Thursday, May 31, 2012

My Borrowed Love : Chapter 6

(Danielle's POV)

Next. Red Feather's Challenge.
 V.S
Marc Cyrus Buenaobra V.S. Ruijin Miinah

Dart Battle. Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa inyo na mahilig si Cyrus sa Dart, mahilig din ako sa Dart dahil last vacation yan ang hobby ko, mas magaling si cyrus sakin pagdating sa dart, ayon naman sa researcher namin pantay ng galing si cyrus at ruijin sa dart kaya kung ibubuhos nila parehas ang best nila baka maging tie ang laban.



Isang DartBoard lang ang gamit nila pero magkaiba ng kulay ang mga Darts nila. Red ang kulay sa dulo ng darts ng kay Cyrus. Pink naman para sa dulo ng darts ng kay Ruijin.


*RIINGG!! RIINGG!!*



Lahat sila napalingon sakin.



"Sorry, sige labas muna ko. Tawagin niyo na lang ako sa Kotse ko sa labas."Sabi ko tapos inalis sa pagkakasabit sa likod ko yung bag at kinuha ko yung cellphone saka tumakbo habang hawak yung bag ko.



AISH! Sino ba kasi 'to?



(Calling: Mommy)


Si Mommy pala.



"Mom, bakit po?"



[Danielle, pupunta muna ko sa California, pupuntahan ko lolo at lola mo dun, Ikaw na bahala kay Dae. May business trip din kasi kaming pupuntahan ni tita Carla mo dun.]



"Yeah, mom. Ako na pong bahala kay Dae. Ingat na lang po kayo dun, regards na rin po kay lolo at lola."



[Uh.. Danielle, please hangga't di pa ko nakakauwi iwasan mo muna yung gang fights mo, pede ba yun?]



"Ma, wala pa pong gang fight ngayon, natalo na po namin yung TWDG."


[Basta danielle, iwasan mo muna.]



"Sige po, sige po. I'll try my best. And ako na po bahala kay Dae, i can handle it na rin naman po."


[Sige, salamat talaga anak.]



(End Call)



Psh. 



"Pinuno." Napalingon ako at nakita ko silang lima na papalapit na sakin. Tinaasan ko lang sila ng kilay. "3/5 ang score. Mas maraming bulls eye si Ruijin kesa kay Cyrus eh." Bulong ni Jairus nung lumapit siya.



"Sige, feather gang kayo na bahala dyan. Uwi na ko babantayan ko pa si Dae." Sabi ko tapos sumakay na ko ng kotse ko at pinaandar papunta sa Mansion namin.



Tss. May butlers at maid naman kami dito, bat kelangan pang alagaan ko si Dae? Pakakainin naman siya nung mga maid namin ah?



Haay.



Pinarada ko na lang sa Garage namin yung Nissan GTR ko tapos kinuha ko na yung bag ko at pumasok sa loob. Sinalubong ako nung mga maid at butlers habang nakayuko silang lahat. AISH! Paluin ko ulo nila isa-isa dyan eh!



Danielle nagiging brutal ka na naman.



Tsk! Oo na nga hindi na.



Nung nasa hagdan na ko nakasalubong ko si Dae. Nakabihis talaga siya ah?





Hinawakan ko yung braso niya sanhi para mapatigil siya.



"Saan ka pupunta Dae?" Sabi ko with my deadly cold voice.



"Ate! Ano ba nasasaktan ako!" Nagpupumiglas pa niyang sabi.



Hinigpitan ko lalo yung hawak ko sa braso niya tapos pinandilatan ko siya ng mata.



"Saan ka sabi pupunta?!! Butler James!" Sigaw ko.



"Yes Ms. Danielle?"Tanong ni Butler James tapos nagbow.



"Nasaan na ngayon si mommy?" Tanong ko habang hawak ko pa rin ng mahigpit yung braso ni Dae. Panigurado ako namumula na 'tong braso ni dae, mabilis kasi 'to mamula eh, kaya halatang kinikilig eh. Tss! Baligtad na baligtad talaga kami nitong kapatid ko.



"Nasa Airport na po si Ms. Thea. Malapit na po kasi ang oras ng flight nila ni Ms. Carla." Sagot ni Butler James.



"Samahan mo 'tong kapatid ko sa kung saan man yan pupunta. Kapag di nagpasama hanggang sa loob ng Restaurant o kung saang lupalop pa yan, tawagan mo ko. "Binaling ko yung tingin ko kay Dae na takot na takot na ngayon. "Tandaan mo Dae. Kapag ikaw napahamak dahil sa kakaganyan mo walang ibang sisisihin dito kundi ako. Binilin ka ni Mom sakin kaya umayos ka. Di lang naman ikaw ang mapapahamak eh, kasi pati ako damay dyan. Kaya kung ayaw mong masuntok mamaya paguwi mo magpasama ka kay butler James at wag na wag mo siyang tatakasan dahil gugulpihin talaga kita."Sabi ko na galaiting galaiti. TSSKK!! Kaya nakakainis 'to si Dae eh, mahilig sa ganyan. Magmo-mall magisa. Tapos minsan makikipagdate. Tss. Ibang iba ugali niya sa pangalan niya! 


LINTEK!!



"Tapos ka na ate? Bitawan mo na yung braso ko kanina pa namumula yan. AISH!" Sabi niya na iritableng iritable.



Binitawan ko na siya."Bantayan mo yan maigi Butler James. Mukhaan mo rin yung kung sinong kasama nito ah?"Sabi ko tapos pumanhik na ko sa kwarto ko.



AHPOTAH!! DAEEE! BWINIBWISET MO TALAGA KO!!!



*RIIINGG!! RIIINGG!!*



(Calling: 0926*******)





Sino naman 'to?




"Hello?"



[Hello Black Feather.]





SHIT! Kilala ko ang boses na 'to.




"Anong kelangan mo sakin?!"



HAYOP NA P.TENGENE!! G.GO 'to ah!



[Meet me at the Abandoned Building. Malapit sa Hideout namin. ALONE.]



T.NGNA!! Di talaga 'to marunong lumaban ng patas. 

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^