Tuesday, July 24, 2012

Young Millionaire's Club : Chapter 1



Magulo at maingay ang paligid ng Crenshaw Heights High School ground. Foundation day kasi ng eskwelahan kaya nagkalat ang mga students sa highschool level. May mangilan- ngilang college students din na pagala-gala mula sa katabing buiding nila kung saan located ang Crenshaw Heights University.



Imbes na makigulo ay mas pinili nalang ni Jiyeon na maupo sa isang puno malapit sa sulok kung saan hindi masyadong pansinin ng mga tao. Pero mula sa kinauupuan niya ay tanaw naman niya ang mga estudyante lalo na ang grupo ng mga boys sa highschool division.


“Rodjun” napangiti siya ng Makita ang binata kasama ng mga kaibigan nito na masayang nagkukwentuhan. Kahit hindi niya dinig ang pinag-uusapan ng mga ito ay okay lang sa kanya. Ang mahalaga ay nakikita niya ang binata.


First year highschool palang siya ng una niyang Makita si Rodjun at magustuhan. Sinusundan niya ang lahat ng galaw nito mula pa noon hanggang ngayong forth year highschool na sila.


Pero palihim lang ang ginagawa niya dahil hindi niya kayang magpakita sa binata.


Bukod sa mahiyain ay may inferiority complex din kasi siya.


Imposibleng mapansin ni Rodjun ang tulad niyang nerd. May makapal na salamin sa mata, may suot na braces at madaming freakles at pimples sa mukha. Ang tukso nga sa kanya ng mga kaklase niya ay “tigyawat na tinubuan ng mukha”.


Ang sabi naman ng mommy niya ay mawawala din daw iyon. Normal lang daw iyon sa nagdadalagang katulad niya. Pero para sa isang nagdadalagang tulad niya na makaranas ng pang-aasar at pangpapahiya mula sa mga kaklase niya ay trauma ang resulta nun.


Kaya tuloy mas pinipili nalang niyang magtago sa mga bully niyang kaklase.


Napalingon si Jiyeon sa direksyon nila Rodjun ng makarinig siya ng tawanan.


Nakita niya si Rodjun na may kaakbay na babae.


Maganda, maputi, makinis at sexy.


Sa pagkakaalam niya iyon ang nanalong Miss Crenshaw Heights noong nakaraang lingo.


Napayuko nalang si Jiyeon. Imposible talagang mapansin siya ni Rodjun dahil ano ba naman ang laban niya sa mga babaeng nalilink dito.


Lingo-lingo ay nagpapalit ng girlfriend si Rodjun. Kung magpalit ito ng babae akala mo nagpapalit lang ng damit. Hindi naman niya masisisi ang mga babaeng iyon kung okay lang sa kanila ang set-up dahil talaga nga namang gwapo at mayaman ang binata.


In-fact myembro ito at ang mga kaibigan nito ng “Young Millionaire’s Club” kung saan pawang mga mayayamang tao lang ang kasali sa eskelahan nila.


Lima silang magkakaibigan na myembro ng YMC.


Una si Jiro Riyusaki. Isang car racer addict. May-ari ang pamilya nito ng pinakamalaking car company sa Pilipinas at sa Japan. At sa edad na labing isa ay marunong ng magmaneho at mag-assemble ng sasakyan si Jiro kaya naman kahit na 16 years old palang ito ay kilala na ang pangaln nito di lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.


Ikalawa ay si Mikhail Konrad Crisostomo o mas kilala bilang si Mikko. Isang computer addict naman ang isang iyon. Ang pamilya nila ang may pinakamalaking computer companies sa buong bansa at sa edad na 16 years old ay nakapagdevelop na ng isang software si Mikko na mabenta sa mga kumapanya.


Ikatlo ay si Juan Bernardo Florencio o Jubei. He’s family own the biggest airline company sa Pilipinas at sa Turkey. May mga prized-possession breed horses din sila sa bansa nila.


Pang-apat si Skyeler Crawford. Ang pamilya nila ang may pinakamalaking Financial company sa buong mundo. Ito din ang pinakamayaman sa kanilang lima pero ito din ang pinakatahimik at suplado.


At ang ikalima ay si Rodjun Minah. Ang kanyang sinisintang si Rodjun. Isa itong sikat na international model. May-ari ng modeling at advertising agency ang pamilya nito sa Pilipinas at  Korea.


Kung tutuusin ay nakakapagtakang sa isang eskwelahang tulad ng Crenshaw Heights nag-aaral ang mga ito where in fact pupwede namang sa ibang bansa. Pero hindi rin naman kasi basta-bastang eskwelahan ang Crenshaw Heights. Ito ay eskwelahang pawang mayayaman lamang ang pupwedeng mag-aral dahil sa laki ng tuition fee. At bago ka makapag-enrol ay kailangan ka pang dumaan sa butas ng karayom sa higpit ng security.


Kaya nga hindi na nakakapagtakang puro bratinela at bully ang mga kaklase niya.


Mayaman din naman ang pamilya nila pero hindi siya bratinela dahil hindi siya lumaking spoiled sa magulang. Isang military kasi ang daddy niya kaya sobrang higpit nito.


“Sige lang girls…magsaya kayo ngayon dahil sa akin din babagsak si Rodjun”


Natawa nalang si Jiyeon sa sarili niya. Libre naman ang mangarap diba?


“Hoy! Jiyeon! Kanina pa kita hinahanap nandyan ka lang pala!”


“Ay pesteng kabayo!”


“Nasaan?”


“ano ka ba naman Queen bakit ka ba nanggugulat ah? Kung may sakit ako sa puso inatake na ako sayo”


“eh kaso wala ka namang sakit sa puso kaya hindi ka aatakihin” pabalang na sagot nito at nilantakan ang dalang malaking chichiria. Napailing nalang si Jiyeon.


“Grabe ka Queen ang takaw mo. Saan mo ba dinadala ang mga kinakain mo ah?”


“Saan pa eh di sa tyan ko. Nakakahiya naman sakin kung ako ang kakain tapos sa tyan mo lang mapupunta diba?”


“hay ewan. Ang gulo mo kausap” pambabalewala ko nalang sa kanya at palihim na sinulyapan ulit si Rodjun.


Rodjun my loves…. Hindi ka ba napapagod? Kasi kanina ka pa tumatakbo sa isip ko eh…


“Hoy Jiyeon! Lumipad na naman yang utak mo” sita sakin ni Queen sabay hampas sa balikat ko.


“aray naman ah! Yang kamay mo sobrang bigat. Bakal ba yan?”


“Excuse me!!! Anong tingin mo sakin cheap? Bakal??? Of course not… platinum kaya ito.!! Sa tingin mo magkano kaya ang kikitain ko kapag binenta ko itong kamay kong made in platinum?”


“ewan ko sayo.” Sabay sulyap ulit kina Rodjun.


Haaayyyy!!! Ang gwapo talaga ng mahal ko.


Okay na sana ang pangangarap ni Jiyeon ng gising ng biglang humarang sa mukha niya ang mukha ni Queen.


“naman Queen kaasar ka na!”


“Eh sino ba naman kasi ang tinitignan mo dun eh nandito ako” tinignan ni Queen ang lugar na tinitignan ni Jiyeon.


“Ayun!!! Kaya naman pala mukha akong tangang salita ng salita dito hindi ka nakikinig iyon pala may pinagkakaabalahan yang mga mata mo. nandun pala si Papa Rodjun”


“ano ba Queen wag ka ngang maingay jan!” namumula ang mukhang saway ko kay Queen.


Si Queen lang ang nag-iisang kaibigan ko dito sa school. Mabait kasi ito kahit na may pagkamaingay at basagulera. Hindi mo nga aakalaing anak ng isang businees tycoon ito eh dahil daig pa ang mga siga sa kanto kung umasta.


“Eh ano ba kung mag-ingay ako? Nakasaad bas a saligang batas ng Pilipinas na bawal ng mag-ingay ngayon ah?? Jiyeon naman! Hanggang ngayon ba itinatago mo pa din yang pagsintang pururot mo kay Rodjun? Aba ang tagal na nyan ah! Consistent ka teh! From first year to forth year si Rodjun lang ang lalaking nagustuhan mo. Aba dapat may award ka dun ah.”


“Queen naman eh…hayaan mo na ako. Masaya na ako sa ganito. Basta masilayan ko lang si Rodjun okay na ako dun”


“Weehhh??? Hindi nga? Walang okay dun noh!” kontra nito.


“wag ka na ngang kumontra jan okay?”


“bahala ka sa buhay mo. halika nga at samahan mo ako maglibot saying ang mga activities dito sa school kung magmumukmok ka lang jan sa sulok. Puntahan natin yung haunted house kuno na gawa ng art department at laitin natin”


Wala ng nagawa si Jiyeon ng hilahin na siya ni Queen. Pero bago tuluyang umalis ay muli pang sinulyapan nito ang binata.





7 comments:

  1. mei special participation pala dito si ate queen?.. hehe.. ang adik pa rin nya.. parang nasa kanto lang eh.. haha.. peace ate.. yun oh!nanjan na ang mga yummulicious!..

    --DemiDoLL

    ReplyDelete
  2. ~angel is luv~

    grabe po! ang ganda 1st chapter pa lang! next na po agad please!

    ReplyDelete
  3. nkasssss nmn! kbarkda q tlga c ate queen d2! ahihhhihhi! kinikilig nmn aq!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayan na ang regalo ko sayo..hehe.

      Delete
    2. wow...hehehehe...naksss talaga,,,sis ikaw na ang bida hehehe...

      sis shinaya pwd bang kahit ako na lang ang assistant ni Skyeler Crawford o kung hnd man pwd kahit yaya???hehehe

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^