Tuesday, January 22, 2013

Crazy Love Story: Update 49//

Crazy Love Story

By: InnocentPen


Update 49//


EJ’s POV


“Yaaah! Yaaaaaah! Uwaaaaaaaaaah! Hwaaaaag poooo!” Napalingon kami nung may narinig kaming sumigaw. Huh? Seriously, who is that? So noisy.
At saka namin nakita si Kath na hinahabol ng isang naka-Halloween costume. Pero minsan humihinto si Kath para padyakin yung kawawang mascot. Tapos tatakbo na naman ulit at saka sisigaw ng ‘ayokooo na, tamaaa na’ tawa na lang kami ng tawa pati yung mga ibang people na nanunuod. Kaloka lang, eh sino ba itong taong ‘toh? Kalurkey lang!

“Hoy bakla! Patahimikin mo nga iyan!” May sumigaw dun sa crowd. Buset toh ha.

“Bakla ka rin! Ulul mo! Suntukin kita diyan!” Nag-boses lalaki pa ako dyan ha. Asar lang. Di’ba pedeng ‘babae’ na lang ang itawag saken kesa sa ‘bakla’. Achuchu! Asar.


“Waaaaaah! Tamaa na pooooo! Kyaaaaaah!” Si Kath yan nagpapasikat eh. 

“Oy! Kath! Kundi ka lang buntis naku naku! Boses mo ineng nakakarindi!” Di ko natiis eh, sa gusto kong sumigaw.

“Sinong buntis? Buntis si Kath?” Tanong naman ni Luis sa’ken. Isa pa ‘tong lalaki na gwapong toh.

“Sira-ulo! Duuh! Joke yun! J-O-K-E! Naku naku! Maloloka ang beautiness ko dito! I swear to the make-ups!”

Umupo na lang kami dun sa mga upuan, duuh? Kaya nga umupo diba? Meaning sa upuan? Naku! Common senses, inday batutay!

Pinapanuod na lang namin yung pagsigaw, pagpadyak, pagtalon, pagtakbo, paghampas ni Kath dun sa kawawang mascot. Naku, naku. Na-enjoy pa yata ‘yang mukhang tikbalang na mascot na iyan. Achuchu! Kadiriiwannabe!

Oh well, isa ito sa mga pasabog ng Wonderstruck University. Ang corny nga pala ng name ng school namin diba? I know right! Isipin mo bang Taylor Swift’s fan ang president ng school na ‘toh? Nakuu, naki-wonderstruck na rin. Ano toh? Pabango ni Taylor Swift?! Kaloka lang! Makapag-complain nga!

Mabalik nga dun sa sinasabi ko kanina, oh well, isa ito sa mga pasabog ng university namin. Kapag Halloween day, may mga iilang mascot na kakalat sa university at mananakot. (Halloween ka diba? Kaya nananakot! Naku!)  At laging si Kath nga nabibiktima, gustong gusto naman ng loka. Taruush!


Napapaligiran ako ng mga magaganda tao ngayon, kwentuhan ko kayo ha? Let’s start! Taraaay!

“Tol, paano mo pala napaghiwalay ‘to?” Tanong ni Luis kay Enrique habang hawak hawak yung dalawang parang bakal na nakadikit sa isa’t isa. Tapos yung rule eh dapat mapag-hiwalay mo yung dalawang bakal na yun.  (Sa hindi ko alam ang pangalan nung puzzle na yun!)

“Hindi ko alam, basta ginamit ko lang utak ko.” Oh diba? Ang ganda ng sagot. Nakuu.
“Ahh. Lagot, hindi ko na mapapaghiwalay toh!” Sira ulo talaga tong si Luis diba? Achuchu! Kaibigan ko ba sila? (Oo, kaugali mo eh!)

Oh nakita niyo na si Enrique ah… Eto na ang susunod.

“Julia, paano nga pala ‘tong assignment sa Logic? Ang hirap sagutin. Paano daw kapag sampung sticks tapos kumuha ka ng tatlo, tapos kumuha ka ulit ng tatlo, tapos tatlo na naman. Edi nine na yung kinuha mo? Tapos daw kumuha ka pa ng tatlo. Anong sagot? Nakuu! Di’ba wala ng matitira non? Negative two pa nga diba? Ang hiraaap kasakita ng ulo ko! Anong sagot?” Sabi ng napu-frustrate na si Agnes habang nakatingin sa notebook niya.
“Yeaah..” Kaloka tong si Julia mahina na nga ang boses, tahimik pa! two in one! San ka pa?! Nakatingin kasi sa babe ni na kasalukuyang nagdo-drawing ng kung anu-ano.
“Naku naman oh! Ang haba ng litanya ko dito?! Tapos…YEAH lang?! Wow!” Tapos padabog na nilagay sa bag yung notebook niya then binatukan niya si Luis. Ampupu. Kawawa si fafa.

“Hoy! Ugly slave! Pakopyahin mo’ko ng assignment mamaya!” Oh diba? Binatukan na’t lahat lahat. Uutusan pa? At wala pang PLEASE. Loka! Kaya nga Slave eh! Alipin! Gets mo? Nakuu.


Ayan, edi nakita niyo na si Julia, Agnes and Coco! Pati pala si Luis na kanina niyo pa nakikita na kinakawawa namin. Nakuu lang. Hayaan na, gwapo naman.

Sino nga uli yun? Ha?

Sino pang gusto niyong makita? Ha? KathNiel? Ahhh.

Sina Kath and DJ ba? (Naku! Kaya nga KathNiel diba? Shunga talaga oh.)

Si Kath nandito na, palapit na kay Mr. Mysterious Heartthrob na kasalukuyang umiinom ng Gatorade. Oy ha! Buti nga nabawasan na yung pagka-mysterious niya nung nalantad na yung kay Teebeh chuchu niya.

“Kathmylabs, gusto mo?” Alok ni DJ sa Gatorade niya kay Kath.
“Ayaw. Gusto ko Mogu-mogu.” Oy ha! Walang pakundangan itong si Kath. Nakuu.

“O sige, tulungan mo na lang akong sagutin itong mga pinapasagot ni EJ.” Yeah, may binigay akong list sakanya ng questions at pinapasagot ko sakanya. Tinanggap naman niya, genius daw eh. Kahit hindi naman.

“Okay.” Tapos umupo na si Kath sa tabi ni DJ. Nakaupo na kaming eight dun sa upuan.

“First question ni EJ: Anong English ng balot?” Binasa ni DJ yung number one sa list.

“English ng balot? Eh…Wrapped-egg?” Tangeks itong si Kath.

“Mali!” Syempre akong gumawa kaya ako ang magsasabi kung mali o tama.

“Cover yan!” Sagot ni Coco!

“Tanga’t kalahati ang mga toh, ang cover ay takpan…kaya ang English term ng balot ay…wrap! Naku! Ka-easy na tanong. Next!” Tama naman ako diba?

“Nonsense naman mga toh eh, second question: Bakit umihi ang itlog?!” –Basta kapag may nagtatanong, si DJ na yun. Siya ang may hawak ng list eh.

“Hmm…kasi nabasag yung itlog kaya lumabas yung parang tubig?” Naku, clueless si Kath.
“Wrong!”
“Eh ano pala?!” Si Agnes ang nagtatanong. Naku! Masanay ka na, harsh ang bibig niya, superlaloo!

“Kaya umihi ang itlog kasi….nga naiihi siya! Naku naku! Number three na!” Tama naman ako diba? Kaya umihi kasi naiihi. Kaloka!

“Psh. Number three: Bakit nagco-computer ang aso?!” Si DJ nga yan.

“Kasi gusto niya?” Sagot ni Kath! Ang hina talaga nitong babaeng toh. Kalurkey!
“Wrong!”
“Kasi may free time siya at wala siyang magawa?”-Julia.
“Wrong!”
“Eh ano pala?” Si Coco ulit yan.

“Kaya nag-cocomputer ang aso kasi...Nag-haharvest siya as Farmville niya, eh harvest time na eh! Baka malanta yung mga tanim nun, sayang ang coins!” Ayun, sabay na sabay na naman silang natawa. Ngayon pa lang sila natawa ha! Nakuu!

“Four: Bakit nagtetext ang kabayo?”-DJ
“Kasi gusto niya?” Naku! Ulit ulit na lang ang mga sagot nitong si Kath.
“Mali ka na naman.” Ayun nag-pout na lang. Nakuu! Pa-cute eh mas cute naman ako. (Kapal!)

“Kasi may nagtext kaya, nagrereply siya?” Si Luis yan.
“Tanga! Isipin mo ba naman na magrereply ang kabayo?! Hindi nga marunong magbasa eh!” Opo, nabatukan na naman si Luis kay Agnes. Masanay na nga lang kayo.

“Mali ka Luis. Kaya nagtetext ang Kabayo…kasi naubusan siya ng pang-call kaya nagtetext na lang! Eh wala ng pera pang-Unli Call eh! Marioseprio naman oh! Kay simpleng tanong. Achuchu. Next!”  OH ayan na naman sila, nakatawa. Ano toh?! Gay bar? At ako ang host? Aysus! Puche! Hostess pala.

“Adik ka naman EJ! Ang bastos ng fifth question mo. Babycoh, takpan mo tenga mo ha? Uhm, number five: Bakit daw gumagawa ng baby ang mga mag-asawa?” Nahihiya pang itanong ni DJ iyan naku.

“Kasi gusto nila?” Naku itong si Kath walang alam na sagot. Sinabi na ngang wag making. Nakinig pa. Naku!

“Mali ka na naman!”
“Alam ko yan! Hahahaha! Kasi para may trabaho ang mga babysitter?!” Sigaw ni Luis. Nakuuu. Ampupu talaga oh.
“Tanga talaga toh! Walang pera yung mag-asawa kaya walang babysitter!” Yes ulit, binatukan siya ulit ni Agnes.

“Mali kayo! Kaya gumagawa ng baby ang mag-asawa kasi…MASARAP!” Natawa ako sa sarili kong kalokohan. Eh sa totoo naman eh? Nakuu, mga toh. Pa-inosente pa, parang si Joyce. Hi Ms. Author!

“Kadirii ka, EJ! Eeew.” Tapos tinakpan pa ni Kath yung tainga nita. Tangeks! Narinig na eh! Nakuu!

“Oh eto mukhang hindi naman kabatusan, six: Bakit daw natutulog ang Baby?”-DJ
“Aha! Kasi gusto niya!” Nakuu, Kath. Hindi ko na lang sinagot kasi mali naman talaga.

“Kasi inaantok?” –Agnes.
“Natutulog na nga eh, inaantok pa?” Narinig kong bulong ni Luis.
“May sinasabi ka, Ugly slave?” Umiling naman kaagad si Luis. Loko talaga.

“Alam ko na! Kasi napagod ng kakadede kaya napagod at natulog!” –Coco.
“Mali! Kadiri ang dagot mo Coco! Yuck! Kaya natutulog ang baby kasi…ayaw ng baby na nakadilit kasi wala naman daw siyang nakikita kaya pumipikit na lang at natutulog! Wahahaha! Common sense naman dyan mga frends oh.” Tama naman ako diba?

“Nakuu! Bibili lang ako ng Mogu Mogu! Nakakasakit ng utak tong si EJ!” Nahawa na rin si Kath sa ‘Nakuu’ ko. Nakuu, ayon, bumili na nga ng Mogu mogu si Kath.

“Eh! Umuwi ka na nga EJ! Kung anu-ano kalokohan mo! Asar!” Wag kayo, kahit sumigaw si Julia, mahina parin. Nakuu.

“Last na lang toh! Salamat naman. Seventh: Bakit daw may POV ang bakla?”-DJ

Bigla naman silang nanahimik, “O ano? Wala kayong maisip na sagot noh? Nakuu!”

“Alam ko! Kasi….bakla siya?” Toinks!

“Anong connect, DJ? Minsan ka na lang sumagot, wala pang kwenta! Naku! Pasalamat ka gwapo ka!” Natawa na naman sila, pero halata paring napapa-isip sila.

“Ah! Alam ko na! Kasi gusto niya magdaldal?” Wow! For the first time nagsalita si Enrique.

“Ito din! Pasalamat kayo gwapo kayo! Minsan na nga lang magsalita, mali pa. Nakuu lang.”

Natahimik na naman sila at nag-iisip. Tapos biglang dumating si Kath na may dalang dalawang Mogu mogu na lychee at tumabi naman kay DJ.

“Oh? Tahimik niyo naman? Saan na tayo? Ano ang tanong?” Tanong ni Kath habang umiinom ng Mogu Mogu niya.

“Bakit daw mag-POV ang Bakla?” Sinagot ko naman.

“Pahingi naman Kath..” Binelatan na lang ni Kath si Luis.

Pagkatapos inumin ni Kath yung Mogu-Mogu niya…”Ahhh… Bakit may POV ang Bakla? Ahh…kasi nga gusto niya! Hahahaha! Wala akong alam isa—“



“TUMPAK! TAMA! CORRECT! RIGHT!” Sabi ko tapos tumayo at umikot, “For the first time may nakasagot ng tanong ko. Galiiing!”

Tapos nakita kong nagtinginan lahat kay Kath. Sabagay, pinag-iisipan nilang maigi yung sagot tapos yun lang pala. Kaya etoh, sunod sunod ang mga reklamo nila kay Kath…

“Ang daya naman! Yan ang sagot niya lagi eh!”
“Kanina pa niyang sinasagot yan! Ang daya!”
“Madaya ka Kath! Pati ikaw EJ!”


“Hoy! Kayo naman minsan na lang nga mapuri ang katalinuhan ko, makisama na lang kayo! Nakuuu!” Amen! Tuluyan ng nahawa saken si Kath. Nakuuu.



That’s all. Happy Halloween! Nakuuu! May nakatinging multo sayo! Lagoot kaaa.






(This was original posted at http://www.wattpad.com/story/1145695-crazy-love-story-kathniel)





©InnocentPen 2012-All Rights Reserved





1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^