Thursday, July 5, 2012

Crazy Love Story : Update 15//

Crazy Love Story
By: _Joyce4ever




Update 15//



KATH’s POV




Itong mga taong toh kung makatingin parang laser nakakatunaw. Tss.

Hello naman? Hindi libreng tumingin saken, may bayad!




“Hindi nyo ba napapansin? Parang wala na yung daing Kath noh?”

“Oo nga, lagi na lang syang malungkot…”

“Kawawa naman. Ang alam ko break na sila ni DJ..”

“Oo daw, maraming nakarinig sa pinag-awayan nila.”

“Ang sabi pa si kath daw ang nakipagbreak.”

“Oo tapos, umiyak pa daw si DJ sa harap niya. Pati siya."

“Aww…Kawawa naman sila..”

“Hayaan mo may bagong girl friend naman si DJ. Sya ba? Meron na din?”

“Di ko lang alam.”





Usapan yan ng mga grupo ng girls sa room namin. Tsss… Akala siguro nila wala ako dito.




“Uy! Kath?! Naririnig mo ba kami?” Tanong nung classmate ko na yun.



“Hindi….” Naman, medyo lang. Mga adik na toh.



Yun lang sinabi ko pagkatapos nagmukmok ako sa desk. Bigla na lang sumama ang pakiramdam ko narinig ko na naman ang ang girlfriend ni DJ na iyan. Ayysssh!



“Ms. Espiritu…”



“Uy…Kath..”



“Baby Kath…”



“Wake up, Kathryn…”



“Uy, Kath! Ginigising ka ni Sir! Lagot ka…”



Ginigising ako ni Sir? Ay putcha naman oh! Nakatulog na lang ako! Hindi pa ako nakakatulog e at saka masyado kong pinagod ang sarili ko kagabi, nag-volleyball lang ako buong magdamag. Kahit akong mag-isa, nag walling ako.



“Sir! Pasensya na po…” Kasi naman e! Bakit ba sa time pa nya ako natulog? Di kami close..



“Ms. Espiritu, parang kang highschooler sa ginagawa mo. Alam mo bang bawal matulog sa klase lalo na sa klase ko. Gawin mo pa sa susunod----”



“Kath!”



-----



Nagising na lang ako at nasa clinic na ako. Ano bang nangyari saken?



“Hello po.” Magiliw na bati ko sa nakatokang nurse ng school clinic ngayon.



“Kumusta ang pakiramdam mo?”



“Ayos lang naman po. Ano po bang nangyari?”



“Ang sabi ni Prof. Manlapaz, bigla ka na lang daw nawalan ng malay kanina habang pinapagalitan ka nya.” Sabi ng nurse. Ahhhyy… buti nga sakanya. Hoho. xD



“Ah…mamamatay na po ba ako?”



“Hahahaha! Sira ka talaga Kath! Nahilo ka lang, ano ba naman kasing ginawa mo at ang dami mong pasa sa kamay? Hahahaha! Wag mong sabihing nag-wrestling ka?” Tumatawang sabi ni Enrique.



“Hindi ha.” Tipid na sagot ko. Nag-volleyball ako nung 2 am! Mwahahahaha! Idol ko si Vice Ganda e. xD



Wait nga…. Si Enrique, sa university namin? O.O



“Hoy! Ikaw! Anong ginagawa o dito?!” Malakas na sabi ko.



“Chillaz man! Dito na ako mag-aaral e.”



“Ano? At bakit naman dito pa?  Sinusundan mo  ba ako?” Kunot-noong tanong ko.



“Hindi naman, dito lang talaga ang univesty namin.”



“University namin?”



“Yup, our family is the owner of this university..” Sus.. Yun lang pala e.



“So?” Pang-aasar ko.



“Anong so-so . Tinatanong mo kaya.” Naka-pout na sabi nya. Ang cute parang si DJ lang…..



“Ang pagkakaalam ko wala akong tinanong kung sino ang may ari ng university.”



“Pilosopo ka pa rin kahit may sakit ka na. Wag mu ngang ibahin ang tanong. Anong ginawa mo bakit ka nagkapasa?”



“Hmm… Baka natulog?”



“Tss… Umayos ka nga! Hindi ka naman daw natulog sabi ng nurse.”



“Bakit naman daw nya nalaman? Dyos ba siya at hindi natutulog?”



“Naku naman oh… tinatanong ko lang naman kung bakit. Tssh...  Simula ngayon ingatan mo na sarili mo ha?”



“Bakit mo sinasabi yan? Tatay ba kita?”



“Bahala ka na nga!” Pikon na sabi nya.



“Mwahahahaha! Ngayon lang kita nakitang napikon! Ang cute mo talaga!” Sabi ko at saka naman lumapit si Enrique.



“Talaga ?”



“Oo nga. Sana nga ikaw na lang una kong nakilala kaysa kay DJ.” Wala sa sariling tugon ko.



“Huh? May ginawa ba sayo si DJ?”



“Hmm.. Wala, sa totoo nga ako ang may ginawa sakanya.” Nanghihinayang sabi ko. Sana masaya na kami ngayonkung hindi lang ako puro akala. Kaya ngayon hanggang sana na lang ako.



“Kaya pala…” Huh?



“Anong kaya pala?”



“Kaya pala pumunta sya dito kanina.” Whhhhaaaaattt?! Pinuntahan nya ako dito? Bakit?? ^_____^  Kinilig ako dun!



“Hm, naghingi sya ng gamot sa nurse, may sinat daw si moosh. Tapos di ka man nya pinuntahan kahit nakita ka nyang tulog.” Yun naman pala e. Ahyy… asa pa ako, pagkatapos ng ginawa kong iyon. Tingin mo mag-aalala pa sya saken?



“Ganun ba… ikaw, anong section mo?” Sabay ngiting…peke.



“Ahm.. Kaklase kita. Kaya nga nakita ko kung pano ka pinagalitan kanina.”



“Hayaan mo yun, nakaligtas naman ako. Haha.” Fake laugh. =___=



“Ikaw talaga…”



*Tok tok!*



“Bubuksan ko lang..”



Sana si DJ na yan… Please po..



“Hmm.. Kath sayo ba toh?” Tanong ni Enrique habang may hawak ng gitara.



“Gitara ko toh, ito yung ginamit ko ng kumanta ako. Hindi ko napansin na hindi ko pala nadala. He-he.” Sabi ko at saka tumingin ako sa may pinto baka nandun si DJ pero wala.



“Sino daw nagbigay?”



“Hindi ko alam, pinabigay lang ng Janitor.” Inabot nya saken yung guitar.



May nakita akong maliit na plastic dun with medicines and note.





Drink this  every 4 hours. And please take care yourself…





Si DJ kaya ang nagbigay nito? Imposible. Pero sino? o.O





“Iyan yata ang mga gamut na hinigi ni DJ kanina ha…” Biglang tugon ni Enrique.









Si DJ ba talaga? Bakit ganon, kasama ko nga si Enrique pero si DJ naman lagi kong naiisip. At bakit nya ko binigyan nito? Hindi na ba siya galit saken? Pwede na ba kami?






Crazy Love Story | Prologue | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 |



2 comments:

  1. ano ba yan! akala ko si dj na! >......<
    i want dj !!! ....

    ReplyDelete
  2. enrique ako!.. kyaahh.. cute talaga!..

    --DemiDoLL

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^