Monday, September 10, 2012

Crazy Love Story: Update 25//


 Crazy Love Story
By: InnocentPen




Update 25//




AUTHOR’s POV (NARRATION)


Habang hinihintay ni DJ si Kath para nga sabay silang umuwi at maipakilala na ni Kath sa mga magulang nya. Nakaupo lang si DJ at hindi maialis-alis ang ngiti sa mga labi nito, nang biglang may tumawag sakanya.

“Pare.” Si Enrique. Sinikap ni Enrique na hindi magmukhang kawawa habang kaharap nya si DJ.

“Oh…Pare! Kumusta?” Dahil nga sa likas na masaya si DJ, nakalimutan na nya lahat ng problema. Ngumiti lang ng pilit si Enrique.

“Ayos lang. Kumusta na kayo ni Kath?” Pinilit ni Enrique na kumalma lang. Kahit gustong-gusto na nyang saktan si DJ.

“Ayos na kami, sa totoo nga kami na.” Sobra sa sayang pahayag ni DJ.

Ikinabigla naman ito ni Enrique, dahil wala pa mang sinasabi sakanya si Kath. Kaya hindi na nya napigilan ang sarili nya sinuntok nya ito.


“A-ano ba?!” Gulat na sigaw ni DJ kay Enrique. Hindi magawang gumanti ni DJ. Dahil alam naman nyang nasasaktan si Enrique, dahil dun sa katotohanan na sila na. Napaupo na lang si DJ sa may bench. Hindi naman masyadong masakit ang pagkasuntok ni Enrique sakanya, walang dugo.



“Ipanalangin  mo na sana hindi na nya malaman… Isang beses mo pa siyang paiiyakin, aagawin ko na sya sayo ng tuluyan.” Hindi na napigilan ni Enrique ilabas ang SELOS nya.


Hindi na nagulat si DJ sa sinabi ni Enrique. Kaibigan naman niya si Enrique kaya naiintindihan nya. Ganun din ang naramdaman nya ng magselos sya kina Kath at Enrique.

Habang nagiisip sya hindi na nya napansin na nakatingin na pala sakanya si Kath.

“Ohy! Dhee! Hallloooeee!” Hyper na bati ni Kath sakanya. Lumabas naman ang isang malawak na ngiti sa mukha ni DJ. At kaagad nyang hinalikan sa pisngi si Kath.

“Hi! Sweety!” Dahil sa ginawa iyon ni DJ, kinikilig na naman si Kath.

“Kainis ka! Nakakailan ka na ah!”

“Eh gusto mo naman eh.” Sabay smirked ni DJ.

“Sabi ko nga diba?” Sabi ni Kath, natawa na lang sila sa isat isa.


“Oh. Tara na sweety? Bili na tayo ng gift for your parents.”



KATH POV (AN: Sensya na. Hindi ako sanay sa Narration Form e. : )


“Etoh na lang kaya.”

“Hindi ito na lang.”

“Etoh.”

“’yun.”

Hindi kami magkasundo ngayon ni DJmylabs ko kung anong bibilhin naming wine.

“Ma’am, Sir. Try nyo po ito, I’m sure magugustuhan nyo po ito.” Sabi nung sales lady habang hawak yung isang boteng wine.

“Ano yan?”

“Infinity Wine po, made by Coco.”

“What?! Coco as… Coco Rodriguez?!” Gulat na sabi ko. Si new prof asensado na pala. XD

“OA ka, Kath. Hindi lang si New Prof ang may pangalan na Coco.” Natatawang bulong ni DJ. Ganon?

“Aray naman, Sweety!” Binatukan ko kase.

“Anong hindi? Basahin mo nga yung sa bote. Hindi mo ba nakita yung “Specialty of Coco Rodriguez” ?!”


“Weh?” Hindi makapaniwala na sabi ni DJ. “Sabi ko sayo, Sweety e. Sya yun. Ayaw mo pa kasing maniwala.”

“Ayaw maniwala. Sabi daw, ikaw nga dyan eh. Hahahaha! Pahiya ka tuloy, Dhie.” Natatawang sabi ko. Naka-pout lang sya.


“Ms. iyan na ang kukunin namin.”



--

“Ano pa ba ang bibilhin naten, Dhie?” Nagtataka kong tanong, bigla nya kase akong hinila nung pagkabili namin nung wine.

“Basta. Matutuwa ka dito.” Umakyat kami dun sa pinakamataas na floor ng Mall na iyon.  May isang stall dun na mukhang wala pang nagrerenta, wala pa kasing paninda e. Nakabalot pa siya ng tarpaulin.

“Oh? Anong gagawin naten dito?”

“Tumalikod ka muna.” Nakangiting sabi ni DJ. At tumalikod naman ako, naeexcite kasi ako e. Naramdaman ko na lang na parang sumesenyas si DJ habang nakahawak siya sa dalawang balikat ko para hindi ako makaharap, pero dahil makulit ako lilingon ako gamit ang aking magandang ulo. Kaso….binatukan nya ako ng mahina.

May narinig akong ingay.

“Hindi pa ba tapos?” Naiinip na tanong ko. Bigla naman akong hiniharap ni DJ.

“Tapos na.” Nakangiting sabi nya. Sabay nakaw ng halik sa lips ko. Napatingin naman ako sa paligid. Eeh. Wala namang nagbago eh.

“Eing. Pinagtripan mo na naman ako E. Tara na nga lang.” Naka-pout na sabi ko sabay hila kay DJmylabs. =))


Pero….

OHMY… O.O

TOTOO BA TOH?

WEH?

DI NGA?




PAPAKASALAN KO ANG MAY GAWA NITO SWEAR!





Crazy Love Story | Prologue | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 |



3 comments:

  1. aNg swEet-sweEt LuNgs,,, kgyAaaHhh,,,

    ReplyDelete
  2. ang ssweet! kinikilig ako sa tawagan ever ha! ang kulet pa~~~~ ♡ ❤♡ ❤

    ReplyDelete
  3. namiss q story n 2!!!! buti n lng, ni-check q kun mei ud na!!!! i luv the chapter!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^