Wednesday, May 30, 2012

My Borrowed Love : Chapter 3


(Danielle's POV)


Nung matauhan ako agad kong tinanggal yung pagkakapit ko sa kanya at tumalikod. AISH! Nagsasayang lang kami ng oras dito. Kinuha ko yung left wrist niya at hinatak siya para tumakbo ulit.



Nung makarating kami sa likod ng ng building ng Archi. Department hinatak ko siya at tinulak papunta dun sa wall sabay bitaw din dun sa wrist niya. Pero hinatak niya yung Left hand ko kaya natumba ako kasama niya.


Napahiga siya dun sa semento tapos ako nakapatong sa kanya at magkatitigan sa mata. Natanggal yung salamin niya pero parang malinaw pa rin naman ang paningin niya dahil ngumiti pa siya sa harap ko habang nakatingin sa mga mata ko.


Agad akong tumayo at pinulot yung salamin niya para ibigay sa kanya.


"Heto salamin mo oh. Tss, kaya ka nga tinulak dahil ayaw kong nakadikit ka sakin tapos hahatakin mo ko? Damayan lang? Tss!" Sabay bigay ko ng salamin niya.


Bat ganun? Bakit hindi lumalabas yung coldness ko pagdating sa kanya?


AISH!





Ahh ou nga pala, nakasabit sa likod ko yung bag ko na sinara ko kanina. Tss!


"PEDE BA HA?! ANG AYOKO SA LAHAT TINATAWAG AKONG ALTHEA EHH! KINALIMUTAN KO NA NGA YANG PANGALAN KO NA YAN EHH!" Sigaw ko sa kanya dahil naalala ko na naman yung sinabi niya kanina.


"E-eh yun kasi yung nakikita ko sa bag m--" Pinutol ko na yung sasabihin niya. Kelangan ko nang sabihin sa kanya para matigil na yung walang tigil niyang bunganga!


"OO NA! SIGE NA! SASABIHIN KO NA PANGALAN KO! ALTHEA DANIELLE RIVERA! YON ANG BUO KONG PANGALAN! ANO OKAY NA BA?! KABANAS NAMAN OH!" Sigaw ko tapos naglakad na lang ako papunta dun sa HQ ng Feather Gang.


> FEATHER GANG'S HQ <


Pagpasok ko may nakita akong bagong mukha dito sa HQ namin.


Sino naman 'to?


Kaharap niya yung Apat na nakaupo habang naka-intertwined pa yung mga kamay. Habang siya? Aba! Feel at home sa HQ ko? Sosyal 'to ah?


"Feel at home masyado? Feather gang nagkakalabuan ata tayo, ang sabi ko bawal pumasok dito ang hindi member ng Feather Gang except pinapasok. Tska sa itsura niyo pa lang halata nang nagpumilit lang yan pumasok eh." Sabi ko using my Cold voice.


"U-uh.. Danielle, don't you remember her? Siya yung pinaka-malakas na gang leader na babae sa U.S." Sagot ni Fei sakin.


"I don't care. Siya? Oh eh ano pala ginagawa mo dito Ms...?"Tanong ko na parang hinahagilap pa yung pangalan niya.


"I'm Ruijin Miinah, don't call me Ms. Miinah, Ruijin will be fine for me. And Uh..I'm offering you one  thing." Nag-pause siya sandali tapos tinuloy din. "Kung pede ba akong sumali sa Gang niyo? Mas lalong lalakas ang Gang niyo kung sasali ako. And actually Surrender ako sa lakas ng gang niyo."Pag-tutuloy niya.


TSS! Sige pero dahil lima kami, Lima din ang ibibigay naming pagsubok sa kanya.


"Are you sure about that?" Tanong ko at tumango lang siya."Fine. Violet, Gray, White, and Red magbigay na kayo ng challenge para sa GUSTONG sumali sa Feather Gang. Yung mahirap." Sabi ko tapos pumunta na ko sa table ko at umupo sa swivel chair ko saka ipinatong ang dalawa kong paa na magka-cross pa dun sa kanto ng table ko.



"HAHAHA! Di ka pa rin nagbabago Althea, Boyish ka pa rin gumalaw." AARGH!


Napatayo ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. AARGHH! Sarap na ng Upo ko dun eh!


Hinawakan ko ng mahigpit yung leeg niya sa sobrang inis ko.


"At IKAW! HINDI KA PA RIN NAGBABAGO! ALTHEA PA RIN ANG TAWAG MO SAKIN! GUSTO MO BANG MAGBAGO ANG DESISYON KO AT HINDI KA PASALIHIN SA GANG KO?!! TIGILAN MO KO RUIJIN! MAINIT ANG ULO KO NGAYON!" Sigaw ko sa kanya habang unti-unti ko siya itinataas.


Sa halip na matakot siya sakin nag-smirk pa siya.


"Easy Danielle. Hindi ka pa rin nagbabago, Mainitin pa rin yang ulo mo!" Sabi niya sabay kutos sakin.


PUTCHA!!


Habang hawak ko yung leeg niya nilalapit ko siya dun sa wall para macorner ko siya.


"HAHA! Sino ba naman ang makakalimot sayo Ruijin? Ikaw na isang Gang Leader na malakas mang-asar?! Eh naglolokohan ata tayo dito eh!" Sigaw ko sa kanya tapos sinuntok ko yung pader sa Right side niya.


Ano ka ngayon? Edi natakot ka sakin?Tss!


Bago ko pa siya masuntok pinigilan ko na sarili ko. Ako si Danielle ang Gang Leader na kahit mainitin ang ulo hindi basta nanununtok. Pero nananakal kapag galit.


"Sumunod ka samin ruijin. Jairus! Cyrus! Ipahanda niyo na ang Abandoned Factory para sa Challenge Battle." Sabi ko tapos lumabas na ako at sumakay sa Nissan GTR ko.


Hindi naman ako mayabang pagdating sa bagay eh. Di kasi ako pinalaki ng ganon ni... AISH! Nevermind.


Bago ko paandarin ang kotse ko kinuha ko muna sa bag ko yung phone ko.


(Calling To: Mika)


*RIIINGGG! RIINGG!*


[Pinuno bakit?]


"Pasakayin mo sayo si Ruijin. Di niya alam kung saan yung Abandoned Factory natin."


[Sige sakin ko pasasabayin si Ruijin.]


(End Call)



> Feather Gang's Abandoned Factory <
 V.S.

Fei Thea Clarkson V.S. Ruijin Miinah


Unang una si Fei sa magbibigay ng Challenge para kay Ruijin.


Ang tinatawag niyang Frisbee Battle . Sa Feather Gang si Fei ang pinaka-magaling sa Frisbee.


Pero batay sa researcher ng Feather Gang. Si Ruijin ang pinaka-magaling na Gang Member sa Frisbee Battle.


Naglalaro sila ngayon dito at lamang ng dalawang puntos si Fei. Maya-maya pa ibinato na ni Ruijin yung Frisbee at hindi ito nasalo ni Fei. 1-2 na. 


AISH! I have no time para panuorin sila.



*Bzzt! Bzzt!*



From: Matthew
Hello Althea Danielle! Ah Danielle na nga lang baka magulpi mo pa ko pag.. Alam mo na yun.^_^ Sige na sasabihin ko na yung totoo, Ako gumalaw ng bag mo at kinuha ko yung phone mo para ilagay yung number ko dyan at tinignan ko naman kung anong number mo para mailagay ko sa phone ko yung number mo. ^_^ Sorry.



AAARGGHH! Etong nerd na 'to! Bwiset talaga eh!



Gulpihin ko 'to pagnainis ako eh.



Di ko na nireplayan, tinago ko na lang sa bag ko yung phone ko.



"Danielle! Pasado sa unang Challenge si Ruijin."

5 comments:

  1. infairness talaga! ang ganda ng face off pic namin ni fei dito! at talagang f na f ko na ako daw kunwari si demi! hahahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ate aegyo, nandto k rin tlga s story! ang lkas mu tlga. pang-ilan appearnce mu n yan s mga stories! hahhhahhha! at gus2 mu pla sumli s feather gang. pano n south grisham gang nian? hahhhahha!

      Delete
    2. Ahaha! Look! Naka-leather jacket pa eh? Haha! Bagay ooh! xD

      Delete
  2. ~>angel is luv<~

    sino po yung artista na ginamit mo kay fei? hindi ko siya kilala.
    si ruijin lang yung kilala ko. demi lovato!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si Lucy Hale po. Hollywood actress and Bench Model

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^