Sunday, May 27, 2012

Crazy Love Story: Update 12//

Crazy Love Story

Update 12//



KATH’s POV



*two weeks after*



 Katulad ng sabi ni mama… Hindi ko man nadalaw si DJ sa hospital. Ahhy… Ang balita ko ngayon na daw ang araw na papasok si Dj. Kaya nandito ako ngayon sa may bench malapit sa gate para makita ko siya kahagad kapag pumasok siya. Ang tagal nga eh…pero naiisip ko mas matagal siya naghintay sakin dito.



“hmmm…hmm..hmmm.” Nagha-hum ako para hindi ako mabored.



Nagsstart na siguro ang discussion sa first subject. Late na ako.

Ang tagal naman eh.



Ilang oras na akong naghihintay dito ha? Naka-lima na nga akong Mogu-Mogu. Tsss.

Pero wala pa rin.



Natapos na siguro ang second subject namin.



“Iha, bakit nasa labas ka? Kanina ka pa dyan diba? Wala ka na bang pasok?” Yung guard yun.



“Hmm. May hinihintay lang po ako baka hindi na papasok yun, sige po papasok na ko.” Yun lang ang sinabi ko at saka na ako papasok.



Syempre hindi na ako pumasok, hihintayin ko na lang ang next session. Afternoon na lang ako papasok. Dumaretso ako sa may garden. Dun lang ako… habang naghihintay ng oras.



Grabe ganun ba katagal nung naghihintay si DJ saken. Mas matagal pa siguro dun. Guilty na guilty na ako.



Gusto kong magpa-sorry pero hindi pa pala siya pumasok. Ahyy.. What to do?



“Oh, andyan ka pala.” Si Baby Moosh ni DJ yun. Tsk! May kasalanan pa pala saken si DJ. Hindi man nya sinabi saken na may girlfriend na siya. At nagsinungaling pa siya…



*flashback*



“May love life ka na ba?” Tanong ko.



“Meron…” Awts..



“May girlfriend ka na pala,.”



“Wala akong girlfriend.”



O.O BAKLA ITO?!

“May  B-Boyfriend ka?”



“Huh? Hahahaha!” o.0 Tumawa lang?



“Wala akong girlfriend at lalong wala akong Boyfriend. Hahaha.” Tumatawang sabi nito. Iyon naman pala eh. Pero ano daw?



“Akala ko ba may love life ka?”



“Oo, meron nga. May mahal ako pero hindi ko pa girlfriend.” Sino kaya yun? Ang swerte naman.





==END OF FLASHBACK==





“Hi.” Yun lang nasabi ko.



“Oh? Ang tamlay mo naman? Ganyan ba ang nagagawa ng KONSENSYA?” Ahhy. Isa pa toh.



“Siguro..”



“Ni hindi ka pumunta sa ospital para bisitahin siya. Alam mo ba na ikaw ang unang hinanap niya nung nagising sya?” Ano daw?



“A-ako? P-pe…P-pero…”  Aish! Ano ba toh!



“Sorry,.” Yun na lang nasabi ko, baka hinahanap ako I DJ para lang sumbatan ako dahil sa ginawa ko sakanya.



“Hwag ka saken magpasorry! Kay Daniel!” Medyo lumakas ang boses nung Moosh. Buti na lang kami lang ang tao sa Garden. O.O Hindi pala…palapit samen si DJ.



Ang laki ng ipinayat niya. I really feel so sorry.



“Kumusta D-DJ? ….”  Bati ko sakanya. Pero ni hindi niya ako tiningnan.



“Baby Moosh, tara pinapatawag ka ng principal. Siya na lang daw mag-iinterview sa’yo.” INTERVIEW?! Don’t ever tell me na magta-tranfer siya dito?!


“Sige. Bye kath! Nice meeting you again.” Tsss. Ano naman NICE dun? Nakipag bitch-bitch-an ka lang saken. Tsk!


Hindi pa rin ako tinitingnan ni DJ. Hello! I’m here! Am I invisible now?



“Wait lang…may itatanong ako!” Pigil ko sakanila.



“Ano?” Yung moosh yon.



“Hehe… Ano nga palang name mo?” Tsss… etoh dapat. Galit ka ba saken, DJ?



“Call me, Moosh na lang…”



“Wait!” Sabi ko ng paalis na sila.



“Ano nanaman ba?” Yung moosh na naman. Ni hindi ako nilingon ni DJ.





“Mahal….” Kita, DJ…



“Huh?” Nagtaka naman itong bitch na toh. Si DJ naman kahit hindi niya ako nilingon halatang nagulat rin dun sa “MAHAL” pero wala pa akong lakas na loob para ipagtapat yun. Galit pa siya..



“Mahal ka talaga ni DJ…” Yun nalang ang sinabi ko.



At saka na ako umalis. Awtss…



Sa hindi malamang dahilan bigla na lang ako napa-iyak. Bakit ang cold ni DJ?



*LUNCH TIME*



“Oh? Baby Kath! Nandyan ka lang pala, akala namin absent ka. Nagcucutting ka na pala ngayon ha?”



“Haha. Kath, libre mo kami hindi ka namin isusumbong.” Tsk! Gold Digger!



Classmates ko ang mga iyan.



Nakisabay na lang ako sakanila. Kase si DJ at Moosh yung magkasama.



“Kath… Okay ka lang ba?”



“Oo nga…Bakit ang tamlay tamlay mo?”  Kung alam nyo lang…



“Ako? Matamlay? HAHAHAHAHAHAHA!” Sige lang ibida ang FAKE LAUGH.



“Hindi ah, May naisip lang ako.” Pagla-Lie ko.



Sinungaling ba masyado?



Tsss… Kung sinungaling ako. Kumusta naman kaya ang isang nilalang sa tabi tabi habang nakikipaglandian kay BABY Moosh nya? TSK!



“Ang cute ng girlfriend ni DJ noh?” Si Denka, kaklasi ko.



“Oo nga. Nakakainggit siya.”

Tama bang pag-usapan ang mga bitches na iyan sa harap ko? Tsk!






“Ikaw Kath? Anong masasabi mo sa girlfriend ng Best friend mo?”




“Huh? Best friend? Sino?”



“Ang sama mo, Kath! Haha. Si DJ! Diba magbestfriends kayo?” Ipagsigawan ba naman. Nakakahiya, napapatingin samen yung ibang echosera. Ba’t ba ako nakisama sa mga madadaldal na kaklasi ko?



“Shhh.. Maganda siya at…mabait.” TSK! ANG BITCH NIYA KAMO!



“Sige ha? Cr lang ako…” Pagpapaalam ko sakanila.





Tss. Ano ba naman yung dalawang yun? Pasalamat sila mababait naman sila saken. Ahy..



May nabunggo akong girl. Mukhang nagmamadali yata. Ayan tuloy dumugang ang mga Mgu-mogu ko. Sayang yung tatlo pa yun.



“Oy! SORRY HA?!” Pahabol ko dun sa nakabunggo saken. Ni hindi man magpasorry. Tsk! Tao nga naman parang….human. ENU DAW?



Tsss. Pinulot ko na lang yun



May nag-abot saken ng mogu-mogu. Yun yung hinahanap ko pang isang Mogu-Mogu. He-he.



“DJ?”



“Ito ba hinahanap mo?” Tumango lang ako.



“Ahmm.. DJ wait lang!”



“Yes? Bakit?” DJ? Bakit ang cold mo?



“DJ… I’m sorry kung pinaghintay kita. I’m sorry kung di ako nakadalaw kasi….”



“Sorry?! HA-HA-HA! Kath, naririnig mo ba ang sinasabi mo?! SORRY! Ano yun? Sinabi mo lang tapos wala na? Kath, ang sakit nung ginawa mo… Alam mo ba kung anong sasabihin ko sayo ng kung dumating ka non?!” Galit na galit ito…



Umiling lang ako…

“KATH! Bakit ang MANHID mo?!” Ha? Ako?

Pinagtitinginan na kami.



“DJ… Hindi ko naman sinasadya…Akala ko kasi….”



“Ayan na naman ang mga akala mo e! Ano ka ba Kath! Sana hindi na lang kita hinayaang makalapit sakin. SANA HINDI NA LANG KITA BINIGYAN NG IMPORTANSYA! AT SANA HINDI AKO NAGPAKA-GAGO PARA MAHALIN KA AT PARA SAKTAN LANG AKO! AYAW NA AYAW NA KITANG MAKITA!” Galit na galit siya saken.



Napa-iyak ako sa harap niya dahil dun. Tao din naman ako diba? Pwede pa rin akong umiyak… DJ, tama na… Nasasaktan ako lalo kapag nakikita kitang ganyan.



“PLEASE LANG HWAG KA NG MANGULIT. PLEASE LUMAYO KA NA LANG. Para mabawasa ang sakit na nararamdaman ko! Ang sakit sakit dito e…” *point to the heart* Mas lalo akong nasaktan ng bigla itong naiyak.



“D-DJ… Hindi ko sinasadya. Maha----“ Hindi ko natuloy ng bigla niya akong hinawakan sa balikat. Mahigpit.



“PLEASE! Kath… Hwag mo muna akong lalapitan at kakausapin! PLEASE LANG KATH!” Sigaw niya saken habang umiiyak kami parehas. Ang dami ng nanunuod sa amin.  Pagkatapos nung mga salita niya iniwan na niya ako, at hindi niya ako hinayaang magsalita.



Dahil sa sobrang frustration… nanghina ang mga tuhod ko at napa-upo na lang ako bigla kung saan niya ako INIWAN. Akala ko ba may girlfriend na siya? Nagkamali na naman ako dun? Bakit napapahamak ako nang dahil lang sa AKALA? Bakit di ko muna inalam?



Ang sakit pala…



Ang sakit palang makita na umiiyak ang mahal mo ng dahil sayo.



Mas gusto ko ng ako na lang ang nasaktan ng ganun. Bakit sya pa? Bakit hindi na lang ako.



Ang sakit din siguro ng naramdaman ng YH ni Enrique ng umiiyak ito sa harapan niya.



Parang ganito siguro ang nararamdaman niya…



Sana lang hindi ko na lang naisip na kung iiyak ba si DJ ng dahil sa Love.



Ang sakit…Sobrang sakit.





DJ, kung hinayaan mo lang sana akong magpaliwanag…baka sakaling nabawasan ang sakit na nararamdaman natin ngayon.







Crazy Love Story | Prologue | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 |



5 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^