Saturday, August 25, 2012

When Mr. North Pole meets Ms. South Pole : Chapter Nine

Chapter Nine

New Found Friend???

(Hale POV)


            Badtrip na buhay naman to oh, ganito ba talaga ang mga estudyante dito na babae? Nakaka-banas na yung pagsunod sa akin nung mga timawang babae na yon!


            “Hi Hale, you want to come with us?” sino ba tong babae na to, kilala ko ba sya? “We’ll have our snack at Starbucks, tara sama ka, it’s my treat.”


            Pasimple pa tong mga to, malamang gusto lang nila akong chansingan, pero hindi sila magtatagumpay!


            “Thanks but no thanks, I want to be alone.”


            Nagulat naman sila sa sinagot ko, kaya naman basta na lang silang umalis sa harap ko. Salamat naman at hindi ko na kailangang maging ungentleman sa pagtataboy sa kanila na layuan ako.


            “Hi classmate!” na naman? Babae na naman? “Tara, kain tayo sa cafeteria?”


            Muka naman silang mabait, pero ayoko pa rin na mapalapit sa kahit na sinong babae dito sa university. Saka mahirap na, baka mamaya nilalandi nila ako eh may mga boyfriend na pala sila eh makuyog pa ako!


            “Sige kayo na lang, tapos na ako eh!”


            Hindi naman na sila nangulit at nag-paalam na. Pwede ko naman siguro silang kaibiganin, but I just need to make sure na hindi nila mami-misinterpret ang pakikipag-kaibigan ko sa kanila.


            “Haaaaaayyyy!!! Nakaka-antok naman oh, bakit ba kasi hindi na lang nagturo si Mam Divine?!”


            Teka nga, nasaan na naman kaya ang lagalag kong kapatid na si Snow, naipasa na kaya nya yung project naming dalawa kay Mam? Pasaway talaga kahit kailan, bahala nga sya sa buhay nya!


            Huwaw naman, ang ganda naman ng pagkaka-ayos nitong mga locker na to, talagang may pagitan pa na kasya ang isang tao. Pwedeng-pwedeng gawing tulugan ang mga pagitan na to! Masubukan nga!!!


[A/N: Gusto nyo bang malaman kung paano napadpad ang kambal na to sa MMU in the middle of a semester? Sige, balikan natin through Hale’s dream!]


            Hindi naman siguro masama kung magkakaron ako ng mga barkada habang nag-aaral diba? Pero bakit ang parents namin nitong pasaway na si Snow eh hindi nila yon maintindihan?


            “Ma, I can’t see anything wrong with making friends while studying. Sila pa nga minsan ang tumutulong sa akin kapag may hindi ako naiintindihan sa klase ko.”


            Lagi na lang kaming ganito nila Mama at Papa, lagi na lang kaming nagtatalo-talo. Hindi ko lang kasi talaga sila maintindihan, ano ba kasi talaga ang mali sa pakikipag-kaibigan ko sa mga kaibigan ko ngayon?


            “Don’t give me that bullshit Hale, alam mo ang totoong dahilan kung bakit ayokong nakikipag-kaibigan ka while studying!”


            Oo, ilang beses na nyang inulit-ulit sa akin kung bakit bawal. Pero hanggang ngayon I still find that reason unacceptable. Bawal makipag-kaibigan habang nag-aaral kasi hindi sila makaka-tulong sa mga grades ko, fuck that dude!


            “Ikaw Snow, saan ka na naman galing bata ka? Ka-babae mong tao late ka na kung umuwi!” sigaw ni Papa kay Snow, pero dedma lang ang kakambal ko sa sigaw na yon ni Papa. “Snow hindi pa tayo tapos mag-usap, bumalik ka dito!”


            Pero wala rin namang nagawa si Papa ng hindi na bumaba si Snow, hay! Sana kasing sutil ako ni Snow para naman nagagawa ko din ang lahat ng gusto ko! Sana kaya din ng kunsensya ko na sagut-sagutin ang mga taong nagpalaki sa amin at nag-alaga.


            “Sinasabi ko sayo Hale, kapag nabalitaan ko pa na nakikipag-barkada ka na naman, ililipat ko kayong dalawa ng kakambal mo sa ibang university, doon sa wala kayong kakilala!”


            Minsan tuloy naisip ko, nung kayang kabataan nila hindi rin sila pinayagan nila Lolo at Lola na makipag-kaibigan nung nag-aaral pa lang sila? Siguro hindi nila na-experience ang mga bagay na dapat ma-experience nung mga panahon na yon! Pero fuck shit lang talaga, hindi ko talaga sila maintintihan!


            Kahit na pinag-bawalan pa ako ni Mama na wag makipag-kaibigan, at si Snow naman ay pinag-bawalan ni Papa na kailangang seven pa lang ay nasa bahay na, eh hindi pa rin namin sila sinunod na magkapatid. Kaya naman tinotoo ni Mama at Papa ang sabi nila na ililipat nila kami sa ibang university kung saan ibang-iba ang environment!


            Nasanay kami ni Snow sa America, tapos ngayon ipapatapon nila kami dito sa Pilipinas para dito mag-aral? At hindi lang iyon ang nakaka-banas, kailangan pa naming tumira sa parents ni Papa, kila Donya Merceditas Sembrano at Don Romualdo Sembrano. Naku po, saksakan pa naman ng strikto ang mag-asawa na to!


            “Here are the rules and regulations of the Mansion, and the other paper states the punishment you will face once you don’t follow my house rules and regulations!”


            Grabe! Kung nalaman ko lang na ganito ka-higpit ang makakasama ko sa paglipat dito sa Philippines, sana nagpaka-tino na lang ako sa States at sinunod ang lahat ng gusto ng parents ko!


            “Hindi ko susundin ang mga nandyan, Granny! May sarili akong isip, may sarili akong desisyon, so I’ll do everything I want even if its against your will. Hindi ko hahayaan na may mangelam sa buhay ko, ako lang ang nakaka-alam kung paano ako sasaya!”


            Matapang talaga ang kapatid ko na to, kaya kinatatakutan sa dati naming pinapasukan eh. Isipin nyo na lang, nagagawa nyang sagutin ang mga ganitong katatandang tao, Lolo at Lola pa namin ang mga to ah!


            “How about you young man, wala ka man lang bang gustong sabihin?”


            Eh kung may sakit ako sa puso, malamang na inatake na ako. Eto namang si Grandpa eh bigla-bigla na lang nagsasalita!


            “Ayoko ring basahin ang mga rules and regulations na yan. Kagaya ni Snow, may sarili akong buhay at ako lang ang may karapatan na patakbuhin ito sa paraan na alam ko, sa parehong paraan ng pagpapa-takbo ni Snow sa buhay nya.” Kunwari ang tapang ko eh noh. Lord sorry po sa pagiging bastos kong apo. “Ayokong dumating ang araw na pagsisihan ko ang pagpapa-ubaya na manipulahin ninyo ang buhay ko. Maraming bagay ang gusto kong gawin at subukan, kaya ngayon pa lang po ay inaabisuhan ko na kayo na hinding-hindi ko susundin yang mga nasa papel na yan!”


            Naku po, mukang ihahambalos na sa akin ni Grandpa yung tungkod nya, baka mamaya may matulis pa yung bagay at maging katapusan na ng buhay ko!!!


+++++++++++++++++++++++++++++


            “Uwaaaaaahhhh!!!”


            Aray ko, mukang tinotoo na ni Lolo ang paghampas nya sa akin nung tungkod nya ah. Ang sakit ng binti at paa ko, napilay na yata!!! Noon ko lang namalayan na panaginip lang pala ang lahat, nung maramdaman ko na sumakit yung binti ko.


            Akalain mo yun, naka-tulog ako sa ganitong kasikip na pwesto. Pero shit, ang sakit talaga nung binti ko!!! Arrruuuuyyy!!!


            “Aray, ikaw ba ang sumipa sa paa ko? Napilayan yata ako ah!”


            Wohohow!!! Ang swerte ko naman at ang crush ko pa ang una kong makikita pagka-gising ko, pero ang malas ko din kasi nasipa nya ako at nanlilisik ang mga mata nya ngayon habang nakatingin sa akin.


            “J-joke lang pala, hindi pala masakit yung paa ko at hindi rin pala ako napilayan.”


            Pero hindi pa rin nabago yung facial expression nya, hindi pa rin bumabalik sa dati yung mga mata nya, yung maamo nyang mga mata na akala mo laging iiyak.


            “Huy, wag mo naman akong titigan ng ganyan… nakaka-concious kaya. Sige ka, baka isipin ko na nagagandahang lalake ka sa akin at crush mo na ako.” Naku po, naku po. Iiyak na yata ang isang to, wag naman. “O-oy wag kang iiyak, baka mamaya isipin nila may ginawa ako sayong hindi maganda.” Pero nagsimula ng tumulo ang luha nya. Isang patak, dalawa, tatlo, lima…at nagtuloy-tuloy na!!! “Uy, classmate wag ka naman umiyak oh!


            “Uwaaaaahhhhh!!!! Waaaaahhhh!!!!” grabe namang umiyak ang isang to, parang bata lang. “Uwaaaahhhh!!! Huuuuuuuuuhuuuuu!!!”


            “Oi, classmate naman tumigil ka na, wala naman akong ginagawang masama sayo eh. Tingnan mo nga, pinagtitinginan na tayo ng ibang estujante dito.” Pero ayaw pa rin talaga nyang magpa-pigil, tulungan nyo naman ako oh! “Ah alam ko na kung bakit ka umiiyak, natapon yung iniinom mong kape kaya ka naiiyak?”


            Bigla naman syang tumigil sa pag-iyak at saka ako tinitigan, oh good Lord pigilan nyo sya. Alam mo yung tingin nya, yung tingin na parang nagsasabi na ‘baliw yata ang isang to, eh hindi nga ako umiinom ng kape eh. Papaslangin ko na lang sya!’


            Tumayo na ako at hinila sya pababa ng building para pumunta sa Starbucks sa labas ng school. “Tara na, ililibre na kita ng kape.” Pero naalala ko yung dumi nung uniform nya, yung natapunan din ng kape. “Teka, punta muna tayo sa locker ko at kukunin ko lang yung jacket ko para naman hindi kita yang mancha sa damit mo.” At dumirecho na nga kami sa Business Building para kuhanin ang jacket ko.




6 comments:

  1. nakow, tuwang-tuwa naman daw ako nung binanggit ni hale na crush daw niya ako. ang saya-saya ko lang talaga kapag nagbabasa eh. (sana totoong buhay na lang 'to) kasi bukod sa lumalovelife ako, eh feeling ko talaga ay ang ganda-ganda ko!!!

    sa mga makakabasa ng comment ko na ito, walang eepal ha! ako si regina reynolds jan!!! ang pumalag, may bangas na katapat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sino bang nagrereklamo na hindi ikaw si Regina Reynolds??? whahaha....

      wag ka mag-alala espren, magiging totoo din yang lumeleveling ang lablayp mo...bwahahaha...

      Delete
  2. hwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! yan may pagseselosan dn c gio s ktauhan ni hale. asan n nga pla c cody?

    ReplyDelete
    Replies
    1. bigla na lang lilitaw si Cody, abang lang anew...whahaha...

      Delete
  3. ~angel is luv~

    umiyak na si gina!!

    ReplyDelete
  4. kaya pala!!.. crush nya si regina!! pa simple rin tong si hale eh.. pero ang cute nila!! pagselosin nyo si gio para amanos nah!.. hahaha oh?umiyak na nman ang mahal na prinsesa.. patahanin mo yan hale.. mahal ang mga luha nyan.. priceless..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^