“Oh my gosh!!! It’s Rodjun
of YMC. Ano kayang ginagawa niya dito sa building natin?”
“Gosh!!! Ang gwapo-gwapo
niya talaga!”
“Shit! Tumingin siya sakin”
“Gaga! Ako kaya ang tinignan
niya”
“Mga ambisyosa! Ako yun
noh!”
Napailing nalang si Jiyeon
sa naririnig na usapan ng mga kaklase niyang babae. Iba talaga ang kamandag ni
Rodjun o ng kahit sinong member ng YMC. At kahit ang mga babaeng ito na mga
anak mayaman ay daig pa ang mga cheap na babae kung makatili sa kanila.
Magmula ng mangyari ang
insidente nung nakaraang linggo ay hindi na ulit siya pumasok hanggang sa
matapos ang Foundation Week. Ayaw niya din kasing Makita muna si Rodjun o kahit
si Jubei dahil nahihiya siya.
“Gosh!!! Nandito siya sa
classroom natin. Ako ang pupuntahan niya”
“ako kaya!”
“hindi! Ako yun!”
Si Rodjun? Nandito sa classroom?
Ano naman kayang ginagawa niya dito?
May bago ba siyang nililigawan dito?
Isinubsob nalang niya ang
ulo sa lamesa upang hindi siya mapansin ni Rodjun.
Hindi pa niya kayang harapin
ang binata.
“Jiyeon”
Hindi niya alam kung may
naririnig ba talaga siyang nagsasalita o guni-guni lang niya iyon.
Saka anong nangyayari? Bakit
parang tumahimik yata ang mga kaklase niya?
“Jiyeon”
This time, may naririnig
talaga siyang nagsasalita. At tinatawag pa ang pangalan niya.
Unti-unting iminulat ni
Jiyeon ang mga mata.
Sapatos ang una niyang
napansin. Pataas ng pataas ang paningin niya.
Hanggang sa mapadako ang
paningin niya sa mukha nito at salubungin siya ng nakangiting mukha ni Rodjun.
“hi”
“R-Rod-djun?”
“It’s nice to know na alam
mo pa rin pala ang pangalan ko”
“ahh…O-oo”
Sa sulok ng mga mata niya ay
nakita niya ang pagtataasan ng kilay ng mga babae niyang kaklase.
“Why does Rodjun talking to
that nerd, ugly girl?”
“Yeah! Maybe she’d done
something wrong”
“Then why does Rodjun
smiling at her?”
“Because Rodjun is nice!
That’s all”
Mga intrimitida!!!
Inggit lang kayo dahil ako kinakausap
ni Rodjun!
“Ah..Jiyeon may klase ka pa
ba?”
“Wa-wala na. absent yung teacher
namin eh”
“Ganun ba? Pwede ba tayong
mag-usap?”
“Ha?Bakit?”
“Anong bakit?”
“bakit tayo mag-uusap?”
“Kasi may sasabihin ako
sayo. Pero kung pwede wag tayo dito….kasi alam mo na” sabay sulyap sa mga
kaklase niyang animo nanonood ng sine na nag-aabang sa susunod na eksena.
Naintindihan naman ni Jiyeon
si Rodjun. Bitbit ang bag na sumunod siya sa binata.
Nadaanan niya pa ang mga
timawang kaklase niya. Hindi nalang niya pinansin ang mga ito at nagmamadaling
sumunod kay Rodjun.
Sa may likod ng school sila
nakarating. Walang masyadong tao dun na nagpupunta kaya marahil pinili dun ni
Rodjun na magpunta.
Naupo si Rodjun sa may
nakalaang bench.
“Upo ka” alok nito sa
bakanteng upuan sa tabi nito.
Kiming naupo naman si
Jiyeon. Making sure na may enough space sa pagitan nila ng binata.
Napangiti nalang si Rodjun.
“Nakakatuwa ka talaga. Hindi
ka katulad nila na kulang nalang isubsob nila ang katawan nila sakin. Look at
you ni parang ayaw mo akong dikitan o lapitan man lang na parang may nakakahawa
akong sakit.” Natatawang sabi nito.
“Hindi naman”
“well, that’s okay. Ngayon
lang talaga ako nakakita ng babaeng tulad mo”
“ahhh”
So ayun na yun? Kaya sila
dinala ni Rodjun dito eh para lang sabihing di siya tulad ng ibang babae?
“You know Jiyeon…I really
love this place…ito ang sanctuary ko kapag gusto kong malayo sa mga babaeng
naghahabol sakin”
Napatingin naman si Jiyeon
sa binata. Pero hindi sya nagsalita.
“Alam ko iisipin mo na hindi
yun totoo. But honestly nakakasawa din na laging may babaeng naghahabol sayo.
I’d admit Masaya…sino bang lalaki ang tatangging habulin sila ng mga babae
diba? Pero hindi rin pala laging Masaya. Kasi parang wala na akong privacy eh.
Lagging may nakasunod sakin. Lagging may nakabantay sa galaw ko”
Tama ba ito?
Si Rodjun naglalabas ng
hinanaing niya sakin?
“Gwapo ka kasi…saka sikat”
“You think gwapo ako?”
nakangiting tanong nito sa kanya dahilan para mamula naman ang mukha niya.
“Ah-o-oo naman. Saka alam mo
na naman yun diba?”
“Yeah. Pero iba pa din kapag
sayo nanggaling”
“Ha? Bakit naman?”
“For a girl who doesn’t care
about boys eh masarap pakinggan na sabihin mong gwapo ako”
Naku Rodjun! Kung alam mo lang!
All I care about is you!
Ikaw lang!
Sana mapansin mo din ako.
Pero alam kong imposible
kaya okay lang. Masaya na ako na makausap ka lang.
“Hey! Di ka na nakaimik jan.
wag mo masyadong pinag-iintindi ang mga sinasabi ko ah. Baka mamaya magalit ka
sakin. Ayoko namang mangyari yun”
“bakit ayaw mo akong magalit
sayo?”
Tinitigan muna siya ni
Rodjun bago nagsalita.
“Kasi you seems nice…and I
want to be your friend” sabay ngiti sa kanya.
Kaagad naman siyang namula.
Lord…thank you po.
Promise po buong taon akong
magpapakabait. Salamat sa maagang Christmas Gift niyo.
“I really like the way you
blush. Ganyan ka ba talaga? O hindi ka lang sanay na pinupuri ng ibang tao?”
“Hindi nga..kasi as you can
see…I’m ugly” pag-amin niya.
“Of course not! That’s not
true”
“Totoo yun Rodjun….Hindi ka
naman siguro bulag diba? I’m plain, boring, ugly nerd”
“No! Stop that! Stop
insulting yourself okay? That’s not true”
“Rodjun”
Biglang hinawakan ni Rodjun
ang mga kamay niya.
“You’re pretty Jiyeon so
stop that okay? You’re pretty, you’re smart and most of all you’re nice…not
every girl is like you”
Totoo ba ito?
Siya? Si Jiyeon Salazar
pinupuri ni Rodjun?
Ang gwapong-gwapong si
Rodjun sinabihan siyang maganda?
“Hindi yan totoo”
“Totoo yun. Bakit baa yaw
mong maniwala?”
“Kasi wala pang nagsabi
sakin niyan”
“Kahit sino?”
“Well…si Mommy saka si
Queen. Yung bestfriend ko”
“See? May nagsabi na pala
sayo eh”
“Pero syempre sinabi lang
nila yun kasi anak ako ng mommy ko at kaibigan ko naman si Queen”
“Well maniwala ka sakin na
totoo yun. Kasi magaling akong tumingin ng maganda” sabay kindat sakin.
Gosh!!! Hihimatayin yata ako.
“Jiyeon wag kang OA ah!” saway niya sa sarili.
“kaya naman nalaman kong
smart ka kasi kaklase kita nung first year di ba?”
“Alam mo?”
“Oo naman…ikaw nga lang yata
yung laging may gawang assignment nun eh. Kaya tuloy sayo kumokopya ang mga
kaklase natin”
“I-ibig s-sabihin….m-matagal
mo na akong kilala?”
“Ahmm..nakikita kita…pero di
ko alam ang pangalan mo..hehe..nahihiya akong lapitan ka nun eh…para kasing
untouchable ka masyado”
“Hindi naman”
“Oo kaya. Parang nakakatakot
lumapit sayo”
“Ikaw kaya yun”
“Uy hindi ah! Friendly kaya
ako”
Sabay pa silang nagtawanang dalawa.
She didn’t expect that she would have a chance like this.
“Para
tayong sira” natatawang sabi ni Rodjun
“Ikaw lang” nakangiting
sagot niya.
Biglang tumigil sa pagtawa
si Rodjun at tinitigan siya. Na conscious naman siya bigla.
“B-bakit?”
“You should smile like that
always. Mas lalo kang gumaganda….ay hindi…wag kang magsmile ng ganyan sa ibang
boys kasi baka mainlove sila sayo.” Sabay kindat sa kanya. “sa akin ka lang
ngumiti dapat ng ganyan para ako lang ang mainlove sayo”
waaaahhh!.. ang sweet!!!!.. kinilig ako!.. mei kindat2 pa ha.. iba talaga pag brainy girl ka,mapapansin talaga..well,mamatay na lang sa inggit ung mga ambisyosang babaeng iyon.. hahaha.. mei ganyang guy pa kaya sa mundo ngayon??malabo na eh..
ReplyDeletetama ka jan sis..malabo pa sa tubig kanal sa Baclaran...hahaha
Delete~angel is luv~
ReplyDeletewah!!.. ang gwapo talaga ni rodjun eh!!.. kinikilig aq s kanila ni jiyeon!!.. para akong baliw dito. hwahahahahaha!!..
yieeeeeeeeeeeeeh! ang cute!
ReplyDelete