TRICYCLE-LOVE STORY (KATHNIEL)
BY: _Joyce4ever
Puro na lang ba Jeepney Love Story? Pano ang mga Tricycle? Kaya ginawa ko toh para sa mga Tricycle at kay Moosh!
Year written.2012
--
“Yes pa, nasira ang car kaya maghahanap na lang ako ng taxi dito. I’ll be there on 20 mins. Okay, bye..”
Ano bang klasing lugar toh? Ba’t walang dumadaang taxi? Puro mga maliliit na sasakyan. Tricycle yata yun?
Naghanap pa rin ako ng masasakyan na taxi pero wala talaga kaya ng may nakita akong nakaparadang yellow na tricycle nagmadali ako sa paglalakad para maabutan ko yun…
Pero may biglang….
“Aray naman oh! Nagmamadali? Ano toh? Race? Tsss…” Sabi nung isang girl tapos sumakay na sa loob ng tricyle.
Napano yun?
Yumukod ako para tingnan yung girl sa may loob ng tricycle.
“Ano? Titingin ka na lang dyan? Ayaw mo bang sumakay?” Masungit na sabi nung girl.
“Pano ako sasakay kung nakasakay ka na?” Sira ba tong babaeng toh? Maganda sana e…
“Kasya ka naman ah. Ba’t ayaw mo pang sumakay?” Sabi nya. Lalo akong naguluhan nung may isang taong sumakay din sa may back ride ng tricycle.
Magtatanong sana ako nung bigla akong hinila ng girl, nauntog tuloy ako. Pero nakasakay na rin ako sa loob ng tricycle.
Tiningnan ko yung tawang-tawang mukha nya.
“Ayssh.”
“Mayaman ka noh?” Tanong nito. “Kaya pala hindi ka marunong sumakay ng tricycle. Haha!”
Hindi ko na lang pinansin.
“Siguro naguguluhan ka kung bakit ganito yung sistema sa mga tricycle sa lugar namin. Sa ibang lugar kase parang nirerent lang yung tricycle. Pero dito iba, parang jeep din ang mga tricycle. Kahit hindi mo kakilala pwedeng mong makatabi. Pero kung gusto mo namang ikaw lang ang nakasakay, bayaran mo na lang yung mga ibang upuan. Mayaman ka naman, kaya yakang-yaka mo yun.” Mahabang paliwanag nito at saka tumingin saken at ngumiti.
Bakit ang ganda ng ngiting yun?
Medyo napatanga pa ako sa kanya ng Makita ko syang ngumiti. May pagka-boyish kase ang dating nya, hindi naman sa lesbian pero astig.
“Auhm… Ganon pala. Sorry, hindi kase ako lumaki dito eh.” Uncomfortable kong sabi.
“Okay lang. San ka pala galing? Ba’t ka nandito sa lugar namin?” Tanong ng babae.
“Isa ako sa mga engineer na in-assigned para gawin yung tulay malapit lang dito.”
“Ah yung, Everlasting Bridge! Alam mo ba kung bakit tinawag na love bridge ang tulay na iyon?” Tanong nito.
“Dahil sa word na Bridge in tagalong Tulay?” Pagkatapos kong sinabi iyon bigla ba naman akong batukan. Close kami?!
“Sira! Kaya tinawag na Everlasting Bridge yan, kase merong dalawang magkasintahan na sabay tumalon sa tulay na iyan.” Excited na pagkukwento nito.
“Tumalon lang? Yun lang history non?” Tanong ko ulit. Mukha siyang sira kung makabatok. >_< Hilig mambatok! Akala mo friends kami.
“Ang sabi, complicated daw ang naging love story ng dalawa. Danica at AJ daw ang name ng dalawa. Dahil nga complicated at parang pinaghihiwalay sila ng tadhana kaya gumawa si Danica ng way para hindi masyadong masaktan si AJ. Kaya nung nagkaharap silang dalawa sinabi ni Danica na hindi na niya mahal ito. Sobrang nasaktan si AJ kay naisipan nya magpakamatay. At dun naisipan nyang tumalon ng tulay, at that time narealized na rin ni Danica na hindi nya dapat ginawa yun. Kaya nung patalon na si AJ wala na siyang nagawa dahil nahulog na toh… Kaya ang ginawa rin ni Danica ay tumalon na rin ito.” Pagkukwento nya. Medyo malungkot ang pagkukwento nya nung una pero nag-smile sya nung ending.
“Tragic na nga ang nangyari may pangiti-ngiti ka pa dyan. Di ka na naawa.” Sabi ko. Pero as expected… Nabatukan na naman ako.
“Patapusin mo muna kaya ako? Pwede?” Sarcastic na sabi nya. Tumango na lang ako.
“Days passed…. Pinaghahanap sila ang inakala pa nga raw ng pamilya nila ay nagtanan, pero bigla na lang daw may lumitaw na bangkay ng babae at lalaki. At sina Danica at AJ yun. Ang ikinatutuwa ko doon, Mr. Engineer, pinatunayan nila ang pagmamahal nila sa isa’t isa na kahit kamatayan hindi sila maghihiwalay. Alam mo kung bakit ko nasabi yun? Dahil nakita nilang magkayakap ang dalawang bangkay. Ayun, napatunayan nila ang everlasting love nila kaya tinawag ng Everlasting Bridge ang tulay.” Na-amazed ako sa pagkwento nyo. Parang kinalibutan ako pero napabilib ako sa love story nila.
“Totoo naman kaya iyan, Ms. Storyteller? Baka alamat lang yan.” Biro ko. Hindi na ako nabatukan pero kinurot naman nya ako. Napa-aray tuloy ang gwapo. XD
“Totoo kaya! Kahit hindi ko naabutan ang pangyayaring iyon kinwento ng Mama’t papa ko ang nangyari. Panoorin mo man sa youtube.” Brutal talaga nito. Pero dahil nga dun, parang naging comfortable na ako sa tabi nya.
First time kong naging comfortable sa isang babae ang masama pa ay hindi ko man alam ang pangalan nito. Kaya itatanong ko na sana ng bigla nagsalita ito.
“Shocks! Manong, manong. Dyan na lang pos a tabi.” Sabi nito at saka bigla akong itinutulak palabas.
“Ano ba?” Naiiritang sabi ko.
“Tabi muna, bababa lang ako.”
“Ayoko nga.” Sabay irap sakanya.
“Ayssht.” Mukhang nainis sya. Ang cute! Kaya naisipan siguro nitong lumabas na lang kahit hindi ako lumalabas. Yumuko siya at ng padaan na sana siya sa may harapan ko ng biglang umandar ang tricycle kaya….
Napasandal siya saken at napayakap…
Bakit ganon kabilis ang tibok nitong puso ko? Nagkatinginan kami ni Ms. Storyteller
“Ay, sorry miss. Akala ko nakalabas ka na. Pasensya po.” Paumanhin ng driver.
Bigla na lang kami napabitaw sa isa’t isa at parang uminit ang mukha ko? Tumingin ulit ako sakanya at mas lalong bumilis ang tibok nitong heart ko.
Ang cute nya kapag nagba-blush.
“Sige Mr. Engineer, tandaan mo ang story ng Everlasting Bridge ha? Bye!” Paalam nito at nag-wave pa saken.
Bakit parang naging slow motion ang mga galaw nya?
Natauhan ako ng tinanong ng tricycle driver kung saan ako magpapahatid. Binigay ko ang address at nalaman kong hindi nya pala ruta yon. Pero sinabi ko na lang rerentahan ko na lang ang sasakyan niya basta lang mahatid nya ako sa address na iyon. Wala na ring nagawa ang driver kaya inihatid nya lang ako.
Pagkatapos non si Ms. Storyteller na lang ang lagi kong naiisip. Gusto ko siyang ulit na makita..
---
“Bro, makikisabay na lang ako papunta sa bridge.” Sabi ko sa kapatid ko na kasama kong engineer ng Everlasting Bridge.
“Hindi ako makakapasok ngayon, aasikasuhin ko ang engagement namin ni Sey.” Malapit na nga pala ang surprise engagement party nila ng girlfriend nya.
“Ganun ba, sige magpapahatid na lang ako sa family driver.”
“Sira ba ang sasakyan mo?”
“Hindi, tinatamad lang akong mag-drive.” Yun na lang ang sinabi ko.
Nagpahatid na lang nga ako sa family driver namin…
Hindi naman sa tinatamad akong magdrive ang totoo kasi nyan…
Balak kong magtricycle ulit baka sakaling makakasabay ko ulit si Ms. Storyteller.
--
Naghihintay ako sa lugar kung saan ko nakitang nakaparada ang tricycle na sinakyan namin. Nagbabasakali kasi akong doon ang lugar kung saan nakatira si Ms. Storyteller.
Matagal akong nag-antay pero wala pa rin. Marami na ngang humihintong mga sasakyan at inaalok akong sumakay pero tumatanggi ako. Pero nung umaambon na…
Napag-isipan ko na ring sumakay ng may narinig akong familiar a boses.
“Manong, manong. Para! Dyan na lang po.” At may nakita akong bumababa sa isang tricycle. Biglang lumukso ang puso ko ng Makita ko si Ms. Storyteller. Nakita rin nya ako kaya tinawag nya ako.
“Mr. Engineer! Magttricycle ka ulit?” Tanong nito.
“Ah oo. H-hindi ko kase dinala ang car ko.” Sabi ko. Medyo lumakas na ang ulan.
“Ganon ba? Tara dun muna tayo. Dali!” Sabi nya at hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa waiting shed.
Kami lang dalawa ang nasa waiting shed habang hinihintay tumila ang ulan. Pero mukhang hindi na yata titila toh, sana nga. Mas lumakas pa.
“Well… Ahmm-m. Mukhang matatagalan itong ulan na toh, Ms. Storyteller. Kaya magkwento ka na muna.” Nakangiti kong sabi pero nagtaka ako ng makita kong parang nawala ito sa sarili.
“Ohy!” Natatawang sabi ko.
“Ahy! Poging bakulaw na bakla!” Gulat na sabi nya.
“Hahahaha! Ano ba namang klasing adjective yan?” Natatawang sabi ko. Nagsmile siya at saka narinig kong nagbuntong-hininga siya.
“Haha, patapos na ba ang tulay?” Tanong nito.
“Hindi pa, siguro after 2 months I guess. May kaabahan kase ang tulay na yun e.” Sabi ko.
“Sabi mo hindi ka lumaki dito, diba? Eh san ka lumaki? At bakit fluent ka sa tagalong?” Sunod-sunod na tanong nito.
“Lumaki ako sa Canada, pero kahit na sa Canada ako lumaki. Hindi kami sinanay ng parents namin na tuluyang makalimutang magsalita ng tagalong. Kaya kapag nagsama-sama kami sa bahay, tagalong ang salita namin.” Sabi ko.
“Nakakatuwa naman. Buti na lang hindi kayo tulad ng mga ibang nagmi-migrate na 6 months pa lang sa ibang bansa ay may accent na.” Napapailing sabi nito.
“Hindi talaga. Eh ikaw? Dito ka ba nakatira?”
“Dito ako lumaki. Bakit?”
“Wala naman, lagi kitang nakikita rito e.” Pakiramdam ko she blushed.
“Ah oo, nagcocomute lang kase ako papunta sa work ko.” Sabi nito.
“Ah… Ano nga ba work mo? Storyteller?” Pabirong tanong ko.
“Maniniwala ka kaya kung sasabihin kong Oo?”
“Totoo? Storyteller ka? Saan?” Sunod-sunod kong tanong. Gusto ko ring makinig! =)
“Teacher ako sa isang pre-school. Kaya story teller na rin ako alam mo naman ang mga kids, mahilig sa mga stories.” Nakangiting sabi nya.
“Alam mo, seryoso ha… Nung una kitang Makita, hindi ko aakalaing teacher ka.”
“Hahaha! Ansama! Saturday kaya non kaya maggo-grocery lang ako.” Nagtawanan na lang kami.
Habang naghihintay kami sa pagtila ng ulan may kung anong damdamin ding tumutubo sa mga puso namin.
--
In one month, four times in a week kami kung magkita dun sa may waiting shed na iyon. Patapos na ang bridge at kailangan ko ng sabihin kung ano ang magiging plano ko kung natapos na.
“Ms. Storyteller, malapit ng matapos ang tulay.” Panimula ko, after three days siguro matatapos na iyon.
“Good. Para mas umayos ang daraanan.” Nakangiting sabi nyo pero nararamdaman ko ang mga lungkot sa mga mata nito.
“Ms. Storyteller, ano nga palang totoo mong pangalan?” Oo, hanggang ngayon hindi ko pa alam ang pangalan nya at hindi pa nya alam ang pangalan ko. Pero kahit ganon hindi naging hadlang iyon para hindi ko siya mahalin.
“Zerena, Zerena Bernardo. Ikaw, Mr. Engineer?” tanong naman nya.
“TOP Padilla..”
“Ahh..”
“Ahm… Kath, pagkatapos ng tulay… B-balik nako sa Canada…” Kinakabahan kong sabi.
Tumingin ako sakanya, nakita kong lumungkot siya. At parang may nararamdamang sakit ang mga mata nito.
“Ganon ba? Hehe. See you na lang.” Bigla siya tumalikod, akmang aalis siya ng bigla ko siyang hinawakan.
“Zerena…Maniniwala ka ba kung sasabihin kong mahal kita?”
Nabigla siya, at alam ko sa sarili ko na nabigla rin ako. Wala akong balak umamin kaso hindi ko makakayanang umalis na hindi pinapa-alam sakanya.
“Top….” Nagseryoso ang mga mata nito… “Sorry, pero may boyfriend na ko.”
Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko ng marinig ko ang sinabi nya…. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya.
Pero…
I smiled.
“Minahal kita, Zerena… Hinding-hindi kita makakalimutan…” Alam kong narinig nya ang sinabi kong yon.
--
Hindi ako pumasok ng 2 days. Ang balak ko ay papasok lang ako kapag last day na lang ng work. Masakit pa rin, pero kelangan kong tanggapin kung mahal ko talaga siya.
Last day na lang ngayon, may kaunting celebration kasama ng mga construction workers dapat Masaya ako kase ito ang first project ko pero hindi ko magawang magsaya kapag naiisip kong baka hindi ko na makikita ulit si Zerena.
Pagkatapos na pagkatapos ng celebration ay dumaretso ako sa may waiting shed. Matagal. Matagal akong naghintay pero hindi ko man nakita si Ms. Storyteller. Ang hiling ko na sana kahit Makita ko lang siya ngayon at makausap para mabaon ko sa pag-alis ko bukas.
Hinihintay kong may tumigil na tricycle dito sa may waiting shed. Pero wala talaga, gabi na at mukha na nga akong tanga sa kakahintay dito pero hindi pa rin ako sumusuko na baka makita ko pa siya. Umuulan na at lumalalim na ang gabi pero wala pa rin akong nakikitang astig na teacher na babae.
Wala na akong magagawa, may mahal na pala ang mahal ko. Ba’t pa ako naghihintay?
Kung sanang dumating ka lang…hindi na ako tutuloy sa pag-alis ko bukas.
Dahil sa sama ng loob, sumungod ako sa ulan. Hindi ko na inisip na baka magkakasakit ako. Gusto ko lang umiyak na walang makakita. Papunta na ako sa kotse ko ng may narinig akong ingay….paparating na TRICYCLE!
Dahil nga sa ulan medyo hindi ko tanaw kung sino ang sakay ng nasa loob na tricyle na iyon. Pero babae! Babae ang nasa loob nyon kaya nagkaroon ako ng pag-asa na baka si Zerena iyon!
May bumaba ngang babae na nakapayong pero halos mapaupo ako sa kinatatayuan ko ng makita kong hindi si Ms. Storyteller iyon. Naglakad na lang ako papunta sa kotse ko habang napipigilan pa ang mga luha at akmang bubuksan ko na ang car ng biglang may nagsalita sa may likuran ko…
“Ganon na lang ba yun? Susuko ka na? Sayang naman….pinaglaban pa naman kita.”
Bumaling ako sa likuran at nakita ko nga si Zerena habang may hawak na payong.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nayakap ko siya at tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko…
“I love you, Zerena, hindi—“
“Mr. Engineer, hayaan mo muna akong magsalita.” I smiled at tumango ako. At saka siya nagpatuloy sa pagsasalita, “Alam mo ba na nung una kitang nakita ri to, naramdaman ko agad na komportable ako kapag katabi kita. At maniniwala ka ba kung sasabihin kong hindi ako dito nakatira? Oo, hindi nga ako nakatira sa lugar na toh. Binisita ko lang ang lola ko rito at nag-grocery ako para sakanya. Pero simula ng makita at nakasabay kita sa pagsakay ng tricycle, nagpabalik-balik na ako dito. Gusto kasi kita makita.”
Sobra sobra ang tuwang naramdaman ko habang nagsasalita ito.
“Pero ano ang sinabi mong pinaglaban moko?” Tanong ko.
“May boyfriend ako, fiancée na nga e. arranged marriage, ayaw ko kaso wala akong magawa. Kaya nga ng nakilala kita hindi ko inisip ang bf—“
“Ex-Bf.” Pagtatama ko, natawa na lang siya.
“Kaya nga hindi ko binabanggit ang ex-bf ko kase gusto ko talagang gumawa ng paraan para makawala at makasam kita. Yung last nating pag-uusap nung sinabi mong aalis ka after your project. Inamin ko na talaga kina mommy na ayaw ko sa pinili nila para sken, nung una ayaw nila pero nung naglayas ako ng 2 days, pinaghanap nila ako at yun nga hinayaan na nila ako sa gusto ko. May kasalanan ka pa pala saken. Hmp!” Pagpapatuloy nito sa kwento nya. Pinaglaban nga nya ako….pero ano yung kasalanan ko?
“Anong kasalanan ko?” Kinakabahan kong tanong.
“Two days akong naghintay rito maghapon na baka dumaan ka rito pero hindi man. Kaya akala ko nagsinungaling ka lang saken. Kaya wala na nga akong balak pumunta rito eh kaso dumaan yung yellow na tricycle na sinakyan naten dati at naalala kita kaya hindi ko na natiis at pinuntahan kita, nagbabasakaling.----“ Hindi na natuloy ni Zerena ang sasabihin nya ng walang anu mang hinalikan ko siya.
Napitawan na namin ang payong pero patuloy pa rin kami sa ginagawa namin….
“I love you, top.”
“Mas mahal kita, Zerena!” Malakas na sabi ko. Wala namang tao, dahil nga sa gabi na.
“Teka, mababasa tayo.. yung payong.” Natatarantang sabi ni Zerena.
“Basa na tayo, kelangan pa ba?” Nagtawanan kami.
“Tara, gusto kong makilala ang parents mo.”
“Pero, aalis ka pa ba?” Nalulungkot na tanong ni Zerena.
“Tingin mo ba may reason pa ako para umalis? Pera lang ang makukuha ko pag-alis ko at hindi matutumbsan ng pera ang love na ibibigay naten sa isa’t isa kapag nanatili ako dito sa Philippines.” Niyakap ako ni Zerena kaya niyakap ko rin sya.
Magte-take two pa sana kami sa kiss nang biglang….
*Piiit Piiiit!* busina ng tricycle yan.
“Sasakay ba kayo?” Tanong ng driver.
Hinila ko si Zerena sa loob ng tricycle at nagpahatid kami sa bahay nila para makapagpakilala na ako sa mga parents nya. Babalikan ko na lan ang kotse ko roon.
“Nakakatuwa..” Bigla sambit ni Zerena.
“Bakit?” Tanong ko.
“Itong yellow TRICYCLE na ito ang sinakyan naten ng una tayong magkita.”
“Oo nga…. Naging bahagi rin si Manong Driver sa TRICYCLE LOVE STORY naten.” Natatawang sabi namin. At hinalikan ko ulit ang kanyang labi…
----
A/N: Sana magustuhan nyo! :">
Gusto nyo pa ng One shots? Pag-iisipan ko. He-he. =D Comment please. ^_^
_JOYCEI
~>angel is luv<~
ReplyDeleteang ganda-ganda po lalo kasi kathniel! ayiiiiee!
Amaze! Thanks! I usually wished to create on my own weblog something
ReplyDeleteof that nature. May i will include a fragment of one's posting to my site?
Here is my web page : Instant Car Insurance