Saturday, July 28, 2012

The Adventure of EunSeungRi: The Final Begging

FINALE
THE FINAL BEGGING


     NAGISING ako na palang walang nang-yari, inalala ko ang nakaraan, napahawak ako sa braso ko dahil naalala kong nakipag-sagupaan pala ako sa monster. Tumayo ako sa kama, narinig kong nag-luluto si Eilu sa kusina. Naramdaman nya siguro na gising na ako kaya tinawag nya ako.

     "EunSeungri! Kumain ka na kasi dadaanan ka ni Dok dito mamaya."takang taka akong lumabas ng kwarto at nag-punta ng kusina.

     "Anong nang-yari? Diba may mga sugat tayo dahil sa monster?"kunot na kunto ang nuo kong tanong. Ngumiti si Eilu ay inilapag nya ang isang plato ng isdang niluto nya. Kakaiba yung isda. Gold yung kulay nya. Hindi sya Gold Fish, sure ako dun dahil payat na isda lang sya. E yung Gold Fish bondat yun kahit walang kinain. Parang ginto itong kumikialap kislap pa.

     "Dahil sa isadang 'to kaya tayo gumaling."sabi ni Eilu.

     "Hu?"sagot ko.

     "Galinggung ang tawag sa isda na 'to. Ibig sabihin 'galing sa luha ng gung'.Gung ang tawag sa monster na yun. Pag nasugatan ka nila, walang ibang gamot ang pwedeng makagaling. Kung papakialaman naman ng mga mediko ang sugat lalo lang itong lalaki at lalalim, madurugo hanggang sa mamatay ka. Ang tanging makakagaling sayo ay ang luha ng Gung."paliwanag ni Eilu.

     "Pano naman nakakagaling yan? Pano magiging isda ang luha ng Gung?"lalong kumunot ang nuo ko.

     "Kailangan mong ipahid ang mga luha ng Gung sa mga sugat mo. Sa tuwing pumapatak naman ang luha ng Gung sa lupa dun lang 'to nagiging isda. At kapag niluto mo sya nagiging ganito ang kulay nya."nakangiting sabi ni Eilu.

     Hindi ko alam kung paano nagiging isda ang luha ng Gung kapag pumatak sa lupa. Gusto ko sana itanong sa kaniya kung paano kapag pumatak sa tubig ang luha ng Gung? Pero never mind na lang. Tinikman ko ang galingung. Nang-laki ang mata ko dahil sa pambihirang sarap nito. Walang katulad. Kumain ako ng marami. Gusto ko pa sanang tanungin si Eilu kung paano nya nalaman ang tungkol sa galungung pero wala na akong oras. Kailangan ko na mag-handa kasi baka biglang dumating si Dok.


     ✌✌✌✌✌✌✌✌✌✌

     MATYAGA akong nag-hihintay sa kwarto sa pag-dating ni Dok, pero inabot na ng las syete ng gabi ay wala parin sya. Unti unti na akong nababagot, inaantok, mabuti na lang at dumating din ang kotse. Si Yon lang ang dumating, hindi na daw sumama sina Dok dahil naulan. Dun lang pumasok sa isip ko na kanina mainit tapos ngayon naulan.

     Nasa byahe na kami papuntang Condo Unit ng anak ni Dok. Kinamusta ni Yon ang nang-yari sa amin sa buong mag-hapon pero pinili ko na lang na wag nang ikwento pa ang encounter namin sa Gung para hindi na sila mag-alala pa.

     Nag-kwentuhan na lang kami ng tungkol sa nararamdaman nya kay Nede. Gusto nya kasi ito, ang problema lang, hindi daw sya marunong manligaw. Binigyan ko sya ng advice, sabi ko bigyan nya ng bulaklak si Nede. Tumawa sya, sabi nya old school daw yun. Kala ko ba hindi sya marunong mang-ligaw? Bakit alam nya ang old school na ligawan? Whatever!

     Nakarating na rin kami sa Pasong Tamo at huminto na rin ang ulan. Sa parking lot kami dumaan dahil may dala kaming sasakyan.

     Mag-isa akong umakyat dahil babalik na rin si Yon sa Forbes Park. Pag-sakay ko sa elevator nag-tataka ako dahil hindi ito sumasara. Nakakailang pindot na ko pero ayaw talagang sumara.

     Lumabas ako ng eleveator, baka sakaling may guard na pwedeng tumulong sa akin. Pero walang tao sa paligid. Medyo kinabahan na ako kasi baka nan dun nanaman ang Gung. Tahimik akong nakikiramdam sa paligid habang dahan dahan akong lumalakad patalikod pabalik ng elevator.

     Nagulat ako ng may biglang bumangga sa likuran ko. Napaatras ako at napahawak sa dib-dib. isang matandang kuba na may mahabang buhok na nag-aagaw ang kulay ng puti at itim na para bang hindi nakagamit ng shampoo simula ng ipanganak ang bumulaga sa akin. Tinititigan ko lang sya.

     Panalo ang outfit! Naka-fitted na leather pants at jacket sya. Para syang assassin na nag-babalat kayo lang bilang isang matanda. Hindi kami nag-kikibuan, nag-titinginan lang kaming dalawa.

     Nang hindi ko matiis ang sitwasyon at hindi ko matiis ang kulubot nyang mukha na gusto kong puntin dahil gusto kong i-reveal ang totong pag-katao nya. "Excuse me po."sabi ko na lang sa kaniya. Gusto ko nang umakyat dahil baka hinahanap na ako ni Dok.


     Hindi sya umalis kaya ako na lang ang umalis. Pero bago ako pumasok sa elevator narinig ko syang nag-salita. Sabi ko na nag-papanggap lang talaga sya! Boses bata kasi sya! Sigurado ako nag-papanggap lang sya! "Sandali."pigil nya sakin. Huminto naman ako.

     "Bakit po?"magalang kong tanong kahit na ang isip ko ay duda ako sa kaniya.

     "Kailangan mong iligtas ang Pilipinas."seryosong sabi nya.

     "Hu?"napangiwi ako at nag-salubong ang mga kilay ko. Sa isip isip ko lang hindi ba pangulo at opisyal na gobyerno ang dapat na mag-ligtas sa Pilipinas dahil kahit mayaman na ang bansang 'to ay marami paring mga buwaya. Bakit ako pa? Ayaw ko nga nang nag-iisip diba? Tapos bibigyan ako ng isang problema na dapat kong solusyonan.

     "Sa presdient nyo na lang po sabihin yan."obvious namang ayaw ko ang offer nya.

     "Hindi ito isang biro."seryoso parin ang matanda nyang mukha pero sa bata nyang boses.

     "Pareho lang naman po tayong hindi nag-bibiro. Hindi ako mahilig sa joke."balik sabi ko. Medyo naiinis na ako. Ilang minuto na ang lumilipias, baka hinahanap na ako ni Dok at ni Nede.

     "Makinig ka sakin."giit nya.

     "Makinig din po kayo sa akin. May trabaho pa po ako at kailangan ko nang umakyat."paliwanag ko sa kaniya nag-vow ako. Tradisyon na hindi naman kulturang PINOY pero na-adapt na natin dahil sa kakapanood ng Korean Dramas. Tsk, tsk, tks!

     Nag-madali akong pumasok sa elevator habang nag-dadasal na sana sumara na ang pinto. Salamat LORD dahil sumara sya agad. Pero akala ko tapos na ang lahat. Nagulat ako nang makita ko sya sa tabo ko. May sa demonyo yata ang matandang 'to. Hindi ko man lang napansin kung paano sya nakarating dun.

     "Gustong sakupin ng mga ARTA ang PILIPINAS. At kailangan ng taong bayan ang tulong mo."

     Napakamot na lang ako sa ulo. Ano bang sinasabi ng matandang 'to? AnoNG ARTA? Lumalabas pang Super Hero ako na mag-liligtas sa mga tao. Ang pinag-kaiba lang ay PIIPINAS lang ang ililigtas ko hindi tulad ng karamihang Super Hero na buong sanlibutan ang kailangang iligtas. At least, less stress kung totoo nga. Parang gusto ko tuloy maniwala sa matandang 'to na parang nakalimutan yatang uminom ng gamot.

     "Lola, hindi po ako Super Hero. ibigay nyo na lang yan kay Batman o kaya kay Super Man o kung sino mang Super Hero ng Marvels o Justice League. O kung gusto mo kay Panday o gagamboy, maraming Super Hero dyan, sila na lang utusan mo. Sila nang bahalang mag-resulba nyang problema mo. Busy ako."pakiramdam ko tuloy tanga na pinagti-tripan ng isang walang magawang tao. At isa pa tama na ang minsang naniwala ako sa Gung. Wag na sanang masundan ang bangungot na yun.

     "Ikaw ang nag-simula, ikaw ang kailang tumapos nito."ngayon naman ay sinisisi nya sa akin ang planong pag-sakop ng kung sino man yung sinasabi nya sa PILIPINAS. Ano bang malay ko sa mga yan! Ni hindi ko nga alam kung sino yung mga ARTA e.

     Napipika na ako sa kanya, hindi ko na naiwasan pang mamilosopo. "Lola, alam kong pangatlo na sa pinakamayamang bansa ang PILIPINAS ngayon! Pero bakit dito nila gusto sumakop? Pwede naman sa USA o kaya CHINA. Marami pang mayayamang bansa dyan!"high blood pam ako sa kaniya. "At wag nyo nga po akong masisisi sa plano ng mga-sino nga yun? Wala akong kasalanan!"ako naman ang nag-pupumilit sa kaniya na lubayan na nya ako.

     Nang mag-bukas ang pinto ng elevator, nag-mamadali akong lumabas. Akala ko nakatakas na ko. Napahinto ako ng bigla uli syang sumulpot sa harapan ko.Ano bang mayron sa matandang 'to? Ano bang klaseng nilalang 'to? Bakit nakakaya nitong gumalaw ng ganun kabilis na hindi ko man lang napapansin?

     "Dahil dito bumagsak ang isa sa siyam na bato  simula ng wasakin sila ng mga ARTA. Ang batong yun ang pinaka-malakas sa siyam. At iyon din ang nag-sisilbing buhay ng walo pang natitira.

     "Hu?"hindi ko na sya mainitindihan! Ang labo! Parang Super Man lang ah! Kryptonite???? Ang corney na! Nakakainis na! Napailing na lang ako at tinalikuran ang matandang malakas yata ang tama.

     "Ang mga Gung!"napahinto ako. Sa tuwing narirnig ko kasi ang Gung kinakabahan na ko, medyo. "Sila ang palatandaang parating na ang mga ARTA! Wag mong hayaang mahanap nila ang bato! Dahil pag nauna sila, madali na lang para sa kanilang hanapin ang walo pang nawawala. At gagamitin nila yun para sakupin na ang buong sanlibitan."sigaw nya na pilit itinituwid ang baluktot nyang likod.

     "Ano pong gusto nyong gawin ko? Paliguan ko sila ng Anti-Monster spray para magsimatay na silang lahat?"sumakay na lang ako para matapos na ang lahat.

     "Hindi. Dahil hindi tatalab sa kanila ang spray na yun. Isa silang uri ng ng Neila. Mga immortal na Neila. At ang tanging makaka-patay lang sa kanila ay ang apoy ng isa sa siyam na bato. Pero hindi mabubuhay ang batong ito pag wala ang pinaka-buhay nila."mahabang paliwanag ng matanda. Hindi ako interesado sa sinasabi nya hanggat hindi ko nakikita.

     "Ano pong dapat nating gawin?"sinasakyan ko parin sya.

     "Kailangan mong hanapin ang ABARG."sabi nya.

     "Hu?"naging expression ko na ang salitang yan simula ng makarinig ako ng mga wirdong salita.

     "ABARG ang tawa sa mga batong yun. Galing sila sa mundo ng GAHIWA. Kung saan nakatira ang apat na klase ng Neila. Kailangan mong mahanap yun bago ka pa maunahan ni Moeb."talagng seryoso sya sa sinabi nya habang ako naman ay natatawa na.

     "Hu?"sabi ko. Natatawa kasi ako sa mga kakaibang pangalang naririnig ko. Unan GUNG, sunond ARTA, ABARG, may GAHIWA pa, ngayon naman MOEB. San ba pinag-kukuha yang mga  pangalan na yan? Out of this world!

     "Wala ng oras RiNue. Kailangan mo nang mag-madali!"wika nya.

     Napaisip ako, anong tawag nya sakin? RiNue? Hindi ba dapat EunSeungRi? Sabi ko na maling lang sya ng taong nakausap e. Hay naku! Si lola talaga. Napapailing na lang ako sa kaniya. Naputol ang usapan namin ng may biglang mag-bukas ng pinto sa likuran ko. Napalingon ako, si Nede iyon. Dun ko lang napansin na nasa harapan na pala ako ng pinto ng unit.

     "Kaninan ka pa ba dyan?"kunot nuong tanong ni Nede. Hindi ako sumagot, nilingon ko muli ang matanda. Bigla na lang syang nawala. May sa palos talaga ang matandang yun. Matapos akong iwanan ng isang kwentong palaisipan ay bigla na lang itong nawala ng ganun ganun lang. Napailing na lang ako at sumunod na papasok sa loob.

   Hindi ko man alam kung totoo o hindi ang kwento nya basta ang alam ko ang bawat katapusan ay may nakaabang na simula. Ewan kung na-gets mo. Pero ito na ang ending na adventure na ito.




✌✌ the end ✌✌

A/N:
     to ANGEL IS LUV .. salamat po sa touching comment mo .. sorry dismayado ka sa ending ng IT'S WAR .. yun kasi yung pinaka-high light ng MV kaya ayaw ko po baguhin .. hehe .. sensya na .. pero dahil po sa comment mo may natutuna nanaman ako sa mga trip na basahin ng mga readers .. salamat po ..

      as a gift po gagawan po kita ng story .. gusto mo po ba si Joon .? kaw na lang po girl dun sa balak kong gawing kwento .. comment ka lang po kung sino gusto mo makasama .. salamat po ulit ..

     Thank you din sa mga silent readers at sa mga nag-co-comment .. ILOVEYOU ALL .!!!!!!!!

1 comment:

  1. ~angel is luv~

    i can't believe it! naspecial mention aq dito! hwahaha! okay lang po ate kahit sino ang ibigay niyo saakin character. it will always be my honor lalo pa at kayo ang magsusulat. ngaun pa lang, naku naman my goodness! excited na talaga ako!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^