Saturday, August 25, 2012

When Mr. North Pole meets Ms. South Pole : Chapter Eight

Chapter Eight

This Means War???


(Regina POV)

            Wala talaga ako sa mood ngayon, ang gusto ko lang gawin maghapon ay mahiga at matulog. Ang dami naman kasi ng mga nangyari while we’re doing that project sa Public Relations. Isama mo pa yung may saltik na kambal na lumipat lang yata sa school para lang bwisitin at pagseloson kaming dalawa ni Gio. Hell, they’re stupid, as if naman na mapapag-selos nila si Gio eh wala ngang gusto sa akin ang isang yon.



            Tok…tok…tok…tok…


            Abala naman sa pagmumuni-muni ang isang to eh. “Hoy, bangon jan at may pupuntahan daw tayo sabi ni Mommy.” Ayos naman maka-tawag ang isang to, wala man lang naligaw kahit isang butil ng asukal.


            “Hindi ako sasama, wala ako sa mood umalis ng bahay ngayon.”


            Kahit ba si Gio pa ang makakasama ko eh, wala talaga ako sa mood para umalis at pumunta sa kung saan. Saka baka mamaya mapag-tripan na naman ako ni Ran.


            “Mommy, hindi daw sasama si Gina oh!” sumbungero!!! “Bakit ba kahapon ka pa nagkukulong dito sa kwarto mo, may problema ka ba?”


            “Wala akong problema, eto lang talaga ang trip ko ngayon. Kaya please lang, walang basagan ng trip!”


            Tama yung nasa isip ninyo, hindi kami ni Gio. Ni hindi nga nya masabi sa akin yung three magic words na yon eh. After that kiss a long time ago, eh wala naman syang binanggit tungkol sa feelings nya for me. At ang mas nakaka-inis pa, lagi syang sweet sa akin, tapos ginawa nyang hobby ang pagpasok sa kwarto ko every night just to give me a good night kiss. Punyemas na buhay pag-ibig to, mas malabo pa sa plastic labo eh!


            “Gina, bangon ka na jan. Don’t you remember, ngayon ang dating ng parents mo from Singapore.” Biglang sulpot ni Tita Glenda sa pinto ng kwarto ko.


            At ano yung sinabi nya na nakalimutan ko, na ngayon ang dating ng parents ko from Singapore? What the!!! Kailan pa sila nagkaron ng plano na pumunta dito sa Pilipinas para puntahan ako?


            “Darating sina Mama at Papa? Bakit hindi man lang po nila ako tinawagan at tinanong kung gusto ko ba silang makita?”


            Hindi naman na sinagot ni Tita yung mga tanong ko, basta ang sabi nya lang ay… “Magbihis ka na para maka-alis na tayo agad, kailangan mong sumama Gina.” After nyang sabihin nun, bigla na syang nawala sa paningin ko at si Gio na lang ang nakita ko.


            “Ayos!!!” biglang sabi ni Gio.


            “Anong ayos dun? Ayoko nga silang makita at makasama eh, pakekelaman na naman nila ang buhay ko!!!” kaya nga ako umalis sa poder nila para magawa ko yung mga gusto kong gawin, tapos ngayon susundan nila ako dito. “Umalis ka nga sa harap ko at baka sayo ko pa mailabas lahat ng inis ko!”


            Humiga na ulit ako at nagtalukbong ng kumot dahil ayoko talagang sumama. Pero sadyang malakas yata ang pakiramdam ni Tita at mukang bumalik pa sya sa kwarto ko just to make sure that I’ll fix myself na. May bigla kasing humila ng kumot ko, at hinila ako patayo ng kama ko.


            “Regina Reynolds wag ka nga masyadong pa-star jan.”


            Pa-star, ako? Eh kung binabayagan ko kaya tong si Gio para talagang makakita sya ng star?!


            “Alin ba sa mga salita na ‘hindi ako sasama, wala ako sa mood umalis ng bahay ngayon.’ ang hindi mo naintindihan? Ayoko ngang sumama diba, ayoko silang makita.”

           
            At syempre pa, nag-walkout ako at pumasok sa loob ng banyo at ni-lock ko ang sarili ko dun para lang tigilan na ako ni Gio sa pangungulit nya na sumama na ako sa pag-sundo sa parents ko!


++++++++++++++++++++++++++++++++


            “Hey Gina, may problema ba? Bakit parang ang tahimik mo yata ngayon, may sakit ka ba?” tanong ni Lalaine sa akin after ng first class namin.


            Kung pwede lang talaga na wag pumasok at lumayas na lang paalis ng bansa na to, ginawa ko na; kaya lang hindi ko alam kung bakit biglang nawala sa kwarto ko yung passport ko, pati yung savings accounts ko bigla ring nawala. Masyado naman yata silang obvious na pinag-tutulungan nila ako na wag maka-alis ng Pilipinas hanggang nandito ang parents ko.


            “Hoy Gio, ano na naman bang ginawa mo dito kay Gina at nagkaka-ganyan yan?” narinig kong tanong ni Lalaine kay Gio. “Hoy, try mo din kayang magsalita jan!”


            “Wala akong alam kung bakit nagka-ganyan ang babae na yan, simula pa kahapon. Gusto ko nga tuloy isipin na ayaw nyang makita at maka-usap ang parents nya.”


            Nakita ko naman na kumunot ang noo ni Lalaine sa sinabi ni Gio at ako naman ang hinarap. Mukang wala talaga akong magiging lusot sa mga tanong nitong makulit na Lalaine na to.


            “Are you mad to your parents, but why?”


            Ewan ko, hindi ko rin alam kung galit nga ba talaga ako sa parents ko, basta ang alam ko lang ayoko na nasa malapit ko sila. Parang any moment pipigilan nila akong gawin ang mga bagay-bagay na gusto kong gawin, and my life would suck again kapag nangyari yon.


            “Hindi ako galit sa kanila Lalaine, ayoko lang na malapit sila sa akin. Ayoko lang na para akong robot kapag nandyan lang sila sa paligid. Ayoko lang na nandito sila kasi ang daming bawal.”


            “Problema ba yon Regina, eh di wag mo silang intindihin. Hindi ko naman sinasabi na maging walangya kang anak, ang sa akin lang dapat ipakita mo sa parents mo yung talagang gusto mo. Siguro kaya ganon yung nangyayare na lagi ka nilang pinipigilan is because lagi ka rin namang tumitigil kapag pinag-sasabihan ka nila.” Biglang epal naman nitong si Jules. “Ipakilala mo sa kanila ang tunay na ikaw, Regina Reynolds” minsan may laman din tong si Jules eh.


            “Oo nga naman Gina, tama si Jules.” Wow naman, for the record nagka-sundo silang dalawa sa iisang bagay. May maganda na silang future neto. “Wag mong hayaan na maging anino ka lang ng parents mo, may sarili kang identity, may sarili kang isip.”


            Ewan ko, pero parang tama naman lahat ng sinabi nila. Pero mahirap kasi eh, ayoko ng i-disappoint ang parents ko, masyado ng madaming problema ang ibinigay ko sa kanila.


            “Magsitigil na kayong tatlo jan at kailangan na nating pumunta sa CSSP Building, kailangan pa natin ipasa tong project natin.” Biglang sabi ni Gio, abnormal talaga!


            Habang papunta kami ng CSSP department ay hindi ko pa rin maiwasang isipin ang mga plano kong gawin sa buhay ko hanggang nandito sa Pilipinas ang parents ko. Sa kaka-isip ko hindi ko na namamalayan ang mga nangyayari sa paligid ko, kaya naman…


            “Ano ka ba naman, tumingin ka naman sa dinaraanan mo, you stupid bitch!!!”


            May nabangga na pala ako ng hindi ko man lang namamalayan, pasensya naman at lutang lang! “S-sorry, hindi ko sinasadya!” hingi ko ng pasensya sa naka-banggaan ko na hindi ko alam kung sino.


            Kung nalaman ko lang agad na etong si Snow ang nabangga ko, sana mas tinigasan ko pa yung katawan ko, baka sakaling mabalian sya ng buto, sayang talaga.


            “Nabili mo na ba tong hallway ng CSSP building kaya kung makapag-lakad ka dito eh akala mo pasyalan?”


            Aba naman, sumosobra na ang babae na to, malapit ko na talaga syang basagan ng bungo. “Kaya nga nagso-sorry ako kasi alam kong kasalanan ko, na hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko.” hindi pa ba sapat ngayon ang sorry kapag nakaka-gawa ng isang bagay na hindi mo naman ginusto?


            “See what you did to me, ng dahil jan sa katangahan mo natapunan ako ng iced coffee.”


            “Hindi ko naman siguro kasalanan kung bakit mo natapunan ang sarili mo nyang iniinom mo. And hindi mo rin ba alam Ms. Snow Sembrano na bawal ang kumain o uminom dito sa hallway ng CSSP building?” eh talaga namang bawal eh. Kung hindi sya nagdala ng iced coffee dito, eh di sana walang dumi yung uniform nya. “Kaya naman hindi ko ihihingi ng tawad ang nangyari sayo na yan!”


            At naglakad na ako palayo sa masama ang ugali na babae na yon! Eh hindi ko naman kasi talaga kasalanan na natapunan sya non diba? Tapos kung tawagin akong stupid bitch akala mo kung sino na hindi stupid bitch.


            “Hey wait!” biglang sigaw ni Jules sa aming dalawa ni Lalaine na naglalakad palayo sa Snow na yon. “Hintayin daw natin si Gio, sasamahan lang daw nya sandali yung kurimaw na si Snow sa locker nung bruha na yon!”


            What the!!! Ano na naman ang drama na yon ni Gio? Kahit naman ako natalsikan nung lecheng iced coffee nung bruha na yon pero hindi man lang nya nagawang itanong kung ok lang ako! Nakaka-sama lang talaga sya ng loob.


            “Kayo na lang ang maghintay sa kanya, kayo na lang din na tatlo ang magpasa nyan kay Mam Divine.” At nagsimula na akong mag-marcha paalis ng CSSP building. “Uwaaaahhhh!!!” jusko, akala ko babakat ang pagmumuka ko dito sa flooring ng CSSP building, mabuti na lang at maasahan ang reflexes ko.


            Sino ba naman tong pesteng tao na to na walang pakundangang ibinalandra sa daanan yung paa nya? Hindi man lang ba nya naisip na baka may matalisod sa binti nya, hindi rin ba nya naisip na hindi naman tulugan ang pagitan ng mga lockers ng CSSP students?


            Bigla namang gumalaw yung paa, for sure lalake ang isang to kasi panlalake yung sapatos na gamit nya. Nakaka-badtrip lang talaga ang araw na to, puro na lang kamalasan ang inaabot ko.


            “Aray, ikaw ba ang sumipa sa paa ko? Napilayan yata ako ah!”




6 comments:

  1. sa umpisa pa lang nagwawala na ako dito eh! bakit kasi dinadalaw ni gio si ako every night para i-kiss!!! tapos wala man lang usapan kung kami na ba o hindi! kajsunsjsusnxnxkjxhyabhakwppdkdicnju!!!

    nababaliw na talaga ako kay gio! swear!!! at sabi pa ng kapatiran ko dito, para na daw akong timang habnag nagbabasa ULIT!!! well, well, well, pati na rin siya nakikibasa sa mga binabasa ko noh! ahahaha

    oo nga pala, naasar nga din sya dahil bakit daw regina ang pangalan ng bida. (if i know naiinggit lang siya) euhahahahahahahahahah!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahahahaha... eh kasi hinahayaan mo lang sya, sinasadya mo pang wagi-lock yung pinto ng kwarto mo..whahaha....

      Delete
  2. y naman ayaw talaga ni gina sa parents nia?
    at tsaka tama ba yung nabasa ko? nagkikiss sila every night?
    iba na yan gio! bakit ayaw mo pa kasi direchuhin? >..<

    ReplyDelete
  3. ~angel is luv~

    kakainis si snow!! si gio naman bakit sumond pa sa kanya??

    ReplyDelete
  4. mei goodnyt kiss lageh?? inggit nman ako.. hahah.. kakainis talaga tong snow na to!!.. tunawin ko sya eh!! ang bruhilda talaga! at sino nman tong guy na to??siya na nga ang nka perwisyo,siya pa ang galit.. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang landi lang talaga ni gio mylabs noh? ahahahaha!!!

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^