Sunday, July 15, 2012

100 Days With Mr. Idol: Chapter 21

CHAPTER TWENTY ONE




     PAREHONG nakikiramdam sa isa't isa sina JiYeon at MinHo hanggang sa ilang saglit pa ay tumulo na ang luha ni JiYeon.

    "Gawin mo 'to para sa akin."wika ni MinHo na halata sa mukha ang sakit.

    "Ayaw kong malayo sayo."pag-mamatigas nito. Pinag-uusapan kasi nila ang nakatakdang pag-alis ni JiYeon para mag-aral sa ibang bansa.

    "Makinig ka nga muna-"hindi na sya pinatapos ni JiYeon.

    "Sinabi ko na! Hindi ako aalis!"nangibabaw sa kabuuhan ng park ang sigaw na iyon ni JiYeon. Tumayo sa swing si MinHo at galit syang hinarap.

    "Bakit? Ano ba sa tingin mo? Habang buhay ang relasyon natin? Oo ngayon masaya tayo sa isa't isa! Pero naiisip mo ba pag lumipas ang mga araw hindi mababawasan yung saya na nararamdaman mo? Darating ang araw mag-sasawa din tayo sa isa't isa!"masakit man para kay MinHo na sabihin ang kasinungalingan na yun pero kailangan para kahit paano ay makumbinsi nya si JiYeon.

    Panay na ang tulu ng mga luha ni JiYeon. "Hindi ako mag-sasawa sayo."anito.

    "Oo, ikaw! Pero ako! Darating ang oras na mag-sasawa din ako sayo at babalik kay HaRa!"muling pag-sisinungaling nito.

    "Hindi ako naniniwala."giit nya.

    "Maniwala ka! Dahil yun ang totoo! May nararamdaman pa ako kay HaRa!"wika ni MinHo.

    Kunot nuo syang hinarap ni JiYeon. Marahan itong tumayo habang mabilis na pinunasan ang mga luha. "Anong sabi mo?"

    "Mahal ko pa si HaRa."mahina na para bang labas sa ilong na sagot ni MinHo sa kaniya.

    Halos hindi naman makapaniwalang natawa si JiYeon. "Ano ako? Panakip butas?"umiiyak na saad nito. Hindi sumagot si MinHo. "Naniwala nanaman ako sayo."muli nitong pinunasan ang tumulong luha. Napasapo pa sya sa nuo. "Ang tanga tanga ko talaga pag dating sayo!"ngayon ay galit na syang lumingo kay MinHo. "Kaya ba gusto mo kong paalisin dahil gusto mong bumalik kay HaRa?"na-misunderstood nito ang pag-sisinungaling ni MinHo. Parang gusto tuloy bawiin ni MinHo ang sinabi nya. "Sabi ko na, guilty lang yang nararamdaman mo para sa akin."dugtong pa ni JiYeon.

    "JiYeon-"mag-e-explain pa sana si MinHo kaso pinutol iyon ni JiYeon.

    "Sige!"sabi ni JiYeon. "Alis ako. Pero hindi dahil sinabi mo! Aalis gusto ko naman maging masaya."garalgal na ang boses niya. "Pinag-sisisihan ko ang una nating pag-kikita."saka ito nag-walk out.

    Para namang na-stroke si MinHo sa kinatatayuan nito dahil hindi agad ito nakagalaw. Maya maya pa ay tumulo na rin ang luha nito. Masakit para sa kanya ang ginawa at ang narinig mula kay JiYeon pero kailangan nyang gawin yun para kay JiYeon dahil ayaw nyang sya ang makasira sa mga pangarap nito. Hindi nya ginawa iyon para i-down ito. Ginawa nya iyon dahil gusto nyang makita ito balang araw na masaya hindi lang dahil sa kaniya kundi dahil natupad nito ang pangarap nito.

    Handa namang mag-hintay si MinHo kahit gaano pa katagal ang pag-babalik ni JiYeon. Kaya nyang mag-tiis para lang dito. Ang pinag-darasal lang nya ay wag sana umabot sa punto na makahanap ito ng mas better sa kaniya at ipag-palit sya. Sa huli baka sya lang ang magg-sisi dahil pinakawalan nya ito. Wag naman sanang mangyari iyon.

    LAHAT AY ABALA para sa pag-hahanda, ngayon na kasi ang album launching ng SHINee. Excited na ang lahat kahit alas Nueve pa lamang ng umaga at ang show ay 2PM. Kay tagal naman kasi nilang hinintay ang come back ng SHINeem at ngayon na nga iyon.

    "Wala pa ba ang costume natin?"kunot nuong tanong ni JungHyun habang nag-hihintay sila sa dressing room.

    "Oo nga e. Excited na rin akong makita si JiYeon noona."masayang wika ni TaeMin. Daling napalingon si MinHo sa kaniya. 

    Simula kasi ng gabing nag-kausap sila ay hindi na sya kinausap pa ni JiYeon. Ni hindi nito sinasaggot ang mga tawag at text nya. Marahil ay galit nagalit nga ito sa kaniya. Kinakabahan tuloy syan ngayon kung anong sasabihin nya kay JiYeon mamaya pag-dating nito. Pag-kuway dumating na nga ang costume. Tensyonado si MinHo habang excited naman sina TaeMin at ang iba pa. Pero dalawang babae lamang ang may dala ng costume nila. Nilingon ni MinHo ang likuran ng dalawa pero walang JiYeon na lumitaw. 

     "Asan si JiYeon noon?"agad na tanong ni TaeMin nang hindi makita ang paborito nyang noona.

     "Ah. Papunta na syang airport. Ngayon kasi ang alis nya papuntang ibang bansa."wika ng isang classmate ni JiYeon. Ikinagulat naman nilang lima yun lalo na ni MinHo. Ang alam lang kasi ni MinHo ay aalis ito pero hindi nya alam na ngayong araw.

    "Grabe! Ni hindi man lang nya naisipang um-attend muna ng Album Launching natin!"inis na reklamo ni Key.

    "Nakakalungkot naman."saad naman ni TaeMin.

    "Excuse me. Alam nyo ba kung gano sya katagal dun?"singit naman ni Onew. Tahimik lang si MinHo sa isang tabi. Hindi nito pinapahala sa lahat ang guilt na nararamdaman nito. parang gusto nitong habulin si JiYeon at pigilan pero hindi na pwede. Mukhang hindi na ito maniniwala sa kaniya. Ano na ngayong ghagawin nya?

    "2PM pa naman. Kung hindi ako nag-kakamali mga apt hanggang limamng taon."sagot naman ng isa. Lalong gumapang ang sense of urges sa pag-katao ni MinHo ng marinig nya iyon. Limang taon? Habang buhay na para sa kaniya yun. Ngayon ay nag-dadalawang isip na sya kung tama ba ang ginawa nyang pakawalan si JiYeon.

    Sinulyapan ni Onew ang relo. "Ang tagal din nun."tinapik pa nito ang balikat ni MinHo nang sabihin iyon. Napalingon si MinHo sa kaniya. "You still have time."pag-kuway bulongg nito.

    Sa una ay hindi naintindihan ni MinHo ang sinabi ni Onew. Pero nakuha nya rin ito agad. Tama, mahaba pa ang oras bago mag-simula ang launching. May oaras pa sya para puntahan si JiYeon at makapag-paalam ng maayos dito. Gusto nyang i-settled ang lahat bago sila mag-hiwalay. Gusto nyang ipaalam kay JiYeon na mag-hihintay sya sa oras na bumalik ito.

    Walang ano ano ay tumakbo ito palabas ng dressing room. Lahat ay napatingin sa kaniya. Nasalubong pa nya si Mr. Kim sa pinto pero hindi nya ito pinansin.

    "Hoy! MinHo!"tawag ni Mr. Kang. "Saan ba pupunta yun?"baling nito sa apat. Kibit balikat lang ang sagot nila TaeMin.

    "May nakalimutan lang sya sa dorm. Maaga pa naman Mr. Kim."palusot ni Onew. Napakamot na lang sa ulo si Mr. Kim.

    "Siguraduhin lang nyang babalik sya! Baka maulit nanaman yung dati."wika ni Mr. Kim. Napasulyap sya kanila JungHyun at Key na ngayon ay nag-lalaro ng wrestling sa sofa. "Itigil nyo ngang dalawa yan! Baka masaktan kayo! Hindi pa matuloy ang launching nyo!"saway nito sa dalawa. Natatawa naman silang pinigilan ni Onew.

    DALI DALING bumabba ng taxi si MinHo at patakbong pumasok sa loob ng airport. Sa pinto pa lang ay na-recognized na agad sya ng mga tao kaya naman agad itong pumalibot sa kaniya. Pero wala sa syang panahon pa para pansinin ang mga ito. Kailangan nyang hanapin si JiYeon. Umakyat sya sa itsaa, palingon lingon sya sa paligid pero hindi nya makita si JiYeon.

    Natatakot na sya na baka hindi na nya ito maabutan pa. Hindi na nya alam ang gagawin nya. Nawawala na sya sa sarili. Hindi na nga nya napansin na tumulo na pala ang mga luha nya. Takbo sya ng takbo, ikot ng ikot. Nasaan si JiYeon? yun lang ang tanginng nasa sisp nya ngayon.

    Muling nilingon ni JiYeon ang likuran bago pumasok sa concourses. nag-babakasakali itong naroon si MinHo para pigilan syang umalis. Ilang segundo syang nasa ganung posisyon. Hanggang sa mag-desisyon na syang pumasok. pero nang ibibigya na nya ang passport nya ay may bigla na lang humatak sa kanya. Pinihit sya nito paharap at niyakap ng mahigpit.

    "JiYeon."bulong ni MinHo. Walang ibang nasabi si JiYeon kundi ang umiyak. "Hihintayin kita. Pangako, hihintayin kita."anito. Kumawala si MinHo, tinitigan nya ang mukha ni JiYeon na para bang mini-memorized nya ito sa isip. Tapos ay buong puso nyang inangkin ang mga labi nito. Kung kanina ay mabigat ang pakiramdam ni JiYeon ngayon ay wala na itong kasing gaan. Lalo pa na sigurado syang may babalikan sya. Masayang masaya sya dahil at least sa huli ay nalaman nyang mahal talaga sya ni MinHo. Hindi na mahalaga sa kaniya ang mga sinabi nito noon.


     SAMANTALA, isinukat na ng apat ang costume na gagamitin nila mamaya sa performance. Nasuot na ng tatlo ang kanila habang si TaeMin ay sinusuot pa lang ang pang-itaas na damit ng biglang pumasok si Jasmine sa dressing room. Sa gulat ni TaeMin ay nabitawan nya ang pangitaas na damit. Walang reaksyong tinitigan ni Jasmine ang hubad na katawan ni TaeMin. Nang ma-realized iyon ni TaeMin ay agad nitong niyakap ang sarili saka tumalikod sa kaniya.

     "Hay! Wag ka nga bigla biglang pumapasok!"may halong inis at hiya nitong saad. Nag-pasalit salit naman ang tingin ng tatlo sa dalawa habang nag-tatawanan ang mga ito.

     "Nan dito nanaman girlfriend mo."wika ni Key.

     "Binata na talaga ang maknae natin."dagdag pa ni JungHyun.

     "Pwede ba. Hindi ko nga sya girlfriend."nakayapa paring sa sarili si TaeMin habang pilit na inaabot ang nahulog na damit.

     "Honey, ano ka ba1 ilang beses mo na akong deni-deny sa kanila."biglang saad nito na hindi kinagulat talaga ng mga ito lalo na ni TaeMin. Lumapit si Jasmine kay TaeMin saka ito na ang nag-suot nga damit sa kaniya.

     "Wow! Ang sweet naman!!!"sabay na hiyaw nila JungHyun at Key. Napapailing na lang sa tawa si Onew.

     "A-ano bang ginagawa mo?"tensyonadong bulong ni TaeMin kay Jasmine.

     "Tayo na."simpleng sagot nito.

     "H-hu?"pero iba ang sinagot ni Jasmine.

     "Bagy sayo honey. Lalo kang gumwapo."kumiondat pa si Jasmine.

     "Ayee!"muling kantyaw ng dalawa.

     Sa kalagitnaan ng kantyawan ay tumunog ang cellphone ni Onew. Agad na tumakbo palabas si Onew ng malaman nyang naroon si Janey. Nakita nyang naka-pila ito habang nag-hihintay na mag-bukas ang gate. Nag-text sya kay Janey na pumunta sa likuran ng building. Sinunod naman ioyn ni Janey.

     Hinanap ni Janey doon si Onew pero wala syang makita. Pag-kuway may kumalabit sa likuran nya, agad syang lumingon pero wala parin. Natigilan sya ng may bigla na lang dumapi sa kanang pingi nya. Pag-lingon nya ang nakangiting mukha ni Onew ang nakita nya. Kwestyonable syang tingingnan ni Janey hawak ang pisngi na hinalikan ni Onew.

     "Regalo ko yan kasi pumunta ka."anito.

     "Pero-hindi naman-"nauutal na wika ni Janey. Hindi na sya pinatapos ni Onew.

     "Special fan kita kaya special din ang gift ko sayo."saka lumakad na palayo si Onew. "I'll see you soon."kumaway pa ito bago tuluyang umalis. Pag-pasok sa back door ng building ay para itong mababaliw sa kilig. Napasayaw pa ito ng Noona nomu yeppo sa tuwa. Para itong teenager na kinikilig. Samantalang naiwan namang tulala si Janey sa labas hawak parin ang pisnging hinalikan ni Onew.

     Ilang oras pa nga ay nag-simula na ang stage performance nila. Naroon si Jasmine para kay TaeMin, si Janey para kay Onew. Ang kulang na lang ay si JiYeon. Pero mag-kaganun pa man ay masaya si MinHo dahil alam nyang mag-kikita silang muli ni JiYeon. At pag nang-yari ang araw na iyon ay hinding hindi na nya pakakawalan pa si JiYeon. 

    Successful ang launching ng Album nila. Mabilis na umakyat ang sales nito sa loob lamang ng isang linggo. Marami silang nahakot na awards at mas lalong umangat ang popularity nila. Sunod sunod na nga ang success ng SHINee. Bagay na excited si MinHo na maikwento kay JiYeon sa muli nilang pag-kikita.




2 comments:

  1. ~angel is luv~

    grabe! sobrang natotouch at naiiyak na ako sa mga pangyayari. emotional lang! finale na kasunod.

    ReplyDelete
  2. grbe! naiiyk n aq! sobrng gnda po tlga! finale na!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^