Saturday, March 3, 2012

After All : Chapter 47

Chapter 47:
King and Queen of Hearts
[Queen’s POV]


Naabutan namin sina  Jake na naghihintay sa labas ng kwarto ng emergency room. Animo pusang di mapaanak si jake na palakad-lakad sa lobby.

“Jake, maupo ka nga lang ako ang nahihilo sayo eh” reklamo ni Vaughn.

“Natetense ako brhaw…di ko alam kung anong nangyayari… bakit dinugo si JM” tensyonadong sagot ni Jake na patuloy pa din sa paglalakad.

“Buntis si JM malamang..alangan namang may menstruation lang siya.” Malditang sagot ni Avee.

Napayuko naman ako. I feel guilty.

Kapag may nangyaring masama kay JM at sa baby niya hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

“I’m sorry Jake”

It was the second time that someone special to Jake ang napahamak dahil sakin.

Tumingin naman sakin si Jake at naupo sa tabi ko.

Nginitian niya ako at hinawakan ang kamay ko.

“It’s not your fault okay?” assurance niya sakin. “It’s that bastards fault…I could kill him”

“Don’t worry brhaw ba-back-upan ka namin.” Ani Lieu.

“Thanks guys”

Napatigil kami at napatingin sa pinto ng mamatay ang ilaw sa emergency room at lumabas ang doctor.

Agad naman kaming lumapit dito.

“Kayo ba ang kasama ng pasyente?”

“Opo dok. Kumusta na po siya?”

“Okay na siya…malakas ang kapit ng baby..pero kailangan niya pa ring magpahinga..ililipat na siya sa private room.. pakiayos nalang ang kwartong lilipatan niya….sige maiwan ko na kayo”

“Thank you po doc”

Kasunod ng lumabas ng doctor ang stretcher kung saan nakahiga si JM.

“Kumusta ka na?” hinawakan ni Jake ang kamay ni JM.
“Okay naman..pero inaantok ako”

“hayaan po muna natin magpahinga ang pasyente..ililipat na po siya ng kwarto” sabi ng nurse

“Sige po..salamat”

“Jake kami na magaayos ng kwartong lilipatan ni JM” prisinta ni West

“Sige brhaw..maraming salamat”

“uuwi na muna kami para makapagpalit ng damit at makapagpahinga konti…bukas babalik kami dito.” Paalam naman ni Lance.

“Sige. Dito nalang muna ako..tatawagan ko pa pala ang pamilya ni JM”

“Ako na ang tatawag kina John” prisinta naman ni Ching.

“Thanks Ching.”

Sumunod nga si Jake sa nurse na magdadala kay JM sa private room. Nagkayayaan naming umuwi na ang iba. Sasama n asana ako sa kanila ng hawakan ni West ang kamay ko.

Nagtatakang napatingin naman ako sa kanya.

“samahan mo ako ayusin yung papers ni JM”

“Ahhh..okay…pero bakit ako?”

“dahil may utang ka pa sakin”

“Utang?” naalala ko yung ginawa niyang pagtatanggol sakin kanina sa bar kaya di nalang ako umimik at sumunod nalang sa kanya.

“West…pwede mo ng bitawan ang kamay ko”

“Ayoko nga.” Di tumitinging sabi nito sakin.

“Ayaw mo???bakit? may choice ka ba? Nakakadami ka na eh.. Saka hindi lang iyon…di naman kita boyfriend pero kung makipag-holding hands ka sakin eh ayaw mo na akong bitawan. ano bang meron ang kamay ko at ayaw mong bitawan ah.”

“may kulang kasi sa kamay ko..kapag hawak ko ang kamay mo saka lang siya nakukumpleto” sagot nito at tumingin sakin.

OMG…naconscious naman ako bigla dun.kaya nag-iwas ako ng tingin..bakit ba ganito ang epekto sakin ni West?
Nakarating kami sa nurse station para iparegister ang pangalan ni JM para maayos ang kwartong nilipatan niya. Nang matapos ay tinawagan nalang nito si Jake upang ipaalam na uuwi muna kami sandali.

“Ihahatid na kita”

Wala kaming imikan ni West habang nakasakay sa kotse.

Medyo inaantok na din ako at alam kong ganun din si West. Pagod pa siya dahil nakipagbugbugan pa siya kay Xander kanina. Malayo din ang bahay nila West sa amin.

“West…ang mabuti pa siguro sa hotel nalang muna tayo magpalipas ng gabi…” di makatinging sabi ko sa kanya.

Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong napatingin si West sakin.

“Bakit?? Gagahasain mo ako?” anito

Dahilan para mapatingin ako sa kanya.

“Ang kapal mo ah..ikaw na nga ang inaalala ko diyan eh. pagod ka din eh..baka kung ano pang mangyari kapag nagmaneho ka pa ng malayo tapos pag-iisipan mo ako ng kung ano-ano!!”

Nakakahighblood itong lalaking ito ah.

Bigla nalang hinito ni West ang kotse sa gilid at walang sabi-sabing hinalikan ako sa labi. Pa-smack.

Nanlaki naman bigla ang mata ko. Pero bago pa ako makapagreact ay nakalayo na siya sakin.

“Thanks My Queen…kanina pa nga ako napapagod eh…sabi ko na mahal mo din ako eh” at nakakalokong ngumiti si West bago i-start ulit ang sasakyan.

Teka lang????

Anong nangyari???


++++++++


May nadaanan naman kaming hotel malapit sa ospital. Agad na ipinasok ni West ang sasakyan at nag-park.

Lumapit kami sa receptionist.

“Miss two single rooms please” sabi dito ni West.

“For a while Sir” sagot nito at nagcheck sa computer.

Maya-maya ay humarap ito samin. “Sir, I’m very sorry pero isang double room nalang po ang available. May seminar po kasing ginaganap dito sa hotel kaya fully-booked po kami.”

“Ganun ba? Sige we’ll take it”

“Okay sir” at matapos magregister ay ibinigay na ang susi kay West.

“Teka nga!!! Bakit isang room lang ah…di tayo pwedeng magsama sa isang kwarto” reklamo ko

“Narinig mo ang sinabi niya diba? Isang room nalang ang bakante”

“Eh di maghanap tayo ng ibang hotel”

“Masyado ng gabi at pagod na pagod na ako..kung gusto mo sa kotse ka matulog”

Mukha ngang pagod na si West kaya naawa naman ako.

Sumunod nalang ako sa kanya papunta sa room namin.

Naks Queen…Room namin talaga ah!!!

Feel na feel mo naman.

Oh shudap!!!

Malaki naman ang kwartong nakalaan para samin ganun din ang kama. Kasya ang tatlong tao pa yata. Nauna ng pumasok sa banyo si West. Naupo naman ako sa kama.

Dinig na dinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa loob ng banyo. Inaatake naman ako ng pagiging manyak dahil naiimagine ko si West na naliligo habang dumadaloy ang tubig sa katawan niya.

OMG!!! Erase..erase!!!

Maya-maya ay lumabas na si West ng banyo.

Nakapantalon naman siya but OMG!!!!

He’s not wearing a top. Basa-basa pa ang dibdib niya dala ng tubig na tumutulo mula sa buhok niya.

Agad naman akong nag-iwas ng tingin.

Sus!!! Nakita mo na eh bago ka pa mag-iwas ng tingin.

“Bakit nakahubad ka?!” namumula ang mukhang singhal ko sa kanya.

“Don’t tell me ngayon ka lang nakakita ng lalaking walang pang-itaas ah?” at parang nang-aasar na sumampa pa talaga siya sa kama.

“Excuse me noh!!! Feeling mo naman..madami na akong nakitang katawan ng lalaki dahil model ako dati..mas maganda pa sa katawan mo!!” di pa rin nakatinging sabi ko.

But I know…madami man akong nakitang katawan ng lalaki… West body is the sexiest body I’ve ever seen.

“Bakit??? What’s wrong with my body ha?”

“Di ka sexy noh!!! Panget ng katawan mo”

Of course I’m lying. Ayokong ipahalata na apektado ako.

Ayaw mo ipahalata pero kung makaiwas ka ng tingin wagas eh.

Nagulat nalang ako ng bigla nalang akong dambahin ni West dahilan para mapahiga ako sa kama.

Ikinulong niya naman ako ng mga braso niya.

“Anong sabi mo? Panget ang katawan ko? Di ako sexy?” matiim na tinitigan ako ni West.

Gosh!!! Wag mo naman akong tignan ng ganyan.

“Oo noh!!! Feeling ah!!!” I tried to sound tough.

Mas lalo pang inilapit ni West ang mukha niya sakin.

“Ulitin mo ang sinabi mo….panget ang katawan ko? Di ako sexy?”

Grabe di ko na ito kaya!!!

“Oo na…sexy ka na…maganda ang katawan mo…you have the sexiest body I’ve ever seen” nakapikit na sigaw ko.

Naramdaman ko ang paghinga niya malapit sa mukha ko.

“Sabihin mong My body is a wonderland”

Bigla naman akong napadilat.

“Kapal mo ah!!!”

Pero sobrang lapit na talaga ng mukha niya sakin.

“Kapag di mo sinabi iyon hahalikan kita”

Halik??? Go!!!!

“Ayoko nga!!!” tanggi ko

Pakipot much!!!

“uy!!!! Gusto niyang mahalikan.”

“tumigil ka West ah…sige na…your body is a wonderland”

Tumawa naman si West. Parang tanga lang eh..

“You’re so cute My Queen when you’re blushing.” Asar nito at hinalikan na naman ako sa lips.

Bago pa kung saan mapunta ang halik na iyon ay agad ko siyang itinulak palayo sakin.

“Teka nga…nakakadami ka na ng halik ah…”

“Gusto mo din naman eh”

“Aba?!!! Ang kapal mo ah..kahit na sabihin pa nating gusto ko iyon hindi kita boyfriend!!!”

Ayoko namang masanay na laging nandyan si West at sweet sakin. Baka dumating yung time na hanap-hanapin ko iyon.

“Problema ba iyon? Eh di boyfriend mo na ako at girlfriend na kita” ani West at nahiga sa kama.

“Wow ha?! Kung alukin mo akong maging girlfriend mo parang inalok mo lang ako ng kape ah.”

“ayaw mo ba?” biglang naging seryoso ang boses ni West. “ayaw mo bang maging girlfriend ko?”

“Syempre gusto” bago pa ako makapag-isip ay nauna ng sumagot ang puso ko.

Agad naman akong namula.

“Yun naman pala eh. Anong problema?”

“hindi mo naman ako niligawan eh” di makatinging sagot ko sa kanya.

Biglang bumangon si West sa kama at naupo.

Iniyakap niya ang braso niya sa bewang ko mula sa likod.

Para namang nanigas ang katawan ko at di ako makagalaw.

“I’m not a mushy type person…I don’t know how to court a girl…but there’s one thing that I can assure you…just love me and be my girl…and I’ll court you forever…”

Waaaahhhhh!!!! Kinikilig naman ako dun. Is he just asking me to be his girl?

“Are you asking me to be your girlfriend?”

Syet!!! Kapag sinabi niyang Oo magpapafiesta ako.

“No…” lintik na West ito…di ko maintindihan… “I don’t want you to be my girlfriend….” Oh sige…eh di hindi!!! Fine!!! “I want you to be my wife…My Queen”

With those words I turned around to look at him. Sinalubong ako ng mga mata niyang punong-puno ng pagmamahal.

“I love you My Queen….and I’m gonna be your King”

Hindi ko mapigilan ang kilig na nararamdaman ko.parang gusto kong magtitili at magsisigaw sa sobrang kilig.

Bigla nalang ako nagtatakbo papasok sa loob ng banyo dahilan para kumunot ang noo ni West.

Kinalabog ni West ang pinto ng banyo.

“Hey Queen!!! Bakit ka nagkukulong dyan?! Matapos kong ipunin lahat ng lakas ng loob meron ako para lang masabi sayong mahal kita tatalikuran mo lang ako!!!!”

Bigla nalang akong nagtitili sa loob ng banyo.

Waaaaahhhhhhh!!!! Hindi ko na kinaya ito..

“Hoy Queen buksan mo itong pinto…ano bang nangyayari sa iyo?”

Binuksan ko ang pinto ng banyo. Sinalubong ako ng nag-aalalang mukha ni West.

“What happened to you?”

Bigla kong dinamba ng yakap si West. Naguguluhan man ay binuhat niya ako.

“I love you too.” At tinadtad ko ng halik ang buong mukha niya.

Ang lakas naman ng tawa ni West bago ako binaba sa ibabaw ng kama.

“My Queen…ang gaan mo masyado..kumain ka ng madami.”

“Yeah…basta ba ikaw ang magpapakain sakin eh”

“Eh paano naman ako?”
“hoy West wag mo akong tignan ng ganyan ah….di mo ako maaakit..okay?”

“Sus…matagal ko ng alam na naaakit ka sakin. Pinagnanasaan mo nga ako eh” biro nito.

Pabirong kinurot ko naman ang magkabilang pisngi niya.

“Ang gwapo mo talaga!!! Pero taas ng level ng kayabangan mo”

“awwwww….Maligo ka na nga dun…ng makatulog na tayo. Maaga pa tayo pupunta sa ospital bukas.” Sabi ni West at nauna na humiga sa kama.

Nice ah..parang mag-asawa na agad kami ah…in just one night.

Pumasok na ako sa loob ng banyo para maligo. Kaso ito naman ang problema ko.

Wala akong dalang ekstrang damit at masyadong maikli ang dress na suot ko. Paano ako matutulog nito?

Merong mga disposable undies sa loob ng banyo. May bathrobe din…iyon na lang siguro ang isusuot ko pag natulog. Hindi kasi ako sanay matulog ng di naliligo at nagpapalit ng damit.

Wala akong choice kundi gamitin ang disposable undies na nasa CR at yung bathrobe.

Kaso kasama ko si West sa loob ng kwarto eh. Mamaya sabihin niya inaakit ko pa siya. Alam ko namang kaakit-akit ako eh.

Naks!!! Fighting spirit yun Queen.

Lumabas ako ng banyo. Nakita kong nakahiga na si West at nakapikit. Gumilid ako sa kabilang side ng kama.

Since gamit ni West yung kumot ay yung comforter ang gagamitin ko.

Hinubad ko muna yung suot kong roba bago binalot ang sarili ko sa ilalim ng comforter. Tanging underwear lang ang suot ko.

Nakakaramdam na din ako ng antok kaya ipinikit ko na ang mga mata ko.

Pero nagulat nalang ako at napadilat ng maramdaman ko ang kamay ni West na nakayakap sa tyan ko.

Napatingin ako sa kanya. Pero nakapikit pa din naman siya.

“West…”

“Hmmm…”

“Yung kamay mo”

“Hmmm…sleep now My Queen…don’t worry…I’m too tired to do anything…I just want to hold you” anito at isiniksik pa lalo ang katawan sa loob ng comforter habang nakayakap sa kanya.

Napangiti nalang ako.

It’s the first time I’m going to sleep with a man beside me.

Sumiksik nalang ako sa katawan niya at niyakap na din si West.

It’s a very comfortable feeling.

To sleep with the man you love.

You won’t do anything. You just feel each other’s warmth.

1 comment:

  1. Pang sampung beses ko na yatang binabasa to pero hanggang ngayon kinikilig pa rin ako!!!


    super nami-miss ko na si West ko!!!!


    Ms. Bruhang Author... i-update mo na yung Queen of My Heart!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^