“Hoy! Jiyeon! Punasan mo nga yang bibig mo! Tumutulo ang
laway mo kadiri! Mamaya isipin pa ng makakita sayo kaibigan kita” sita sa kanya
ni Queen.
Awtomatiko namang pinunasan ni Jiyeon ang bibig ng biglang
tumawa ang kaibigan. It turns out pinagtitripan lang pala siya nito.
“Luka-luka ka talagang babae ka”
“Eh para ka naman kasing engot jan na nakatanga kay Rodjun
eh. Pinagnanasaan mo na naman yung tao”
Kaagad naman niyang sinaway ang kaibigan. Nakakahiya baka
may ibang makarinig sa kanila.
“Tumahimik ka nga. Mamaya may makarinig sayo eh makarating
pa kay Rodjun.”
“Eh ano naman? Mabuti nga iyon at ng sa wakas eh matapos na
yang drama mo”
Napabuntong-napailing nalang siya sa kaibigang si Queen.
Ever since talaga hindi ito sang-ayon sa
pagkakagusto niyang iyon sa binata.
Nasa gymnasium sila at kasalukuyang nanonood ng laban ng
basketball. Kasali kasi sa team si Rodjun at ang isa pang YMC member na si
Jubei. Practice match lang naman ito laban sa Riverdale Vista
University. Isa ding
exclusive school tulad ng Crenshaw
Heights. Ever since ay
madalas ng maglaban ang Crenshaw
Heights at Riverdale.
“Ayaw mo bang malaman ni Rodjun na gusto mo siya?” tanong pa
ni Queen.
“Gusto na ewan…ang gulo”
“Magulo ka talaga. Ewan ko sayo”
Biglang naghiyawan ang mga tao sa gym. Practice match lamang
ito pero mukhang walang balak magpatalo ang bawat team. Sa ngayon lamang ang Crenshaw Heights ng tatlong puntos.
“Go Rodjun!!!”
“Go Jubei!!!”
“Iloveyou!!!”
“Grabeng ingay ng mga babaeng ito. Nakakahiya”
Napatingin silang dalawa ni Queen sa nagsalita. Isang
babaeng naka t-shirt at pants at may suot na bull cap ang nakita nila. Base sa
suot nitong damit taga Riverdale ito.
“Mukhang mga engot ang mga babaeng iyon kung makasigaw ng
Iloveyou eh ni hindi nga yata sila kilala ng mga players na iyan eh”
pagpapatuloy nito. Nakasimangot na nakahalukipkip pa ito.
“Ahhmm…Miss taga Riverdale ka diba?” tanong ni Queen.
“Oo. Bakit?”
“Eh bakit nandito ka sa side namin? Sa kabilang side ang
Riverdale”
“Sinong nagsabi?”
“Wala..pero halos karamihan sa estudyanteng nandito sa side
namin eh taga Crenshaw
Heights”
“So taga Crenshaw
Heights kayo?” tanong
nito at tinignan kaming dalawa ni Queen.
“Oo.”
“I see. Ayoko pumunta dun sa side ng Riverdale kasi
nagtatago ako. Napilitan lang ako manood ng laban kasi pinagbantaan ako ng mga
sira-ulong myembro ng basketball team na iyan na guguluhin nila ang buhay ko
kapag di ko sila pinanood.”
“Ahh..so kilala mo pala yung mga players?”
“Oo naman. Kuya ko yung captain eh…ayun siya yung pinaka
gwapo” turo nito sa nakanumber 4 jersey.
Infairness gwapo nga ito.
“So, kayo bakit kayo nandito?” tanong nito.
“Nanonood din kami ng laban. School namin yun syempre” sagot
niya.
“Matatalo naman ang school niyo”
“Excuse me Miss pero hindi niyo ba nakikita na lamang kami
sa inyo?”
“Lamang lang kayo dahil si Kuya lang ang halos gumagalaw sa
team namin. Hintayin niyong pumasok jan sina Earl at Nigel” turo nito sa
dalawang player na nakaupo lang sa bench.
Yung isang player halatang gustong-gusto ng maglaro dahil
mukhang kinukulit na nito ang coach nito na ipasok ito sa game. Yung isa naman
mukhang walang pakialam.
“Sila ba ang star player niyo?” tanong ni Queen.
“Hmm…siguro…di ako interesado sa kanila eh.”
Biglang nagtawag ng time-out ang Riverdale. Substitution.
Ipinasok na nga ang dalawang lalaking sinasabi ng babaeng kausap nila.
“Ayan matatalo na kayo. Mukhang nakulitan na si coach kay
Nigel”
Tinutukan nga nilang maige ni Queen ang laro. In just 5
minutes sampo na ang lamang ng Riverdale sa Crenshaw Heights. Mga halimaw yata
ang mga player ng kabilang school dahil mula ng maipasok ang dalawang lalaking
iyon, even the other players ay halatang ginanahan maglaro.
Nang maideklarang tapos na ang laban ay nanalo ang
Riverdale.
“Congratz” bati nila
ni Queen sa babaeng kausap.
“Hindi naman ako ang naglaro kaya di niyo ako dapat
binabati.”
“Ahmmm…okay”
“Ako nga pala si Brylle. Infairness ah hindi naman pala
lahat ng estudyante ng Crenshaw Heights ay nakakairita” pakilala nito.
Hindi niya alam kung matutuwa ba sila sa sinabi nito o
maiinis. Halata kasing hindi nito gusto ang mga estudyante sa school nila.
Pareho sila, hehe.
“Ako naman si Queen. At eto si Jiyeon”
“Nice to meet you”
“Same here”
Palabas na sila ng gym habang ang ilang mga estudyante ay nagkakagulo
sa paglapit sa mga players ng may tumawag sa kanila.
“Hey Jiyeon…nanood ka din pala ng laban namin” bati ni
Rodjun ng makalapit.
Kinilig naman siya bigla dahil hindi niya inaasahan ang
paglapit na iyon ni Rodjun sa kaniya. Umikot naman ang eyeballs ni Queen.
Samantalang ang babaeng kasama nila na si Brylle ay inayos ang suot nitong cap
upang takpaan ang mukha.
“Ahhh..oo wala naman kasi akong gagawin eh”
“Thanks ah…saying natalo kami”
“Practice match palang naman eh”
“Oo nga..babawe kami sa susunod” napatingin si Rodjun kay
Brylle. Halatang umiiwas naman ng tingin si Brylle.
“Gabrielle?” tanong ni Rodjun at tinitigang mabuti ang
babae. Umiwas naman ito ng tingin.
“Hindi ako si Gabrielle” sagot nito.
Biglang tinanggal ni Rodjun ang sumbrerong suot ni Brylle.
Ganun nalang ang gulat nilang dalawa ni Queen dahil napakahaba pala ng buhok
nito. At napakaganda nito. Mukha itong manika. Saying nga lamang at mukhang
nagging tomboy pa ito.
“Sabi ko na ikaw yan eh. Anong ginagawa mo dito?” tanong ni
Rodjun.
Magkakilala ba silang dalawa?
Binawi naman ni Brylle ang sombrero at muling isinuot.
“Syempre nanood ng game. Wala ka paring binatbat kina Kuya
Treb, Rodjun”
Inakbayan naman ni Rodjun si Brylle at pabirong inipit ang
leeg.
“Tsamba lang yun”
“Aray ano ba?!”
Teka…mukhang super close silang dalawa ah? Sino ba si
Brylle?
“Another karibal” bulong sa kanya ni Queen. Sinaway naman
niya ang kaibigan.
“Hey Rodj!” biglang lumapit ang mga player ng Riverdale
Vista rito.
Hala ka baka magkagulo dito.
“Bro!!” biglang nagyakap ang dalawang lalaki.
Magkakakilala din sila? Napapalibutan siya ng mga
gwapo..hehe.
“Congrats ah” bati ni Rodjun “Wala paring kupas”
“Ikaw din” sabi naman ng isang lalaki. Sa pagkakatanda niya
ito ang captain ng Riverdale.
“See you at the real game Tol” sabi rito ng lalaking kasama
ni “Captain”
“Yeah…kayo din Nigel, Earl…anyways…look who I found here”
ani Rodjun at biglang hinila palapit si Brylle.
“Oi Brylle anong ginagawa mo dito? Akala ko ba hindi ka
manonood” tanong nung captain.
“Pinaulanan ako ng death threats nila Pepper at Hershie kaya
napilitan akong pumunta”
Biglang tumawa naman si Rodjun.
“Dapat pala rito kay Brylle sinisindak eh” napatingin sa
kaniya si Rodjun. “Guys, I’d ike you to meet my schoolmates…this is Jiyeon…and
her friend---“
“Queen”
“Yeah..her friend Queen” pakilala ni Rodjun sa kanila. “Jiyeon,
Queen..this are my friends in Riverdale…Treb, Nigel and Earl….and this little
girl here is my cousin Gabrielle”
“It’s Brylle”
“Whatever”
Kinamayan sila nung Treb. Ngumiti naman si Nigel at tango
lang ang isinagot sa kanila nung Earl. Mukhang suplado ito.
“Hello” kiming bati ni Jiyeon.
“Hi nice to meet you.”
“So Paano ‘tol..mauna na kami sa inyo..see you again next
time…punta ka sa bahay” paalam ni Treb.
“Yeah..I will..Earl..ingatan mo ang pinsan ko” bilin nito.
Tinanguan lang ito ni Earl. Binelatan naman ito ni Brylle.
“Nice to meet you Jiyeon, Queen…Sana magkita ulit tayo”
paalam sa kanila ni Brylle.
“Oo nga..sige ingat kayo” sagot ni Queen.
“Jiyeon…goodluck sa crush mo” nang-aasar na sabi pa nito
bago tuluyang sumunod sa mga kasama nito.
Namula naman ang mukha niya sa sinabing iyon ni Brylle.
Mukhang narinig nito ang pinag-uusapan nila ni Queen kanina. Nakakahiya!!!
“Crush?” tanong ni Rodjun.
“Ah…wala yun…sige..mauna na din kami” paalam niya at hinila
na palabas ng gym si Queen.
Naiwan namang sinundan nalang sila ng tingin ng binata.
= = = = =
A/N: Ang mga estudyante ng Riverdale Vista ay hindi po kasali sa kwentong ito. Mga extra lang sila.. Binigyan ko lang sila ng Cemeo Role dito pero sila po ay bahagi ng isa ko pang kwentong ginagawa,.. So abangan ang pagsulpot ng mga tauhang iyan sa panibago kong kwento. Salamat.
grbe!!! kinikilig aq ng todo d2!!! ang kulit ni ate queen d2!! hwahhhahhahhahahhhah! more!!!!
ReplyDeletekalma lang bhe...nadrain na naman utak ko..bwahahaha...
Deletehala ang cute naman! kinilig ako sobra!
ReplyDeletehaha.. ang kulit nila!.. kilig much!
ReplyDeletewhahahaha..sis yung hiling ko,,,hhahahaha,,mapagbibigyan mo ba ako ulit?an kulit ko noh...ang ganda ng Story na ito...
ReplyDelete