Friday, July 27, 2012

When Mr. North Pole meets Ms. South Pole : Chapter Seven

Chapter Seven

Hale and Snow Storm… Sa Pilipinas???

(Gina POV)


            “Gio bitiwan mo nga yung kamay ko, baka mamaya may bigla na lang bumato sa akin ng libro nito eh.”


            Kasi naman mula nung bumaba kami sa kotse na gamit namin hindi na pa nya binibitawan ang kamay ko. Hindi ko naman yata gusto na magkaron ng bukol sa noo dahil sa may nambato sa akin ng libro o kung ano pa man dito sa school.


            “Wag ka ngang praning jan, ako ang bahala sayo.”


            Grabe lang talaga maka-tingin yung mga babae sa akin, yung iba parang isinusumpa na ako, yung iba naman parang unti-unti akong pinapatay sa isip nila.


            “Good morning best buds!!!” bati sa amin ni Lalaine nung pumasok kami ng room. Ang aga naman nya yata today, usually kasi mas nauuna kami ni Gio sa kanya. “Ooohhh… wait, don’t you two dare to tell me na…” magsasalita pa sana ako para i-correct yung nasa isip nya pero bigla na lang syang sumigaw at tumalon-talon. “Aaaaaaahhhh!!! Sabi na nga ba at magiging kayo rin eh. Congratulations sa inyong dalawa, Gina aalagaan mo ang pasaway na si Gio ha.” At niyakap nya kaming dalawa.


            Ano daw, kailan pa nagkaron ng KAMI sa aming dalawa ni Gio? Hindi pwede yun, hindi pa nga nya ako nililigawan eh, hindi pa nya ako binibigyan ng flowers and even chocolates.


            “A-ano ka ba Lalaine, hi-hindi naman kami ni Gio. Naka-drugs lang si Gio kaya mabait sya sa akin today at hawak nya ang kamay ko, yun lang yon.”


            Pero eto naman na lalake na to ayaw man lang i-correct yung akala ni Lalaine. “Ano ka ba naman Gina, wag ka ng mahiya dahil kitang-kita naman na ang ebidensya oh.” At itinaas nya yung kamay naming dalawa na magkahawak pa rin. “Kaya wag ka ng magpaka-denial queen jan Gina. Ayaw mo ba kay Gio?”


            “Good morning class, please take your seat and we will discuss your project in my subject.” Wew… save by the bell naman ako sa tanong ni Lalaine na yon.


            Project sa Public Relation subject namin? Please don’t tell us Ma’am that we need to converse sa isang baliw, parang hindi ko yata kaya yun, nakakatakot.


            “It’ll be a group project dahil alam ko na hindi naman magiging madali ang ipapagawa ko sa inyo, this project is a must.” Ahh, yun naman pala, group project naman pala eh. “Every group must consist of four members, two boys and two girls.”


            At syempre pa nag-unahan pa si Lalaine at si Jules na lumapit sa aming dalawa ni Gio. Alam na, kaming apat na ang magkakasama nito sa grupo and I’m pretty sure na magiging magulo ang lahat.


            “Oh, anong ginagawa mo dito Jules?” kita nyo na, nagsimula na agad silang dalawa.


            Magpapatalo ba naman si Jules kay Lalaine, syempre hindi. “At ikaw, ano rin ang ginagawa mo dito, sigurado ka ba na gusto ka nila na maging ka-group?” hindi naman papayag tong si Jules na hindi inisin si Lalaine, hobby na nya yun eh.


            “Kapag hindi pa kayo tumigil na dalawa wala akong isasama sa inyo.”


            Akala ko wala ng balak ang isang to na magsalita eh, meron pa naman pala. At dahil sa sinabi na yon ni Gio ay tumigil yung dalawa sa pag-aaway. Bakit na gusto nilang makasama si Gio sa project na to? Ako no choice naman na dahil sigurado ako na walang gusto na makipag-group sa akin, except kay Cody na absent today.


            “As I was saying Lalaine, Jules, Regina, and Gio, kailangan nyong gumawa ng documentations and videos para sa project na ito.” Na-special mention pa tuloy kaming apat ni Mam, nakakahiya. “You can know group yourselves to four, then submit it to me before our period ends.”


            Teka nga pala, mag-ano ba kasi talaga kami ni Gio? Hindi naman nya ako niligawan, hindi rin naman nya ako tinanong kung pwede ba nya ako na maging girlfriend? Hindi kaya pinag-lalaruan lang ako ng isang to?


            “Ang lalim naman ng iniisip ni leader natin oh! Nag-iisip ka na ba Gina kung saang mental tayo pupunta? Oh baka naman balak mo na mga taong grasa sa lansangan ang balak mong kausapin natin para sa project natin?”


            Oo nga no, parang mas maganda pa yata kung mga taong grasa na lang sa kalye ang gawin naming subject. Pero teka lang, ano yung sinabi ni Jules, leader? What the fuzz, ayoko maging leader.


            “Hey, saang planeta mo naman napulot Jules ang idea na ako ang leader? AYOKO!!!”


            Sabihin na nila na ang-OA ko sa pag-tanggi, pero ayoko talaga. Hindi naman ako dito lumaki kaya hindi ko alam ang takbo ng mga may sayad dito. “Ikaw Jules ang leader, tutal ikaw naman ang naka-isip na kailangan natin ng leader eh.” Biglang sabi ni Gio sa male-best-buddy nya.


            “You gotta be kidding me Gregory, ayaw mo naman siguro na mapariwara ang magandang scholastic record mo ng dahil sa Public Relation subject natin?”


            Tiningnan naman ng masama ni Gio si Jules at saka nagsalita. “Wanna give a try? Para naman malaman mo na agad kung ano nga ba ang itchura ng impyerno.” Ang brutal, papaslangin agad si Jules dahil lang sa grades nya.


            “Eh Gio, matanong ko lang ha, hindi nab a pwedeng mag-joke sa ganitong mga pagkakataon? Wag kang masyadong seryoso ‘pre at baka mas mauna ka pa sa akin sa paraiso ni Lucifer. Hahaha!”


            Dahil sa sinabi na yon ni Jules kay Gio ay biglang may tatlong lumipad out of nowhere at tumama lahat sa ulo ni Jules.


            “Subukan mo lang paunahin si Gio sa paraiso na sinasabi mo, ng dito pa lang sa lupa ay maramdaman mo na ang impyerno. I’m gonna make your life a living hell, Jules!”


            Hell, sino ang babae na yon? Gusto ko syang pasalamatan dahil sinabi nya kay Jules ang mga gusto kong sabihin. Pero teka, sino ba sa mga classmate namin na to ang gumawa nun?


            “You’re late Ms. Sembrano, where’s your twin brother?”


            “I’m here Mam Divine, we’re very sorry we are late.” Oh come on, ang cute naman nitong bago naming classmate. “Good morning classmates.”


            Hindi naman sa nagmamaganda ako ha, pero feeling ko sa akin naka-tingin ang bago naming classmate, silang kambal ang nakatingin sa akin. Pero alam mo yung tingin nung babae sa akin, para bang gusto na nya akong ipakulam, i-shoot sa bunganga ng bulkan, at ipakain sa mga piranha at pating. Well, hindi naman masyado kasing obvious na type nya ang lalake na katabi ko, si Gio.


            “Hello Miss, can I seat here beside you?”


            Nakaka-goyo lang ha, bakit kung kailan malapit ng matapos ang first sem saka pa nila naisipan na mag-transfer.


            “No, you can’t seat in there because that’s my place.” Singit bigla ni Jules na kanina lang ay nakikipag-kulitan kay Gio at Lalaine. “Doon ka na lang sa may likod pumwesto.”


            “I would not ask if ok lang maupo dito, dahil kahit na pagbawalan nyo ako, dito pa rin ako mauupo.” Mataray lang ang peg nitong babae na to ha. “Anong tinitingin-tingin mo jan, may problema ba?”


            Nagulat naman ako dun sa tanong nya, sasagot na sana ako kaya lang si Lalaine ang nagsalita. “Sya wala, pero ako meron. Get out of that seat, that’s my place!” gusto ba nilang dalawin si Mr. Paraiso sa disciplinary office?


            “Ahem!!!”

            Nakalimutan din yata nila na nandito pa sa loob ng classroom si Mam Divine, mga baliw lang.


            “Mr. and Ms. Sembrano, please take your seat, at the back. Kung gusto nyo ng magandang pwesto next time, then agahan ninyo ang pasok ninyo.”


            Natahimik naman sila dahil sa sinabi na yon ni Mam, at wala na rin namang nagawa yung kambal kaya dun na lang sila sa may likod pumwesto. Pero hindi pa rin tumitigil si Lalaine at yung mataray na babae sa masama nilang tinginan.


            Samantalang yung lalake naman saka si Jules at Gio rin, hindi rin magpapatalo sa tinginan dun sa dalawang babae. Ano bang problema nilang lima? Di ko sila ma-gets eh!!!


            “That’s all for today class, see you on Thusrday.”


            After ng two hours na walang kwentang discussion para sa project naming, umalis na rin si Mam ng wala man lang akong natutunan. Kunsabagay, dun sa project na binigay nya sigurado naman na marami akong mapupulot na kaalaman dun, yun nga lang hindi ko alam kung matino at kapaki-pakinabang o kung puro kalokohan lang.


            “Hi Miss, I’m Hale Sembrano and that is my witch twin sister, Snow. What’s your name?”


            So Hale pala ang pangalan nya at Snow naman ang pangalan nung masungit nyang kapatid, parang disaster lang ang dala nila. Sasabihin ko na sana yung pangalan ko kay Hale pero hindi ko na nagawa dahil…


            “Let’s go, baka ma-late pa tayo sa next class natin.” Yan ang sinabi ni Gio bago nya ako hilahin palabas ng classroom namin. “Oh, bakit ganyan ka kung maka-tingin?”


            “Wala lang!” kung hindi ko lang alam na pinaglalaruan lang ako nitong mokong na to, iisipin ko na nagseselos at natatakot sya sa presence ni Hale. Pero ang iliusyunada ko naman para isipin na ganon nga ang nararamdaman nya ngayon.



4 comments:

  1. espren, ka-chat kita habang binabasa ko itong update na ito! a alam kong alam mo at naiimagine mo ang ginagawa kong pagwawala! ginagawa mong malala ang bipolar disorder ko eh! ahahahahahaha!!! powtek, ito namang si gio, ayaw na lang direchuhin na kami na!!! ahahahahaha!!! ang feeling ko na talaga!!!

    ang kinaiinis ko lang, bakit matatagalan pa ang kasunod! powtek ka! matagal na naman akong hindi makakatulog ngayon gabi! lalo pa at naiisip ko yugn hale at snow!!! humanda ka saakin snow kung eeps ka kay gio! ako mismo bubura sayo! ahahahahaha!!!

    ReplyDelete
  2. ~angel is luv~

    epal naman yung kambal! pero kinikilig ako kay gio! sila na nga ba?
    infairness din kina jules at lalaine! ang cute nila. the more u hate d more u love. sige mag-away pa kayo. haha

    ReplyDelete
  3. nakakaloka!!! ang kulit talaga! tawa pa ako ng tawa kay jules. ang balahura lang niya. bagay talaga sila ni lalaine. at hinahanap ko si cody. wala na ba siya sa eksena? kasi naman may umiepal pang kambal!

    ReplyDelete
  4. double trouble ang hatid nung kambal. this is getting more exciting!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^