Thursday, June 7, 2012

My Borrowed Love : Chapter 14 (Part 2)


(Danielle's POV)



Ako? Inlove? Parang hindi naman pwedeng mangyari yun.



Haay.



"Ms. Danielle, The food is now served. " Boses nung maid namin galing sa speaker.



Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Nakita ko rin na lumabas si Dae. Psh. Ayan na.



Bumaba na kami sa Kabilang Hagdan papunta sa Dining.



> DINING AREA <




"Goodevening Mom." Bati ko tapos umupo na.



Woaw.



Crispy Fried Chicken nakalatag sa Mesa. And... OHMYGOD! MILK TEA!! 



Habang kumakain kami...



"Mommy. I have a goodnews to you."Masiglang sabi ni Dae tapos tumingin sakin saka lumingon kay mom.



TSS!



"Si ate...I---Ouch!"Sigaw ni Dae. Sinipa ko nga. Sasabihin mo pa ah?



"Hey! Danielle stop that." Seryosong sabi ni mom sakin.



"Sorry."



"AHAHA! Mommy, Si ate po inlove na.."Ngiting sabi ni Dae. AARGHH! I'll kill you PRECIOUS DANIELA RIVERA!!




"Really? That's Great! Kanino Danielle?"Tanong ni mom tapos lumingon sakin.




"It's Noth--" AAH F.CK!



"It's Kuya Matthew, mommy! Hihihi!"AAARGGHH! ISIP BATA TALAGA 'TONG KAPATID KO!!




"DANIELA!"Sigaw ko sa kanya. AARGHH! KAASAR TALAGA!!



Nag-roll eyes lang siya. AISH!




"Hmm. Very Great Sweety."Sabi ni mom sakin.




KAINEESS!




Pagkatapos kumain pumanhik na agad ako sa kwarto at nag-tablet na lang.




Facebook. Facebook.




Tss. 




Nag-out na ako dahil sa sobrang tamad ko mag-Facebook. Humiga na lang ako at natulog.



END OF THE NIGHT



Isang linggo na ang nakakalipas. Oo, di kayo nagkakamali ng basa, isang linggo na. At sa isang linggo na yon nararamdaman ko na kahit isang linggo na rin na lumipas na hindi ko siya nakikita eh palalim din ng palalim yung... Pag--Pag--Pag-mamahal ko sa kanya. Oo na! Sige na! Inlove na kung inlove! Nakakaasar lang!



Napapansin na din ng buong gang na palagi akong malungkot. Buong gang? Oo na sige na. Tanggap ko na nga bilang kamember si Ruijin.



Palagi ko siyang kasama and i'm happy to say na Best Friend na ang turing namin sa isa't isa. 



Haay. Pero pakiramdam ko parang.. Parang may gusto din si Ruijin kay M-M-matt-tthew. Parang may gusto siya kay Matthew. Tss.




Nandito kami ngayon ni Ruijin naglalakad sa may Hallway. Bigla atang umingay?



Sabay pa kaming napalingon ni Ruijin dun sa Likod namin.



Ang daming babaeng nagtitilian tapos yung mga babae nakapalibot sa hindi namin alam kung ano.



"May alam ka don?"Tanong ko kay Ruijin.



"May alam? Ako? Duh~! Wala 'no. Kasama kaya kita."Sagot niya sakin.



"Lika! Puntahan natin!"Sabi ni Ruijin at hinila ako.



-_______- Chismosa din 'to eh!



Pagpunta namin kung saan may nagkakagulo may nakita akong lalaking pinapalibutan ng mga babae.



OHMYGOD! Totoo ba 'to? Siya ba 'to? 



Walang EyeGlasses Then.. HAAA?! No Braces?!!



OHMYGOD!! 



And... TT__TT May kasama siyang babae. Hindi ko siya kilala. Syempre. Hindi ko naman nakilala yung Pamilya niya eh.




T-teka. T-totoo na ba 'to?




HAAY! I'm NOW BACKING OUT!!



"Ruijin. Una na ko. May pupuntahan pa ko eh."Natataranta kong sabi kay ruijin tapos dali-dali na akong tumakbo palayo.




Tumakbo ako papunta sa Villa Fuente Paradise.



Woo!




Umupo lang ako sa damuhan. Pumikit at dinadamdam yung hangin.




Makakaya ko pa bang sabihin? Makakaya ko pa bang sabihin sa kanya na mahal ko na siya ngayong may kasama na siyang iba? Ngayon na mukhang may iba na siyang mahal. 




Haaay.




Tatayo na sana ako pero biglang may humawak ng kamay ko. Pagtingin ko..




*DUG DUG! DUG DUG!*



Si.. Si Matthew.



"ANO BA!! BITAWAN MO NGA AKO!"Sigaw ko sa kanya tapos pumiglas ako at kinuha ko yung kamay ko.



"Ano bang problema Danielle?"Tanong niya sakin.




"Problema? Wala naman akong problema eh! Nagkaroon lang ako ng problema simula nung dumating ka sa buhay ko!! Umalis ka na lang kasi! Stay out of my Life! "Sigaw ko sa kanya.



Naglakad na ako palayo pero hinabol niya ako at hinawakan yung kamay ko.




"Sinabi nang Bitawan mo ko eh!! May mahal ka namang iba eh! Dun ka na sa kanya! Wala naman akong kwenta eh! Hindi naman kasi kita kelan man pinahalagahan eh! Oo nga naman kasi eh, yung babaeng yon mahal ka, eh ako hindi." Sabi ko sa kanya at pilit na tinanggal yung kamay niya sa kamay ko. Naiiyak na ako. Ganito pala talaga ang babae kapag nasasaktan. Madaling umiyak. Madaling masaktan. At... Madaling...Ma-Fall dahil sa simpleng Salita.




Hinawakan niya ulit yung kamay ko at hinigpitan ang hawak.




"Bakit ba? Ano bang problema? Diba sabi mo ayaw mo ng Nerd o Geek na manliligaw sayo? Eto na oh, binago ko yung sarili ko. Pinatanggal ko yung Braces ko para sayo. Tinanggal ko yung salamin ko para mapansin mo ko. Inayos ko yung ugali ko para lang matutunan mo kong mahalin pero bakit ka ganyan? Ngayon naman ayaw mo kong hinahawakan ka. Ano bang meron? Sabihin mo kasi sakin, kaibigan mo naman ako eh." Sabi niya sakin habang seryosong nakatingin sa mga mata ko. KAIBIGAN. Kaibigan lang ang turing niya sakin. Hindi ba pwedeng higitan niya pa sa kaibigan?




Sa hindi ko mamalayang dahilan bigla nalang tumulo yung luha ko. Hinigit ko na yung kamay ko.




"Tigilan mo na 'to. Baka magselos yung Girl Friend mo sakin. Sige ah. Bye! Ingat ka!" Sabi ko habang pinupunasan ko yung luha kong walang tigil sa pag-patak tapos tumakbo na ako papunta sa HQ namin. 



" FEATHER GANG'S HQ <




Buti na lang wala silang lima dito kundi binaha na ako ng mga tanong nila. 



Dumiretso na lang ako sa Table ko at umupo sa swivel chair ko saka tumungo sa table ko.



TT__TT I'm totally Crying. Grabe. Masaket pala 'no? Masaket pala talaga ang maging babae, madaling masaktan.



Haay.









1 comment:

  1. oh my gosh!!.. inamin nya talaga!.. haha.. iba tlaga pag inlove.. ate?bkt wlang picture ng new look ni matthew??.. san meron po.. hehe.. :)

    --DemiDoLL

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^