Saturday, November 3, 2012

Crazy Love Story: Update 32//

Crazy Love Story
By: InnocentPen



Update 32//




-Still on DJ’s POV



“Sigurado ka bang sila? Parang ang babaw naman ng dahilan nila.”



“Eh kung hindi naman sila, eh sino?”


“Hindi ko nga rin alam." Pinag-uusapan namin ngayon kung sino ba talaga si JLE. Imposibleng sina Jessica, Liberty at Eunice eh kinulit pa lang ni Kath yung tatlo kanina e, pero itong JLE ilang days ng nagte-threat.



“Dhie, baka may naka-away ka.” Sabi saken ni Kath. Ako?



“Imposible, sino namang aawayin ko? Good boy ako medyo masungit nga lang sa iba.”



“Hindi, baka may nagakagusto saken tapos nagselos sayo. Lagot ka….Daniel John Alcantara!” Pananakot ni Kath, pero matatawa ka naman. Haha- Pero, possible nga ang sinabi ni Kath. Posible kayang si JLE si Enrique? Siya lang ang alam kong naka-away ko nang dahil kay Kath. Pero magagawa bang manakot ni Enrique saken? Kaibigan ko siya simula elem. Ah, ewan.




“Kaw talaga, pero baka ito makatulong sa pag-iimbistiga naten.” Nilabas ko yung Phone ko at saka pinlay ang Voice message saken ni JLE.






“Are you ready for OUR explosion? We will give you enough time for you to spend up together. Be sweeter and always remember this….There’s still a pair of eyes, here…..watching you both. And you’re trying to investigate me? Oh! I’m wiser than you. Don’t get bored, we will still be met…SOON.”




“Eing, pano naman naten mahuhulaan ang boses, eh pang-robort yung boses nya.”



“Inedit lang niya pero may alam akong makakatulong dito para matrace ang number at ang voice nito.” Sabi ko, si Coco mahilig yan sa mga ganito.



“Kinakabahan ako, baka ituloy nga nya yung binabalak niya.” Seryosong sabi ni Kath, ngayon ko lang siya ulit nakitang seryoso.



“Don’t worry bebecoh, lagi naman akong nandito para protektahan ka.”



“Aybah! Bagong endearment at call name na naman naten yan, “Bebecoh”!” >_< Bipolar talaga mahal ko. XD




“Lahat ng call names na alam ko at malalaman ko gagamitin ko para sayo para mas madama mo kung gaano kita kamahal.  Madami pang maiimbentong mga call names kaya hindi ako titigil sa pagtawag sayo sa iba’t ibang sweet names, kaya dapat wag ka mung hihiwalay saken ha? Sayang naman non, baka hindi mo marinig ang mga bagong inventions kong names, chocobebebs.” I smiled.



“Thank you, Bebs.” Sabi ni Kath.



“Hmm?”



“For loving me…”



“Deserving ka e. Love you.” Malambing na sabi ko.



“Muah too!” Ang kulet. =)



“Hm, kath, ayaw mo ba kung sabihin naten sa Parents mo na may nagte-treath saten? Baka matulungan nila tayo.”



“Ayoko sanang ipaalam sakanila, baka kase madisappoint sila ayaw ko nun.” At saka nya ako inakbayan.



“Sige ikaw bahala…” Hinawakan ko siya ng dalawang kamay ko sa balikat niya, “Basta, wag kang matakot Bebebs hindi kita iiwan.” Sabi ko at saka ko siya hinalikan sa noo.



--



-Home-



“Hello? Moosh?”


[“Oh? Daniel? Napatawag ka?”]


“Kumusta ka na? Sina tita?” Umalis na kasi si Moosh, tumira na sa mga Parents nya.



[“Ayos lang naman, may problema ka?”] Kilala talaga ako ni Moosh.


“Oo, kami ni Kath, may nananakot kase saamin na para bang may balak na paghiwalayin kami.”



[“Kilala nyo na ba?”]



“Hindi pa nga eh, JLE ang binigay nyang hint samen through texts.”



[“Ipa-trace nyo yung number.”]



“Ginawa ko na Moosh, ang kaso mukhang alam nyang yun ang gagawin namin, hindi na namin siya matrace.”




[“Mahirap yan, insan. Pero ito lang ang advice ko, alam kong ikinatatakot mong mawala uli si Kath sayo pero sa ngayon wag ka munang magfocus dun sa thought na yun. Intindihin mo muna kung sino ba yung taong nananakot sainyo.”]







Tama si Moosh. Magfofocus muna dapat ako kung sino ang JLE na iyon bago ko sabihing poprotektahan ko si Kath.







Hindi ko nga naman kayang protektahan siya kung hindi ko naman alam kung sino ang kalaban.







J.L.E POV



Poor them…



“Kailan ba naten sisimulan?”



“Malapit na….”



“Sigurado ka bang ito ang makakasira sakanila?”



“Siguradong-sigurado.”






I always get what I want…. ‘cause I lead everything…






Crazy Love Story | Prologue | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 |



1 comment:

  1. AnG saraP ipAhuntiNg niAng JLE na yAn,,, sUbuKan niO LnG tLga,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^