Monday, February 27, 2012

Riot Love Game : Chapter 19

CHAPTER 19
RICHELLE POV



RICHELLE: OH IKAW JAN RYE, HINDI KA MAGSU-SWIMMING?



RYE: SABI MO EH. (Punyemas na lalake toh, ang ganda ng katawan! Wiwit!!! Ang ganda ng tanawin!!!) TARA DUN TAYO SA MALALIM! (wait lang, sandali lang!!!)



RICHELLE: UWWAAAAAAHHHHHHH!!! HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY!!! LANGYA KA!!! (Lord, help me! Hindi ko pa nga po nae-enjoy yung pagiging mag-on namin ni Rye papanaw na agad ako!)



RYE: PATAY TAYO JAN RICHELLE, EH DI WAG KANG BIBITAW.



RICHELLE: REGINE SAKLOLO!



Taraklis naman na yan, wala rin akong nagawa, nadala pa rin nya ako sa malalim na part. Si Regine naman kasi, tama bang ngitian lang ako nung nagpapatulong ako sa kanya! Eto namang si Rye Hayashi, hindi na ako makatapak dun sa buhangin kasi nga nasa malalim na kame, ayaw pa ring tumigil sa paglayo!



RYE: HAPPY BIRTHDAY MY LOVE! (sabay hali sa akin!!! aaawwww!!! Ang cute talaga ng BOYFRIEND ko kapag naka-ngiti, lalo tuloy akong nai-inlove sa kanya!)



RICHELLE: SALAMAT!



RYE: MASAYA KA BA NA TAYO NA? NA BOYFRIEND MO NA AKO?



RICHELLE: ANO BA NAMANG KLASENG TANONG YAN RYE, SYEMPRE NAMAN!



RYE: SABI NA NGA BA EH, PATAY NA PATAY KA TALAGA SA AKIN!



Ang sarap nyang batukan, promise! Alam mo yug ngiti nya na nang-iinis, ang sarap nyang tirisin na parang kuto! Pasalamat ka mahal kita!!!



RICHELLE: KAPAL!!! BAHALA KA NGA JAN! (nag-matapang naman daw ako, feeling ko ang galing kong lumangoy eh noh!)



RYE: SIGE KA, KAPAG BUMITIW KA SA AKIN, MALULUNOD KA!



RICHELLE: EH KASI NAMAN IKAW KASI!!! ANG LAKAS MONG MANG-INIS! KAPAG AKO NALUNOD, KASALANAN MO!



RYE: ALAM MO BA KUNG BAKIT GUSTONG-GUSTO KITANG NAIINIS? ANG CUTE MO KASI KAPAG NAIINIS KA! PERO IBANG USAPAN NAMAN KAPAG GALIT KA NA, PARA KANG KAKAIN NG BUHAY!!!



RICHELLE: SUMOSOBRA KA NA HUH!



RYE: HMMMP!!! (Oymaygulay!!! Ni-kiss nya ako!!!) KISS TAYO UNDERWATER PARA HINDI NILA MAKITA!



RICHELLE: UNDERWATER MO MUKA MO! HINDI NGA KASI AKO MARUNONG LUMANGOY! LUNURIN KITA JAN EH!



RYE: HAY NAKO, TAMA NA ANG REKLAMO, SIMULAN NA!



Hinalikan nya ako bago kami lumubog sa tubig! Shemay na yan, eto na naman po ako! Hindi ko na naman alam ang gagawin ko, hindi ko na naman alam kung pano ako magre-react sa mga nangyayare! Feeling ko one minute na kami sa ilalim ng tubig or higit pa! Dito na po ba ako mamamatay, ngayon na po ba? Wala namang masama kung matetegs na ako ngayon, at least masaya akong mamamaalam sa mundo! Pero iba naman ang nararamdaman ko, feeling ko nga mas buhay ako! Ano ka Richelle, sirena na hindi marunong lumangoy kaya mas buhay ka sa ilalim ng tubig?



RYE: WHOOOOOOAH!!! THAT’S GREAT!!!



RICHELLE: (hinihingal pa ako, gano ba kami katagal sa ilalim?) GA-GANO TAYO KATAGAL NA-NAKALUBOG?



RYE: I DON’T KNOW EITHER, IS IT NICE? (tapos hinalikan na naman nya ako!) I LOVE YOU!



RICHELLE: I KNOW! NA-ADIK KA NA NGA SA LIPS KO EH! BALIK NA TAYO DUN, BAKA PAGOD KA NA SA PAG-ALALAY SA AKIN PARA HINDI AKO LUMUBOG!



RYE: OK LANG YON, SULIT NAMAN YUNG KAPALIT! LET’S GO! MINSAN TURUAN KITANG MAG-SWIMMING.



RICHELLE: (ay gusto ko yan, parang masaya yon! Madalas kong makikita ang magandang katawan nitong si Rye.) HUUUU!!! CHA-CHANSING KA LANG EH!




TIME: 8:00pm
WHERE: Sa gazebo ng resthouse


RICHELLE: NASAAN NA BA SI REGINE? (kinakabahan na kasi talaga ako, baka mamaya sya ang magluluto. PATAY KAMI DON!!!)



RYE: NASA KUSINA DAW. (ow no!!! anung ginagawa nya don???)



RICHELLE: SIYA PINAGLUTO NIYO!!! BAKIT SIYA ANG NAGLUTO!!!



REGINE: KASI WALANG MAGLULUTO KUNG HINDI AKO NAG-ISIP NA DINNER TIME NA PALA! (teka lang naman Regine, bakit naman hindi ka naawa sa mga alaga ko sa tyan, birthday pa naman natin ngayon!)



RAYCE: OH KAINAN NA! (Nako Rayce, kainin mo yang mag-isa mo, tutal mahal na mahal mo naman yang si Regine.)



RYE: HAY SA WAKAS! MUKHANG MASARAP! (Nako naman Rye, hindi ka ba marunong tumingin ng tunay at nagpapanggap lang na masarap?)



RICHELLE: YOU WISH! BASTA SI REGINE ANG NAGLUTO, MAGALING SA GARNISH… YUN LANG!



REGINE: SAKIT MONG MAGSALITA!



RICHELLE: KASI MAKAKASAKIT KA RIN NG TIYAN MAMAYA! (Grabe, pano ang tyan ko nito? Baka mamaya hating gabi na may session pa rin kami ni Mang Doro!)



RAYCE: OH TAMANG MAG-AWAY NANG NAKAHARAP SA PAGKAIN! (Maiintindihan mo rin ako Rayce mamaya…) AKO NA UNANG TITIKIM NG LUTO NG MAHAL KO!



RICHELLE: YUCK! HINDI PA NAKAKAKAIN, NAUUMAY NA AKO! (maganda talaga yung presentation nung food, kaya lang, bilang bestfriend ko si Regina at madalas kong napagtya-tyagaan ang pagkain, kahit tingnan ko lang, alam ko ng hindi masarap!)



REGINE: PAPASAKAN NA KITA NG TABLE NAPKIN SA BIBIG MO EH! (go lang Regine-tot, mukang mas masarap pa yun kesa dito sa niluto mo!)



Grabe, ang tapang mo Rayce! Saludo ako sa katapangan mo!!! Magkapatid nga kayong dalawa, pareho nyong hindi alam kung anong sakit ang pinapasok nyo!



REGINE: PINAGBUHUSAN KO TALAGA NG PANAHON YAN! YAN ANG ISA KO PANG BIRTHDAY WISH, ANG MATIKMAN AT MAGUSTUHAN NIYO ANG NILUTO KO.



Pusanggala ka naman Regine, hanep sa wish! Gusto mo pa kaming magsinungaling na masarap ang niluto mo para lang lumigaya ka at matupad yang wish mo! Pasalamat ka at bestfriend kita at mahal kita, dahil kung hinde, nako!!! Ewan ko na lang!!!



REGINE: MASARAP?



RAYCE, RICHELLE & RYE: MAS…ARAP…HE-HE-HE. (Masarap Regine…as in sobrang sarap…ang sarap iluwa!!! Pero dahil nga mahal kita, titiisin ko ang hirap para sayo! Ganyan kita kamahal bru!!!)



REGINE: MASARAP! UY RAYCE MASARAP BA? (Ano Rayce? Siguro naman ngayon naiintindihan mo na kung bakit ganun na lang ang reaction ko!)



RAYCE: ANG GALING NG GARNISH! (bwahahahaha!!! Ang layo ng sagot nya sa tanong, halatang hindi masarap!!!)



RICHELLE: SIGURO NAMAN NGAYON RAYCE NAIINTINDIHAN MO NA AKO!



RAYCE: CONGRATULATIONS RICHELLE!



RICHELLE: CONGRATS TALAGA SA AKIN, ANG TYAGA KO NOH! AT ANG TIBAY NG SIKMURA KO!



RYE: GRABE TALAGA KAYONG DALAWA, MAAWA NAMAN KAYO KAY REGINE, PINAG-HIRAPAN NYANG LUTUIN YAN! (eto naman isang toh, akala mo totoo ang mga sinasabi, kundi pa kita sa muka mo na gusto mo ng iluwa yang nasa bibig mo!)



REGINE: HINDI BA TALAGA MASARAP?



RICHELLE: ETO AH, DAHIL MAG-ESPREN TAYO SASABIHIN KO SAYO ANG TOTOO, YUNG WALANG HALONG BIRO AT BOLA! ANG GANDA NG GARNISH BRU!!! WALANG SINABI YUNG GARNISHING NI CHEF BOY LOGRO SA GINAWA MO!!! PERO KUNG YUNG SARAP YUNG PAG-UUSAPAN, WALA EH! WALA PANG FUTURE BAKLA, MABUTI NA LANG HINDI CULINARY ARTS ANG KINUHA MONG COURSE. KASI KUNG NAGKATAON, SUSUKUAN KA NG MGA PROF!



REGINE: ANG SAMA MO TALAGA RICHELLE!!!



RICHELLE: DAPAT NGA MATUWA KA KASI NAGSASABI AKO NG TOTOO SAYO!!!



REGINE: I HATE YOU!



Kung hindi nyo kasi naiitatanong, pangarap ni Regine maging artista, kaya ayan, umaarte na! Nag-walkout ang lola nyo!



RAYCE: MY PRINCESS! GRABE KA NAMAN KASI RICHELLE!



RICHELLE: MASAMA NA BANG MAGING HONEST NGAYON?



RYE: HINDI NAMAN, PERO SANA NAMAN MAG-PRENO KA MINSAN. (Oh sige, pagtulungan nyo akong dalawa, pag-untugin ko kayo eh!)



RAYCE: PUPUNTAHAN KO LANG SI REGINE!



RICHELLE: WAG KANG TATAYO JAN SA KINA-UUPUAN MO KUNG AYAW MONG MALAGASAN NG NGIPIN! AKO NA ANG MAKIKIPAG-USAP SA KANYA!



RAYCE: NAPAKA-BAYOLENTE MO TALAGANG BABAE KA! NAGTATAKA TALAGA AKO KUNG PANO KAYO NAGKASUNDO NYANG SI PRINCESS KO!



RICHELLE: ETONG KAMAO KO, GUSTO MONG TUMAMA SA MUKA MO?



RYE: HAY, NAG-INIT NA NAMAN ANG ULO NG MAHAL KO, SIGE NA, PUNTAHAN MO NA SI REGINE. KAMI NA NI RAYCE ANG BAHALANG MAGLINIS DITO.



Pinuntahan ko si Regine sa kwarto ni Rayce, at ayun nakahiga lang ang lola mo habang nanonood ng tv. Alam ko naman na hindi yung sinabi ko yung dahilan kung bakit nabuhay na naman sa kanya yung walkout na yan!



RICHELLE: BRU!



REGINE: ESPREEEEEEEEEEEN!!! NAKAKAHIYA KAY RAYCE, HINDI AKO SANAY MAGLUTO!!! (sabi ko naman diba, hindi iyon ang inaarte ni Regine, si Rayce pa rin!)



RICHELLE: REGINE ARAGON, TANGGAPIN MO NA LANG KASI ANG MASAKLAP NA KATOTOHANAN NA HINDI KA PINANGANAK PARA MAGING TAONG KUSINA. HINDI KA BINIYAYAAN NI LORD NG SKILL SA PAGLULUTO!



REGINE: EWAN KO SAYO..ISA KA PANG LUKA-LUKA KA!!!



RICHELLE: ETO NAMAN, NAGTAMPO PA! HINDI KA NA NASANAY SA AKIN!!! BATI NA TAYO, WAG KA NG MAGTAMPO!!! KISS NA!!!! BILIS NA!!! PAKIPOT PA TOH EH!!! SOBRANG CHEESY TALAGA!!! AHAHAHA!!! HOY BRUHA, NAG-KISS KAYO NI RAYCE KANINA HABANG NAGLULUTO KAYO NO!



REGINE: (nag-blush oh! Tama nga ang hinala ko! hahaha!) PANO MO NALAMAN?



RICHELLE: AKO PA, HINDI KASI LASANG EWAN YANG LIPS MO! HINDI YUNG LASA NUNG NILUTO MO!



REGINE: NAKAKA-INIS KA TALAGANG BABAE KA! SASABUNUTAN KITA JAN EH!



RICHELLE: CHE!!! AY BRU, HINDI PA BA TAYO UUWE? MAY PASOK PA BUKAS DIBA?



REGINE: OO NGA PALA NOH! TARA, PUNTAHAN NATIN SILA!



Paglabas naming ni Regine, nakita naming na naka-bihis na yung dalawa, ready na sila para umuwi ng Manila, samantalang kami ni Regine eto, hindi pa naka-ayos! Mga walang hiyang yan, hindi man lang nila kami sinabihan na babalik na pala kami ng Manila!



RYE: MAGBIHIS NA KAYO, BABALIK NA TAYO NG MANILA, MAY PASOK PA TAYO BUKAS DIBA!



RAYCE: ANDUN NA SA ISANG KWARTO YUNG PAMALIT NINYO.


____________________________


TIME: 10:00PM
PLACE: PABALIK NG MANILA



RYE: TAYO NA TALAGA HUH, WALA NG BAWIAN!



RICHELLE: OO! NAKAKA-DAMI KA NA NGANG KISS EH! PERO UTANG NA LOOB LANG RYE, SA ORAS NA MAKITA KO KAYONG DALAWA NG SHINAYA NA YON NA MAGKASAMA AT NAGLALANDIAN, SISIGURADUHIN KO NA HINDI MO NA MAIKAKALAT ANG LAHI MO!



RYE: OUCH! ANG SAKIT NON! PERO WAG KANG MAG-ALALA, WALA NA AKONG BALAK NA LUMAPIT SA KANYA, NGAYON PA NA GIRLFRIEND NA KITA!



RICHELLE: SIGURADUHIN MO LANG RYE DAHIL GAGAWIN KO TALAGA SAYO YON! UUWI NA BA TALAGA TAYO? BAKA MAMAYA MAY BINABALAK NA NAMAN KAYONG HINDI MAGANDA HA!



RYE: MAY GUSTO KA PA BANG PUNTAHAN?



MERON PA NGA BA AKONG GUSTONG PUNTAHAN? HMMM… … … MERON PA!!! ETO, NGAYON LANG NAMIN TOH MAGAGAWA NI REGINE PAG NAGKATAON!



RICHELLE: MERON PA SANA, PWEDE BA? GUSTO KO KASI NA MA-EXPRERIENCE NAMIN YUN NI REGINE.



RYE: ANO NAMAN YON?



RICHELLE: BASTA, PUNTA TAYO SA THE FORT!



RYE: SIGURADO KA? BAKA MAMAYA HINDI KAYO MAKA-PASOK NI REGINE BUKAS.



RICHELLE: AYAW MO BA? OK LANG NAMAN EH!



RYE: GRABE KA TALAGA RICHELLE, ANG BILIS UMUNIT NG ULO MO KAPAG HINDI MO NAKUKUHA ANG GUSTO MO!



RICHELLE: OU NA, SIGE NA PLEASE… PUNTA NA TAYO DUN!



RYE: OO NA, PUPUNTA NA TAYO DON! TAWAGAN MO NA SI REGINE!



RICHELLE: PERAM NG PHONE MO, HINDI PA RIN SINOSOLI NI RAYCE YUNG PHONE KO EH, MALAMANG WINALA NYA!



RYE: HERE! AKO NA LANG ANG MAGPAPALIT NG PHONE MO, PARA MAGKAMUKA YUNG PHONE NATIN, PATI YUNG MAGIGING NUMBER MO, AKO NG BAHALA!



RICHELLE: WOW..BIG TIME… iPHONE 4s HA! HAHAHA!!! (ang kapal talaga ng muka mo minsan Richelle… BB lang yung nawala sayo tapos iphone ang kapalit!)



RYE: YUN LANG BA? NO PROBLEM! MAGPAPALIT NA RIN AKO TO IPHONE 4S.



*on the phone*



RICHELLE: HELLO REGINE, THE FORT TAYO!



REGINE: HA? ANO NAMAN ANG GAGAWIN NATIN DON?



RICHELLE: IPAPA-SALVAGE KO SI RAYCE! ECHOS LANG! BASTA, THE FORT TAYO.



REGINE: BAKIT NGA KASI, ANONG GAGAWIN NATIN DON?



RICHELLE: MERON LANG AKONG GUSTONG GAWIN NA KASAMA KA FOR THE FIRST TIME! WAG KA NG KUMONTRA, PA-BIRTHDAY GIFT MO NA TOH SAKEN!



REGINE: OO NA, SIGE NA! SASABIHIN KO KAY RAYCE NA SUMUNOD NA LANG SA INYO!



RICHELLE: OK, SALAMAT ESPREN! BABAY!



PLACE: THE FORT (THE OPEN MICROPHONE)
TIME: 11:00PM


REGINE: ANO BA KASING GAGAWIN NATIN DITO? KAHIT KAILAN KA TALAGANG BABAE KA!



RICHELLE: MASAYA DITO BRU… NA-EXPERIENCE KO NA TOH BEFORE, PERO THIS TIME GUSTO KO IKAW NAMAN ANG KASAMA KO!



REGINE: AKALA KO BA KASI TAPOS KA NA SA NIGHT LIFE MO? TAPOS ETO KA NA NAMAN, DUMADALI KA!



RYE: MAG-AAWAY PA, MAG-ENJOY NA LANG TAYONG LAHAT, MUKA NAMANG MASAYA DITO EH!



RAYCE: OO NGA NAMAN MY PRINCESS, ENJOY LANG! TRY MO NAMAN NA MAGKARON NG NIGHT LIFE KAHIT MINSAN.



RICHELLE: DITO TAYO!



Sobrang excited talaga ako ngayon, imagine, si Regine ang makakasama ko sa pagkanta. Hindi lang basta kakanta, may musical instrument pang kasama!



WARREN: WELCOME BACK MS. INDEMAND!



Si Warren ang may-ari nitong The Open Microphone bar, ang galing nya diba! Bakit Ms. Indemand ang tawag nya sa akin? Kasi yung mga laging nagpupunta dito ako yung gustong-gusto nilang pinapakanta sa Open Microphone! Astig diba! Wala eh, magaling kasi akong makisama, samahan mo pa ng pagiging luka-luka at kwela atsaka samahan mo na rin ng ibang ganda at karisma. Sino ba naman ang hindi magugustuhan! Whahaha!!!



RICHELLE: HELLO KUYA WARREN! LONG TIME NO SEE! AYMISHU NA!!! (sabay yakap sa parang kuya ko na na si Warren.)



WARREN: SINO ANG MGA KASAMA MO? OH, SI REGINE PALA!



RAYCE: NAKA-PUNTA KA NA BA DITO BEFORE BARBIE DOLL?



REGINE: HINDI PA!



RYE: EH BAKIT KILALA KA NYA?



REGINE: EWAN KO, MALAMANG SI RICHELLE NA NAMAN ANG MAY SALA!



WARREN: MADALAS KA KASING MAI-KWENTO NI RICHELLE NUNG MADALAS PA SYANG NAGPUPUNTA DITO. SHE EVEN SHOW ME SOME PICTURES OF YOURS FROM HER PHONE. NICE TO FINALLY MEET YOU!



REGINE: (oh, tingnan mo naman yung mata ni Rayce, parang lalabasan ng apoy. Tama bang pagselosan si Kuya Warren!) NICE MEETING YOU TOO. IKAW TALAGA RICHELLE, HUMANDA KA SA AKIN MAMAYA PAG-UWI NATIN!



RICHELLE: BAKIT NA NAMAN? ANO BANG GINAWA KO? TSSS… ANYWAY KUYA WARREN, THIS IS RAYCE, REGINE’S BOYFRIEND. AND THIS IS RYE, MY ALALAY! HINDE, JOKE LANG, BOYFRIEND KO YAN! POGI BA KUYA?



WARREN: AKALAIN MO YUN RICHELLE, NAKABULAG KA NG GANYANG KA-GANDANG LALAKE! IBA KA TALAGA! OH, DITO NA KAYO SA TABLE NA TOH! BILANG NGAYON KA LANG ULIT NAKABALIK DITO, NAKILALA KO NA IN-PERSON SI REGINE, AT TULUYAN KA NG NAGING BABAE, LIBRE KAYO TONIGHT!


Huwaw! Ibag klase talaga tong si Kuya, saksakan ng bait, kaya ayan, inuulan at binabagyo sya ng biyaya! Libre daw kami oh! Bwenas!



RICHELLE: OO NGA PALA KUYA, NASAAN NA SI VERNIE?



WARREN: HINDI SYA NAGPUNTA DITO TONIGHT EH, BAKA BUKAS PA! MAIWAN KO MUNA KAYO AH!



RYE: SINO YUN? BAKIT TINATAWAG MO SYANG KUYA?



RICHELLE: UI, ANG MAHAL KO NAGSESELOS! SI KUYA WARREN, SYA ANG MAY-ARI NITO. MADALAS KASI AKO DITO BEFORE SAKA IN DEMAND SA MGA CUSTOMERS NYA!



REGINE: IN DEMAND? BAKET?



RICHELLE: AHEM!!! KAILANGAN PA BANG IPAGSIGAWAN? ANG GANDA KAYA NG BOSES KO, TAPOS MAGALING PA AKONG MAG-GITARA! SAN KA PA!



RAYCE: SO, TUTUGTOG KA?



RICHELLE: HINDI LANG AKO, KASAMA KO SI REGINE!



RYE: SAMA RIN AKO, GUITAR DIN AKO!



RAYCE: AKO DRUMS!



RICHELLE: EPAL DIN KAYO EH. KAYA NGA AKO NAGYAYA DITO KASI SI REGINE YUNG GUSTO KONG KA-JAMMING, TAPOS SASABIT KAYO!



REGINE: AYAW MO BA NUN ESPREN, THE MORE THE MERRIER!!!



RICHELLE: A-Y-O-K-O!!! GUSTO KO TAYONG DALAWA LANG! PAGBIGYAN NYO NA YUNG BIRTHDAY WISH KO! KUNG GUSTO NYO, BALIK NA LANG TAYO ULIT DITO!!!



RYE: OO NA, HINDI NA KAMI AAPELA NI RAYCE!



RUPERT: RICHELLE, LONG TIME NO SEE AH! KAMUSTA? (parang one of the boys lang ako ah! Nakaka-miss talaga ang mga tao dito!)



RICHELLE: OK NAMAN RUPERT, BUSY LANG SA TRAINING! NAKA-KANTA KA NA?



RUPERT: SIRA KA BA? AS IF NAMANG KUMAKANTA AKO! TAGA-PALAKPAK LANG AKO! IKAW, KANTA KA NA!



RICHELLE: HAY NAKU, MAMAYA NA!!! WARM UP MUNA AKO! HAHAHA!!!



RUPERT: ANONG MAMAYA KA JAN, NGAYON NA! STEADY PULSE KA LANG JAN DUDE!



Punyemas na yan, mapapasubo yata ako nito ah!!! Langya, tamang trip tong si Rupert!!! Umakyat ba sa stage!!!



RUPERT: GOOD EVENING EVERYONE!!! I JUST HAVE AN ANNOUNCEMENT TO MAKE! (tangnamis ka Rupert! Tumigil ka na jan!) MERONG NAGBABALIK SA THE OPEN MICROPHONE, SA MAGA MADALAS NA MAGPUNTA DITO EVEN BEFORE, SIGURADO AKO NA KILALA NINYO KUNG SINO ANG TINUTUKOY KO! WALANG IBA KUNDI SI MS. INDEMAND!!!



Tiningnan ko si Regine, Rayce at Rye. Yung dalawa, naka-ngiti, samantalang si Rye, ayun lukot ang muka. Pasensya ka na My Love, sikat kasi ang girlfriend mo, talented kasi.



RICHELLE: UI RYE, BAKIT NAKASIMANGOT KA? SMILE KA NA!



RYE: PANO AKONG NGINGITI EH PINAG-KAKAGULUHAN NG MGA LALAKE YUNG GIRLFRIEND KO!



RICHELLE: ANU KA BA NAMAN! KAHIT PAGKAGULUHAN NILA AKO, SAYO PA RIN ANG PUSO KO! SAKA, DAPAT NGA PROUD KA, KASI SA DINAMI-RAMI NG MGA LALAKE NA NAHUHUMALING SA AKIN, IKAW ANG SINAGOT KO! KAYA SIGE NA, SMILE KA NA!



RUPERT: MS. INDEMAND, TARA NA DITO SA STAGE. THE OPEN MICROPHONE IS ALL YOURS TONIGHT!



RICHELLE: SANDALI LANG HONEY AH… MAY SURPRISE AKO SAYO LATER! (tapos ni-kiss ko na muna sya bago ako pumunta sa stage! Inspired naman daw ako! Hahaha…)



REGINE: GO ESPREN!!!



RICHELLE: GOOD EVENING EVERYONE! IT’S NICE TO BE BACK! WELL, SINCE ANDITO NA RIN LANG NAMAN AKO SA HARAP AT HAWAK KO NA ANG OPEN MICROPHONE… SIMULAN NA NATIN TOH!!! KANTAHAN NA!!! (palakpakan silang lahat eh! Ang daming bagong dayo dito ah! Lalo sigurong yumaman si Kuya Warren!)



WARREN: BAGO NATIN PA-KANTAHIN SI RICHELLE, SYA MUNA ANG KANTAHAN NATIN, PATI NA RIN ANG BESTFRIEND NYANG SI REGINE! BIRTHDAY KASI NILA NGAYON, NGAYON KO LANG NAALALA! HAPPY BIRTHDAY SAYO MS. INDEMAND AT SA BESTFRIEND MO NA SI REGINE!



Tapos ayun, nagkantahan nga sila ng Happy Birthday ng buong lakas at tuwa! Grabe, hindi ko inaasahan na magiging ganitong kasaya ang magiging celebration namin ng birthday namin ni Regine! Una, naging jowa na rin namin ang mga mahal namin, finally! Second, yung maghapon naming nakasama yung mga mahal namin! Tapos ngayon eto, lahat sila kinakantahan kame, WOW!!!



RICHELLE: SALAMAT!!! REGINE, TARA NA DITO SA STAGE!!! (at lumapit naman si Regine, masaya din sya sa mga nangyayare kagaya ko! first time ever na nagyari toh!)



REGINE: THANK YOU EVERYONE! ANG SAYA PALA TALAGA DITO!



RUPERT: OO NAMAN! EWAN KO BA DITO KAY MS. INDEMAND KUNG BAKIT BIGLA NA LANG HINDI NAGPUNTA DITO!



RICHELLE: OH, TAMA NA YAN!!! DAHIL MAHAL KO KAYONG LAHAT, AT NA-MISS KO KAYO, AT KINANTAHAN NYO KAMI NG ESPREN KO… KAKANTAHAN DIN NAMIN KAYO!!!



REGINE: (lumapit sya sa akin at saka bumulong…) NASISIRAAN KA NA BA? AKO, KAKANTA SA HARAP NILA?



RICHELLE: ANO NAMANG MASAMA DUN? MASAYA TOH BRU, TRUST ME!!! TUGTOG KA NG PIANO HABANG KUMAKANTA, AKO NAMAN GUITAR! OK?



REGINE: RICHELLE-TOT NAMAN EE!



RICHELLE: SIGE NA NAMAN OH REGINE, ETO LANG ANG WISH KO NGAYONG BIRTHDAY KO, YUNG MAKA-KANTA TAYO DITO NG MAGKASAMA!!! SIGE, GANITO NA LANG! KUNG HINDI MO TO KAYANG GAWIN PARA SA AKIN, PARA NA LANG KAY RAYCE. ANG LAKING GANDA POINTS NITO BAKLA, IMAGINE, KAKANTAHAN MO SYA SA HARAP NG MARAMING TAO!



REGINE: EH BAKIT NAMAN NADAMAY DITO SI RAYCE?



RICHELLE: KASI AYAW MO AKONG PAGBIGYAN, MUKA KASING MAS MAHAL MO NA SI RAYCE KESA SA AKIN EH! (nakaka-tampo naman tong si Regine, simple lang naman yung wish ko! Hindi na nya kailangang magsinungaling para lang matupad ang wish ko! mas mahirap kaya yung wish nya compare dun sa akin!)



REGINE: OO NA, SIGE! KAKANTA NA RIN AKO, PERO HINDI PARA KAY RAYCE, PARA SAYO!



RICHELLE: AAAAHHHHH!!!! (kaya mahal talaga kita espren eh, hindi mo ako kayang tiisin!) AYLABYU BRU!!!



RUPERT: SIMULAN NA YAN!!!



RICHELLE: THIS SONG IS DEDICATED TO MR. RYE HAYASHI, MY BOYFRIEND. SABI KO NAMAN SAYO MAY SURPRISE AKO SAYO EH! REGINE DIBA MAY SASABIHIN KA DIN!



REGINE: AHM… THIS SONGS ARE ALSO DEDICATED TO MR. RAYCE HYEUNG, MY BOYFRIEND!


End of Chapter 19
Written by: Queen of my Own World


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^