Tuesday, May 8, 2012

Crazy Love Story : Update 2//


 CRAZY LOVE STORY
Update //2

by: _Joyce4ever 



KATHRYN POV


After school…

“Ma? Tara na!” 

“Bakit baby? San tayo pupunta?” Nalilitong tanong ni mama.

“Ma, nakalimutan mo? Yung deal natin!” Excited na sabi ko.

“Anong deal iyon? Yun bang mananahimik ka ng one day or makakapasa ka sa test.” Si mama.

“Yung last.” Sabi ko.

“Weh?” Pilosopong sabi ni mama.

“Ma! Ito oh, tingnan niyo.” Ipinakita ko rito ang testpaper ko.

“Baby! Naduduling ako, wag mo namang pakalapit.” Saway ni mama, iniharap ko kasi sa mukha niya eh

“Ahy. Sorry ma, naeexcite lang  ako.” Sabi ko.

“68/100…. Not bad. Mataas na ito dahil Math test ito. Pero bakit walang solution ang mga sagot mo? Puro answers lang?” Tanong ni mama. Eing! Lagot… mahuhuli pa yata ako.

“Sa ibang papel ko nilagay ang solutions ko.” Pagsisinungaling ko.

“Okay. Enough of those lies. Halatang nangopya ka.” Sabi ni mama.

“Ma, a deal is a deal. Hindi naman kaya pweding maging  apple ang deal. Kaya a deal is always a deal.” Sabi ko.

“Huh? Nakainom ka?” Si mama.

“Opo, uminom ako ng Mogu-Mogu yung lychee  bago umuwi. Bakit po?”

“Ahy! Pinapasakit mo lang ulo ko, hintayin mo ako dyan, kukunin ko lang ang bag ko.” Sabi ni mama.

Anong problema non? Itinatanong niya kung naka-inom ako tapos sinagot ko naman. Nakakasakit ba ng ulo iyon? Tsss… si mama talaga.


*Fastforward…*


“Okay na ba tong iPhone 4s?” Tanong ni mama


“Yeah, ma. Okay na yan.”

“Hintayin mo ako dito.” Sabi ni mama.


“Pare, mas okay itong white na 4s.”  Sabi ng isang lalaki sa kasama niyang lalaki.

“Hindi yung black.” Sabi naman ng nakatalikod na lalaki.

“White…”

“Black…”

“White.”


“Black.”


“Oh mga pare. Mukhang may  mis-understanding rito ha? Alam niyo ang mabutinggawin niyo bili ka na lang ng black na 4s and then bili ka rin ng white na iPhone case. Parang walang gulo…tsss..” Singit ko sa usapan nila. Hahaha! Wala lang. =D

Napatanga ang lalaki. At humarap naman ang lalaking nakatalikod sa akin.


“DJ!” Sabi ko ng humarap yung lalaki.

“Ikaw pala iyan.” Nakangiting sambit ni DJ. Ayan na naman ang ngiting iyan! Kinikilig ako. Pakelam niyo ba? Ewan… Trip lang.   (A/N: Ano daw? Wala lang, trip lang din)

“Anong ginagawa mo?” Tanong ko.

“Bumibili ng bagong  phone…” Sagot nito. Napatingin naman ako sa kasama niya mukhang shocked ito. Shocked na shocked sa kagandahan ko. Hahaha! Ang yabang ko! Ewan, trip ko lang.

Dumikit ako ng pasimple kay DJ at bumulong…

“Anong nangyari sa kasama mo?” Bulong ko rito.

“Hayaan mo na yan. Ganyan talaga kapag nakakakita siya ng magandang babae.” Sagot nito. Kinilig naman ako, maganda pala ako sa mata ni DJ.

“Ah… ang weird naman.”

“Parang ganon na nga.”

“Anong parang? Weird talaga.” Pangungulit ko.

“Hahaha! Sige na nga, ang weird niya noh?” Tawa ni DJ at saka ginulo ng bahagya ang buhok ko. MY! Nasa langit na ba ako? Ahy! Bawal pala ako dun! ^^

“Baby?” Narinig kong tawag ni mommy.

“Ma, I want to introduce DJ….?” Sabi ko sa mama ko, at bumulong kay DJ, “Ano nga palang real name mo?”

“I’m Daniel John  Alcantara. Nice meeting  you, ma’am.” Pagpapakilala ni DJ.

“Don’t call me ma’am, tita na lang. total kaibigan ka naman ng baby kath ko.” Sabi ni mama.

“Ah…Kath.” Mahinang sabi ni DJ.  Hindi pa pala alam ni DJ ang name ko.

“Yeah… and By the way, who is he?” Tanong ni mama sa guy na hanggang ngayon ay shocked na nakatingin pa rin sa akin.

“My friend…Enrique.” Pakilala ni DJ.

“Ma, nakabili ka na ng case?” Tanong ko kay mama.

“Pili ka sa mga nakadisplay.” Sabi ni mama.

“Yung isa don ma. Yung couple case…” Sabi ko kay mama.

“Pero dalawa yun, baby.” Sabi ni mama.

“Okay lang po. Dalawa naman ang iPhone4s ko e.” Nakangiting tanong ko kay mama.

“Huh? Dalawa? Isa lang ang binili ko sayo ha?” Nagtatakang sabi ni mama.

“I forgot to tell you, ma. Binili pala ako ni papa, nakalimutan ko eh.” Cute na sabi ko kay mama.

“Okay…okay. Wait me here.”

“Yung black mas maganda, para parehas tayo.” Sabi ko kay DJ.

“Okay, I’ll take it.” Lumapit ito sa may counter at kinausap saglit ang tagatinda non.

“Baby, lets’ go.” Tawag ni mama.

“DJ! Alis na kami.” Paalam ko dito.

“O sige, ingat!” Nakangiting sabi niya.

Naglakad ako palapit kay Enrique na nakatulala pa rin. Anong problema nito? Tss… anong klasing trip yan? Magaya nga iyan.

Tumigil ako sa harapan niya, at nagkunwaring nakatulala rin sa kanya.

“WOOOOY!” Saway ko dito pagkatapos. Mukhang nagising naman ito. Malakas na ang topak ng lalaking ito. Gwapo rin sana.



Bakit kaya shocked na shocked iyon? Ganon na ba ako kaganda? Tss… wala lang, trip lang! xD

1 comment:

  1. wow! dalawa na iphone4! ang galing mo rin lumusot kath! ahahaha!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^