: LET’S GO!!!
Ang gulo naman ng buhay ko, ganito rin kaya kagulo ang buhay ko sa Utopia? Eh
kung papa-piliin ako kung saan ko mas gustong tumira malamang mas pipiliin ko
pa na tumira sa Mars kasama ng mga Alien kesa sa dalawang lugar na to!!!
++++++++++++++++++++
TIME: 6:30PM
PLACE: MIRROR HOUSE
Hindi ko alam kung anong pumasok sa hinahangin kong kukote kung bakit ako
nagpunta dito sa Mirror House eh hindi naman na si Xeya ang trainer ko. Ewan ko
ba, gusto ko lang munang umalis sa bahay nila Pressy para maka-iwas sa mga
maintriga nilang mga tanong. For sure Empress is here dahil may training sila
ni Xeya, and how about me? Well, balak ko lang naman na guluhin ang kanilang
training, hahaha!
QUEEN: JOSA PO!!!
MAY JOSA PO BA JAN???!!!
COLLOSUES: ANONG GINAGAWA
MO DITO?
QUEEN: (alam mo
ba yung salitang awkward?) H-HA? AH E-EH, WALA NAMAN. DINADALAW KO LANG SI XEYA. EH IKAW, A-ANONG
GINAGAWA MO DITO?
COLLOSUES: I THINK THAT’S
NONE OF YOUR BUSINESS, MS. WILLIAMS.
PRINCESS: HEY QUEEN,
IT’S A SURPRISE TO SEE YOU HERE TONIGHT. WHERE’S EMPRESS?
QUEEN: (good
thing dumating si Bratty dahil kung hindi malamang basag na bungo nitong si
Collosues.) NANDITO
LANG DIN YUN SA TABI-TABI. ANYWAY, DITO DIN BA ANG TRAINING NYO NGAYON NI EROS?
EMPRESS: BULAGAAAA!!!
ANONG MERON AT NANDITO KAYONG APAT?
EROS: DITO RIN KAMI
MAGSASANAY NI PRINCESS NGAYONG GABI.
XEYA: HOW ABOUT YOU COLLOSUES
AND QUEEN, ANO ANG GINAGAWA NYO DITO? WAG NYONG SABIHIN NA DITO RIN KAYO
MAGSASANAY?
COLLOSUES & QUEEN: YES!!! NO!!!
PRINCESS: ANG GULO NYO
NAMAN, MAY PROBLEMA BA KAYONG DALAWA?
EMPRESS: HINDI KAYA
NAGSESELOS ANG KUYA MO BRATTY DAHIL SI GENESIS AT SI GWING-GWING NA?
PRINCESS: IKAW GWING HA,
MASYADO KANG MALIHIM. AT SI GENESIS NAMAN KUNWARI PA NA GUSTONG MAGTANONG KUNG
ANONG GAGAWIN NYA PARA MAPA-AMO ANG BABAE NA GUSTO NYA, YUN PALA NAPA-AMO NA
NYA.
Hanggang dito ba naman sinusundan ako ng issue na to? Ilang beses ko ba dapat
ulit-ulitin na hindi naman talaga kami ni Genesis, na nasa impluwensya lang ng
solvent si Gen nung mga panahon na yon? Anak ni Ka Simang na nagtitinda ng
Dirty Ice Cream namang buhay to oh!!!
QUEEN: AAAIIIISSSSHHH!!!
HANGGANG DITO BA NAMAN!!! MAG-TRAINING NA NGA LANG KAYONG APAT AT NG MAY
MATUTUNAN NAMAN AKO NA KAPAKI-PAKINABANG.
XEYA: TARA NA KAYO
SA LOOB.
COLLOSUES: MAGSASANAY DIN
TAYO NGAYON QUEEN.
QUEEN: MAGSANAY
KANG MAG-ISA MO!
COLLOSUES: WAG MO AKONG
DAANIN SA MGA GANYAN MO QUEEN DAHIL MAGSASANAY TAYO SA AYAW AT SA GUSTO MO!
QUEEN: WHATEBER!!!
Pumasok na naman kami sa loob ng salamin, at silang apat ay nagsimula na agad
sa mga pagsasanay nila. Eehhh? Anong klaseng pagsasanay naman ang ginagawa ni
Xeya at Empress? Andun lang silang dalawa naka-upo na akala mo magyo-yoga at
umo-OA sa meditation stint nila.
COLLOSUES: CONCENTRATION
TRAINING ANG TAWAG JAN QUEEN!
QUEEN: TINATANONG BA
KITA? PWEDE BA?!?!
COLLOSUES: YOU’RE ASKING
QUESTION TO YOUR MIND, SO I ANSWER THAT QUESTION OF YOURS.
QUEEN: PE-PANO MO NALA---
FORGET IT!!!
Napatingin naman ako dun sa direction ni Eros at ni Princess, at may isang
malaking question mark na naman ang bumagsak sa ulo ko! Ano naman ang ginagawa
nila? Anak ng pating na yan, exam na nga sa school kanina exam pa rin hanggang
ngayon? Sanay din palang gumamit ng ballpen at papel ang mga taong katulad ni
Eros. Oops, isa nga palang God si Eros, sorry naman. Please lang Collosues kung
naririnig o nababasa mo man ang mga naiisip ko ngayon eh wag ka na lang
magsalita at baka masaktan lang kita.
COLLOSUES: EH DI WAG,
SUNGET! HALIKA NA DITO AT MAGSISIMULA NA TAYO.
QUEEN: DIBA NGA SABI
KO KANINA HINDI NA IKAW ANG TRAINER KO?!
COLLOSUES: WALA AKONG
NARINIG!
QUEEN: HAAAAAIIISSSSHHHH!!!!
NAMAN OH, ANG KULIT TALAGA NG LAHI NYO NI BRATTY!!! ANONG TRAINING NAMAN ANG
GAGAWIN NATIN? PLEASE LANG AYOKO NG NAKAKA-ANTOK!!!
COLLOSUES: COMBAT
TRAINING TAYO, SAKA KA NA MAG MANTAL TRAINING AT CONCENTRATION TRAINING DAHIL
MUKANG MATATAGALAN TAYO SA TRAINING NA YON!
QUEEN: DON’T TELL ME
MAGSASAPAKAN AT MAGBUBUGBUGAN TAYO NG GANITO LANG ANG ITCHURA
KO, ABA NAMAN! (biglang kumumpas si Lolo Sues at OLA,
change outfit na agad kaming dalawa!)
COLLOSUES: BAKA MAY IRE-REKLAMO KA PA
NYAN?
QUEEN: BAKIT ANG
PANGIT NG KULAY NITONG WAR SUIT KO? PARANG HINDI NAMAN BAGAY SA QUEEN OF FIRE
ANG GANITONG OUTFIT!!! HMMMP!!! (tiningnan na naman nya ako ng masama kaya
naman…) WALA,
WALA AKONG SINASABI. SABI KO NGA NAPAKA-UPDATED NG FASHION TREND NA ALAM MO!!!
COLLOSUES: SUMUGOD KA
NA!!!
Eh di sumugod, masunurin naman akong bata!!! Kaya lang naka-iwas naman agad
sya!
QUEEN: WAAAAAAAAHHHHH!!!!
TATADTARIN KITA NG PINONG-PINO DAHIL GINAWA MO SA AKIN KANINA!!! (ang ingay
ko lang diba!)
Ako ang nagsisilbing malaking challenge sa so-called concentration training ni
Pressy at Mental Training naman ni Bratty! Ewan ko na lang kung hindi sila ma
out-of-focus sa mga sigaw ko!!!
COLLOSUES: I ALREADY SAID
MY SORRY!
QUEEN: SORRY IS NOT
ENOUGH! DAHIL SA GINAWA MONG PAGHALIK SA AKIN NAGKANDALECHE-LECHE LALO ANG
MAGULO KO NG BUHAY!!!
EMPRESS & PRINCESS: HUUWAAAAAAATTTT???
HINALIKAN KA NI COLLOSUES KANINA???
Napaka-laki talaga ng bibig mo Gwyenth!!! Tama bang ipagsigawan na hinalikan ka
nyang kumag na si Collosues na yan!!! Isa kang EPIC FAIL Gwing!!! Wala kang
katulad, walang-wala talaga!!! Nag-iisa ka!!! Naku!!! Apaka-engot ko lang
talaga!!! Pero nabigla lang naman ako eh, hindi ko naman talaga gustong ipagsigawan
yon!!! Hello, ginulo naman talaga ng halik na yon ang buhay ko! Hindi lang
basta ginulo, sobrang gulo pa. imagine nagkaron ako ng instant boyfriend!!!
Langya lang talaga!!!
End of Chapter 15
grabe! dibdiban ang pagkakaedit ko ng kulay nito espren! ahahaha!!! umabot hanggang page 28 itong update mo! naks naman inspired magsulat! ahaha!!! alryt magbabasa na ako at nang maka-comment na ng matino!
ReplyDeletepowtek na walanjo yan! habang binabasa ko ito ay sinisimulan ko nang itype itong wagas ko ng comment!
ReplyDelete*yung may-ari ng mga matang namboboso kina queen at genesis!!! ang hirap magpigil ng tawa dahil may mga natutulog dito ng ganitong oras! pero anak ng putek! natatawa ako dahil nasira na niya ang poste! hwahahahahaha!
*at nabanggit pa ang makasaysayang WINELINE!!! ahahahaha!!! natuwa ako dun!
*at sino si KELLY??? ahahahaha!!! yung gonulat ka ni sues! naisip ko yung da dream high? siya ba yun? baliw ka talaga gwing! ahahahaha!!!
*at my oh may wonderful gulay! kinilig ako kay collosues na siya ang itinakda for you! kyyaaaahhhhh~ parang nagsisisi tuloy ako na kapatid ko lang siya! ayiiieh!
at dahil masaya na ako, sisimulan ko na agad ang update nito para hindi ako matambakan. ahahahaha!
waaaahhhh!!! ang galing mo gwing..nagtama nag utak natin!!! si Sues talaga ang nasa isip ko nun na nakatakda mong pakasalan..ur so bright talaga like me!!! bwahahahaha!!!!
ReplyDeletekilig much naman ako..hahaha...at para akong tanga na tumatawa dito sa opiz mag-isa..nasita tuloy ako ng boss ko hahaha...okay lang enjoy naman eh..haha...
kelan mo kaya malalaman na kapatid mo si Rohan haha...pero dahil di pasaway si rohan tulad ni sues eh mukhang matatagalan ka..haha
ang sweet naman! kahit puro love war si gwing sa dalawang papa niya, kakakkilig pa rin ang eksena! at ito naman si genesis, pakunwari pang si princess ang gustong kausapin, ayan tuloy nabuking ka na talaga sa actions mo! pero how about sues? hay naku! pati ako naguguluhan sa lovelife niya! hindi ko alam kung sino susuportahan dahil parehong gwapo! hahaha!
ReplyDeleteang sobrang haba ng hair ni ate queen! ayiiiii! c sues pla ang itnakda 4 her! pano n c genesis! aq mas boto aq kei genesis! go genesis! c jang geun suk eh!!!
ReplyDeleteGrabeh!!!!.. kilig much!!! inamin talaga ni sues ung feelings nya ha.. i so love this!!.. update na po pls ate aegyo!.. wag nyo nang patagalin.. hehe
ReplyDelete--DemiDoLL
HAHAHA laugh trip ako sa mga banat eh !!! Si LOLO Selos!!! haba ng hair Gwing!!! <3
ReplyDelete