Thursday, August 23, 2012

My Borrowed Love : Chapter 36

AUTHOR'S NOTE!!!!!


Pasensya talaga sa Sooooooobrang late na UD. :) Haha. Well late talaga yun para sakin. Wala kasi akong maisip na iba eh. :)


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
(Danielle's POV)


Days have passed. Buti na lang palagi akong Good Vibes dahil hindi ko nakakasalubong si Red Tiger o kaya si Rieley. 

Kasama ko pala ngayon si Martin. Papunta kami sa Office ng Dad niya.

"Bakit mo pala natanong ang tungkol sa Black Phoenix na pinalitan ko?" Inosente niyang tanong.

"W-wala! W-wala lang yun." Pagtatanggi ko.

"Hmm... Tara pasok tayo sa loob." Sabi niya sabay hinto. Huh?

Onga. Mr. Marc Hans Villa Fuente's Office



Yun pala buong pangalan ng Dad nila? 


Pagpasok namin napatayo si Tito Marc at sinalubong kami.

"What brought you here, my son?"Tanong ni Tito Marc kay Martin.

Ngumiti lang si Martin. Napalingon sa direksyon ko si Tito kaya nginitian ko siya.

"Andito ka pala Iha. Tara dito." Tapos giniya niya kami papunta sa Mini Sala set niya sa Office.

"Bakit nga pala nandito kayong dalawa?" Tanong ni Tito habang nakaupo siya sa Swivel Chair niya habang kami nasa Couch.

"Uhm.. Ehem. Wala lang. Masama na pala tumambay dito? I mean... Dati naman kasi parati kaming nandito." Sagot ni Martin na parang nangangapa.

Miski ako hindi ko alam kung bakit kami nandito eh. Basta hinila niya lang ako hanggang dito.

"Hm.. Okay. Ikaw Alth--" Naputol yung sasabihin ni Tito nung magsalita ulit si Martin.

"Danielle." Pagtatama ni Martin.

"I mean... Ikaw Danielle? Any reason kung bakit nandito ka?" Tanong ni Tito.

Ngumiti ako. "Ahm.. Dinala niya lang po kasi ako dito eh."Awkward kong sagot.

Alam niyo... Nangangamoy.... AWKWARD dito.

"Can you please say the truth, Martin?" Baling niya naman kay Martin.

Ano ba 'tong inuupuan namin? Hotseat?!

Biglang tumayo si Martin. "Haaay. Alis muna ko. Bili lang ako ng Merienda. Maiwan ko muna kayo dyan." Sabay lakad ni Martin.

Tumayo ako at hinatid siya hanggang sa pinto. Nung makalabas na siya sinara ko yung pinto at sinigurado ko talagang naka-lock. Bumalik ako agad sa Couch.

"Uhm.. Danielle. Kumusta ka na?" Tanong ni Tito.

"Okay lang po ako tito. Kayo po? Natanggap niyo na po ba yung..." Balik na tanong ko sa kanya.

"Oo. Tanggap ko na, kahit nanghihinayang ako sa buhay ng anak ko. " Sagot agad ni tito.

"I feel sorry po talaga sa nangyari. Hindi ko alam na susundan pala ako ni Matthew." Paumanhin ko.

Naaalala ko na naman. Nakita ko siya na susundan ako pero hindi ko man lang siya pinigilan.

"Hindi naman kita sinisisi, iha. Nanghihinayang lang talaga ako." Sagot ni Tito.

"Uhm... Tito, may tanong po ako." Nahihiya kong approach.

"Ano yon iha?" Tanong ni Tito.

"Naging Gangster po ba kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Well... Yes. Gangster ako.. DATI. " Sagot niya at inemphasize talaga yung 'Dati'.

Tumayo ako at lumingon muna sa pinto. Naka-lock. Nilapitan ko si Tito at tumukod sa mesa niya. Hinablot ko yung kwelyo niya.

"Nangako ako sa sarili ko na papatayin ko ang taong pumatay sa Daddy ko. Pero napag-isip-isip   ko... Magagalit sakin ang anak ng pumatay sa tatay KO kapag PINATAY ko yon. Magkakagulo hanggang sa magbuhol-buhol na ang sitwasyon. Pero ngayon na kilala ko na kung sino ang pumatay sa TATAY ko. Pakiramdam ko gusto kong ituloy yung unang-una kong PLANO. Na patayin yung pumatay sa tatay ko." Nanggagalaiti kong sabi.

Halatang kinakabahan na siya. Tumutulo yung Malamig niyang pawis na kulang na lang maging yelo na dahil sa kaba niya.

*Tok Tok Tok!*

Sunod sunod na katok ng nasa labas. Hindi ako papatinag dyan.

"Sabihin mo nga sakin, TITO. Masarap ba sa PAKIRAMDAM na pumatay ng tao? GUSTO ko kasing MARAMDAMAN yung ganung pakiramdam eh." I gritted my teeth. Nagsisimula na naman akong magalit.

"Hi-hindi ko alam! Hindi ko alam Danielle! Hindi ko alam kung anong pakiramdam ng ganon! M-maniwala ka! Hi-hindi ko pa nararamdaman yu-yung ganun!" Pilit niya.

Tss. Ako lolokohin niya?

*BLAG! BLAG! BLAG!*

"Danielle buksan mo 'to! Danielle yung pinto! Dad! Dad buksan niyo yung pinto! Ano bang nangyayari dyan! Danielle!" Sigaw ni Martin sa labas.

Tss. Ginagalit niyo ang isang Black Feather? Sige. Pahihirapan ko kayo.

Unti-unti kong hinahatak pataas yung kwelyo niya habang mahigpit ko itong hawak.

"Hindi mo pa yon nararamdaman?! Akala ko... Akala ko matagal mo nang naramdaman yon. Akala ko pa naman... Kapag nagtanong ako sa ISANG tao, masasagot na yung katanungan ko." Saad ko pa.

"I-ikaw mismo ang dapat gumawa non kung gusto mong maramdaman!" Sagot niya agad habang nanginginig sa kaba.

"Kaya nga ako nagtatanong para alam ko na agad kung tama ba yung naramdaman ng TAONG yon!" Sigaw ko.

*BOOOG!*

Sinuntok ko ng malakas yung mesa niya na may Salamin kaya nagcrack yung salamin.

"Sagot!" Sigaw ko ulit.

Nanggigigil na ako. Baka mapatay ko 'to kapag walang nakapigil sakin. Makulong na kung makukulong. Mapatay ko lang 'tong hayop na 'to.

"I-ilang beses ko ba kelangan sabihin sayo na ikaw mismo ang dapat gumawa non para maramdaman mo!" sigaw niya.

Halatang-halata na takot siya.

Gangster ba talaga 'to?! Kung gangster 'to bakit natatakot siya sa pwede kong gawin sa kanya?

"Danielle ano ba talagang nangyayari dyan?! Danielle buksan mo na 'to!! Dad! Dad kapag ikaw may ginawang masama kay Danielle malilintikan ka sakin! ANO BA?! BUKSAN NIYO NA 'TO!! T.NGNA NAMAN OH!" Sigaw na naman ni Martin.

Binitawan ko yung kwelyo ni Tito saka tumayo ng maayos.

"Alam mo tito. Diba gangster ka naman? Subukan mong pumatay. Tapos sabihin mo sakin kung anong pakiramdam." Bulong ko sa kanya. 

Naglean ulit ako sa kanya saka ko siya unti-unting sinakal. Hinigpitan ko yung hawak ko. Namumutla na siya at walang tigil sa pagpatak yung pawis niya.

"Walang pwedeng maka-alam sa pinagusapan natin, tito. Maguusap at magtuturingan tayo na parang walang nangyari.... Maliwanag ba?" Bulong ko ulit sa kanya.

Kahit hawak-hawak ko ang leeg niya tumango-tango pa rin siya.

*BLAG!*

"DANIELLE!"

Bigla na lang akong napabitaw sa leeg niya at napasandal sa pader. Kaharap ko si Martin at punong-puno ng galit ang mga mata niya.

"OHMYGOSH MARC!!" Tili ng Mom ni Martin.

*BOOOOG!*

"DANIELLE NALOLOKO KA NA BA?! ANONG BANG BALAK MONG GAWIN SA BUHAY MO?! PAPATAY KA NG TAO?! PLANO MONG PATAYIN TATAY KO?! SABIHIN MO DANIELLE! PT.NGNA!" Halos ilabas na niya yung lalamunan niya sa sobrang lakas ng sigaw niya.

Muntik na ata akong mabingi dahil sa sigaw niya.

"BALAK PATAYIN?!! BAKIT?! NAKONSENSYA BA SIYA BAGO NIYA PINATAY TATAY KO?!! Gusto ko lang ipaghiganti yung tatay ko martin..." Iyak kong sabi.

"ANO?!! ANONG PINATAY?! HAA?! SABIHIN MO NGA!! SINONG PUMATAY SA TATAY MO?!! SI DAD?! SI DAD BA ANG SINASABI MONG PUMATAY SA DAD MO?!! HINDI YAN KELANMAN NAGTANGKANG PUMATAY NG TAO!! KAHIT NAIINIS AKO SA UGALI NIYANG TATAY KO ALAM KO KUNG TAMA PA YUNG GINAGAWA NIYAN!!" Sigaw niya na naman. Nagdagdagan lalo yung galit na namumuo sa mga mata niya. "Danielle ano bang meron? Pwede mo namang sabihin sakin yung totoo ah? Pwede mong ikwento sakin yung totoong nangyari. Pwedeng pwede mong sabihin sakin kung anong problema... Danielle haharapin natin yan ng magkasama. Oo hindi mo ko mahal... Pero nandito ako bilang kaibigan mo." Umiiyak niyang bulong sakin.

Umiiyak... Iniyakan na rin ako ni Mathew dati. At ngayon... Si Martin naman ang umiiyak sakin?

"T.NGNA LANG DAHIL PARANG HINDI MO AKO PINAGKAKATIWALAAN!! BAKIT DANIELLE?! DAHIL HINDI AKO SI MATTHEW?! DAHILHINDI MO AKO MAHAL?! DAHIL MAS MABAIT SIYA KESA SAKIN?!" Sigaw niya na naman.

Tumutulo yung luha niya pero hindi manlang bumabakas sa sigaw niya.

"Wala akong sinabing ganyan Martin!! Hindi ko kayo pinagkukumpara ng kapatid mo!!" Sigaw ko rin.

Tinulak ko yung right arm niya saka ako tumakbo palabas.

Maraming tao na nasa labas ng pinto pero hindi ko yun pinansin. Tumakbo lang ako ng Tumakbo hanggang sa mapadpad ako sa Villa Fuente Paradise.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE!!!
Sorry naman sa UD ko diba? HAHA. Ang Lame lang eh. xDD









1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^