Sunday, February 26, 2012

After All : Chapter 46

Chapter 46 : Couple Trouble
[West POV]


Nakakaasar. Ang hirap paliwanagan nitong babaeng ito.



Lahat na ng alam kong damoves ginawa ko na..pati yung mga kalokohang ginagawa ni Lieu eh sinubukan ko na din pero walang epekto sa babaeng ito.



Kung gaano naman kasi naging matalino sa buhay eh ganun naman ang binobo sa love.



Hindi nga talaga pwedeng pareho meron ka.



“Brhaw…kumusta yung date niyo ni Queen kahapon ah?” tanong ni Lieu.



“It’s not a date”



Kasalukuyan kaming nasa Bar na pag-aari ni Jake at nag-iinuman.



Boy’s night out lang.



“Nagdate kayo ni Queen?” gulat na tanong ni Jake mula sa bar counter. Siya ang nagsisilbing barista namin.



“Kulit hindi nga date yun”



“eh anong tawag mo dun? Date??” nang-aasar na tanong ni Vaughn.



“Ikaw Vaughn tigilan mo ako ah..kung di ko pa alam na pinopormahan mo si Raffy ah”



Mukha namang nagulat si Vaughn at biglang tumingin kay Jake. Agad namang umiwas ng tingin si Jake.



Tinapik-tapik ito sa balikat ni Lieu.



“brhaw….tandaan mo..walang lihim na pwedeng itago sa grupong ito..lalong lalo na kung ang pagsasabihan mo ay iyang si Jake.”



“eh dapat lang naman malaman ng lahat diba? Anong nakakahiya dun?”



“Wala kaming sinabing nahihiya kami…syempre gusto namin na kami mismo ang gagalaw at di kayo mangingialam” sagot ko.



“Wooh!! Samantalang ako pinakialam niyo lovelife ko” nakasimangot na sabi ni Jake.



“okay naman ang resulta diba? Naging kayo ni JM..ayaw mo ba nun?”



“syempre gusto”



“eh di wag ka na magreklamo”



“Ewan ko sa inyo”



“pero brhaw maiba tayo…ano ngang nangyari kahapon sa inyo ni Queen?” baling sakin ni Lance.



Napabuntong-hininga muna ako bago sumagot.



“Ayun..pinuntahan ko siya sa office nila…ginawa ko pang dahilan si Aya…then masyado pala siyang busy at di pa kumakain kaya inaya ko siyang kumain…ay mali….pinilit ko pala siyang sumama sakin…then ayaw niya kaya hinalikan ko siya-“



“woooohhhhh!!!! Lumevel-up ka agad brhaw ah…di ka pa nga nanliligaw nakahalik ka na agad ah?” biro ni Vaughn at pabirong sinuntok ako sa balikat.



“Palibhasa ikaw torpe ka eh” biro naman dito ni Lance.


“sige kayo na…kayo na magaling sa babae” nakatawang sabi ni Vaughn



“so brhaw…after nun? Anong nangyari?” usisa ni Lieu



“how was the kiss???” asar naman ni Jake.



Binato ko tuloy ito ng mani.



“kalalaki mong tao tsismoso ka”



“di mo ba alam brhaw na mas tsismoso pa ang lalaki kesa sa babae? At si Jake ang best example nun.”



“so ano ng kasunod?” Jake asked ignoring what they said.



“yun…kumain nga kami sa isang restaurant..then basta kung ano anong sinabi ko sa kanya like ayoko sa payat na girlfriend…kailangan kong magpayaman dahil demanding siya kapag pinakasalan ko siya…those stuffs…pero napakaslow dahil di pa din ako magetz…and worst nagalit pa.” nailing na reklamo ko bago umiinom ng alak.



“grabe ka brhaw…kasal agad? Manligaw ka muna uy!!” sita ni Jake sakin.



“ligaw???uso pa ba yun?” nakakunot ang noong tanong ko.



“Si Maddy ba di mo niligawan?”



“Hindi..basta pinakita ko sa kanyang gusto ko siya..then naging kami nalang”



“brhaw…mas gusto padin ng mga babae na nililigawan sila.”



“bakit pa? di pa ba sapat na gusto ko siya? Na mahal ko siya? Bakit kailangan ko pa siya ligawan?”



Ang mga barkada ko naman ang napailing.



“ang tanong….sinabi mo ba sa kanyang gusto mo siya? Na mahal mo siya?”



Napaisip ako.



Sa dinami-dami nga naman ng sinabi ko kay Queen ni salitang “gusto” o “mahal” ay di ko nasabi sa kanya.



“hindi noh? Syempre di ka nga nun maiintindihan….hindi naman kasi talaga slow ang mga babae. Minsan gusto lang talaga nila marinig sa bibig mo mismo na gusto mo siya. Na mahal mo siya…gusto kasi nila ng assurance.” Payo ni Jake.



Napatingin naman kami lahat dito. Nasaniban na yata ng alien ang barkada naming ito.



“Jake ikaw ba talaga iyan?”



“Sino ka???anong ginawa mo sa kaibigan namin?!”



“Mga sira-ulo!!! Minsan na nga lang ako magseryoso eh…ewan ko sa inyo.!”



Nagtawanan naman kaming lahat.



“pero brhaw may point si Jake”



Napaisip din ako..tama nga naman si Jake eh. Dapat kong sabihin sa kanya kung ano talagang nararamdaman ko.



“alam mo West naiintindihan kita”



Napatingin tuloy ako kay Vaughn ng sinabi niya yun.



“Ayaw mong sabihin kay Queen ng diretso na gusto mo siya dahil takot kang marinig na di ka niya gusto. Ayaw mo siyang ligawan dahil takot kang mabasted…ganyan ang kadalasang pinagdadaanan ng mga lalaki…yung fear of rejection…kahit gaano natin kagusto yung babae natatakot tayong magsalita kaya dinadaan natin sa gawa.”



Napatingin kaming lahat kay Vaughn.



“Sino ka??? Anong ginawa mo kay Vaughn???”



“mga sira talaga kayo.”



Natatawa nalang tuloy ako. Ang nagagawa nga naman ni Pareng alak oh. Tumutuwid ang utak ng mga lalaki at nagiging madaldal.



“Kung natatakot ka talaga brhaw magtapat madami namang paraan eh…unang-una na dyan si Pareng Alak….konting tulong lang mula sa kanya for sure makakapagtapat ka na.”



“Wag yun..kasi baka isipin ni Queen na lasing lang si West kaya nasabi yun.”



“anu ka ba Lance!!! Di mo ba alam na ang mga taong nakainom o lasing ang pinakamatalinong state ng lalaki? Kasi isipin mo…nasasabi nila yung mga bagay na di nila kayang sabihin kapag di sila lasing…nakakapag-speech sila ng mahaba pero di naman makapagsalita kapag di lasing” ani Jake.



“Sige…magspeech ka ng mahaba and I’m sure you’re going to have the best speech you’ll ever regret”



Patuloy padin sa pag-uusap o pagbabangayan ang mga barkada ko samantalang ako ay nahulog sa malalim na pag-iisip. Ano nga bang dapat kong gawin?



Naramdaman kong tinapik ako sa balikat ni Lieu.

“If ever you’ll need us…dito lang kami.”



Napangiti nalang ako.



“Thanks”



“Remember brhaw…don’t be afraid…dahil wala pang namatay dahil nabasted”



“Ewan ko sayo” natatawang binato ko nalang siya ng mani.





(*_*)



[Queen’s POV]



Biglang nagkayayaan ang mga girls na magdisco pero since di lahat ay marunong sumayaw napirmi lang kami sa isang table. Ayoko nga sanang sumama kaso katakot-takot na blackmail ang inabot ko kay Regine. Kaya napilitan tuloy ako.



Pero di naman obvious na napilitan ako eh dahil what I’m wearing now is so sexy. Aba?! Disco yata itong pinuntahan namin at di simbahan noh!!



Di niyo kasi natatanong ay Queen of the dance floor ako nung nasa Italy pa ako. Namiss ko na din ang humataw sa dance floor eh. Kapag ako ang sumayaw atrasan na silang lahat.



Pero syempre…maya maya na ako magpapakitang gilas. Kapag marami ng tao. Sa ngayon…umiinom muna kami.



“Hoy! JM bakit juice yang sa iyo ha? Kelan ka pa nagbagong buhay ah??? Sa pagkakaalam ko kasi bukod tanging si Aya lang ang di umiinom ng alak eh” sita ni Avee.



Mukhang magsisimula na naman itong dalawang ito.



“Kung alam mo lang Avee kanina pa ako natutuksong uminom ng alak pero pinipigilan ko lang ang sarili ko” sagot naman ni JM.



Himala..di yata pabalang ang sagot ni JM ah.



“Don’t tell me pinagbabawalan ka ni Jake?” tanong ko.



Umiling naman si JM.



“Okay lang naman kay Jake eh..basta di ako maglalasing.”



“Eh bakit ka nga hindi umiinom?” pamimilit ni Avee. At talagang tinawag pa talaga yung waiter. “isang martini pa nga dito”



“Avee…di nga pwede!”



“Ang arte mo ah…bakit ba?! Kaya nga tayo nandito eh para uminom.” Mataray na sabi ni Avee.



“Uy!!! Wag naman kayo mag-away” saway ni Regine.



“Ang arte kasi eh..sana di ka na sumama kung di ka rin naman pala iinom.” Parinig pa nito.



“Eh sa buntis ako kaya di ako pwedeng uminom ng alak!!!!” sigaw ni JM.



Napatingin kaming lahat sa kanya. Pawang nanlalaki ang mga mata namin.



Buntis???



Si JM????



“Buntis ka?” gulat na tanong ni Avee dito.



“Oo”



“Kelan pa? ilang buwan na?” tanong ko naman.



“2 months pa lang…”



“Paano ka nabuntis???”



Napatingin ako kay Raffy.



Isang stupidong tanong.



“malamang may boyfriend ako…magulat ka kung mabubuntis ako pero wala akong boyfriend.”



Isang stupidong sagot.



“Alam naba ni Jake???” tanong ni Regine.



“Hindi pa…di ko kasi alam kung paano sasabihin eh.” Nakayukong sagot ni JM.

Grabeng revelation ito. Sabagay nasa right age na naman sina JM at Jake eh para mag-asawa.



“Kung ako sayo sabihin mo na yan kay Jake” payo ni Ching.



“Humahanap pa ako ng tyempo eh”



“Ngayon na tawagan mo siya…sabihin mo magkita kayo”



“alam ko kasi may boys night out sila eh”



“mas mahalaga pa ba yun kesa sa dinadala mo”



“Sige tatawagan ko siya” anito at lumayo lang sandali sa ingay para tawagan si Jake.



“Pupunta daw siya dito…kasama din yata sina West eh..” maya-maya ay sabi ni Jm pagbalik.



“ganun??/bakit??nabitin sila dun sa bar ni Jake?”



Kung saan saan tuloy napunta ang usapan namin pero mas focus sa pagbubuntis ni JM ngayon.



Para tuloy nainggit ako bigla. Gusto ko na mag-asawa..hahaha..



Naisip ko bigla si West.



Pupunta siya ngayon dito.



Di ko alam kung paano siya haharapin ngayon matapos yung nangyari kahapon sa pagitan namin.



Unconsciously ay nahawakan ko ang labing hinalikan ni West.



“Uy si Queen may naaalala…” biglang tukso ng mga kasama ko.



Agad naman akong namula.



“kayo talaga oh…dyan na nga muna kayo at magsasayaw muna ako..sayang ang outfit ko kung uupo lang ako..malay niyo may mabingwit na papa” nakangiting paalam ko sa kanila bago pumuntang dance floor.



“ako nga din” sabi nila Regine at Avee.



Naiwan tuloy sa mesa sina JM, Raffy at Ching.



Sobrang enjoy ako sa pagsasayaw dahil pakiramdam ko eh lumaya yung katawan ko. Wala na din akong pakialam sa paligid ko.



“Hi Queen…dito lang pala kita makikita”



Nagulat ako at napatigil sa pagsasayaw ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.



“Xander”



“mabuti naman at kilala mo pa pala ako.” Nakakalokong ngumiti ito at ipinulupot ang braso sa bewang ko.



Tinangka ko namang umiwas pero mahigpit ang pagkakahawak niya sakin.



“wag ka nang pumalag Queen..alam kong wala yung boyfriend mo ngayon kaya wala kang laban sakin.” at idinikit pa talaga ang katawan niya sakin.



Dahil sa siksikan sa dance floor ay walang hirap siyang nasiksik sa katawan ko. Naramdaman ko din ang paghimas nito sa likod ko.



Pakiramdam ko sukang-suka ako sa ginagawa niya pero wala naman akong magawa.



Subalit nung tangka na niya akong hahalikan ay biglang pumasok sa isip ko si West.



Hindi pwede ito…si West lang ang lalaking dapat humalik sakin.



Agad kong naitulak si Xander at sinampal.



“bastos ka!!!”



“Bitch!!!” agad naman itong nahawaka ang braso ko at madiing pinisil.



“Bitiwan mo ako!!!”



Agad namang naglayuan ang mga tao sa paligid naming pero nakakainis dahil wala man lang nagtatangkang tumulong.



“Kapag may nangialam sa inyo papatayin ko!!!” banta ni xander dahilan para matulos sa kinatatayuan ang mga tao sa dance floor.



“hayup ka bitiwan mo ang kaibigan namin.” Mula sa kung saan ay sumulpot sina Regine at Avee at agad na pinagsusuntok si Xander.



Pero dahil lalaki at mas malakas ay agad naman nitong napigilan ang dalawa at itinulak palayo.



Tumama tuloy sila sa mga upuan.



“Regine!!!!! Avee!!!” tatakbo sana ako palapit sa dalawa pero agad nahawakan ni Xander ang buhok ko.



“saan ka pupunta ah!!!”



“Hayop ka Xander bitiwan mo ako!!!”



“akin ka lang Queen…Akin ka lang!!!”



Bigla nalang may dumamba sa likod ni Xander dahilan para mabitawan niya ang buhok ko.



“hayup!!! Manyak!!!”



Sina Ching at Raffy pala ang may gawa nun. Dinaganan nilang dalawa si Xander pero agad naman itong nakabangon at naisalya ang dalawa.

“Ching!!! Raffy!!!”



“Sinabi ng walang makikialam eh!!!” sigaw ni xander at hinawakan ako ulit sa buhok para di ako makatakas.



Kahit sobrang sakit eh pinipigil ko ang mapaiyak.



Napatingin nalang ako sa mga kaibigan kong nadamay.



“Bitiwan mo si Queen!!!” sigaw ni JM at may hawak na silyang handang ihampas kay Xander.



“JM wag!!!!” naalala kong buntis nga pala siya baka pati siya ay itulak din ni Xander.



Pero huli na dahil naibalya na ito ni Xander dahilan para tumama si JM sa mesa.



“JM!!!!! Hayup ka Xander!!!”



“walang makikinabang sayo kung di ako lang!!! lahat ng hahadlang ay mawawala..tandaan mo yan..akin ka lang!!!”



Sa mga oras na ito parang baliw at demonyo na ang tingin ko kay Xander.



Pero maya-maya lang ay naramdaman kong natanggal ang pagkakahawak ni Xander sa buhok ko.



Pagtingin ko ay nakita ko sina West, Lance at Jake na binubugbog si Xander. Samantalang sina Vaughn at Jake naman ay inalalayan ako.



Gusto ko sana silang awatin dahil baka masaktan si West pero agad kong naalala ang mga kaibigan kong naisalya ni Xander.



Agad namin silang dinaluhan.



“JM!!!! Dinudugo ka!!!!” sigaw ko.



“Tumawag kayo ng ambulansya!!!”



“Jake buhatin mo si JM..dalhin natin siya sa ospital!!!” sigaw ko kay jake na animo’y natulala.



“Jake ano ba?!”



Mukha namang natauhan ito at agad na binuhat si JM para dalhin sa sasakyan.



Maging yung ibang boys ay naglapitan na din samin. Tapos na yata nilang bugbugin si Xander.



“Kunin mo yung gamit ni JM, Ching”



Agad naman itong sumunod.



“Sige na Jake..dalhin mo na si JM sa ospital….kami na bahala dito…Lieu…Vaughn, Raffy, Ching samahan niyo na sina Jake..” utos ni West.



“Sige…ako na magdadrive brhaw” sagot ni Vaughn at lumabas na ng disco.



Hinarap naman ni West ang may-ari ng bar at inilabas ang lahat ng perang laman ng wallet nito sa table.

“bayad sa lahat ng nasira namin…kung kulang pa yan sabihin mo lang.”



Ganoon din ang ginawa nila Lieu at Lance. Inilabas din ng mga ito ang lamang pera ng wallet.



“and Lance…I want that guy to be rot in jail. Gawin mo ang lahat ng magagawa mo para makulong iyang hayup na yan!!!” tukoy nito kay Xander na hanggang ngayon ay wala paring malay.



“sure!!! Definitely!!”



Ngayon ko lang nakitang ganun kaseryoso si West. Nakakatakot.



Mukha namang pati ang may-ari ng disco ay di nakapagsalita kay West. Nakakaintimidate naman kasi eh. Idagdag mo pa si Lance.



Ako naman ang binalingan ni West.



“Queen Richelle Montealegre…I LOVE YOU… and don’t make me say it again.” Walang anu-ano’y sabi nito. Pero agad din naman akong tinalikuran.



Sumunod naman si Lieu dito. Inaya naman kami ni Lance na umalis na din sa lugar na iyon.



Did I just hear him right???



Did he just say he loves me??



O baka naman nabibingi lang ako.



Tara na Queen” yaya ni Avee at hinawakan ako sa braso para akayin palabas.



4 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^