Sunday, September 2, 2012

My Borrowed Love : Chapter 39

AUTHOR'S NOTE!!! 


Malungkot ako!! Kasi patapos na 'tong Story na 'to. Kasi six chapters to go na lang tapos na 'to. :/ And... Binura niya kasi ako sa Friends list niya eh. : / Alam mo yun? Nakakawalang gana yung mga ganun eh. Tapos yung ka-tropa niya may ibibigay dapat sakin. Kaso ayun. Hindi ko naman dapat ibabalik kaso nung nilapag ko sa Desk ko yung Key Chain kinuha nung kabarkada niya. Sabi nung kabarkada niya 'Ayaw mo ata eh.' Tapos binalik dun kay ano. 
AISH!! Ano ba 'to! Bat ba nagdadrama ako?! Haha. Wala lang. Pampawala ng Lungkot. Na-sad lang ako sa nalaman ko. Tapos kuku-- AAAAAY! Ano ba naman bea! 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
(Danielle's POV)


*Tok Tok Tok!*

Hindi ko masyadong naaninag yung mukha kasi may nagsara.

Uh... Si tito pala.

"Saka mo na tignan ang mga laman niyan kapag sigurado ka na sa sarili mo na handa mo nang harapin yang impormasyon na yan. Saka na kapag handa ka nang sumabog pero hindi mo sasaktan ang kahit na sino kapag nalaman mo ang mga impormasyon na makikita mo dyan." Paalala ni tito saka ako pinatayo na.

Nakita kong pumasok si Martin. Napa-tanga na lang siya sa itsura ko pero maya-maya natauhan din.

"Danielle--" Pinutol ko na agad ang sasabihin niya.

"Not now, Martin. Give me some space." Saka ko na siya nilagpasan at umalis sa Office ni tito.

~VALENTINES DAY : FEBRUARY 14, 2013~

This is the BIG BIG Day para sa mga Lovers at may mga Crushes. Ako? Sino nga ba? Sino ba ang magdedate sakin? Wala. Tsss.

*Pok!*

May nalaglag na Folder habang may inaayos ako sa Table ko.

Pinulot ko yung Folder at tinignan kung kasama ba sa mga i-cocompile ko. Pero eto ang lumantad sakin.

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~
Black Lion was the true killer. He killed Black Eagle because he envy him so much. After one month, Black Lion passed away. His only daughter cried. Well, as much as you know, Black Lion's Daughter or lets just say, Ryan Zen's Daughter, is also a Gangster. She's the strongest and the most powerful Gang leader in U.S. Her fullname is Ruiviline Jin Miinah but  known for her name 'Ruijin Miinah' . She's the Pink Lion. The former Pink Lion turns to a Pink Feather. The Leader of the Feather Gang is the Daughter of Christian Daniel Rivera known as Black Eagle. And now. There's this news that Black Feather and Pink Feather are Best of Friends. Can you believe it? Very Small World, isn't it?
~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~



Very... Very small world. I can't believe tinago 'to sakin ni Ruijin. All this time hindi niya sinabi sakin?


Kinuha ko agad sa Table ko yung Phone ko.

(Calling to: Fei)
*RIIIIINGGG! RIIIINGGG!*

[Yes, hello?]

"Fei, where is Ruijin?"

[Hm? Ruijin? Uhm.. Nasa date yun. Bukas ka na paistorbo. ]

"I. Need. Her. Right. Now. Tawagan mo." Utos ko.

[Duh~ Pwede ba, Danielle, ano bang nangyayari ha? Pati date namin ni Jai nadadamay. C'mon. You can tell me.] 

"Pumunta kayo dito sa HQ, may ipapabasa ako sa inyo."

[Ipapabasa? Haay. Pinuno, wag mo nang intindihan yan. Chismis lang yan. Bye na ha? Mwah. Labyu!]

*TOOT TOOOT TOOOT!*



Ah Potah! Dinial ko agad yung Number ni Ruijin. 


[Danielle bakit?]

"May date ka ngayon?"

[Haa? Anong date? Wala sa bansa si Russle pano kami magdedate? Bakit? Any problem?]

"Punta kang HQ. Kelangan kitang maka-usap. Ngayon din."

Saka ko na ibinaba ang tawag.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Ruijin's POV)

Ha? Anong meron? Tsk. Kinakabahan ako sa sinasabi nito ni Danielle eh. Ano namang paguusapan namin? Haay. Actually kaya wala kaming date ni Russle kasi inaayos niya pa yung mga files para next next month makalipad na kami pabalik sa U.S. Desidido na ako. Uuwi ako sa U.S. Matagal ko na ring hindi nadadalaw ang puntod ni Dad. Haaay. Si mom naman iniwan ko dun. Sabi ko kasi dito na ako mag-aaral at payag naman siya sa gusto ko.

Dumiretso na ako sa Villa Fuente dahil baka magalit pa yun si Danielle.

> FEATHER GANG'S HQ <

"Ano pag--" 

*PAAK!*

"How could you do this to me Ruijin!! Oh. *smirks* Let me rephrase it. Its Ruiviline right? Now. How could you do this to me!" Sigaw niya pagkatapos niya akong salubungin ng sampal.

Tumingin ako sa kanya ng masama.

"Anong ginawa ko sayo ha?" Sigaw ko pa balik.

Tinapon niya sakin yung folder kaya nalaglag yung laman nito sa sahig.

Pinulot ko yung mga papel at nakita ko sa isang page yung picture ko.

"Black Lion was the true killer. He killed Black Eagle because he envy him so much. After one month, Black Lion passed away. His only daughter cried. Well, as much as you know, Black Lion's Daughter or lets just say, Ryan Zen's Daughter, is also a Gangster. She's the strongest and the most powerful Gang leader in U.S. Her fullname is Ruiviline Jin Miinah but  known for her name 'Ruijin Miinah' . She's the Pink Lion. The former Pink Lion turns to a Pink Feather. The Leader of the Feather Gang is the Daughter of Christian Daniel Rivera known as Black Eagle. And now. There's this news that Black Feather and Pink Feather are Best of Friends. Can you believe it? Very Small World, isn't it?" Basa ko ng mahina.

Black Lion... Si Dad... Pumatay? 

"Now tell me! Bakit mo yan tinago sakin?! Ha Ruiviline?!" Sigaw niya na naman.

Ruiviline. Tawag yan sakin ni Dad kapag nilalambing niya ako. Yan din yung tinawag niya sakin nung naghihingalo na siya.

Sinampal ko pabalik si Danielle.

"How dare you accuse my father about killing your Father! " Naiinis kong sabi.

Galit ako. Galit na galit ako dahil sa ginawa ni Danielle. Tatay ko yun! Syempre alam ko kung anong ginawa nun. Tsaka ano bang karapatan niya na pagbintangan si Dad? Si Dad na nag-gangster lang dahil para maprotektahan kami? Si Dad na walang ibang ginawa kundi alagaan kami ni Mom? Anong isisisi nila kay Dad?

"Bakit hindi ba totoo?!" Sigaw ni Danielle.

"Hinde! At hindi ko rin matatanggap yang impormasyon na yan! Ano ba Danielle! Feb 14 ngayon pero hindi mo man lang binigyang respeto yung araw na 'to! Grabe ka! Nung una si Tito Marc, ngayon si Dad?! Anong klase kang Tao Danielle?!" Balik kong sigaw sa kanya saka na ako tumakbo palabas. 

Ang kapal-kapal ng mukha niya. Pagbibintangan niya pa si Dad na pinatay ang Dad niya? Grabe siya! Ang kapal talaga ng mukha niya. Nakakainis siya!! Siya ba talaga yung Best Friend ko? TSKK!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Danielle's POV)

 February 15 is the exact date. Biyernes kaya walang pasok sila Cyrus, Mika, Jairus, at Fei. Break time ko naman ngayon.

"WHAAAT?!! Are you Crazy?! Anong dahilan at pinapaalis mo si Ruijin sa Gang natin? Hello?! Danielle mabait naman siya sa'tin ah?! Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Anong problema?! Alam mo hindi ako payag dyan! Hinding-hindi ako papayag na umalis si Ruijin!" Tutol ni Fei.

"Feather Gang. Kapag Feather Gang, kilala tayo hindi lang bilang magaling at malakas na gang, kilala rin tayo bilang pinaka-tapat na gang sa isa't isa. Sa tingin niyo tapat sakin yang PINK FEATHER niyo?! Ayoko na Feather Gang! Sawang-sawa na akong magpaintindi sa inyo! Hindi naman kasi tayo ganito dati eh! Kung hindi lang dumating yang Ruijin na yan sa Buhay natin--sa buhay ng Gang na 'to hindi naman magkakanda gulo-gulo eh!" Sagot ko saka tumayo at kinuha ang mga gamit sa mesa ko. "Kung ayaw niyo yan paalisin, ako na lang ang aalis! Magku-quit na ko sa Gang na 'to!" Dagdag ko.

"Pero Danielle?! Ano ba! Tigilan mo yang kaartehan mo! Pwede naman natin 'tong pagusapan diba? Pwede naman nating ayusin? Danielle, ikaw ang pinuno namin. Kung wala ka, wala ang Gang. At kung wala ka... Wala ring Fei-Jairus. Walang... walang Cyrus-Mika. Ano ka ba Danielle! Wag mong gawin 'to saamin. Please, wag ka nang umalis." Naiiyak nang sabi ni Fei.

Nilagpasan ko lang siya saka tumingin kay Ruijin ng masama. Masama rin ang tingin niya sakin pero wala akong pake. 

Tumingin din si Fei kay Ruijin.

"Ruijin! Please do something! Ano ba naman yan! Best Friend mo si Danielle diba?" pilit ni Fei.

"Let her, do whatever she wants. She's not a little girl now." Cold na sabi ni Ruijin.

Umirap ako saka lumabas ng HQ.

"DANIELLE!" Sigaw nung apat pagkalabas ko.

Sumunod pa sila hanggang sa pinto. Tumigil muna ako at humarap sa HQ namin--nila pala.

Mamimiss ko 'to. Etong Munting kwarto na pinagawa naming lima. Etong Munting Kwarto na 'to kung saan binuo nang dating Feather Gang ang mga alaalang dapat parating tandaan. Dito ko rin inamin sa kanila yung pagiging... in-love ko kay Matthew. Haay.

"Hindi ka naman namin mapipigilan sa gusto mong gawin eh. Basta, yatz. Nandito lang ako... kami, para maging kaibigan mo pa rin. Alam mo naman. Ikaw ang little sister ko. Ang little sister ko na mas matapang pa sakin. Wag ka na umiyak. " Natauhan ako bigla nung hinahagod na ni Cyrus yung likod ko habang nakayakap siya sakin.

Naramdaman kong tumulo na naman ang luha ko.

"Bye... Yatz." Paalam ko saka na ako bumitiw sa yakap niya at tumalikod na.

Masakit man... Pero kelangan ko 'tong gawin. Ayokong lumaki ang gusot na hindi na naman kelanman mapaplantsa ni Ruijin. Babaguhin ko na ang sarili ko. Dahil hindi na ako ang Black Feather na kilala nang lahat. Ako na ulit si Althea. Pero ibang Althea na 'to. Magiging mabait na lang ako ulit. Mag-aaral mabuti. Goodbye Black Feather

Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Martin. Humarang siya sa daanan ko. Kasama niya ata ang mga kaibigan niya.

"Mag-usap tayo." Sambit niya habang malungkot ang mga mata.

Yumuko ako ng bahagya.

"Wag na, Martin. Hayaan na lang natin ang gusot na yon. Gusto ko nang magbagong buhay. At kung pwede lang, itrato mo na lang ako na parang hindi mo ko kilala. Pwede ba yon?" Tanong ko  saka tumingin sa mga mata niya.

"Pero Danielle..." 

"Goodbye, Martin." Saka ko na siya nilagpasan.

Ituturing ko na lang kayo na parang hindi ko kilala. Aayusin ko 'to. Mag-isa ko.

Habang naglalakad ako ng nakayuko may naka-bungguan ako.

Tama ba 'tong nakikita ko? Kamukha niya si...

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE!!!

Ang lungkot ng last scene!! Sino yung kamukha nung nakabungguan ni Danielle/Althea? Any clues there?








2 comments:

  1. ~angel is luv~

    waaaa patapos na ito! excited na ako!

    ReplyDelete
  2. grabe na ung mga scenes! ang ganda! si danielle?magbabagong buhay??parang himala nman ata yun.. haha.. a gangster will always be a gangster.. at sino nman to ang bagong pasok?.. malapit ng matapos ung story,pumasok ka pah.. hahah,hndi biro lang..

    nice one! :)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^