Sunday, September 2, 2012

Your Dream Doll : Chapter 3 (Part 1)

(SHIELA POV)




Kinabukasan…



“Alex gising na, aalis tayo.”



“Saan tayo  pupunta?”



“Pupunta tayo sa mall.”



“Mall?”



“Oo sa mall nga! Kakasabi lang paulit-ulit?"



“Sorry! Galit agad? Ano ba gagawin natin dun?”



“Ano pa ba, eh di bibili tayo ng  damit mo. Wala ka kaya matinong damit, puro lumang damit ni papa ang  pinasuot ko sayo."



“Okay  naman ito haa, 'di mo na kailangang bumili ng bago.”



“What?! Adik ka ba para kang tanga sa suot mo"



“Eh pero...”



“Walang pero-pero! Basta pupunta tayo sa mall, sumunod ka na lang okay?”



“Hmmm... okay.”



Baliw talaga, hindi ba niya naisip na ang sagwa ng suot niya, tapos sasabihin n’ya ok lang! Buti na lang kakasweldo ko  lang last week kung hindi magiging manong ang itsura niya!  Pero may balak pa naman sana akong bilhin na teddy bear dun sa  stuff toy shop. Ang ku-cute kasi tapos ang lalaki pa! Mahilig kasi ako sa malalambot na bagay at lalo na yung niyayakap, pero  ngayon hindi ko sya makukuha.  Di bale, makukuha ko rin yun kaya wait ka lang makukuha rin kita!



Bigla naman ako napatingin sa orasan.   Anuo ba yan, ang  bilis naman ng oras!!! 10 na agad!!! Makapagbihis na nga  baka  maabutan  pa kami ng maraming tao,  mahirap na! Sunday pa naman ngayon.



“Alex nasan ka na?”



“Nandito ako  bhebs~” Yan na naman!!! Nagsisimula na naman siya ng kung anu-anong  tawag ang pinagsasabi!!!



“Tigilan  mo nga yan,  may pangalan ako,,, Shiela!!! Gusto mo eh spell ko pa? S-H-I-E-L-A  Ano, ulitin ko pa?”



“Bhebs naman, highblood naman agad!!! Sige ka, tatanda ka agad!”



“Gago!!! Magbihis ka na nga lang!!!"



Grabe nakakainip maghintay dito. Parang babae  kung magpalit ng damit, kalalaking-tao eh ang bagal-bagal imbes na siya dapat ang maghintay, ako pa ang pinahintay niya!!! Tsk tsk  buhay nga naman.



“Bhebs  matagal ba ako? Nainip ka ba?” Ay hindi!!! Ang bilis nga ehh, super bilis grabe!!!



“Hindi naman...” Nakow Shiela, super honest  ka talaga!!!



“Halika na, baka lalo pang dumami mga tao kung hindi natin bibilisan”



Habang naglalakad kami , napansin kong ang daming  tao na nakatingin sa amin at halata na kami  ang pinag-uusapan nila! Pero syempre, hindi naman talaga sila nakatingin sa akin kundi malamang eh sa kasama ko ngayon. Sumakay na kami ng bus pero puno ng tao ngayon kaya nakatayo na lang kami.



At grabe lang ha! grabe lang talaga!!! Hanggang dito ba naman sa bus, ang daming tumitingin kay Alex at kinikilig pa!!! Grabe, siya na ang iba ang sex appeal!!!



Bigla namang nag-break yung driver kaya na-out-of-balance ako at medyo napatumba. Buti na lang, nasalo ako ni Alex bago ako masubsob. “Okay ka lang?”



“Ah... o- oo okay lang ako...” Tapos hinawakan niya ako para di  na ako matumba.



Pero ang dami lang akong naririnig na chismisan ng mga inggetera at hindi ko nagugustuhan yun dahil ako ang pinag-uusapan nila.
 


Girl 1: “Sis, tignan mo yung  babaeng feeler!!! Ang panget-panget naman. Sayang bakit siya pinagtyatyagaan nung pogi noh?”



Girl 2: “Kaya nga sis eh. Siguro naaawa lang siya dun sa babae”



Girl 1: “Malamang nga! Impossible namang patulan siya nun noh? Ang gwapo niya kaya, sobra!!!”



Sige, bulungan pa!!! Rinig na rinig naman ang usapan!!! Kapag ako hindi na talaga makapagpigil dito, susugurin ko na sila at pagsasapakin sa mukha!



Pero bago pa man ako maglitanya dito, bigla na lang nagsalita si Alex. At biruin niyo, malapit na siya dun sa dalawang babaeng tipaklong!!! "Pwede bang tumigil na lang kayo kung wala akyong magandang sasabihin? Bago kayo manlait, tumingin muna kayo sa salamin ha." At pinara ni Alex yung bus, sabay hila niya saakin pababa.



“Okay ka lang ba...?”


Hindi na ako nakakibo. Hindi  ko inaasahan na sasabihin niya yun. medyo na-touch lang ako dahil ubod siya ng sweet. Bigla pa niya akong niyakap ng mahigpit sabay sabing, “Wag ka mag-alala, hindi ko na hahayaang mangyari ulit yun. Pinapangako ko sayo..."



5 comments:

  1. mei Ud na rin sa wakas!.. akala ko aabutin pa to next year eh.. hahah.. ang sweet nya! kilig nman ako dun sa endearment,lageh nlang eh.. go alex,ipagtanggol mo sya laban sa mga pakialamera/ambisyosang bruha na yon!.. pahiya sila tuloy.. serves them ryt..

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you po sa support sa story the true po 1st time ko po to kaya slow update ako....pero try ko po bhest ko..

      Delete
    2. naman,
      grabe!
      kakilig lang a?
      pede ud na?

      Delete
  2. ~angel is luv~

    nakakainis talaga ung mga ganung babae! mga ingetera. buti na lang on the go si alex to protect shiela. bakit ang sweet sweet niya! yay!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^