Saturday, June 30, 2012

100 Days With Mr. Idol: Chapter 7


CHAPTER SEVEN


        Gaya ng nakagawian  ni JiYeon maaga syang gumigising para ipag-luto ang SHINee. Masaya sya pag-ginagawa nya iyon lalo na kapag nakikita nyang nasasarapan ang mga ito. Matapos nya mag-luto ay isa isa na nyang ginising ang mga ito. Una nyang ginising sina JungHyun at Key, sunod ay si MinHo. Hinuli nya ang kwarto nila Onew at TaeMin dahil alam nyang puyat si Onew kagabi gaya nya. Pag pasok sa kwarto ni MinHo ay sarado pa ang kurtina. Pinuntahan iyon ni JiYeon para buksan. Sumilay sa mukha ni MinHo ang sinag nga araw pero wala parin itong reaksyon.


       Malinis ang kwarto ni MinHo, wala kang makikitang kalat. Kahit ang mga damit na sinuot nito kagabi ay nakaligpit. Marahang lumapit si JiYeon sa natutulog pang si MinHo. Gigisingin na sana nya ito kaso lang ay natigilan sya ng makita ang payapang mukha ni MinHo. Para lang itong natutulog na baby. Inilapit pa ni JiYeon ang sarili kay MinHo. Ngayon ay kitang kita na nya kung gaano kakinis ang mukha nito. Kung gaano katangos ang ilong nito at kung gaano kapula ang mga labi nito. Parang may tumutulak sa kanyang halikan si MinHo pero ng gagawin na nya iyon ay biglang dumilat si MinHo at saka sya niyakap pahiga sa kama. Gulat na gulat naman si JiYeon sa nang-yari kaya nag-pupumiglas ito.


        "Ano ba! MinHo!"sita nya pero ayaw pa syang bitawan ni MinHo. Sa halip ay tuwang tuwa pa ito sa ginagawa. "Bitawan mo nga ako! Ano ba!"hindi makawala si JiYeon sa yakap ni MinHo dahil sobrang higpit nito.


        "Bkit mo ko tinititigan hu?"natatawang tanong ni MinHo.


        "Hi-Hindi kita tinititigan no!"tanggi ni JiYeon.


        "Talaga? Tinititigan mo ko e!"giit ni MinHo. Hindi kita bibitawan hanggat hindi ka umaamin!"blackmail pa nito.


         Hindi nagugustuhan ni JiYeon ang ginagawa ni MinHo kaya napalitan na lang itong umamin. "Oo na! Tinitingnan na kita! Bitawan mo na ko!"inis na saad ni JiYeon. Natawa naman ng malakas si MinHo.


         "Bakit? Gwapo ba ko?"pag-yayabang pa nito sa sarili bago binitawan si JiYeon. Niiling namang tumayo sa kama si JiYeon.


          "May tagyawat ka kasi sa ilong kaya napatingin ako!"pag-sisinungaling ni JiYeon.


          "Ano?"naalarma naman doon si MinHo kaya dali dali nitong kinuha ang maliit na salamin sa drawer sa side table ng kama nya.


           "Sumunod ka na lang sa baba pag-tapos mo dyan!"nag-mamadali ring lumabas ng kwarto si JiYeon para takasan si MinHo.


           "Tagyawat? Saan? Wala naman ah! Ikaw!"pag lingon nya ay wala na si JiYeon. "Haist! Naisahan ako nun ah!"napapitik sya sa hangin. Matapos nyang mag-bihis ay masaya syang sumunod sa baba. Naabutan nyang kumakain na ang lahat. "Good Morning!"full of energy nyang bati sa mga ka-grupo na ikinabigla naman ng mga ito.


            "Anong nang-yari sayo? Nakatulog ka ba ng mahimbing?"takang tanong ni JungHyun sa kanya. Ngiti lang ang sinagot ni MinHo sa kanya tapos ay tumabi ito kay JiYeon, pati ito ay nginitian din nyang. Nawiwirduhan lang syang pinapanood ng lahat. Medyo naiinis na si JiYeon sa kakaibang pinapakita ni MinHo sa kanya. Ganyan ba talaga ang way of thanking ni MinHo? Parang ang O.A naman yata?


           Buong mag-hapon nang kinukulit ni MinHo si JiYeon bagay na hindi naman ikinatutuwa ni JiYeon. Natatakot kasi sya na baka madala sya sa mga pangungulit nito at hindi na nya mapigilan ang naraamdaman nya. Hindi alam ni JiYeon kung ano ba ang nang-yayari kay MinHo.


            Ready na ang lahat sa pag-alis para sa susunod nilang schedule ng lumapit si MinHo kay JiYeon at may pasimpleng ibinulong. "Pwede bang mauna na kayo? Kasi nag-text si HaRa, gusto daw nyang makipag-kita sa akin."saad ni MinHo.


            "Pero, hindi pwede. Interview 'to para sa next album nyo. At isa pa naan dun si Mr. Kim! Siguradong magagalit yun kapag hindi ka namin kasabay."paliwanag ni JiYeon para kumbinsihin si MinHo na wag na puntahan si HaRa.


            "Sige na please. Ikaw na bahalang mag-paliwanag sa kanila. Please?"pag-mamakaawa ni MinHo na hindi naman kayang tanggihan ni JiYeon. Wala na itong nagawa kundi ang sundin ang layaw ni MinHo. Ngayon alam na nya, kaya pala sobrang sweet nito sa kanya sa buong mag-hapon ay dahil may hihingiin pala itong pabor. At pinag-bigyan nya naman agad yun. Sumakay sila ng van na wala si MinHo.


           "Nasaan si MinHo?"agad na napansin ng leader na si Onew ang biglaang pag-kawala ni MinHo.


           "Hu? Ah-sumama daw tyan nya kaya babalik na lang muna sya sa dorm."pag-sisinungaling ni JiYeon.


            "Ano? Interview pa naman ngayon para sa bagong album namin!"reklamo naman ni TaeMin.


             "Hay! Ano bang nakain nun?"naiinis naman saad ni Key. Pinag-mamasdan ni JiYeon ang mga expression ng mga ito. Nakita nyang duda pa si Onew sa dahilan nya dahil nakita nyang mukhang pinag-iisipan talaga ng mabuti ni Onew ang sinabi nya. Paulit ulit nya na lang dinadasal na sana ay hindi sya mahuli nito na nag-sisinungaling para lang takpan ang luho ni MinHo.


             Samantala, masayang masaya si MinHo habang tinutungo nya ang lugar na pag-kikitaan nila ni HaRa. May dala pa syang strawberry milk habang papunta sya sa ilalim ng tulay kung saan mayroong malawak na ilog. Naan doon nga si HaRa. Nakaupo ito sa malaking bato at tahimik na nag-hihintay sa kanya. Kumaway si MinHo ng lingunin nito, ngiti naman ang sinalubong ni HaRa sa knanya. Agad nyang ibinigay ang strawberry milk na paborito ni HaRa ng makarating sya sa tabi nito.


           "Kanina ka pa?"tanong ni MinHo at naupo pa ito sa tabi nya. Nakangiti namang tumango si HaRa.


           "Salamat dito sa strawberry milk. Paano ang interview nyo sa bago nyong album?"paalala ni HaRa.


           "Anong salamat?"pag-iiba ni MinHo sa usapan, humarap sya kay HaRa tapos ay tinuro nito ang mga labi. "Bilang kabayaran, kailangang i-kiss mo ko."saad nya. Itinulak sya ni HaRa.


          "MinHo! Ano ka ba! Public kaya 'to!"reklamo naman ni HaRa.


          "E di dun tayo sa private."nakuha pa nya itong yayain.


          "Hay naku! Tumigil ka nga!"naiinis na saway sa kaniya ni HaRa. Bahagya namang nasaktan doon si MinHo pero binaliwala nya na lang at sinubukan parin nyang i-balance ang good mood nya ngayon.


           "Teka? Saan mo ba gustong pumunta ngayon?"nag-iisip si MinHo ng pwede nilang puntahan. "Ah! Gusto mo bang pumunta ng Amusement Park?"yaya nya dito. Ikinatuwa naman iyon ni HaRa pero nalungkot din agad sya ng maalalang tago pala ang relasyon nila ni MinHo at isa pa kapag nakitang mag-kasama sila siguradong pag-pi-pwestahan sila ng mga tao doon.


          "Ano ka ba! Hindi tayo pwede pumunta dun! Alam mo naman diba?"paalala nito sa sitwasyon nilang dalawa.


          "Madali lang yan! Mag-de-disguise tayo para hindi nila tayo makilala."wika ni MinHo.


          "Saan mo naman natutunan nyan?"humalukipkipo pa si HaRa.


          "Naalala ko lang kasi yung dinala kami ni JiYeon sa Amusement Park. Pinag-disguise nya kami para kamapunta lang dun. Ang saya saya nga e. Ang saya kasama ni JiYeon, parang yung mga imposibleng bagay nagiging posible. Kaya nga-"natigilan si MinHo sa pag-ku-kwento ng makita nyang nakasimangot na si HaRa. Naubo sya kahit na walang ubo saka inakbayan si HaRa. "Halika na nga!"


          Nag-punta nga sila ng Amusement Park na naka-disguise. Masaya silang nag-libot sa loob at sumakay sa mga rides. Una nilang sinakyan ang Roller Coaster. Sa pangalawang pag-kakataon ay naalala ni MinHo si JiYeon.


          "Alam mo ba ito ang unang sinakyan namin ng pumunta kami dito? Katabi ko pa nga si JiYeon. Wala na ksi syang choice kundi tumabi sa akin. Nasa unahan pa naman ako. Takot na takot kaya sya. Nakakatawa nga e."nang lingunin nya si HaRa ay nakasimangot nanaman ito kaya agad nyang binago ang usapan. "Kumapit ka sa akin para hindi ka matakot."hinawakan pa nya ang kamay ni HaRa. Nilibot nila ang kabuuan ng Amusement Park at talaga namang sinusulit nila ang araw na mag-kasama silang dalawa.



         SAMANTALA, wala namang mapag-lagyan ang galit ni Mr. Kim kay JiYeon ng malaman nitong hindi nila kasama si MinHo. Kulang na lang ay bumaon si JiYeon sa kinatatayuan dahil sa kahihiyan sa mga taong nasa paligid nila na pinapanood sya habang sinisigawan ni Mr. Kim.


         "Sana binigyan mo na lang sya ng first aid o kahit na ano mang gamot! Hindi yung pinayagan mo syang umuwi! Alam mo naman kung gaano kaimportante ang interview na ito! Isa pa sya sa composer ng mga kanta ng album nila kaya kailangan talaga sya dito! Hay naku naman!"napasapo si Mr. Kim sa nuo. "Bwisit!"saka ito umalis. Pigil naman ang mga luha ni JiYeon. Gusto na nyang umiyak pero hindi sa harap ng madla at sa harap ng SHINee. Naaawa syang nilapitan ng apat para i-comfort.


          "Okay ka lang ba?"alalang tanong ni Key. Hinihimas himas naman ni JungHyun ang likuran nya.


          "Noona, wag kang umiyak hu?"parang naiiyak na ring pakiusap ni TaeMin. Pinilit matawa ni JiYeon para sa kanya. Tahimik lang na nakatingin si Onew sa kanya, mayn awa din sa mga mata nito.


          "Wag kayo mag-alala okay lang ako. Kasalanan ko rin naman e. Kung hindi ko lang sana pinauwi si MinHo hindi sana kayo maiistorbo at mag-wo-worried ng ganito,"sinisi nya ang sarili sa mga nang-yari. Aminado naman sya. Kung hindi lang sya nag-padala kay MinHo e  di sana walang naganap na commotion ngayon, Ano pa ba ang magagawa nya? Nangyari na, all she can do is move on.


          Nang matapos ang interview ay nakakita ng chance si Onew na kausapin si JiYeon na sila lang dalawa. May gusto lang kasi siyang liwanaging isang bagay dito. Nilapitan nya ito habang nag-liligpit ito ng gamit nila sa dressing room.


         "Pasensya ka na kay Mr. Kim kanina hu?"bungad ni Onew. Nilingon sya ni JiYeon saka nginitian.


          "Wala yun. Kalimutan na nga natin yun."wika ni JiYeon.


          "Sure ka bang okay ka na?"paninigurado nito.


          Itinigil ni JiYeon ang pag-liligpit tapos ay hinarap si Onew. "Bakit? Natatakot ka ba na baka iwan ko na ang trabaho ko at hindi na kayo makapunta pa sa-"lumapit ito para ibulong kay Onew ang huli nyang sasabihin. "Amusement Park?"biro pa nya, pareho silang natawa ni Onew.


         "Tama ka."patol naman ni Onew sa biro nya. Sabay silang lumakad palabas ng studio. Naiilang pang mag-tanong si Onew dahil hindi nito alam kung paano sisimulan ang tanong. Pero kailangan nyang malaman kung ano ang totoo, Alam kasi nyang hindi si MinHo ang tipo ng taong nag-iisang tabi ng isang importanteng bagay not unless dahil kay HaRa. alam ya kung gano kabaliw si MinHo kay HaRa to the point nga na kinalimutan nya ang importanteng bagay sa kanila ng mga ka-grupo nya. "Hindi naman talaga masakit ang tyang ni MinHo diba?"iyon ang lumabas sa bibig ni Onew na ikinagulat naman ni JiYeon kaya naman napahinto ito at napalingon kay Onew.


         Lumapit si Onew kay JiYeon at muling nag-tanong. "Hindi iyon ang totoong dahilan kaya bigla syang nawala diba?"clam but serious nyang saad. Hindi naman alam ni JiYeon ang isasagot dito. Umiiwas na sya ng tingin dahil nahihiya sya dito. Natatakot na si JiYeon dahilol baka isumbong sya ni Onew sa manager nila at tanggalin sya sa trabaho nya. Paano na si MinHo? Nakita nyang ngumti si Onew pag-kuway hinawaka sya nito sa balikat. "Wag kang mag-alala. Hindi naman kita isusumbong."kinindatan pa sya nito. "Magaling ako mag-tago ng sekreto."tapos ay inakbayan sya ni Onew at hinagad papuntang sasakyan. Napahinto si Onew ng makita nya ang babaeng pasakay ng taxi, parang pamilyar sa kanya ang babaeng iyon, "Janey?"kunot nuong tanong ni Onew sa sarili habang tinatanaw nya palayo ang taxi. Gusto nya sana itong habulin kaso tinawag na sya ni Key.


         "Hyung! Ano pa bang ginagawa mo dyan?"tanong ni Key. Nasa loob na silang lahat habang sya ay naroon parin tinatanaw ang taxi.


          "Hu? Ah-tara na."wala sa sarili nyang sagot sa mga ito. Halata ang gulat sa mukha nito. Nang maupo ito sa tabi ni JungHyun agad syang tinanong nito.


          "Anong nang-yari sayo? Para kang nakakita ng multo.'natatawa pa ito.


          "Wala. May nakita lang kasi akong pamilyar sa akin."sagot nya.


          "Talaga? Sino? Ex mo na patay na? Mukhang gulat na gulat kasi expression ng mukha mo e.'biro pa nito na bahagya naman ikinatawa ni Onew. Nabatukan pa tuloy si JungHyun ng wala sa oras.


          "Sira ulo!"wika pa ni Onew.


         Kung masayang nag-bibiruan sina Onew at JungHyun, iba naman ang nararamdaman ni JiYeon ngayon. Iniisp nya kung ano na kaya ang ginagawa nila minHo at HaRa ngayon? Nasaan na kaya ang mga ito? Siguradong masaya ang mga ito ngayon. Ayaw na nyang mag-sisi pa, ginusto nya naman yun e. Sya ang nag-bigay ng chance kay MinHo para makita si HaRa. Tama, sya naman talaga ang may kasalanan ng lahat, simula sa interview na apat lang sila hanggang sa lungkot na nararamdaman nya ngayon. Bakit ba kasi ang hina nya kay MinHo?



         PAG-DATING nila sa bahay ay si MinHo ang sumalubong sa kanila. Plano na ni MinHo na umuwi ng maaga para pag-dating ng mga ito ay naroon sya.


         "Welcome back!"masayang bati nya sa mga ito. Ang nauunang si Onew ay walang imik lang na tiningnan sya bago pumasok sa loob. Nag-tataka naman syang sinundan ng tingin ni MinHo. Sumunod naman si JungHyun at Key.


         Pabiro nilang sinuntok sa tyan si MinHo. "Ano bang nang-yari sayo hu! Bakit wala ka sa interview kanina!"inis na tanong nito.


        "Buti nga wala ka kanina. Lumilitaw na mas gwapo ako sayo!'biro din ni Key sa kanya.


         Nadidiri syang tiningnan nila MinHo at JungHyun. "Ang kapal!"sabay pa ang dalawa. Sunod namang pumasok si TaeMin na may kwestyonableng na mukha.


        "Ano bang nang-yari sayo hyung? Napagalitan tuloy si Noona kanina."sabi ni TaeMin sa kanya. Nagulat naman si MinHo sa sinabi nya.


         "Hu? Asan sya?"agad nya itong hinanap.


         "Nag-pababa sya sa convenience store malapit dito. May bibilhin lang daw sya sabi nya e."itinuro pa ni TaeMin ang direksyon ng sinasabi nyang store.


          "Ganun ba?"dali dali itong tumakbo palabas.


          "Hyung! Saan ka pupunta?"tawag ni TaeMin.


          "Pupuntahan ko lang sya."sagot ni MinHo bago tuluyang nawala.


           Busy sa pag-pili si JiYeon ng napkin na bibilhin nya. Pinag-pipilian nya kasi kung ano ang may magandang klase. Pakiramdam nya kasi ay mag-kakaroon sya kaya naisipan nyang bumili na para naka-handa sya. Sa pag-pili nya ay napa-piski sya ng may bigla na lang lumapit sa kanyang naka-jacket na naka-suksok ang hood sa ulo at may suot pang shade.


           "Bakit mag-isa ka?"tanong ni MinHo.


            Agad na itinago ni JiYeon ang napkin na hawak sa likuran at naiilang na nag-palinga-linga sa paligid. "Ano ka ba? Anong ginagawa mo dito?"


           "Gabi na. Sinusundo na kita."sagot ni MinHo. Kinuha nito ang isang  brand ng napkin at ibinigay ito sa kanya. "Iyan gamitin mo. Iyan gamit ni HaRa."wika nito bago tumalikod at kumuha ng tatlong klase ng chocolate. Na-embarrass naman si JiYeon, pakiramdam nya ay sasabog sya sa pamumula.


            "Ano ba yan! Nakakahiya!"bulong nya sa sarili. Nang naka-pila na sila sa cashier ay doon lang na-realized ng mga taong naan doon na si MinHo ang kasama ni JiYeon. Nag-umpisa nang mag-panic ang mga ito. May mangilan ngi;lan nang lumalapit. Ilang saglit pa ay unti unti nang napupuno ang store. Nag-katinginan sina JiYeon at MinHo. Nag-senyasan ang mga ito na tumakbo sa pag-bilang ng tatlo dahil alam nila na kapag hindi nila tinakasan ang mga ito ay siguradong dudumugin si MinHo ng mga ito.


           Ganun nga ang ginawa nila. Sabay silang bumilang, agad na hinawakan ni MinHo ang kamay ni JiYeon saka tumakbo ng mabilis palayo sa mga tao. Hinabol sila ng mga ito pero nailigaw din nilang dalawa. Pareho silang hingal na hingal nang mapahinto sila sa isang park. Sa mga sandaling iyon ay hawak parin ni MinHo ang mga kamay ni JiYeon. Kung alam lang ni MinHo kung gaano nagugustuhan ni JiYeon kapag hinahawakan nito ang mga kamay nya. Kung gaano ito kasaya kapag lumalapat ang mga palad nito sa palad nya. Hindi nito alam kung gaano tini-treasure ni JiYeon ang bawat moment na mayroon sila. 


          Naputol ang kaligayahan ni JiYeon ng bumitaw si MinHo sa pag-kakahawak sa kanya. "Hay! Grabe! Nakakapagod ding tumakbo."hinihingal parin ito. Sinubukan namang bumalik ni JiYeon sa realidad.


          "Oo nga e."sangayon nya naman dito. Sabay silang napatingin sa swing at mukhang pareho sila ng naisip.


          Ngayon nga ay pareho na silang nakaupo sa swing. Naupo muna sila doon para mag-pahinga. Nakakuha na rin ng tyempo si MinHo na makausap sya.


          "Sorry nga pala."napalingon si JiYeon sa kanya. "Napagalitan ka kanina nang dahil sa akin."wika nito. Ngumti si JiYeon.


          "Wala yun no. Okay lang sakin. Kamusta nga pala yung date nyo? Masaya ba?"pag-iiba nito sa usapan. Tumayo si MinHo, pumunta ito sa likuran ni JiYeon at nag-umpisa sya nitong iduyan.


          "Masaya naman."simpleng sagot nya.


          "Ano bang sagot yan? Ikwento mo kung anong ginawa nyo."kung artista si JiYeon na-award-an na sya as best actress dahil sa galing nyang umarte. Naitatago nya ang sakit sa harapan ni MinHo.


           "Nag-punta kami sa Amusement Park, sumakay kami sa Roller Coaster at kumain kami."walang excitement nyang kwento dito.


            "Wala ka man lang ka-excite-excitement."asar pa ni JiYeon.


            Inihinto sya ni MinHo, nang maka-hinto si JiYeon ay lumipat si MinHo sa harapan niya at naupo. Parang tambol namang kumakabog ang dib dib ni JiYeon sa kaba. Hindi nya mahulaan kung ano ang gagawin ni MinHo.


             "Wala kasi akong gana mag-kwento ng tungkol sa amin."pag-kuway sagot nya.


              "Kailangan mo pa bang umupo sa harap ko para lang sabihin yan? Umayos ka nga!"sigaw ni JiYeon sa isip. "Ga-ganun ba?"pero iba ang lumabas sa bibig niya. Tuymango si MinHo.

              "Kasi ang gusto ko ngayon ay kumain ka ng chocolate na binili ko."inilabas nya sa bulsa ang tatlong klase ng chocolate at ibinigay ito kay JiYeon. Sa sobrang intense na dinulot ng pag-upo ni MinHo sa harap ni JiYeon ay hindi na napigilan ni JiYeon na paluiin ito sa ulo. "Aray! Para saan ba yun?"natatawang tanong ni MinHo.


              "Hindi ako kumakain ng chocolate!"palusot nito.


              "Ganun ba? Okay."tumayo si MinHo na parang may pag-tatampo sa mukha. Alarmamng sumunod si JiYeon saka biglang inagaw ang chocolates na hawak ni MinHo.


              "Akala ko ba hindi ka kumakain ng chocolate?"parang bata nitong saad.


             "Sinabi ko ba yun? Hindi no!"bago nag-patiuna itong lumakad. Natatawa namang napailing si MinHo habang sinusundan nito ng tingin si JiYeon. 


            "Hinatyin mo ko!"patakbo pa nyang tawag pa nya dito. Para kay JiYeon isa nanaman iyon sa masasayang bagay na nang-yari sa kanya kasama si MinHo.

Author's Note:
Si JungHyun at Key na lang po ang walang partner .. Baka meron po sa inyo dyan ang may gusto sa knila .. Sabihin nyo lang po .. Para magawan ko rin kayo ng moment at plano ko rin po kayo gawan ng kwento after nang kay JiYeon at MinHo .. Thanks po ..


EunSeungRi~













3 comments:

  1. ang cute tlga ni minho q! hwaaaaaaaaaaaa! wla aq ginwa kundi tumwa at ngumiti hbng binbsa! apaka-swerte nmn tlga ni jiyeon jan dahil npplibutan xah ng shinee! hay, iddaan q n lng s panaginip at imagination ung sken.

    ReplyDelete
  2. this is getting really exciting!

    ReplyDelete
  3. kilig much!.. i so love ths chapter.. adik pa nman ako sa mga chocolates.. ako po ate!.. kahit cno sa kanilang dalawa!.. ang gagwapo eh.. hahaha..

    --DemiDoLL

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^