Thursday, June 14, 2012

10 Million Worth of Life : Chapter 4

~C H A P T E R  4~
(Esmie Saavedra POV)



Minsan ang hirap din intindihin ng amo ko. Mabait siya kung sa mabait. Minsan maloko at ang manyakis! Tatahimik bigla at maseseryoso, tapos bigla na lang magiging sweet at caring.



Nung magalit siya noon kay Cliff na isa sa mga closest friend niya, talaga namang nakakagulat! Nagawa pa niyang patalsikin yun sa school niya dahil nagalit siya sa ginawa ng lalaking yun saakin.


“Pagkatapos mo niyan, i-save mo lang sa USB ko ha.” Utos niya habang busy ako sa paggawa ng assignment namin. “At wag mo nang i-check yung ibang files jan. Baka makakita ka ng kababalaghan. Ahahahaha!”



“Ewan ko sayo!” Bastusin talaga ‘to kahit kelan! As if naman talaga na i-check ko yung ibang files  dito sa computer at USB niya noh! “Um… bakit nga pala bihis na bihis ka?” Magaalas-onse na kasi. Pero yung itsura niya, mukhang may lakad pa!



“Gusto mo bang nakahubad ako?”



“Tumigil ka nga! Ang manyak mo talaga! Tinatanong ka ng maayos eh.”



“May lakad nga ako. Sa bar ng kaibigan ko. Gusto mo sumama?”



“Wag na! Kung sinu-sinong babae na naman ang ididi-virginize mo dun noh? Hindi ka ba natatakot na magka-AIDS ha?”



“Bakit ano namang tingin mo saakin? Pumapatol kung kani-kanino? Mataas ang standards ko noh! Wag mo akong husgaan dahil hindi mo naman talaga nakikita ang ginagawa ko sa mga babae ko.” Anong hindi ko nakikita? Eh obvious na obvious na nakikipaglampungan lang siya! “And why do you sound like you are jealous? Selos ka Esmie?”



“Kapal!” Type ng mas mabilis! Click! Save! “Oh yan, tapos ko na assignment mo! Babalik na po ako sa kwarto ko ha!”



“Ahahaha! Hindi ka na talaga mabiro!” Paano ibang klase din kasi siyang mag-joke eh! Kung hindi green, out-of-this-world!!! “Anyway, thanks!”



“Welcome po!” Sagot ko nang hindi na tumitingin sa kanya at lumabas na ako ng kwarto niya.



Tapos pumunta na rin ako sa kwarto ko. Mga tatlong kwarto lang ang layo sa kwarto ng amo ko at nasa dulong hallway ito. Pagpasok ko sa loob…



“Kakainis talaga! Ang lakas ng saltik niya!!!” At siguro pagkaalis ko kanina, umalis na rin yun para nga pumunta na dun sa bar ng kaibigan niya. Ilang babae kaya ang ite-table niya ngayon?



Hay! Pakelam ko ba noh! Kahit ilang libong babae pa ang kalampungan niya, wala akong karapatan na umepal! Gusto niya yun eh kaya bahala siya!!!



@(ᵕ..ᵕ)@



Pagkahiga ko sa kama, nakatulog yata ako agad. Infairness naman kasi sa kwartong binigay saakin ni Meiro. Bukod sa malambot ang kama ko, may aircon pa!!! Kung tutuusin nga, napakasarap talaga ng buhay ko dito! Hindi mo aakalaing katulong lang ako sa mansion na ito.



At heto na nga, ini-enjoy ko ang dreamland. Matagal-tagal rin simula nang makatulog ulit ako ng mahimbing.



Nung panahong kamamatay pa lang kasi ng mga magulang ko, lagi akong binabangungot. Tapos nung nalaman ko na may malaking utang pala kami sa Yakuza, lalo naman akong napuyat sa pagtatrabaho.



Anyway, diba nga nasa dreamland na ako? So enjoyin ko na lang muna itong panaginip ko ha! I see flowers every. Try ko ngang lumipad dito! Tutal naman, it’s my dream so I can do anything I want…



“Hmm… uh… Meiro… ah~”



Teka nga! Kelan pa ako nanaginip ng malaswa? At kaninong boses yun?



“I want you now Meiro… hmmm~ ah~”



Changgala ano ba yun???



Naalimpungatan ako sa malanding boses ng babae. So iminulat ko ang mga mata ko at may gumagalaw na nga sa dilim dito sa loob ng kwarto ko. “Huh???” Nagulat naman ako kung sino yun kaya binuksan ko yung ilaw sa may side table ko at ang tumambad saakin…



“What the…” Si Meiro???



“OMG! Who is she and what is she doing in our bed?”



Owemji din!!! May kasamang half-naked na babae si Meiro at nandito sila sa kwarto ko!!! “Kyaaaaaaaaahh~ Bakit dito kayo naggaganyanan!!!”



“Oops… sorry wrong room~” Boses bangag siya!



“Hay naku babe, lasing ka na talaga!” At humagihik pa yung babae! Hindi ba siya nahihiya na nakikita ko sila?



Hindi pa nakuntento yung babae, tuloy lang siya sa pagkikipaglaplapan kay Meiro. Nag-amoy alak na nga sa loob dahil halatang pareho silang lasing. Maya-maya pa, naghubad na rin ng pang-ibaba yung girl. “Oh… wow…”



“Hay jusmio, ano ba naman yan!!!” Tumayo na ako at pilit kong tinatakpan ang mga mata ko. “Pwede ba!!! Dun kayo sa kwarto mo Meiro!” At ako pa mismo ang kumaladkad sa kanila palabas ng kwarto.



Sa nilayo-layo ng pwesto nitong kwarto ko, bakit naman mamamali pa ng pupuntahan ang dalawang ‘to!!!



“Saan mo kami dadalhin? Gusto mo threesome? Isama natin siya Meiro~”



“Ha? Eh virgin pa siya. Bawal siya sa mga ganitong bagay, honey~”



“Yuck kayong dalawa ha! Wag niyo akong isama sa mga kalaswaan niyo! Dadalhin ko kayo sa kwarto niyo kung saan kayo malayang gawin ang gusto niyo!!!” Malapit na sana kami sa kwarto ni Meiro pero bigla na lang itong natumba. Mukhang hindi na kinaya ng mokong ang kalasingan.



Pilit naman siyang ginigising ng isinama niyang babae pero hindi na talaga magising si Meiro eh. Bagsak na bagsak na ang amo ko!



Dahil jan kaya nagpatulong na ako sa ibang katulong dito sa bahay na pauwiin na yung babae at ipahatid na lang sa driver. Wala naman itong palag dahil tulog na yung taong nagsama sa kanya dito.



Ako naman, puyat na nga, kailangan pang asikasuhin ang damulag na si Meiro! Nung maiwan na kami sa kwarto niya, pahirapan pa siyang ihiga sa kama niya. “Maglalasing-lasing tapos hindi naman pala kaya! Kainis!”



“May sinasabi ka ba Esmie~” Oh bakit ngayon nagising na siya?



Akala ko tulog na siya! “Wala po Sir Meiro, sabi ko matulog ka na.”



Una kong tinanggal ang sapatos at medyas niya. Then I unbuttoned his shirt para mapunasan ko katawan niya! Bukod kasi sa amoy ng alak, pawis at sigarilyo, naaamoy ko pa yung masangsang na perfume nung babaeng sinama niya! Tsk!



“Nasaan na si Beth? Ay si Shirley pala yun… hindi si Korinna pala. Oh si Yvette ba yun? Ah tama si Dianne pala!!!” Kitam mo ‘tong lalaking ‘to! Nagsama ng babae sa pamamahay niya tapos hindi naman pala niya alam ang pangalan! O pwedeng dahil sa sobrang dami ng kasama niyang babae kanina kaya hindi na niya maalala.



“Matulog ka na nga lang Meiro. Kung sinu-sino pang babae yang tinatawag mo.”



“Esmie… alam mo bang tatlong babae lang ang kilala ko ang pangalan.” Ang daldal naman nito! Lasing na nga at mukhang pagod pa, ayaw pang matulog! “Una! Ang pangalan ng paborito kong lola, si Samira! Tapos yung pangalan ng mama ko… si Elaiza! At ang pinakahuli… kilala mo ba kung sino ha?”



“Sino?”



“Kilala mo yun eh!!! Hindi mo alam!?!” Sa dami ba naman ng babaeng nakapaligid sa kanya! Aba malay ko kung sino sa mga yun ang tinutukoy niya!



Hindi ko na lang siya pinansin at pinunasan ko ang nagpapawis niyang mukha. “Oy! Hindi mo pa ako sinasagot!!! Hindi mo kilala?” Tsk! Ang kulit! Ang likut-likot pa at pumipilit na bumangon samantalang gegewang-gewang na siya!



“Wag ka na ngang malikot Meiro. Matulog ka na pwede?”



“Yung babaeng yun…” Tapos napahiga na ulit siya at nakapikit na pero bumubulong pa rin. “Siya lang… siya lang ang babaeng hinding-hindi ko gagaguhin…”



For the first time, nagsabi ng ganun si Meiro tungkol sa isang babae. After nun, tuluyan na siyang nakatulog at hindi na niya nasabi ang pangalan ng babaeng tinutukoy niya.



Natahimik na lang ako nun. Nagtataka kung sino nga kaya yung babaeng itinuturing na iba nitong playboy na ‘to. Parang… parang ang swerte naman nung babaeng yun dahil siya lang ang seseryosohin niya kung sakali.



¬)



*krriiiiiiiiiiiiingggggggggg~*



My gulay! Ayan na alarm clock ko! Naantok pa mga mata ko dahil anong oras na ako nakabalik ng tulog! Mga alas-singko yata ako nakatulog ulit dahil ang hirap palang alagaan ang amo ko lalo na paglasing!



Ngayon pa, kailangan kong ihatid sa kanya ang almusal niya! Sanay kasi ng breakfast in bed ang mokong na yun! Ang arte! At inaantok pa talaga ako! =____=



Pero wala din akong nagawa. Bumangon na rin ako at nag-ayos saka nagpunta sa kusina para kunin na yung nilutong almusal nung chef.



Pagpasok ko sa kwarto ni Meiro, ayun nakahilata pa ang damulag! “Sir! Sir Meiro! Gising na po! Oras na po ng agahan niyo.”



“Hmmm~ niaanohmmm pa ahkk…mm” At nag-alien talk pa! Ordinaryo na yan kapag ginigising ko siya. Ibig sabihin nun “Inaantok pa ako.”



“Psh! Akala mo ba ikaw lang ang puyat at inaantok pa? Ako rin naman!” At ipinatong ko na sa lamesa yung pagkain niya na nasa tray. Saka ako lumapit sa kanya at hinila siya sa braso. “Kaya bumangon ka na rin jan habang mainit pa yung soup mo.”



“Inaantok ka pa rin?” Namulat na siya at tumingin pa saakin. Tapos bigla na lang niya akong hinawakan sa kamay ko at hinila ako kaya napasubsob ako sa kama niya. “Tulog na lang muna tayo Esmie! Gusto mo tabi pa tayo ngayon eh!”



“Uwaah!!! Ayoko!!!” Nagpanic naman ako at pinaghahampas siya!!! “Bitawan mo nga ako!!! Uwaaah!!!” Ang walang hiya!!! Nakayapos pa talaga at kahit pilit akong tumatayo, pilit niya rin akong inihihiga! “Manyak ka!!! Sisigaw talaga ako ng rape dito kapag  hindi mo ako binitawan!!!”



“Ayaw ko sabi… inaatok pa ako~” Ayaw mo ha!



*buuuugggsssh!*



“Aray~!!!” Ayan buti nga!!! Nasapul ko lang naman ang bunbunan niya! “Ang bad mo talaga Esmie! Nilalambing ka lang eh!”



Ang kapal ng mukha nito! “Matapos kang umuwi ng sobrang lasing kagabi, tapos doon niyo pa sana balak gumawa ng himala ng babae mo sa kwarto ko, tapos pinuyat mo pa ako kakaasikaso sayo, tapos magsasabi ka ng ganyan!”



*buuuuugggsssh!*



Hinampas ko siya ulit! “Aray!!! Nakakadalawa ka na ha! Baka nakakalimutan mo, AMO mo ako!”



“Hindi ko nakakalimutan yun! Kaya nga ginagawa ko ang trabaho ko na pangaralan ka! At hindi sa nakikialam ako, hindi ka dapat nagsasama ng kung sinu-sinong babae dito sa bahay niyo lalo pa at hindi mo nga alam kung anong pangalan nung mga taong dinadala mo.”



“Psh~” At nagisip-bata na naman! “You’re acting like you’re jealous, AGAIN!”



“I’m not!!!”



“Yes you are.”



“NO, I’m NOT JEALOUS!!!”



Nahiga na lang siya ulit at nagtalukbong pa ng kumot. “If not, then you can just leave.” Tignan mo ‘tong hinayupak na ‘to! Bahala na nga siya!!! Talagang aalis na ako!



At feeling naman niya nagseselos ako! ASA!



(_)

End of Chapter 4


4 comments:

  1. ~>angel is luv<~

    ako yata ang first! yes yes!!! ang daming girls na binanggitni meiro! walang hiya ka, ang dami mong babae!

    and bet ko po si esmie yung last girl na tinutukoy niya kasi si esmie lang ang lagi niyang tinatawag! diba diba?

    at lola niya si samira??? ibig po bang sabihin si eli ang lolo niya! maygawd! napansin ko yung sa name!!! nice!!!

    ReplyDelete
  2. lapastngan ka meiro! apakalayo ng kwarto mu at tlgang s kwarto p ni esmie kau magganynan ng babae mo! grbe lng ha! peo ano nga kya gingwa nia s mga babae nia? imposble nmng ngllro lng diba? hahhhahahaha!

    at c esmie nga ung thrd girl n cnasbi nia!
    "ESMIE alam mo bang tatlong babae lang ang kilala ko ang pangalan.”

    at ntuwa nmn aq dun!!! lola nia si sam??? si sam nga ba ni eli??? kasi ang mommy nia elaiza ang name! so pwedeng anak nga nla Eli at sam!!! ang gling!!!!!!!!!! o my gash sa pagkktagpi-tagpi ng stories!!!!!!!!! napnacn q din un ate!!!!

    ReplyDelete
  3. Omaygad! Ang landi lang nung babae! Gusto pa threesome!!! Hinayupak!!! Hahahaha. Teka... yung Samira ba e si Sam ng MNIL? Hahahaha! Kasi yung name ng Mama niya eh Elaiza, parang pinagsamang Sam at Eli :p parang lang naman! Hahahaha. At tama si Esmie, ang swerte nung babaeng hinding-hindi niya gagaguhin~ ayieeeeeeeh! Ang sweet lang talaga! Hahahaha. Nakakabangag ituuu! Nakakaloka si Meiro!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^