Dibuho'y hindi tiyak na maunawaan, mga linya'y naglipana.
Kulay na pinaghaluhalo, sa temang mistulang pinaglahuan.
Kaisipang mahirap tarukin, kahuluga'y nagkukubli,
Sinong nakakaalam?
Sinong makakapagsabi?
Isang tuldok, dalawa, hanggang sa dumami.
Patung-patong na tatsulok, parihabang tabi-tabi.
Bilog sa iba't-ibang sukat, mga larawang hindi pangkaraniwan.
Sinong makakabatid?
Sinong makakapagpaliwanag?
Ang isip ay hindi matamlay, na tila walang kapagalan.
Anoman ang kahuluga'y tiyak na many kabuluhan.
Sapagkat bawat tuldok, linya, hugis, dibuho't larawan,
mayroong kulay...
mayroong saysay.
Gaano man katamlay, kahirapa'y iyong tanaw,
huwag mangamba't sadyang ganyan ang gulong ng buhay.
Ang karangyaan at ginhawa'y 'pag iyong nakamtan,
alalahanin na ang oras ay nagwawakas.
tulad ng bawat larawan,
kumukupas...
nasisira...
nalilimutan.
Sa paglipas ng panahon, o kung tayo'y pinaglipasan na o linipas na,
doon lamang natin mauunawaan ang kahulugan ng ating sariling obra.
Ang buhay--- Ang ating pigurang ipininta,
sa nakalipas...
at ating magiging bukas.
ang ganda kakaiba^^...
ReplyDeletenice!
ReplyDeletemaraming salamat po sa bagbabasa :))
welcome po^^
Delete