Tuesday, July 24, 2012

Crazy Love Story: Update 17//

 CRAZY LOVE STORY
By:InnocentPen


Update 17//



~*DJ Point of view*~







“Hey, Honey..” She kissed me…



We continue kissing inside our classroom.



Tapos na ang class hours namin non. Kaya sinamantala ng babaeng ito ang pagkakataon. Sino nga pala toh? Hmm. Lizy? Lety? Lizy? I don’t know. School mate namin siya, nakilala ko siya sa bar kagabi.



“Hmm, babe… We should stop this.” Pagpipigil ko kay Lex—Whatever,  ina-unzip na kasi nya ang pants ko. I won’t let THAT to happen in such a public place.



“No, I’ll just kiss you na lang…” She said and she continue kissing me, I kiss her back.



*Blag!*



Biglang bumukas ang door.  Si Kath!



I deepening the kiss… kahit alam kong nakikita ni Kath. I don’t care.



“Oh…Baby…” The girl moaned.





--



KATH POV



“Ma’am, hinihingi na po ni Ms. Mercado yung form na pinahawak niya daw po sainyo kahapon.” Inutusan ako ni Ms. Mercado.



Kinalkal ni Ms---? I don’t know the name of this prof e—Yung bag nya.



“Oh, I can’t find it. Baka naiwan ko sa engineering building.  Pakikuha na lang sa 2nd room ng E-Building, nandun yun sa desk ko. Thanks.” Utos naman ni Ms—Basta. Ano ako dito? Utusan? Tss…



E-Building… 2nd room?



Dahil sa alam kong wala ng tao dito, tapos na ang klase ng mg E-Students. Pano ko nalaman? Simple, kasi engineering din ang course ni DJ. Walang katok katok, binuksan ko na lang agad ang pintuhan.



O.O



D-DJ …kissing a girl. This can’t be!



Napatingin si DJ saken, pero he just ignored me. At hinalikan pa rin nya yung girl.



Wh…what happened to DJ?



He’s kissing a girl in public! For Pete’s sake! Ghad!!



He became a cassanova?







Habang tinitingnan ko sila hindi ako makagalaw. Parang biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko.



 “Oh…Baby…”



Hindi ko kinaya ang nakikita ko kaya lumabas ako and I closed the door with my full force.



Pumasok ako sa isang room hindi ko alam kung anong room yun. Mukhang bodega siya dahil sa dami ng mga stocks sa loob at madilim dito.



Dun lang ako, iyak ng iyak. Bakit ba ginagawa ni DJ toh? Bakit ang sama nya? Ganon ba talaga kasama ang ginawa ko sakanya?



Lumalakas ang iyak ko, wala akong pakelam, dahil alam ko naman na walang makakakinig saken. Walang gustong makinig saken.



“Alam mo DJ…Hindi ko alam kung anong ginawa mo saken. Kase…kahit anong gawin mo pananakit saken, ikaw pa rin ang hinahanap ng napakakulit kong puso.”



Patayo na sana ako ng biglang may naramdaman akong isang maliit na insekto. Napasigaw ako dahil takot talaga ako sa ipis. Dahil sa takot ko nauntog ako sa isang shelves doon. Dahil sa lakas ng impact na iyon bigla na lang ako nawalan ng malay.



---



DJ POV



“Ahhhhh!!!”



Narinig ko sigaw sa may bodega. Sino naman kaya yun? Kung makasigaw parang narerape.



Ikinatuwa ko ang reaksyon ni Kath kanina dahil unti unti akong nakakaganti sakanya, pero kahit hindi ko aminin sa sarili ko alam kong nasasaktan ako… pero wala akong pakialam ayaw na ayaw ko sa mga taong walang pakialam sa mga taong nakapalibot sakanila. Isa na dun si Kath.



“Babe! You forget this…” Sabi nung lexi yung girl na kahalikan ko kanina. iPhone  ko.



“Oh, thanks.” Sabi ko at saka kinuha yung phone ko.



“Thanks? Parang mas gusto ko ang kiss mo..” I smirk. What a slut! Her wish is my command, so I kiss her. Pero a short kiss lang naman.



“Hmm..  By the way, your iPhone case is really cute.” Malanding sabi nya. Hinayaan ko na lang siya.



Couple case….  Wala na akong pakialam dyan. Hindi ko na siya aalisin dahil nga nasanay nako dito.



--



*house*



“Oh, Daniel. Nandyan ka na pala.” Tamad na sabi ni Moosh.



Si Moosh pala, pinsan ko. Sweet lang talaga kami, kasi bata pa lang kami sa bahay na namin siya tumira, umalis lang siya para magbakasyon sa Family nya sa London.



“Sige couz. Akyat nako ha?”



“Wait… Alam mo ba yung kumakalat na usapan ngayon?” Tanong bigla ni Moosh. Hmm? Ano naman kaya yun? For sure tungkol samen ni Kath yon.



“Hindi pa. Inaantok nko.” Bored  na sabi ko.



“Ah, okay—“ Biglang tumunog ang phone ni Moosh.



“Oh? May nakakita na ba sakanya? Ahm, sige.. pakitawagan na lang ako ulit kung nakita nyo na. Sige, salamat.” Sabi ni Moosh sa kausap nya sa next line.



“Sino yun?” Tanong ko.



“Ah, si Coco, classmate ko. Kakilala mo?”



“Tss. Oo naman, siya ang president ng A-Building diba?” Sarcastic na sabi ko. XD



“Oo nga.” Tipid na sagot nito. Tahimik nito ha? At saka parang worried siya. Nu nangyari? At parang may hinahanap sila e.



“Baby Moosh? Anong pinaguusapan nyo ni Coco? Sino yung hinahanap nyo?” Tanong ko dito.



“Ah, yun ba? Si Kath, nireport kasi nung parents nya na hanggang ngayon daw di pa siya umuuwi. Kaya pinaghahanap siya ngayon.” Kalmadong sabi ni Moosh, pero halata sa mukha nyang kinakabahan ito. Hindi ko siya masisi kasi nga----



Wait?! Kath? Nawawala si Kath?

Baka…?



“Uy! Daniel! San ka pupunta? Akala ko inaantok kana?” Pahabol ni Moosh, alam kong inaasar nya din ako.



Naisipan kong bumalik sa school, dahil alam ko namang wala namang pasyalan si Kath. Mas gusto nitong natutulog.



Kasalanan ko ba kung bakit siya nawawala? Sh*t!




Pagkarating ko sa school ang daming tao… Nandun din ang parents ni Kath.



“Ahhhhh!” Yung narinig kong sigaw sa may bodega kanina! Sigaw ni Kath yun. Dali dali akong pumunta sa my E-Building…



I’m sorry Kath…




--





KATH POV




Nagising ako nang may bigla akong narinig na-BLAG!




Dahil madilim wala akong makita? At anong ginagawa ko dito?

Nararamdaman ko na lang na may nagbuhat saken at itinayo nya ako at bigla nya akong niyakap ng sobrang higpit… O.O



“Kath… I’m sorry… “



Si----

























O.O



-

InnocentPen's Note: Pasensya na po, hindi ko na naeedit, busy po kase. Osya osya , comment? :D





Crazy Love Story | Prologue | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 |



3 comments:

  1. kinig ako dun!.. cnt wait 4 the next chapter

    ReplyDelete
  2. si..... sino???????????????????????? si dj n!!!!! hwaah!

    ReplyDelete
  3. ~angel is luv~

    kyaaaaaaaaah! ang gondo!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^