Friday, July 27, 2012

Young Millionaire's Club : Chapter 2



Dear Diary,

Sabi nila lahat ng story may happy ending.
Pero bakit yung sa amin wala?
Paano nga naman magkakaroon ng ending kung wala namang simula?



Kasalukuyang nasa library si Jiyeon at nagsusulat sa diary niya. Mas pinili niyang manatili sa library kesa makigulo sa foundation day. Hindi naman obligado kasi ang mga estudyante pumasok kaya ang iba ay wala tulad ni Queen. Kaya tuloy mag-isa lang siya ngayon.


Ipinagpatuloy na lang niya ang pagsusulat.


Ilang buwan nalang at matatapos na ang klase. Graduation Time na pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nasasabi kay Rodjun ang nararamdaman niya.


Napabuntong hininga nalang na ipinagpatuloy niya ang pagsusulat.


Kelan kaya darating ang time na masasabi ko kay Rodjun ang nararamdaman ko?
Pagputi ng uwak? Pag nagkaroon ng pakpak ang mga baboy?
O Pag naging square ang buwan?
It means malabong mangyari na darating ang time na iyon.
Okay lang Masaya na naman ako na Makita at masilayan lang si Rodjun eh.
Kumpleto na ang araw ko.


“Minsan na nga lang akong pumasok sa school na ito. Foundation day pa ang aabutan ko. Ang saya naman”


Nagulat si Jiyeon ng makarinig ng boses sa tabi niya.


Ang boses na yun…


Kilala niya ang may-ari ng boses na iyon.


“Haayyy nakakamiss din palang pumasok sa school kahit wala naman akong ginagawa. Wala eh..henyo ako eh” patuloy na sabi ng katabi niya.


Dahan-dahang nilingon ni Jiyeon ang katabi. At ganun nalang ang kabang naramdaman niya ng Makita kung sino ang nasa tabi niya.


Rodjun…


Napatingin din sa kanya ang binata.


“Naistorbo ba kita? Pasensya na ah. Ang ingay kasi masyado sa labas eh. Kung naiingayan ka sakin sige aalis na ako” akmang tatayo na si Rodjun.


Peste ka Jiyeon magsalita ka! Saan na ba napunta ang boses mo? kinuha ng alien?! Bilis at baka umalis na si Rodjun.


“Ahhhmmm…ano….”


Kaagad namang napatingin sa kanya ang binata.


“….ahhh…o-okay…l-lang…di-di naman ako na-iis..torbo”


Muling ngumiti sa kanya ang binata.


“Ganun ba? Mabuti naman” sabi nito at naupo ulit sa tabi niya.


This is it!!! Sa wakas ay nagkaroon na din siya ng pagkakataong mapalapit sa binata.


Lord ang aga naman pong Christmas Gift nito.


Itinago niya ang diary dahil baka mabasa pa ito ni Rodjun at kunwari ay ipinagpatuloy nalang niya ang pagbabasa kahit na halos wala naman siyang maintindihan sa binabasa niya.


“anong binabasa mo? ang sipag mo naman wala na ngang klase nag-aaral ka pa din”


Shete!!! Siya ba talaga ang kinakausap ni Rodjun????


“Oppsss sorry mukhang maingay na ako masyado. Hindi ka yata makapagconcentrate sa binabasa mo”


“Hindi….okay lang”


“Mahiyain ka naman masyado. Nakakailang ka tuloy kausapin. Sa totoo lang hindi ako sanay sa mga babaeng tulad mo” napatingin siya bigla dito. “Opps..na-offend ba kita?” alanganin ang naging ngiti nito.


“Hindi naman”


“pasensya ka na ganito lang talaga ako. Ako nga pala si Rodjun” pakilala nito at inilahad ang kamay.


“Alam ko” biglang sagot niya pero agad ding napatutop sa bibig.


Napangiti naman si Rodjun.


“Alam mo?”


“Ahhh…oo kasi…sinabi mo eh. Saka sikat ka dito sa school diba?”


“I see…ikaw? Anong pangalan mo?”


My golly gewgaw!!! Tama ba itong naririnig ko? Si Rodjun tinatanong ang pangalan ko?


“Ji-Jiyeon… Jiyeon Salazar”


“Nice name…bagay sayo. Nice to meet you Jiyeon” at si Rodjun na mismo ang nag-abot sa kamay ko upang makipagshake hands. Nawala sa isip ko na nakalahad nga pala ang mga kamay niya sakin.


“Ahm same to you” kiming sagot ko.


Nakatitig lang sakin si Rodjun. Hindi niya pa rin binibitawan ang mga kamay ko.


Okay lang naman sakin kahit habang-buhay niya pang hawakan ang mga kamay ko.


“Ahh…hehe” mukhang wala din yata siyang masabi.


Pareho kaming speakless..hehe.


Tinititigan lang namin ang isat isa.


“Hoy tol! Ano yan?” biglang sita samin ng kaibigan niyang si Jubei. “May paholding-holding hands ka pang nalalaman ah. Nambababae ka na naman” pang-aasar pa nito.


Namumula naman ang mukhang bumitaw ako sa pagkakahawak ni Rodjun.


“ikaw talaga Jubei kahit kailan wala kang magawang matino”


“weeehhh?? Hindi nga? Ano yun joke?”


“ewan ko sayo. At hindi ko babae si Jiyeon. Wag kang ganyan nakakahiya sa kanya”


Tama bang mag-usap sila na parang wala ako sa tabi nila???


“At kelan ka pa nahiya sa babae ah? Samantalang lahat ng nakapalda pinapatos mo” sinulyapan siya ni Jubei pagkatapos ay nakakalokong ngumiti. “Kelan ka pa nawalan ng taste sa babae ah Rodjun?”


Kaagad naman akong namula sa pagkapahiya sa sinabing iyon ni Jubei. Obvious naman kung ano ang ibig niyang sabihin.


Im ugly. Hindi ako ang tipo ng babae na magugustuhan ni Rodjun.


“stop it Jubei! I’m just talking to her and don’t say words like that”


Siya naman ang binalingan ni Jubei.


“Ingat ka dito bata…lahat ng kinakausap nito nabubuntis” at sinabayan nito ng tawa. Walang pakialam kahit na nasa loob sila ng library. “Pero sa itsura mong yan? Asa kang papatulan ka ni Rodjun”


“Jubei ano ba?!” sita ni Rodjun dito.


Kaagad namang dinampot ni Jiyeon ang mga gamit nito at nagmamadaling umalis ng lugar na iyon dahil sa pagkapahiya. Hindi na tuloy niya nakita ng sinuntok ni Rodjun si Jubei.



5 comments:

  1. waaaaaaaaaah! kun mkpagwala nmn daw aq d2 ang wagas! peo nung pinbsa q s classm8 q at cnabi qng aq ung jiyeon n tnutukoy, ngwala n rin xah! ahhhahahah! ntwa kmi! lhat ng kinakausap ni rodj, nbubuntis! pero loko k jubei, gusto mu ikw patulan q? buti n lng cnuntok xah ni rodjun! hwahhhahhahahha! nkganti!

    ReplyDelete
  2. ang sama ni jubei!.. i cnt believe he said dat!.. hmpf.. mbuti na lang sinuntok sya ni rodjun,serves him ryt!.. haha..

    ReplyDelete
  3. ~angel is luv~

    pasaway! ang sama ni jubei! yan 2loy nasapak ka! pero okay lang, siya pa rin ang crush ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ano bang pangalan mo sis para naman ikaw ang ilagay kong partner ni Jubei...

      Delete
  4. hahahaha...si Jubei ang resident bad guy ng grupo...haha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^