He loves you… You love someone else… But “someone else” loves someone else..
Life is really unfair and complicated.
Hindi ba pwedeng kapag mahal mo mahal ka rin at wala ng epal na iba?
Bakit kailangang may third party pa?
Bakit kailangang magulo kapag nagmahal ka?
We are the Victims of so-called LOVE.
= = = = =
“
Alam mo ang mabuti pa siguro tapusin na natin itong relasyong ito
eh…lagi ka namang walang panahon sakin…. Puro ka nalang work mo…
napapabayaan mo na ako” galit na sabi ni Joseph sakin isang araw.
Great…
so great… akala ko pa naman okay kami… we even spent time together..
nanood ng sine…nagpamassage..then nagdinner sa labas… tapos kung kelan
nakauwi na kami sa bahay saka niya pasasabugin ang bomba niya.
What a great way to end a day.
Alam
ko naman na lately eh hindi kami okay. Medyo naging busy din kasi ako
sa work ko dahil sa nalalapit na anniversary ng company namin kaya medyo
toxic talaga. Gabi na nga ako nakakauwi ng bahay dahil puro overtime
eh.
“Alam mo naman
na kailangan kong magovertime diba? Saka work iyon…sana naman
maintindihan mo ako di ba? kapag wala namang pasok magkasama tayo.. just
like today” katwiran ko naman.
“Pero mas mahalaga pa sila sayo.. mas mahalaga pa din sayo ang mga kaibigan mo…ako? Mahalaga ba ako sayo?”
“Ano
ka ba naman…mahalaga ka sakin alam mo yan pero hindi lang sayo iikot
ang mundo ko…ikaw nga hindi ko pinipigilang makipagkaibigan sa ibang tao
diba? Masasabi mo bang sa akin lang umiikot ang mundo mo? Hindi rin
naman di ba?” dahil sa inis ay hindi ko na rin mapigilang sumigaw.
Nakakaasar na kasi. Lagi nalang kaming ganito. Gusto niya siya na lang ng siya ang iintindihin ko.
“Ewan ko sayo…magbreak na tayo!” hamon niya.
“Okay fine!!! Break kung break…sinong tinakot mo? Ako?!”
Dahil
na rin sa sobrang taas ng pride ko ay hindi ko na sinubukang pigilan
siya sa gusto niya. If he wants to break up with me…so be it… hindi ko
siya pipigilan. Hindi naman sa dahil masama ako kunde hindi ko lang
talaga ugaling maghabol sa isang lalaking iniwan na ako. Ayokong ipilit
ang sarili ko sa ayaw na sakin.
“Ganyan ka naman eh..malakas ang loob mo… okay fine!” at walang sabi-sabing umalis siya ng bahay.
Pagkaalis naman ni Joseph ay parang nanghihina akong napaupo sa sofa.
Ang sakit lang. Pero gustuhin ko man umiyak ay walang luhang pumapatak sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit.
“Peste!! Kung ayaw na niya sakin eh di wag”
Ako
nga pala si Jenna…at yung lalaking iyon eh si Joseph. May boyfriend for
four years. Sa totoo lang masyado na din kasing complicated ang
relasyon namin. Pinipilit nalang talaga naming ayusin. Sayang din naman
kasi ang apat na taong pinagsamahan namin.
Pero sadyang may mga bagay talagang hanggang doon nalang yata talaga.
We just realized one day that Love already left us.
= = = = =
Pero sabi nga nila…kahit na tapos na ang isang bagay masakit pa rin talaga kapag naalala.
Parang sugat…kahit na maghilom na may maiiwan pa rin marka.
Isang
araw nakita ko nalang sa Facebook na nagpalit na siya ng relationship
status. “Single” na ulit siya…masakit din pala na mabasa na
ipinapangandalakan niya sa buong mundong Single siya.
“Sabi ko naman kasi sayo eh..iiyak mo na yan Bes” pangungulit sakin ng bestfriend kong si Miguel.
“Eh sa ayaw ko nga umiyak..okay nga lang ako”
“Hay
naku Bes pati ba naman sakin magpepretend ka na okay ka? I know your
not okay…kaya nga okay lang na umiyak ka eh..para pagkatapos niyan wala
na yung sakit” sermon niya sakin.
Minsan
talaga may pagkamakulit din itong bestfriend ko eh. Although ngayon
lang siya nagreact ng ganyan. He just really knows how hurt I am.
“Don’t worry Bes…im okay…I just need you to be here by my side” sabi ko at naglalambing na yumakap sa kanya.
Napabuntong-hiningang ginantihan nalang niya yung yakap ko.
“I’m just here…don’t worry”
= = = = =
“Hay naku Jen..honestly speaking hindi ko alam kung bakit nakipagbalikan ka pa kay Joseph eh wala na kayong spark” pagrereact ng college friend ko na si Celine.
Kasalukuyan
kasi kaming nasa bahay at nagmomovie-marathon….at nagkukwentuhan with a
little help of alcohol. Minsan lang naman kami magkasama-sama.
It’s
been months mula nung naghiwalay kami ni Joseph at iyon ang topic namin
ngayon ng mga kaibigan ko. Shock din kasi sila sa nangyari samin.
“ Akala ko kasi pwede pang ayusin eh.. sayang din kasi kami ”
Minsan
na din kasi kaming naghiwalay dalawa ni Joseph pero nung nakipagbalikan
siya ay tinanggap ko naman dahil sa pag-aakalang mahal ko pa siya. Iyon
pala may unfinished business lang kaming dalawa. Pero ngayon nagkaroon
na talaga ng closure.
“Atleast ngayon…may official closure na kayo” sabi naman ni Grace.
“Yeah right”
“Oh…shot mo na” alok ni Lanie.
“Ako na naman? Parang katatapos ko lang ah” nagtatakang tanong ko.
“Akala mo lang yun..umikot na kaya”
Wala akong nagawa kundi tanggapin ang alak na ibinigay ni Lanie.
“so…kumusta naman kayo ni Bestfriend?” biglang tanong ni Celine
Mula kasi ng ipakilala ko si Miguel sa mga barkada ko eh hindi na ako tinantanan ng pang-aasar ng mga ito. Lalo na si Celine.
“Okay naman kami”
“bestfriend pa rin kayo?”
“Oo naman”
“Teka…sinong bestfriend?” nagtatakang tanong ni Lottie.
“Si Miguel…bestfriend-bestfriend-nan ni Jenna”
“Bestfriend-bestfriend-nan?”
“Oo…yung bestfriend niyang unang kita ko palang sa kanilang magkasama eh ang lakas na ng chemistry nila…in short bagay sila” paliwanag ni Celine.
“Crush mo Jen?”
“Kulit niyo ah..sinabi ngang bestfriend ko lang yun”
“Gwapo ba?”
“Hmmm…yeah..saka ang lakas ng appeal at ang ganda ng katawan ah infairness” sagot ulit ni Celine
“kanina ko pa napapansin ah parang si Celine ang panay ang sagot” natatawang sabi ni Grace.
“Eh
kasi nga type ko siya…sabi ko nga dito kay Jona kung talagang
bestfriend lang sila ni Miguel eh kung pwede ko bang tikman…kahit kiss
lang…magtatry lang ako ng ibang putahe”
“Grabe naloloka na naman itong si Celine.” Nailing na sabi ni Lottie.
“hindi nga pwede” kontra ko
“aba aba??? Don’t tell me Jenna binabakuran mo na yun si Miguel? Akala ko ba bestfriend mo lang yun ha?” nakataas ang kilay na tanong ni Celine.
“Hindi ko siya binabakuran okay? May girlfriend na yung tao kaya wag ka ng umepal..mang-gugulo ka pa eh”
“Asus… girlfriend…asawa nga naaagaw girlfriend pa kaya? Magbebreak din yun”
“ewan ko sa takbo ng utak mo Celine”
“Baka naman may gusto ka dun Jona?”tanong ni Lottie
“kanino?”
“sa bestfriend mo”
“kulit niyo…bestfriend nga lang kami”
“bakit? Hindi ba pwede magkagusto sa bestfriend?”
Napaisip naman ako sa sinabing iyon ni Lottie. May point nga naman siya….pero…
“hindi ako pwedeng mainlove sa kanya”
Nagulat naman ang mga kaibigan ko sa sinabi ko.
“ha? Bakit naman?”
“kasi bestfriend ko siya”
= = = = =
“hindi ako pwedeng mainlove sa kanya”
Iyon ang isinagot ko sa mga kaibigan ko nung tanungin nila ako kung may gusto ba ako kay Miguel
“ha? Bakit naman?”
Bakit nga ba hindi? Marami namang cases na ganun diba?
“kasi bestfriend ko siya”
“And
so??? Eh ano kung bestfriend mo siya? Nakasaad ba sa saligang batas ng
Pilipinas at sampung utos ng Diyos na bawal ka magkagusto sa bestfriend
mo?”
“adik
ka ba? Hindi nga iyon nakasaad sa dalawang bagay na binanggit mo pero
number one rule ng magbestfriend iyon. BAWAL MAINLOVE”
“Ikaw
na din ang nagsabi hindi siya nakasaad sa two important laws…meaning
pwede siyang baliin…pwedeng ibreak yung rule ng magbestfriend na bawal
mainlove.”
“hay naku..kahit ano pang sabihin niyo…hindi ako maiinlove sa kanya….” Napabuntong-hininga ako “….nangako kasi ako”
“ahhhhhrrrrgggg...pesteng pag-ibig yan…tama na nga..nadedepress lang ako” reklamo ni Grace.
= = = = =
Kinabukasan ay tinawagan ako ni Miguel.
“Hey…nanjan pa mga friends mo sa bahay niyo?”
“kaaalis lang nila..antok pa ako” nakapikit pa ang matang sagot ko sa kanya.
“Hey gising na…samahan mo ako”
“saan na naman?”
Kung
minsan itong bestfriend ko hindi rin makaintindi eh…sinabing inaantok
pa ako…hallerrr?? Napuyat kaya kami kagabi ng mga kaibigan ko…saka medyo
may hangover pa ako sa ininom namin.
“ang daya mo…diba sinabi ko na sayo dati iyon? Bibili tayo ng barong para sa kasal nila Ate”
Arrrrgggghhhh…
Oo nga pala… last week pa niya ako sinabihan. How could I forget that?
“Ngayon na ba yun? Sige give me an hour maliligo na ako”
“okay sige…ayoko ng pinaghihintay ako ah”
“Ang kapal ng mukha mo”
“sige na bye na” at ibinaba na niya ang cellphone.
Natutulala
naman akong tumitig sa kisame sa kwarto ko. Tinatamad pa talaga akong
bumangon. Balak ko sanang ipikit ulit ang mga mata ko ng biglang nagring
ang cellphone ko.
“oh?” pasensya na hindi uso samin ang hello eh.
“Hindi ka pa bumabangon noh?”
Great paano niya nahulaan iyon? Hindi kaya may CCTV camera itong kwarto ko?
“babangon na…nag-uunat lang eh”
“One hour lang ang ibibigay kong oras sayo ah..bilis na bangon na”
“Yes Boss!!!” at ibinaba ko na ang cellphone.
“Napakademanding..siya na nga lang itong magpapasama eh…hmfpt!! Kainis” reklamo ko habang naghahanda ng pampaligo.
After one hour ay dumating nga si Miguel. Sakto namang tapos na din ako mag-ayos.
“Ang ikli yata ng dress mo…nakashort ka ba?” sita nito pagkakita sa suot ko.
“Oo…kaya wag mo ng tangkaing pagpalitin pa ako ng damit dahil matatagalan pa tayo. Tara na” at inakay ko na siya palabas ng bahay.
Sa isang mall kami nagpunta para bumili ng barong na gagamitin ng mga abay sa wedding ng ate niya.
“bes ikaw na mamili..ito yung mga size oh” sabi niya sakin at inabot sakin ang papel na naglalaman ng mga measurement ng abay.
“At bakit ako? Anong alam ko jan eh hindi naman ako lalaki” tanggi ko.
“tignan mo lang kung maganda ang design.”
Wala akong nagawa kundi ang magtingin-tingin sa mga barong na nakadisplay.
“Eto poh Mam..Sir… best seller po namin ito” sabi nung sales lady at inabot samin ang mga barong.
“what do you think Bes?” tanong sakin ni Miguel
“Okay lang…kaya lang parang masyado namang OA ang design nitong isa….itong isa okay lang simple pero may dating” sabi ko.
“ate…itong isa ang kukunin namin…may mga sizes ba kayo nito?”
“meron po sir”
Ganun ng ganun ang ginawa namin. Tagalait…tagapili at taga comment lang ako nung mga inooffer nung saleslady.
“Ikaw ba may isusuot ka na?” tanong ko
“wala pa nga eh”
“naku Mam..I’m sure magiging gwapo yan si Sir sa kasal niyo” biglang singit ni Ateng saleslady.
“ahhh ano daw??? Kasal?” natatawang sabi ko. “Naku ate nagpapatawa ka ba?”
“Hindi po ako pakakasalan niyan” sagot naman ni Miguel
“bakit naman mam? Hindi niyo pakakasalanan si Sir?”
Napagkamalan pa yata kaming magjowa nito eh.
“Eh kasi Ate…hindi ko po boyfriend yan”
“ay sorry po”
Yan kasi si ate eh..echusera.. tSk!!
“Sa walong napili natin Bes..ano sa tingin mo ang bagay sakin?” tanong ni Miguel habang nakatingin sa mga napili naming barong.
Sa wakas ay natapos na din kaming mamili.
“Hmmm…lets see..” sagot ko at tinignan din ang mga barong.
Kinuha ko ang isang barong na maganda sa paningin ko.
“Here…try to fit this one”
Ipinatong naman ni Michael ang barong sa damit na suot niya.
“Bes…what do you think?”
Tinitigan ko siya… Well he looks perfect.
“I like it….yan nalang sayo…ang gwapo mo jan eh” sagot ko habang inaayos ang butones ng barong.
“talaga? Sige…sabi ko na eh gwapo talaga ako” pagyayabang nito.
“wala na…nagkakalokohan na tayo..hubarin mo na yang barong”
Binalingan naman ni Miguel si Ateng Saleslady.
“diba ate gwapo ako? Kapag sinabi mong hindi di ko bibilhin ito?” pagbibiro niya.
“Gwapo naman talaga kayo Sir eh”
“uy!!! Si Ate nagkakacrush sakin”
Nakatikim tuloy ito ng kurot mula sakin.
“Adik ka talaga.. pati si Ate niloloko mo. Hubarin mo na yan ng matapos na tayo at gutom na ako” sita ko at tinulungan na siyang hubarin ang suot na barong.
‘Bes wag dito…nakakahiya” again…another kurot from me.
Luko-lukong lalaki ito.
“oh ate pakibilisan nalang at gutom na itong bestfriend ko. Nangangain ng tao yan pag nagugutom”
Agad namang ibinalot ni Ate ang mga pinamili namin.
= = = = =
“saan mo gustong kumain?” tanong sakin ni Miguel
“kahit saan…ahhmmm…gusto ko ng halo-halo…Chowking nalang tayo”
“Okay”
Sa may Chowking nga kami kumaing dalawa… since pareho naman kaming mahinang kumain eh konti lang ang pinaorder ko sa kanya.
“bilisan mong kumain ah…pupunta pa tayong Dangwa” sabi niya habang kumakain kami.
“bakit? Anong gagawin natin dun?”
“magca-canvass ng flowers”
“Ganun? Okay sige…papagurin mo na naman ako”
“Puro ka reklamo”
“Hanggang reklamo lang naman ako eh” kasi sa ayaw at sa gusto ko sumusunod pa din naman ako sa gusto niya.
“Kaya nga wag ka ng magreklamo”
Wala rin akong nagawa kundi sumama sa kanya.
= = = = =
Isang
linggong nawala si Bes. Umuwe kasi siya sa province nila para sa kasal
ng ate niya. Isang lingo ko siyang hindi nakita at nakasama. Namimiss ko
na si Bes. Matext nga muna.
“Kumusta Bes?”
“I’m with Vera” iyon ang isinagot niya sa text ko.
Ouch! Kasama pala niya si Girlfriend kaya hindi siya nagtetext sakin.
“Ahhh ganun ba? Okay sige..enjoy” reply ko.
“Call you later” sagot niya.
Hindi
ko na siya nireplyan. Magkasama pala sila ng girlfriend niya. Minsan
lang silang magkasama kaya ayoko ng umepal pa. saka baka magselos yung
girlfriend niya sakin.
Minabuti ko nalang manood ng TV.
Hanggang
gabi ay naghihintay ako ng text o tawag mula kay Bes. Pero wala. Nang
matutulog na ako ay sinubukan ko siyang itext ulit.
“Bes…”
Iyon ang itinext ko sa kanya.
“Bes sorry..I’m still with Vera” pagkatapos ng ilang minute ay reply niya.
“ok. Gudnyt’
Hindi na niya ako nireplyan kaya ipinasya ko nalang na matulog na. may pasok pa ako bukas.
= = = = =
“Uy si Miguel oh” sabi ng officemate ko habang kumakain kami sa canteen.
Agad naman akong napatingin sa likod ko. Pero wala akong nakita. Pagtingin ko sa officemate ko ay napailing nalang siya.
“Ngayon mo sabihing wala kang gusto sa kanya” napapailing na sabi nito.
“Mikko naman eh”
“May gusto ka ba kay Miguel? Yung totoo”
Hindi
ko siya sinagot at ipinagpatuloy ko nalang ang kumain. Nakakainis. Alam
ko namang sa susunod na araw pa ang uwe ni Bes kaya bakit lumingon pa
ako. Namimiss ko nalang kasi talaga siya.
“Jenna…nandito naman ako eh. Hindi ka kayang mahalin ni Miguel. Pero ako kaya kitang mahalin”
Tinignan
ko si Mikko. Honestly wala namang masama sa kanya. He’s kind, sweet at
gwapo din naman. Pero ewan ko ba at wala akong madamang special sa
kanya.
“I’m sorry Mikko pero alam mong hanggang friendship lang kaya kong ibigay sayo”
Kung
minsan naisip ko na ding sagutin ang panliligaw ni Mikko at baka
sakaling madistract ako. Pero hindi ko talaga kayang pilitin ang sarili
kong magmahal ng iba.
“Naiintindihan ko. Basta if you need me..i’m just here”
Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain.
= = = = =
Everythings
back to normal. Nakauwe na si Bes. Lumipas ang ilang buwan na ganun
parin ang set-up naming. Magkaibigan pa din kami. Si Mikko naman ay
tumigil na din sa panliligaw sakin. He’s too good for me. Balita ko ay
may iba na siyang pinopormahan.
“alam mo ba Bes…nakakatawa kasi tinatanong ako ni Doktora kung tayo daw ba” sabi nito minsang pauwe na kami.
“Oh? Anong sabi mo?”
“sabi ko imposibleng maging tayo dahil hindi kita papatulan kasi may girlfriend ako at magkaibigan lang tayo”
“Ahhh..okay”
Alam mo yung feeling na gusting sumabog ng dibdib mo sa sobrang sakit? Iyon ang naramdaman ko. Bumaba na ako ng sasakyan.
“Sige dito na ako” paalam ko.
“Oh? Hindi naman dito ang bahay niyo ah”
“may pupuntahan pa ako..mauna ka na” sabi ko at nagmamadaling umalis na.
I don’t want him to see me crying. I don’t want him to know that I’m hurt.
Sobrang
sakit. Iba pa rin talaga pala yung feeling na maririnig mo sa kanya na
hindi pwedeng maging kayo. Kahit alam mong sa umpisa palang ay iyon na
ang totoo.
Iyak ako ng
iyak habang naglalakad. Eksakto namang umulan. Mukhang nakikisimpatya
ang panahon sa nararamdaman ko. Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan
ang pagbuhos din ng lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Kaya
hindi ko masyadong iniiyakan ang paghihiwalay naming ni Joseph…kaya
hindi ko magawang mahalin si Mikko…iyon ay dahil may ibang gusto ang
puso ko.
Mahal ko si
Miguel. Matagal na..pero dahil sa nangako ako sa kanyang magiging
kaibigan ko siya ay itinago ko ang nararamdaman ko. Ayokong masira ang
pagkakaibigan namin. Kahit kapalit nun ang sakit na nararamdaman ko.
Sunod-sunod
na text at tawag mula kay Miguel ang natanggap ko. Pero ni isa sa mga
iyon ay hindi ko sinagot. I just want to have some time for myself.
Nang
makauwi ako ng bahay ay agad akong umakyat sa kwarto ko matapos
magpalit ng damit. Pagcheck ko ng cellphone ko ay 50 misscalls at 10
messages ang natangap ko mula kay Miguel. Ipinasya kong replayan siya.
“I’m home”
Tawag naman ang isinagot niya sakin.
“Saan
ka ba galing? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo ah! Ang lakas ng ulan.
Nagpakabasa ka na naman ba??? Pasaway ka talaga! Saan ka galing??!!”
“Jan lang”
“Anong jan lang? kanina pa ako nag-aalala sayo eh”
“Stop caring”
“Ano??!! Ano bang problema mo?”
“Stop caring..stop acting concerned to me” nararamdaman kong gumagaralgal na ang boses ko.
“Bes, ano bang problema mo? Umiiyak ka ba?” tanong niya.
“Gusto mong malaman ang problema ko?”
“Oo. Ano ka ba?! Bestfriend mo ako diba?”
“Ikaw! Ikaw ang problema ko”
“Ako? Bakit ako?”
“Kasi bestfriend kita”
“Ha???ano bang pinagsasabi mo jan hindi kita maintindihan.”
“Mahal
kita bes…matagal na..pero alam ko namang hanggang bestfriend mo lang
ako eh..okay lang naman sakin yun eh..i’m just hurt…and broken…hindi ko
naman kasi alam na ganito pala kasakit. Kahit na umpisa palang naman
alam kong hindi mo ko magagawang mahalin tulad ng pagmamahal mo kay Vera
iba parin pala yung sakit kapag mismong sa bibig mo na nanggaling. Ang
sakit-sakit” umiiyak na sabi ko.
“Bes…”
“wag…wag
kang maawa sakin. I don’t need that. I just need time to cope with
myself…I just want to cry… I don’t want this pain…I don’t deserve
this…pero wala eh..minahal kasi kita..so I guess I deserve this
pain..pero hindi ako nagsisisi because knowing you and loving you is the
best thing that ever happened in my life.”
Katahimikan an dumaan sa pagitan naming dalawa. Tanging hikbi ko lang ang maririnig.
Maya maya ay nagsalita siya.
“I’m sorry Bes…I’m really sorry” iyon ang huli kong narinig sa kanya bago ko ibaba ang telepono at muling umiyak.
The End
I am one of them!
ReplyDeleteparang real-life story ah...hahaha... may mga part lang na hango sa totoong buhay..whahaha...
ReplyDeletebwahahaha...epic fail ang buhay ko eh...kaya iyon ang isinusulat ko...at take note sis...this is a REAL LIFE story..as in Real..lahat...hahaha...even the names..
Deletemay pinanghuhugutan pla ang kwento kya ibang klase din ang impact. abot dto ang emotions ate.....
ReplyDeletehehe..ganun talaga..iba ang dating kapag mismong sayong sariling karanasan nanggaling...
Deleteas in real story to ate??kaya pala grabe ung effect sakin.. hehe.. ngaun ko lang to nabasa.. ka inis,late na nman ako.. waaaaaaaaaaahhhhh!!!. oh my gosh!ang sad nman!.. parang ayoko na tuloy ma inlove!.. so michael pala ung name nung guy.. well,siguro hndi talaga kau meant to be kaya ganyan ang nangyari.. nalulungkot talaga ako ate,hindi ako mka get-over!!.. pero ung totoo,kinilig ako sa inyo!.. hihi..
ReplyDeletewow!!! ngayon ko lang nabasa ang comment na ito ah.. infairnes... that was nice demi chan :)
Deletewell ganun talaga ang life eh..okay lang yan.
Ms. Author , ka ano2x mu po yung nagdadala sa REAL LIFE? ikaw yun o kaibigan mo lang?
ReplyDeleteMs. Author , ka anu-anu mo po yung nagdadala ng mga Characters? friend mo yun or ikaw yun? hehe :) BITIN na BITIN po kasi ehh, anung nagyari pagkatapos nun ng conversation nila?
ReplyDelete