Friday, July 27, 2012

The Adventure of EunSeungRi: The Monster

CHAPTER TWO
MONSTER!!

     KABAGO-BAGO ko dito sa Forbes Park, marami na akong naririnig na sabi-sabing may gumagala daw na monster na bigla na lang mang-gugulat at kukuhain ang puso mo para isabit sa puno ng balete, alay daw para sa panginoon nila.


     Tinatawanan ko lang sila sa mga kwentong yun. There is no such things as that. Pero naniniwala sila sa kwentongg yun lalo na si Dok kaya naman naisipan nyang bumili ng Anti-Monster spray at inutusan nya sina Don at Tor na mag-spray sa buong paligid maging ang loob ng bahay.


     Napakabaho ng Anti-Monster spray na yun. Sabi nila ayaw daw ng monster ng ganung amoy. E kahit nga tao ayaw ng amoy ng spray na yun, monster pa kaya?


     Naimbento ang Anti-Monster na yun ng isang PINOY SCIENTIST/CHEMIST na si Juan Pandoy na hindi ko alam bakit ganyan kabaduy ang pangalan nya. Nasa Solomon Island sya ngayon kasam pa ang ilang kapwa nya rin Scientist. Kung paano ko nalama ang tungkol sa Anti-Monster spray na yun? Nabasa ko lang sa isang article.


     Dahil nga naniniwala ang PILIPINAS sa nasabing monster bumili ang Presidente ng Anti-Monster spray na nag-kakahalagga ng Trillion. Discounted na daw yun. Kunsidirasyon na rin daw kasi PINOY ang naka-imbento. Para sa PILIPINAS na may hawak ng titulong "NUMBER ONE RICHEST COUNTRY IN THE UNIVERSE" sisiw lang ang halagang Trillion sa atin.


     Mahigit isang milyon ang ipinamahaging libre ang Anti-Monster spray sa buong PILIPINAS. Pero ni isa walang napabalita na may napatay na monster gamit ang spray na yun. Nag-dalawang isip na tuloy ang pangulo kung totoo nga ba talaga ang balita o kwentong lugaw lang. Gusto pa sana nyang ibalik ang naturang spray pero sabi sa resibo 'nonrefundable' daw yun. Never mind na lang.

✌✌✌✌✌✌✌✌
     
     NITONG umaga, alas singko imedya pa lang ginsing na ako ni Dok. Ako kasi ang natutulog sa kwarto nya tuwing gabi habang si Nede naman ang duty buong mag-hapon. Lahat kami ay ginising nya dahil plano nga nyang spray-an ang buong bahay. Lahat kami nabulabog, at sa aga nga ng bulabog. Kanya-kanya nanaman ng reklamo ang mga kasama ko.


     Tinipon kami ni Dok para ipaalam nga ang balak nyang gawin. Sumang-ayon naman sila sa ideyang iyon. Gustong gutso nila ang ideyang iyon dahil hindi lang para mailigtas sila sa monster kundi mailalayo sa kanila sandali si Dok at makakawala sila sa reklamong paulit ulit nilang nire-recite. Pero walang ligatas si Yon, Nede at syempre ako.


     Maagang nag-lakbay si Dok papuntang Pasong Tamo kung saan makikituloy sya sa bahay ng isa pa nyang anak na si Jo. Safe naman sya dun, dahil matagal ng na-spray-an ang bahay na yun. Iniwan muna nila ako sa bahay dahil gabi pa naman ang duty ko.


     Nasaksihan ko ang ginawang pag-spray sa bahay. Nan dun sila tinitiis ang mabahong amoy ng Anti-Monster spray  habang ako naman ay nasa itaas para mag-bantay ng telepono. Baka kasi mag-karoon ng biglaang emergency sa bahay ni Jo. Na baka sinugod sa sila ng monster dun. Balita ko kasi sa lugar na yun madalas umataki ang monster.


     May mga tumawag na nanga-ngamusta lang at may tumawag dyang lang sa tapat ng bahay para ibalitang nakita daw nila ang monster sa tapat ng bahay ni Dok.


     "Kailangan nyo nang umalis dyan!"takot na takot na sabi sakin ng babae sa kabilang line na nasa tapat lang namin ang bahay.


     "Hu?"sagot ko.


     "Nakito ko ang monster sa tapat ng bahay nyo kagabi! Mukhang kayo ang next na biktima! Umalis na kayo dyang habang maaga pa!"tarangtang tanong nya. Choosy pala ang monster. Mapili pala ito sa mga bibiktimahin.


     "Ah~Never mind. Nag-spray na kami ng Anti-Monster."kampante kong sagot. Hindi kasi talaga matanggap ng puso't isip ko na may nilalang na gaya ng pinaniniwalaan nila. Duh?!


     "Hindi! Alam nyo bang isang buwan pa ang bisa ng Anti-Monster spray na yan! Wala pang bisa yan ngayon!"sumisigaw na ito.


     Nagulat ako sa sinabi nya. Sabi kasi sa balita isang taon pa ang talab ng Anti-Monster spray. Buti na lang nabanggit nya. Bagong kaalaman din yun na kapag sinabi ko sa mga kasamahan ko siguradong magugulat sila. "Talaga?!"sabi ko.


     "Oo!"parang gustong gusto na nyang umalis kami talaga.


     "Okay."kalmante paring sagot ko.


     "An-"naputol na ang usapan namin dahil sa sigawang narinig ko sa kabilang linya. Hindi na ko sumagot, naisip ko baka nanalo lang sila sa lotto kaya ibinaba ko na lang ang telepono at bumaba.


     Maya-maya ay dumating na ang umalis na si Eina kasama ang driver na si Seph. Buti na langg at wala si Loumarie kaya nagamit ni Eina si Seph para ipag-drive sya kung saan man sya pupunta. Umakyat ulit ako sa taas para manood ng T.V, pang-pawala na rin ng antok ko.


     Talagang malaki ang impluwensya ng monster dahil maging ang mga palabas sa T.V ay Monstrous. Inaamin ko takot ako, takot akong baka biglang dumating si Dok at maabutan akong nanunood ng T.V. Isa kasi sa patakaran nya ang wag manood ng T.V dahil nauuso nga daw sa T.V ang Monstrous na palabas na kapag-ppinanood mo ay talagang masasapian ka at magiging monster na rin. Napapailing na lang ako sa bagay na yun.


     Bumaba na lang ako para puntahan si Nel sa may labahan namin. Matapos nyang mag-linis ay nag-laba sya. Naisipan ko syang tulungan sa pamamagitan ng pag-ba-brush ng sementong may lumot. Habang ginagawa ko yun ay masaya naming pinag-kukwentuhan ang tungkol sa palangga nyang si Win. Tawa kami ng tawa hanggang sa  nawala na sa isip namin ang monster.


     Nangailangan si Nel ng zonrox, nasa kwarto ng mga lalaki ang zonrox. Dahil kami lang naman ang tao sa ibaba. Lahat sila busy sa itaas. Ako na ang nag-presentang kumuha.Pumasok ako sa kwarto at sa pag-labas ko ay napasigaw akong bigla.


     Bumulaga ang isang nakakatakot na mukha! Mapula ang mukha nya! Sobrang pula! Ang mata nya puro itim lang! Oily ang katawan nya at may isang napakalaking ngipin sya sa harapan! Ang baho baho nya. Masahol pa sa amoy ng Anti-Monster spray. Yung katawan nya parang si Charmander sa Pokemon! Napakatulis ng kuko nya sa dadalawang daliri nya sa mag-kabilaang kamay! At wala syang ilong! Nakita kong may hasang sya sa mag-kabilang gilid nga kanyang tenga. Para syang Sea Pokemon!


     Tumakbo sI Nel ng makita nya ang mosnter. Halos hindi naman ako makapaniwala kaya halos hindi ako nakagalaw. Tinititigan ko lang sya. Parang hirap rumehistro sa utak ko na monster ang kaharap ko at kailangan ko nang tumakbok.


     Nang ibuka ng Monster ang bunganga nya, amoy na amoy kong wagas ang masangsang na amoy ng hininga nya. Dun lang ako natauhan, tumakbo ako papuntang gate pero naabutan ako ng mosnter at kinalmot ako sa braso. Nasugatan ako, sa sobrang lalim ay panay ang dugo nito.


     Napaupo ako, lumapit sa akin ang mosnter. Dahil takot na takot ako, hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero kailangan kong lumaban para makaligtas. Sinuntok ko ng buong pwersa ang mosnter. Napaatras ito kaya nakatakbo ako pero hindi ko akalaaing mabilis pala ang monster kahit na obis ang katawan nito.


     Kinalmot nya ulit ako at nahawakan sa kamay saka hinatak nya ako.Napadausdos ako sa sahig. Sinipa ko ang Monster para makabitaw pero kinalmot nya ulit ako sa mag-kabilang braso. Nag-kalat na ang dugo ko sa lapag. Naliligo na rin ako sa sarili kong dugo. Damang dama ko na ang hapdi sa mga sugat ko na para bang dahan dahan akong hinihiwa at pinapatakan ng milyon milyong kalamansi.


     Gusto kong humingi ng tulong sa mga kasama ko pero hindi na ako makasigaw dahil unti-unti na akong nang-hihina. Pakiramdam ko para akong nakakulong sa isang ring at nakikipag-laban kay kamatayan. Gusto ko ng bumtaw at isuko na lang ang kaluluwa ko sa empyerno.


     Pero parang isang anghle ang dumating. Nabigyan ulit ng liwanag ang madilim kong paligid. Naaninag kong nakikipag-laban ang mga kasama ko sa Monster. Hawak ni Nel ang Anti-Monster at walang tigil nyang ini-spray-an ang monster. At habang nang-yayari iyon ay unti-unti rin akong nawawalan sa ulirat hanggang sa tuluyan na ngaakong nawala sa ulirat.



...To be continued ★★★



2 comments:

  1. ~angel is luv~

    naamaze ako habang binabasa ito. ang galing!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^