Magulo at maingay ang
paligid ng Crenshaw
Heights High
School ground. Foundation day kasi ng eskwelahan
kaya nagkalat ang mga students sa highschool level. May mangilan- ngilang
college students din na pagala-gala mula sa katabing buiding nila kung saan located
ang Crenshaw Heights University.
Imbes na makigulo ay mas
pinili nalang ni Jiyeon na maupo sa isang puno malapit sa sulok kung saan hindi
masyadong pansinin ng mga tao. Pero mula sa kinauupuan niya ay tanaw naman niya
ang mga estudyante lalo na ang grupo ng mga boys sa highschool division.
“Rodjun” napangiti siya ng
Makita ang binata kasama ng mga kaibigan nito na masayang nagkukwentuhan. Kahit
hindi niya dinig ang pinag-uusapan ng mga ito ay okay lang sa kanya. Ang
mahalaga ay nakikita niya ang binata.
First year highschool palang
siya ng una niyang Makita si Rodjun at magustuhan. Sinusundan niya ang lahat ng
galaw nito mula pa noon hanggang ngayong forth year highschool na sila.
Pero palihim lang ang
ginagawa niya dahil hindi niya kayang magpakita sa binata.
Bukod sa mahiyain ay may
inferiority complex din kasi siya.
Imposibleng mapansin ni
Rodjun ang tulad niyang nerd. May makapal na salamin sa mata, may suot na
braces at madaming freakles at pimples sa mukha. Ang tukso nga sa kanya ng mga
kaklase niya ay “tigyawat na tinubuan ng mukha”.
Ang sabi naman ng mommy niya
ay mawawala din daw iyon. Normal lang daw iyon sa nagdadalagang katulad niya.
Pero para sa isang nagdadalagang tulad niya na makaranas ng pang-aasar at
pangpapahiya mula sa mga kaklase niya ay trauma ang resulta nun.
Kaya tuloy mas pinipili
nalang niyang magtago sa mga bully niyang kaklase.
Napalingon si Jiyeon sa
direksyon nila Rodjun ng makarinig siya ng tawanan.
Nakita niya si Rodjun na may
kaakbay na babae.
Maganda, maputi, makinis at
sexy.
Sa pagkakaalam niya iyon ang
nanalong Miss Crenshaw Heights
noong nakaraang lingo.
Napayuko nalang si Jiyeon.
Imposible talagang mapansin siya ni Rodjun dahil ano ba naman ang laban niya sa
mga babaeng nalilink dito.
Lingo-lingo ay nagpapalit ng
girlfriend si Rodjun. Kung magpalit ito ng babae akala mo nagpapalit lang ng
damit. Hindi naman niya masisisi ang mga babaeng iyon kung okay lang sa kanila
ang set-up dahil talaga nga namang gwapo at mayaman ang binata.
In-fact myembro ito at ang
mga kaibigan nito ng “Young Millionaire’s Club” kung saan pawang mga mayayamang
tao lang ang kasali sa eskelahan nila.
Lima silang magkakaibigan na myembro ng YMC.
Una si Jiro Riyusaki. Isang
car racer addict. May-ari ang pamilya nito ng pinakamalaking car company sa
Pilipinas at sa Japan.
At sa edad na labing isa ay marunong ng magmaneho at mag-assemble ng sasakyan
si Jiro kaya naman kahit na 16 years old palang ito ay kilala na ang pangaln
nito di lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Ikalawa ay si Mikhail Konrad
Crisostomo o mas kilala bilang si Mikko. Isang computer addict naman ang isang
iyon. Ang pamilya nila ang may pinakamalaking computer companies sa buong bansa
at sa edad na 16 years old ay nakapagdevelop na ng isang software si Mikko na
mabenta sa mga kumapanya.
Ikatlo ay si Juan Bernardo
Florencio o Jubei. He’s family own the biggest airline company sa Pilipinas at
sa Turkey.
May mga prized-possession breed horses din sila sa bansa nila.
Pang-apat si Skyeler Crawford.
Ang pamilya nila ang may pinakamalaking Financial company sa buong mundo. Ito
din ang pinakamayaman sa kanilang lima
pero ito din ang pinakatahimik at suplado.
At ang ikalima ay si Rodjun
Minah. Ang kanyang sinisintang si Rodjun. Isa itong sikat na international
model. May-ari ng modeling at advertising agency ang pamilya nito sa Pilipinas
at Korea.
Kung tutuusin ay
nakakapagtakang sa isang eskwelahang tulad ng Crenshaw Heights
nag-aaral ang mga ito where in fact pupwede namang sa ibang bansa. Pero hindi
rin naman kasi basta-bastang eskwelahan ang Crenshaw Heights.
Ito ay eskwelahang pawang mayayaman lamang ang pupwedeng mag-aral dahil sa laki
ng tuition fee. At bago ka makapag-enrol ay kailangan ka pang dumaan sa butas
ng karayom sa higpit ng security.
Kaya nga hindi na
nakakapagtakang puro bratinela at bully ang mga kaklase niya.
Mayaman din naman ang
pamilya nila pero hindi siya bratinela dahil hindi siya lumaking spoiled sa
magulang. Isang military kasi ang daddy niya kaya sobrang higpit nito.
“Sige lang girls…magsaya
kayo ngayon dahil sa akin din babagsak si Rodjun”
Natawa nalang si Jiyeon sa
sarili niya. Libre naman ang mangarap diba?
“Hoy! Jiyeon! Kanina pa kita
hinahanap nandyan ka lang pala!”
“Ay pesteng kabayo!”
“Nasaan?”
“ano ka ba naman Queen bakit
ka ba nanggugulat ah? Kung may sakit ako sa puso inatake na ako sayo”
“eh kaso wala ka namang
sakit sa puso kaya hindi ka aatakihin” pabalang na sagot nito at nilantakan ang
dalang malaking chichiria. Napailing nalang si Jiyeon.
“Grabe ka Queen ang takaw
mo. Saan mo ba dinadala ang mga kinakain mo ah?”
“Saan pa eh di sa tyan ko.
Nakakahiya naman sakin kung ako ang kakain tapos sa tyan mo lang mapupunta
diba?”
“hay ewan. Ang gulo mo
kausap” pambabalewala ko nalang sa kanya at palihim na sinulyapan ulit si
Rodjun.
Rodjun my loves…. Hindi ka ba napapagod? Kasi kanina
ka pa tumatakbo sa isip ko eh…
“Hoy Jiyeon! Lumipad na
naman yang utak mo” sita sakin ni Queen sabay hampas sa balikat ko.
“aray naman ah! Yang kamay
mo sobrang bigat. Bakal ba yan?”
“Excuse me!!! Anong tingin
mo sakin cheap? Bakal??? Of course not… platinum kaya ito.!! Sa tingin mo
magkano kaya ang kikitain ko kapag binenta ko itong kamay kong made in
platinum?”
“ewan ko sayo.” Sabay sulyap
ulit kina Rodjun.
Haaayyyy!!! Ang gwapo talaga
ng mahal ko.
Okay na sana ang pangangarap ni Jiyeon ng gising ng
biglang humarang sa mukha niya ang mukha ni Queen.
“naman Queen kaasar ka na!”
“Eh sino ba naman kasi ang
tinitignan mo dun eh nandito ako” tinignan ni Queen ang lugar na tinitignan ni
Jiyeon.
“Ayun!!! Kaya naman pala
mukha akong tangang salita ng salita dito hindi ka nakikinig iyon pala may
pinagkakaabalahan yang mga mata mo. nandun pala si Papa Rodjun”
“ano ba Queen wag ka ngang
maingay jan!” namumula ang mukhang saway ko kay Queen.
Si Queen lang ang nag-iisang
kaibigan ko dito sa school. Mabait kasi ito kahit na may pagkamaingay at
basagulera. Hindi mo nga aakalaing anak ng isang businees tycoon ito eh dahil
daig pa ang mga siga sa kanto kung umasta.
“Eh ano ba kung mag-ingay
ako? Nakasaad bas a saligang batas ng Pilipinas na bawal ng mag-ingay ngayon
ah?? Jiyeon naman! Hanggang ngayon ba itinatago mo pa din yang pagsintang
pururot mo kay Rodjun? Aba
ang tagal na nyan ah! Consistent ka teh! From first year to forth year si Rodjun
lang ang lalaking nagustuhan mo. Aba dapat may award ka dun ah.”
“Queen naman eh…hayaan mo na
ako. Masaya na ako sa ganito. Basta masilayan ko lang si Rodjun okay na ako
dun”
“Weehhh??? Hindi nga? Walang
okay dun noh!” kontra nito.
“wag ka na ngang kumontra
jan okay?”
“bahala ka sa buhay mo.
halika nga at samahan mo ako maglibot saying ang mga activities dito sa school
kung magmumukmok ka lang jan sa sulok. Puntahan natin yung haunted house kuno
na gawa ng art department at laitin natin”
Wala ng nagawa si Jiyeon ng
hilahin na siya ni Queen. Pero bago tuluyang umalis ay muli pang sinulyapan
nito ang binata.
mei special participation pala dito si ate queen?.. hehe.. ang adik pa rin nya.. parang nasa kanto lang eh.. haha.. peace ate.. yun oh!nanjan na ang mga yummulicious!..
ReplyDelete--DemiDoLL
haha...abangan mo kami jan ni Regine..haha..
Delete~angel is luv~
ReplyDeletegrabe po! ang ganda 1st chapter pa lang! next na po agad please!
salamat poh :)
Deletenkasssss nmn! kbarkda q tlga c ate queen d2! ahihhhihhi! kinikilig nmn aq!
ReplyDeleteayan na ang regalo ko sayo..hehe.
Deletewow...hehehehe...naksss talaga,,,sis ikaw na ang bida hehehe...
Deletesis shinaya pwd bang kahit ako na lang ang assistant ni Skyeler Crawford o kung hnd man pwd kahit yaya???hehehe