Friday, June 1, 2012

My Borrowed Love : Chapter 9 (Part 2)


"*Sniff* A-althea Danielle Rivera. Kung sana naririnig mo ko. Dati pa kita Gusto, sobra nga kong natuwa nung nakabungguan kita eh, kasi nung araw din na yun nakilala kita. Na sabi ko sa sarili ko, napaka swerte ko na ata kung ikaw yung babaeng para sakin. Para sakin nga ba? Oh para na sa langit ngayon? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit tumibok ng ganito yung puso ko para sa isang Boyish pa na tulad mo kung pede namang sa iba na lang. Pero iba ka kasi, para bang may thrill. Hindi ko alam eh, pero nung sundan kita sa loob ng abandoned building? Sobrang kumulo yung dugo ko dahil sa mga gumugulpi sayo. Babae ka pa rin kasi eh, may kahinaan ka pa rin."Sabi niya habang humikibi, may para bang diamante na tumulo sa mata ni danielle, yung luha na yun? Biglang pumasok sa mata niya.


 At maya-maya eh biglang gumalaw yung Daliri niya hanggang sa unti-unti siyang dumilat. nung makita niya kami isa-isa bigla siyang ngumiti ng pagkatamis-tamis pero bigla niya ring binawi.



"Medyo dumistansya naman kayo diba? Napaka-init ata ng tensyon na nangyayari dito eh. Hindi ko kaya yung Init, kasi yang mga init niyo lumalabas at nagsisipuntahan sa akin kaya pede ba? Layo!" Iritable niyang sabi habang medyo paos pa.



---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
(Danielle's POV)



THE TIME BEFORE HER HEARTBEAT STOPS:






Nasa lugar lang ako na puro puti. Ano 'to? Nasaan ako? Ito ba yung langit? Bakit? Danielle ano ba! Hindi ka pa patay bakit langit agad?! 



Naglakad-lakad lang ako. Maya-maya nakarating ako sa malaparaiso ang dating ng lugar.



May lalaking nakaupo dun sa parang resting chair ba yun? 



Lumapit ako at nakita ko si Dad na nakashades pa. Ngumiti siya sakin ng matamis at tumayo. 
"Halika na sweety, its time para sumama ka na sakin."



"Dad? Are you sure? Sumama sayo? Saan po?"



"To our kingdom mylady. Its our father's Kingdom."



Kingdom?



"ALTHEA!" Tawag sakin ng isang lalaki. Napalingon ako sa likuran ko at nakita kong papalapit na yung lalaki sakin. Ang labo ng itsura niya sa paningin ko. Hindi ko talaga maaninag eh.



"Tara na dad."



Habang naglalakad kami ni Dad nakakita na ako ng napakalaking kastilyo. Siguro ito nga yung sinasabi ni dad na kingdom niya.



Papasok na kami dapat pero si dad lang yung nakalusot dun sa parang rehas na parang malaking gate ng Kastilyo. Alam niyo naman siguro yun diba?



Nung papasok na ko bigla akong nauntog dun sa rehas. Huh? Di ako nakapasok? P-pano?



"Dad?"



"Salamat sa paghatid saakin sweety. Its not your time now, bantayan mo sila ah? Alagaan at protektahan mo rin sila. I love you sweety." 



Tapos bigla na lang siyang naglaho at pati yung napakalaking kastilyo kanina naglaho na rin kasabay niya. 



***



Huh? Pagdilat ko nakita ko sila Mommy, Dae, Cyrus, Matthew/Nerd, Fei, Jairus, Mika, at Ruijin na nakatingin sakin. Si Nerd yung pinakamalapit sakin at....



Napatingin ako sa kamay ko na hawak niya. 



"Medyo dumistansya naman kayo diba? Napaka-init ata ng tensyon na nangyayari dito eh. Hindi ko kaya yung Init, kasi yang mga init niyo lumalabas at nagsisipuntahan sa akin kaya pede ba? Layo!" Iritable kong sabi sa kanila. Teka? Nagkaubo ba ako? Pagkakaalam ko hindi eh. Pero kasi paos ata ako?



Lumabas muna si Jairus pati si Cyrus.



Siguro tatawagin yung doctor.



---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


(Cyrus' POV)


Sabay kaming lumabas ni Jairus, siya pupuntahan yung doctor at ako pupunta sa C.R.



Di ako makapaniwala. 30 minutes ata akong nasa C.R. nun na patay na daw si Danielle plus 10 minutes na iyakan at dramahan? Tapos biglang mabubuhay? Its totally a miracle. Thank you Lord. Thank you for saving my Best friend. 



Bumalik na ko dun sa kwarto at nakita ko na nandun din yung doctor.

1 comment:

  1. ~>angel is luv<~

    grabe! hold on danielle!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^