Chapter Ten
Nagulat
talaga ako nung makita ko si Charlene pero masaya rin ako at the same time, at
hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako masaya na makita sya! Ang
labo ko lang talaga kung minsan!
“Ang cute naman ng
anak nyo! Ilang taon ka na cutie?”
Nakaka-gulat
naman ang babae na to, at kung makapag-comment na ang cute naman ng anak namin
eh talaga namang ang wagas-wagas! Muka ba kaming one small happy family? At
napa-tingin naman ako sa dalawang kasama ko, ang liit ni Chay for her age ang
si Cha naman ay ang tangkad naman, eh muka ngang anak namin ang bubwit na to!
“Hindi po nila ako anak, sya po ang Ate
Charlene ko, at sya naman po ang boyfriend ng Ate ko, si Kuya Ley.”
This
kid is something! She really believes that I’m her sister’s boyfriend,
mag-kapatid nga sila pareho silang ewan. Pero bilang nag-promise ako kay Chay
na silang dalawa lang muna ang babae sa buhay ko habang nandito ako, and I also
want to see her epic reaction kapag sinabi ko sa babae na to na fiancée ko sya.
“She’s not my girlfriend!” pareho pa
talaga silang napa-tingin sa akin. Yung tingin si Chay parang nagtatanong ng
bakit at may halong disappointment. Samantalang si Cha naman ay nagnining-ning
ang mga mata sa tuwa. “She’s my fiancée!
Hindi pa kasi alam nitong cute na to na magiging tunay na nya akong Kuya!
Anyway, we have to go!”
Inakbayan
ko na si Cha at inakay naman si Chay papasok ng cinema. Yung reaction ni
Charlene, priceless yon. Parang gusto nya na may magkabit sa likod nya ng
rocket papunta sa planet Mars dahil sa mga sinabi ko, hahaha. Si Chay naman
syempre pa ay galak na galak dahil sa mga sinabi ko.
“Bakit mo ginawa yon, bakit sinabi mo dun
sa babae na yon na fiancée mo ako na hindi naman?”
Grabe
talagang magalit ang isang to, nilalabasan ng apoy ang ilong at mata! “Eh wala lang, bakit ba eh yon ang gusto
kong sabihin eh?” gusto na nya akong sapakin pero nagpipigil lang sya dahil
siguro kasama namin ang kapatid nya.
“Tara na sa loob, mamaya na kayo
mag-lambingan baka nagsisimula na yung palabas eh.” Biglang hila naman ni
Chay sa aming dalawa.
++++++++++++++++++++++++++++++
Wala
pa rin talagang kupas ang karisma ni Chris Evans sa aking mga paningin, mula sa
Fantastic Four, to Captain America at ngayon naman sa The Avengers! Oo nga at
pareho lang na Captain America yung role nya pero magka-iba pa rin yun na
movie! Santisima Trinidad Benguet na puso ito, sobrang kilig lang talaga ang
nararamdaman ko tuwing makikita ko ang maganda nyang muka!!!
“Chay, ang pogi nya talaga oh!” sabi ko
sa kapatid ko habang titig na titig sa wide screen. “Sana sya talaga ang boyfriend ko!”
Oh
sige Charlene, libre lang naman ang mangarap. “Di hamak naman na mas pogi ako kay Captain America no.” kahit
kailan talaga epal ang lalake na to, hindi naman kina-kausap nakiki-sagot. “Saka tingnan mo nga, sya ang weakest ling
sa kanilang lahat!”
“Eh kung tinatanggal ko kaya yang
pagkaka-link ng mga ugat mo sa utak at yang mga buto mo?” nakaka-loka
talaga ang lalake na ‘to, ang sarap i-debone na parang bangus. “Tumahimik ka na lang jan kung wala ka
namang sasabihing maganda!”
Mabait
naman akong tao pero bakit kapag etong alien na ‘to ang kaharap ko eh nagiging
incredible hulk ako? My goodness lang talaga, bakit ba ganito ba kasi ang
epekto nitong isa na ‘to sa akin!
“Kung mag-aaway kayong mag-asawa dun kayo
sa bahay nyo!”
Aba
naman, mag-asawa?! Maryosep!!! “Sorry
po! At FYI lang po, hindi ko po asawa ang alien na yan.” Haaaay, problema
talaga ang dala sa akin nitong si Ley.
“Ate si Capt. America nabaril nung alien!”
Waaaaaaaaahhhhh!!!
Sinong alien yung nanakit sa boyfriend ko? Sinoooooooo?????? Saktan nyo na ang
lalake na kasama namin ngayon ng kapatid ko wag lang si Capt. America dahil ako
ang makakalaban nyo. Talaga namang nadala ako ng mga eksena, ibang klase ang pelikula
na to! Andun yung napapa ‘woah’ ako dahil sa mga malulupit na action scenes,
napapa ‘wow’ dahil sa malulupit na stunts ng mga bida, napapa ‘ahahaha’ dahil
kay Incedible Hulk, at napapa ‘waaaaahhh’ dahil sa kilig kay Thor at Capt.
America, pero mas lamang yung kilig ko kay Papa Capt. A! Tapos na???
Biteeeeeennn!!!!
[A/N: pasensya na po
at hindi ako maka get-over sa The Avengers...hehe…Sa next updates MIB3 naman!!!---as
of 6-12-12, hindi na pala MIB3, pangit daw kasi eh, baka GI Joe na lang.]
“Ate kain tayo,
nagugutom na naman ako eh!”
“May anaconda ka ba sa tyan Chay, kaka-kain
lang natin kanina diba?” natakot naman agad. Anong akala nya, magpapa-libre
kami sa kanya, huh! NO WAY!!! “Saan nyo
ba gusto kumain?” pero kung willing talaga syang manlibre eh wala rin
namang problema yon sa akin eh.
“Gusto ko lang ng ice cream Kuya Ley, ikaw
ba Ate anong gusto mong kainin?”
Ano
nga ba ang masarap kainin, hmm… Iiba pa ba ako ng gusto, para naman kasing
nakakahiya kung iiba pa ako diba, baka isipin pa ng lalake na to sinasamantala
ko ang pagiging galante nya. “Ice cream
na lang din.” Masarap din naman ang ice cream ngayon dahil summer kaya yun
na lang din.
“Ice cream lang, mabubusog ba kayo doon?
Wait, I have an idea, come on.”
“Nagtanong ka pa eh yung gusto mo rin naman
pala ang masusunod. Tsss!!!” nakaka-bwisit lang yung ganon, pinahirapan pa
nya akong mag-isip at makipag-debate sa sarili ko eh sya pa rin naman pala ang
masusunod.
“Wag ka ng maraming sinasabi jan,
papakainin ko pa rin naman kayo ng ice cream ng cute nating ANAK.” At
hinila na ako ng feeling-erong lalake na ‘to. Pero teka lang, anu yung sabi
nya, ANAK? Kailan pa kami nagkaroon ng ‘cute nating anak’ na yan? Kanina lang
Charlene, nung mapagkamalan kayo nung isang babae na isang one small happy
family, nung papasok na kayo ng sinehan. “Oh,
yung butas ng ilong mo mukang lalabasan na naman ng apoy any moment. Kalma ka
lang ok, hindi naman ikaw ang magbabayad ng kakainin natin. Tara na Chay.”
Nakaka-inis
lang talaga ang tao na ‘to, ang sarap itulak sa escalator ar iipit ang ulo sa
elevator. “Ikaw talaga ang dapat
magbayad dahil ikaw ang nagpipilit jan.”
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Hay,
ang cute lang ni Ate at ni Kuya Ley kapag nag-iinisan, para lang silang
mag-jowa na nagkaka-tampuhan. Pano kaya kapag nagsama na sila talaga sa iisang
bahay, malamang walang matitirang matinong mga pinggan sa bahay nila, chickboy
kasi tong si Kuya Stanley eh.
Hanep
ang taste ni Kuya, gourmet rice toppings pala ang gusto. HELLO ZUPPA CAFÉ!!! “Kuya, dito ba tayo kakain?” excited
much ako dahil mahilig akong kumain ng kanin at ng kung ano-ano pa.
“Yup, Zuppa Café serves good foods. Tara
na.”
Kahit
hindi sabihin ni Ate Cha alam kong excited sya dahil mahilig din syang
mag-foodtrip. “Ate tara na, for sure
excited ka na rin.” At hinila ko na sya papasok sa resto.
Si
Kuya Ley na ang nag-order para sa aming tatlo, aba malay naman namin sa mga
pagkain dito diba, ngayon pa lang kami nakapasok sa ganitong klaseng kainan.
“Ayos ba? Masarap dito, sigurado ako na mag
e-enjoy kayo. What do you think Charlene?”
Basta
usapang pagkain yang si Ate walang kaaway, lahat kaibigan nya. “The place is so nice, it relaxes my nerves
na kanina pa nagwawala ng dahil sayo. And sa foods naman, muka namang masasarap
lahat pero tikman muna natin.” Pwera nga lang kay Kuya Ley, haha.
“Bakit ba kasi ang init ng dugo mo sa akin,
wala naman akong ginagawang masama sayo ah.” Oh, ang butas ng ilong ni Kuya
lumalapad. “I already said my sorry kung
hindi agad ako nakapag-thank you sayo nung tinulungan mo ako.”
“Here’s your order Mam, Sir. Enjoy your
meal.”
Epal
naman tong serbidora na to eh, ang ganda na ng drama ni Kuya ley tapos bigla na
lang ibabalandra yung muka nya sa harap namin. Pero thank you rin sa kanya
dahil dinala na nya yung orders namin. Oo, as in orders talaga dahil ang dami.
“Hindi ka na uuwi sa amin kaya pinapakain
mo na kami ng marami, uuwi ka na sa inyo mamaya?” hindi naman halata na
ayaw ng makita ni Ate si Kuya Ley. “That
is the best decision you’ve made.” Sabay subo ni Ate sa rice bowl na para sa
kanya. “This one is great, anong tawag
dito?” at talagang hindi pa sya nakuntento sa sariling rice bowl nya,
nakuha pang mangapitbahay sa bowl ko.
“Kuya uuwi ka na
agad sa inyo, paano na ako walang magtuturo sa akin?”
“Sino ba may sabing uuwi na ako sa Manila,
hindi pa ko uuwi noh! Ang saya-saya kaya dito, para ngang balak ko ng magpatayo
ng sariling bahay na malapit sa inyo eh.” Dahil sa sinabi na yon ni Kuya
Ley eh biglang umulan ng kanin sa muka nya, ahahahaha! “Ano
ba naman yan Charlene, ang baboy mo lang ha.”
Uminom
muna si Ate bago masalita, sana lang hindi na nya yun maibiga kay Kuya, pero ok
lang din naman na maibuga nya para mawala yung mga kanin sa muka nya, hahaha!
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Badtrip
naman talaga tong si Charlene, tama bang bugahan ako ng kanin sa muka?
Nakakasira ng image eh!
“Eh kasi naman nakakagulat yung mga
pinagsasabi mo kanina, pero wala ka pa rin ba talagang balak na bumalik sa
planetang pinanggalingan mo?”
Magkakasala
ba ako kung pipilipitin ko ang leeg ng isang to? “One month vacation ang nai-file ko na leave, kaya naman one month din
tayong magkakasama.” On second thought, gawin ko na nga kaya talagang one
month ang one week leave na balak ko?
“Eh ang kapal naman pala talaga ng muka mo,
one month kang makikitira sa amin, tibay mo brad! Why don’t you try to rent an
apartel para doon ka mag-stay? Doon walang Charlene na sisigaw sayo kapag
binalandra mo yung pagmumuka mo sa apat na sulok nung bahay namin at saka
walang Charise na mangungulit sayo.”
“That’s exactly the reason why I wanted to
stay sa bahay ninyo, I know I may sound crazy but I really enjoy the company of
you two.” Totoo naman yon, limited edition lang ganitong klaseng mga tao,
kaya kapag nahanap mo na, make the most out of it. “Kumain na nga lang muna tayo, mamaya na natin pag-usapan ang pag-stay
ko ng matagal sa inyo.”
“Yeheeeeey, magtatagal pa si Kuya Ley sa
amin. Ibig sabihin lang non Ate, may magbabantay at may magtuturo na sa akin
habang wala ka.”
~>angel is luv<~
ReplyDeletende pa rin xah mkgetover kei captain america! euhahahaha!
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah~ ito n pla ang inaabngn qng ud dito!
ReplyDeleteSis, Shedniz08 Here....hehehehe buti pa dito updated hehe thanks sis...
ReplyDeleteSis..ganda tlga ng mgastories mo pero update mo ibang stories mo ha...
ReplyDeletehahaha.. ang adik talaga!!! gusto ko talaga ang story na to ate!! as in!! to da highest level!! hahaha
ReplyDelete