Wednesday, June 6, 2012

My Borrowed Love : Chapter 14 (Part 1)



RECAP: "Pinagtanggol? Hindi na lang pagtatanggool yon, may halo na yung panggugulpi." -Danielle

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


(Ruijin's POV)



Nandito ako sa taas ng puno, mas trip ko magpahinga dito. Dati ko pa naman 'to ginagawa kaya sanay na ko.



Nakita kong naglakad si Matthew papunta kay danielle at humiga rin saka humarap dito. Sinundot-sundot niya rin yung braso ni danielle kaya napadilat 'to.



TSKK! AISH! Ano ba 'to. Bakit ba nakakaramdam ako ng Selos ? Attracted na ba ako kay Matthew? Eh nerd yan diba? AISSH! Ruijin stop that F.CKING Infatuation! Pero... Naramdaman ko na rin 'to kay Russle eh. Yung magselos sa isang kaibigan. Oo inaamin ko Best Friend ko si Russle dati, then di ko alam may gusto na pala ako sa kanya at hindi na lang pala best friend yung turing ko sa kanya.



TSSK! Tigilan na nga 'to.



maya-maya biglang tumayo si Danielle at tinawag na ko.



"Ruijin! Let's go. 6:30 na." Tapos nauna na siyang maglakad.



Bumaba na ako ng puno tapos nakita ko si matthew at nagkatinginan kami.



Kung mag-aayos lang siya panigurado heartthrob na siya dito.



Ngumiti lang ako sa kanya then i mouthed. 'Bye.'





Sumunod na ko kay Danielle. Oh? Nagaabang pala siya sakin dito sa Gate ng Villa Fuente Paradise?





But...Geez nakakatakot ang tingin niya ah?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Danielle's POV)



"Pinagtanggol? HIndi na lang pagtatanggol yon, may halo na yung panggugulpi. " Sabi ko tapos pumikit.



"Kahit na. Hayaan mo na yun. Ako na humihingi ng pasensya dahil sa ginawa ni Denise."Sagot niya sakin.



"Tsss. Tigilan mo na nga yan. Nakakairita." Sagot ko rin sa kanya.



"Uhmm. D-danielle."Tawag niya sakin.



"Ano?!" Pa-siga kong tanong sa kanya.



"P-pwede ba kitang ligawan?" (O.O) HAAAA?! ANOO DAWW?!



Dumilat ako at tumingin sa kanya ng masama.



"Tandaan mo 'to. May mga nanliligaw sakin, pasado sana kung babae ako gumalaw pero dahil hindi, hindi ko na sila pinapaasa pa. Tapos ikaw magpapaalam ka saken kung pwede ka bang manligaw saken? Tss. Wala pang nagtangkang manligaw saken na isang GEEK. Kaya kung ako sayo, BACK OFF. Kung ayaw mong mabasted." Sabi ko sa kanya tapos tumayo na ako.



"Ruijin! Let's go. 6:30 na."Tapos nauna na akong maglakad.



Nung nasa Gate na ako ng Villa Fuente Paradise nakita kong kakababa lang ni Ruijin. Nagkatinginan pa nga sila ni Nerd eh. Then i saw ruijin mouthed. 'Bye.'






TSSS!



"P-pwede ba kitang ligawan?"



"P-pwede ba kitang ligawan?"



"P-pwede ba kitang ligawan?"



"P-pwede ba kitang ligawan?"






BWISET NAMAN TALAGAAAA! AAARGHH! 



Habang papunta si Ruijin dito binibigyan ko siya ng matalim na tingin. NAKAKAINIS!!!



Bat ba ganito yung nararamdaman koo? Bat ba pakiramdam ko... Parang.. AISH! Hindi ko ma-explain yung pakiramdam na ganito!! 



"Ui. Bakit ganyan ka makatingin sakin Danielle?"Tanong ni Ruijin sakin. Kelan pa siya nagteleport? AISHH!



"Pake mo ba?"Tanong ko sa kanya na may halong coldness.



"Aay. Ganun. Psh."



Nauna na akong maglakad tapos nung medyo malayo na ako narinig ko yung sinabi ni ruijin.



"PMS-ing. Haaay kahit pala Tomboy tinatamaan 'non?"



Napalingon ako sa kanya at tinignan siya ng masama.



"ANONG SABI MO?!" Sigaw ko sa kanya.



"Wala. Sabi ko Boyish ka nga." 



LOKO 'TO AH?!



"Bahala ka dyan! Bwiset eh."Sagot ko na lang sa kanya tapos naglakad na ako papunta sa Car Park.



> CARPARK <



"Ui! Sakto danielle, buti nandito ka na."Sabi ni Fei tapos kumapit sa braso ko.



"Tanggalin mo yan Fei. Dahil kung hindi gigilitan kita ng leeg." Tinanggal niya agad. Tsh. Dali talagang takutin nito.



"Ano ba yon?"Tanong ko sa kanila.



"Ah? W-wala naman."Ngingiting sabi ni Mika.



"Tss. Sige na mauna na ako sa inyo." Sagot ko sa kanila tapos pumasok na ako sa kotse ko at pinaharurot papunta sa Mansion.




> RIVERA MANSION <



"Ms. Danielle?" Tanong ni Butler Ryan sa speaker.



"Yes, I am. Open the Gate."



Bumukas na yung gate kaya pinaharurot ko na papunta sa Garage.



Pinark ko na tapos pumasok na sa loob ng bahay.





AISH! Nag-bow na naman! Ano ba naman 'to.




"Oh Danielle. Nandito ka na pala."Sabi ni mom tapos nikiss niya ko sa parehas kong cheeks. Tss.



"Mom, akyat na po ako ah. Uhmm. Anong oras po tayo kakain?" Tanong ko sa kanya.



"Uhm Di ko pa sure eh, ipatatawag na lang kita sa maid or butler natin. Oo nga pala, anong gusto mong ulam?"Tanong ni mom sakin.



"Uhmm. Crispy Fried Chicken. ^_^ With Milk Tea mom." Sabi ko tapos pumanhik na sa kwarto.




"P-pwede ba kitang ligawan?"



"P-pwede ba kitang ligawan?"



"P-pwede ba kitang ligawan?"



"P-pwede ba kitang ligawan?"





AISHH! 



Nagpalit muna ako ng damit.



"P-pwede ba kitang ligawan?"



"P-pwede ba kitang ligawan?"



"P-pwede ba kitang ligawan?"



"P-pwede ba kitang ligawan?"






AARGHH!




Ano bang gagawin koo?!




Humiga ako sa kama ko ng pabagsak. AISH! Sino bang pwede kong tanungin about dun?!




"P-pwede ba kitang ligawan?"



"P-pwede ba kitang ligawan?"




*DUG DUG! DUG DUG!*






AISSHH!




Si Dae kaya?



Oo nga 'no!



Lumabas ako ng kwarto ko at kinatok si Dae dun sa kwarto niya.




"Pasok!" Sigaw niya mula sa loob.




Pumasok ako sa loob. Grabe. Ang lamig at ang bango ng kwarto ni Dae. Mabango din naman yung kwarto ko. Pero medyo madilim dahil Dark yung kulay ng Kurtina ko tapos Black Feather yung Wallpaper ko.



"Oh? Ate bakit?"Tanong niya sakin habang nakadapa siya sa kama niya at nagta-tablet.



"Patayin mo muna yan Dae. May itatanong lang ako."Seryoso kong sabi sa kanya.




"Sabihin mo na lang ate, I'm listening."Sabi niya habang nagta-tablet pa rin.




Hinablot ko yung tablet niya.




"ATE!"Sigaw niya tapos pilit na inaagaw sakin yung Tablet.



"Mamaya na 'to. Sagutin mo muna yung tanong ko." Sabi ko tapos nilapag ko sa sahig yung tablet.




"Eeeh! Ano ba kasi yon?!"Sigaw niya.



"DANIELA! Teka lang diba?"Sigaw ko rin sa kanya.



Tumigil siya tapos sumeryoso yung mukha.



"Ano bang itatanong mo ate?"



"Ehh. Kasi, si matthew."



"Oh? Ano si Kuya Matthew?"Tanong niya sakin.



"Kasi kapag about sa Love yung sasabihin niya nagre-replay ng nagre-replay yung sinasabi niya sa utak ko. Tapos, lumalakas at bumibilis yung tibok ng puso ko." Sagot ko sa kanya.



Bigla siyang nagsmirk tapos maya-maya bigla na siyang humagalapak.



"HAHAHAHA!! BWAHAHAHAHA!! "



"Hoy! Ano ba! Seryoso ako dito! DANIELA NAMAN!"Sigaw ko sa kanya.



"Ate, Seryoso din ako dito. Ang nakakatawa lang isipin, halatang hindi ka pa naiinlove at sa kapatid mo pa ikaw nagtatanong. Haha, Yiee! Inlove na ate koo!" Sabi ni Dae tapos sinundot yung tagiliran ko eh malakas pa naman kiliti ko dun.



"HAAA?! INLOVE? SERYOSO KA?! BOYISH AKO PANO AKO MAIINLOVE!"Nagtataka kong sigaw.



"Nothing's impossible kapag Mr. Kupido na ang tumira sayoo."Ngingiti pang sabi in Dae.



"Korni mo oooy! Ako inlove? Baka nga ginayuma na ako 'nun."Sagot ko sa kanya.



"Ano ka ba ate, yon gagayumahin ka? Ate hindi na uso yon ngayon. Tska kahit naman ako kung ako yung palagi niyang inaalagaan tapos wala akong Boy Friend panigurado na-FALL na rin ako dun. Suuus! HAHA may goodnews na ako kay Mommy! Yiihiie!" Nagtatatalon pang sabi ni dae.



"Haay. Isip bata ka talaga." Sagot ko sa kanya.



"Bata pa ko 'no? 16 lang ako di tulad mo 18 na. :P"Aba! Dilaan daw ba ko?



"At least ako nakakapagmaneho na ng kotse eh ikaw bawal pa. Buti nga."Pang-aasar ko sa kanya. "Sige alis na ko. Bye Dae."Tapos lumabas na ako ng Kwarto niya.



Pumanhik na rin ako sa kwarto ko at ibinagsak ang sarili sa kama.



Ako? Inlove? Parang hindi naman pwedeng mangyari yun.



Haay.









3 comments:

  1. waah.. inlove na sya.. hahaha.. excited na ko wat will happen next.. update lng po kau ng update ate ha..hehe

    --DemiDoLL

    ReplyDelete
  2. kanina pa yang pwede ba kitang ligawan na yan! isa lang ibig sabihin niyan, um-oo ka na daw. haha! ang tibay din mang-asar ni ruijin! kakatawa!

    ReplyDelete
  3. i heart diz story tlga!


    _____8888888888____________________
    ____888888888888888_________________
    __888888822222228888________________
    _88888822222222288888_______________
    888888222222222228888822228888______
    888882222222222222288222222222888___
    8888822222222222222222222222222288__
    _8888822222222222222222222222222_88_
    __88888222222222222222222222222__888
    ___888822222222222222222222222___888
    ____8888222222222222222222222____888
    _____8888222222222222222222_____888_
    ______8882222222222222222_____8888__
    _______888822222222222______888888__
    ________8888882222______88888888____
    _________888888_____888888888_______
    __________88888888888888____________
    ___________8888888888_______________
    ____________8888888_________________
    _____________88888__________________
    ______________888___________________
    _______________8____________________

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^