Chapter Eleven
“No Dad, hindi ko pakakasalan ang anak
nyang kaibigan ninyo! Hershey is not my type, come on Dad!”
Sinong
matinong lalake ba naman ang gugustuhin ang isang katulad ni Hershey na
saksakan ng spoiled at demanding? Natural na hindi ako yon, wala sa bukabularyo
ko na suyuin ang isang nilalang na katulad nya.
“You’ll marry her whether you like it or not
Stanley, you MUST marry her.” Matigas na sabi ng Daddy ko sa akin, muka
ngang malapit na syang atakihin eh. “You
may leave my office now, Stanley!”
Kahit
na ano pa ang sabihin nila ni Mommy, hinding-hindi ko pakakasalan ang babae na
yon. Kung meron man akong gustong pakasalan na babae, hindi si Hershey iyon. I
don’t want to do things against my will.
“Good morning Sir
Stanley, naghihintay na po sa lobby ang mga applicants for our new HR staff.
Should we start the interview now?”
I
almost forgot, meron nga pala ngayong scheduled interview para dun sa mga
gustong makapasok as HR staff dito sa company, damn me!
“Ok, we better
start now, para naman maaga din tayong makatapos.” At pina-alis ko na si
Yannie para masimulan na agad ang interview ko sa kanila. “Anyway, where are the resumé
of the applicants?”
“Here Sir. There
are total of twenty passers of our initial examination, but we only need two
new staffs for our HR Department.”
I
browse the folder of the applicants who passed the first exam; most of them are
beautiful and has a good scholastical record. Walang itulak-kabigin kahit sa
physical appearance, lahat din maganda.
“I’ll call you when we are about to start
the interview, go ahead Yannie.”
After a couple
of minutes, tinawagan ko na si Yannie para paakyatin sa 7th floor ang mga
aspiring HR staffs. Since alphabetically arranged ang mga resume, in
alphabetical order na rin ako magsisimula.
First stop, Ms.
Vanessa Agapito. She’s too serious and plain, walang katrill-trill, I don’t
like her. “Just wait for our call, thank
you Ms. Agapito.” At itinuro ko na sa kanya ang daan palabas ng office ko.
Ilang beses na
puro na lang ‘just wait for our call, thank you.’ Wala man lang ba na
makakapasa sa mga applicants ngayon? We badly need two new staffs.
“Ms. Placido, you’re next. Good luck!”
Placido?
+++++++++++++++++++++++++++++++++++
Hindi
ko alam kung tama ba tong ginagawa ko na dito sa kumpanya ng mahangin na si Ley
ako mag-apply eh. No choice naman na ako, dito merong hiring. Hindi naman pwede
na maging choosy pa ako eh malapit na ang enrolment ni Chay. Kaya mo yan
Charlene, kaya mo yan! Isipin mo na lang na ngayon lang kayo magkikita ng
lalake na makakaharap mo!
“Good morning
Sir.” Peram naman ng camera jan, ang priceless lang nung itchura ni Ley
ngayon, bilis!!! Nanlalaki yung mga mata nya, tapos naka-nganga ang mahangin na
nilalang, tsk! “Ok lang po ba kayo Sir?”
Mukang
natauhan na yata sya. “I’m sorry.
Charlene Placido, ang masungit, suplada at amazonang babae na kapatid ni
Charise Placido, how are you?” pwede bang manapak ng future boss?
“Excuse me Sir? As far as I can recall, I’m
here for an interview to be part of this company and not to have any
conversation that doesn’t have any connection to my application.”
Bigla
naman syang sumeryoso, mukang mali yata yung ginawa ko. Pwede bang i-rewind? Eh
mukang walang patutunguhan na maganda ang usapan na to kundi sa ‘just wait for
our call, thank you Ms. Placido!’ hindi pede yon, kailangang-kailangan ko na ng
trabaho.
“So Ms. Placido, what can you contribute to
our company? And why do you think we should hire you?”
Go
Charlene, kayang-kaya mong sagutin ang tanong nya na yan with flying colors pa.
Go! Go! Go! Charlene!!!
“There as so many things that I can
contribute to your company Sir, one best example to that is my loyalty. I
wouldn’t do anything that may cause the company to suffer. I’m a very
hard-working girl and not afraid to try new things. Everything for me is a
challenge that I need to succeed, kung hindi ko man mapag-tagumpayan ang mga
challenges na yon, I know that at the end of the day I learn something new that
I can keep in my knowledge and treasure box. Alam kong wala pa akong work
experience, pero ano naman ngayon! Lahat naman nagsisimula saw ala, pero lahat
naman nadadaan sa sipag at tyaga.”
Ok,
hinga ka na Charlene. Grabe lang, parang naubos na yata yung baon kong mga
English words ah, pano na lang ako nito kung may round two pa ang interview na
to o kaya naman may English written exam. Hay Cha, mukang wala ka na talagang
pag-asa na makapasok sa isang magandang kumpanya.
“Is that would be all Ms. Placido?” mokong
nya. Obvious ba yun na lang ang kaya kong isagot sa kanya? “Go to my private living room, we’ll talk about somethings later. Open
that door and stay there.”
Hindi
ko pa naman sya amo kung utusan ako kala mo aso nya ako! Saka bakit kailangang
sa private living room pa nitong office nya ako mag-stay, pwede namang sa lobby
na lang ulet diba?!
“Sige na, pumasok ka na don!” at kinuha
na nya agad yung phone receiver sa cradle nito at tinawagan yung secretary nya
sa labas. “Next na Yannie!”
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++
“Feel at home Charlene, kamusta
na kayo ni Charise?” tanong nya agad sa akin pagkapasok na pagkapasok nya
dito sa private living room ng office nya.
“For you.”
Kailan
pa naging mabait ang isang to, inabutan pa nya ako ng juice at sandwich ha.
Halata ba na nagugutom na ako? Kasi naman hindi pa ako kumakain mula kaninang
pag-alis ko ng bahay. Syempre naman mas uunahin ko muna ang sikmura ng kapatid
ko kesa yung sa akin, diba? Buti na nga lang hindi ako nagkamali-mali sa
pagsagot sa lalake na to eh, pero hindi pa rin naman ako sigurado kung ‘you’re
hired’ ang sasabihin nya.
“Well to be honest, hindi kami
ok ni Chay kasi naubos na yung savings namin. That’s the reason why I’m
applying to different jobs para naman makapag-aral pa si Chay.” Ayoko naman
na mag-sinungaling na ok lang kami ng kapatid ko kung hindi naman talaga, pero
naisip ko din parang mali na nagsabi ako sa kanya ng totoo. “But hey, I’m not telling all of this para
matanggap ako sa trabaho. Kung tatanggapin mo man ako gusto ko yung hindi dahil
lang sa awa. Kung tatanggapin mo ako gusto ko kasi deserving ako sa trabaho na
in-apply-an ko.”
Napa-ngiti
naman ng isang maganda tong si Stanley sa sinabi ko. Siguro kung andito si
Chay, malamang na magtatawanan na naman sila ng timang na Ley na to!
“Well then, congratualations
because you are hired!”
Wo-woho-uwaaaaahhhhh!!!
I got a job, I got a job!!! Huwaw, this is it! Eto na siguro yung magiging
magandang simula para sa aming dalawa ni Chay. Mapapag-aral ko na sya sa magandang
eskwelahan, maibibigay ko na lahat ng kailangan nya!
“Maraming-maraming salamat po
Sir, thank you po!” at nakipag-shakehands ako sa kanya kasi sobrang saya ko
lang talaga, hindi ko kayang itago! “Pero
teka lang po, tinanggap mo po ba ako dahil sa alam ninyo na kakayanin ko lahat
ng trabaho dito, o dahil naawa lang kayo?” eh syempre diba, mas mabuti na
yung sigurado sa malabo.
“I hired you because I know you
can do anything that this company will ask you you to do, I know you can work
under pleasure. You’re a very hard-working lady since then, that’s one of the factors
I looked into for hiring you as one of our new HR staff.”
Grabe,
sobrang saya ko na talaga! “Thank you po
talaga Sir, thank you po!” at this time hindi ko na napigilan ang galak na
nararamdaman ko at nayakap ko na ang bago kong boss.
“Stanley!!! What’s the fuckin’
meaning of this? Why is she hugging you, and why are you hugging her?”
Sino
naman ang babae na to na wala man lang GMRC sa katawan kahit konte? Hindi ba
sya tinuruan ng magulang nya na kumatok muna bago pumasok?
“What the hell are you doing
here, Hershey? As far as I can recall, wala kang naka-set na meeting sa akin
today or to any other day? And hindi ka man lang ba sanay kumatok?”
Eto
namang isang to, ano bang drama nya at parang ayaw nyang masilayan ang muka
nitong maganda ngunit mukang may pangit na ugali? Ano bang issue nila sa buhay?
Pero kung ano man na issue nilang dalawa, I preffer not to be part of it.
“Ahm, if you both will excuse
me, I think you two need time to be alone here, I’ll get going. Thank you po
ulit, Sir.”
Ano ba
naman to, unang araw ko pa lang dito parang hindi na yata maganda. Eh baka
mamaya wala pa akong one month dito eh ipasisante na ako nung babae na yon
dahil sa selos. Pero hell, bakit naman sya magseselos sa akin eh hindi ko naman
type ang lalake na yon, kung alam lang nya eh baka bigyan pa nya ako ng pera
bilang award dahil hindi ako apektado nung charm na meron ang Stanley Montereal
na yon!
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
“What the hell are
you doing here?” nasaan ba kasi si Yannie at hinayaan nya ang babae na to
na maka-pasok dito sa office ko? “Umalis
ka na Hershey, marami pa akong kailangang gawin.”
Pero
talagang lumaki na pasaway ang babae na to, hindi pa rin sya umalis. “We need to talk Stanley. Nag-set na ng
date ang parents nating dalawa for our marriage. I think you have the right to
know that!” what the hell is she talking about? May date na agad ang kasala
namin, kanina lang sa akin sinabi ng Daddy ko ang plano nilang sirain ang buhay
ko! “And because days are passing so
fast, I think we need to hurry the preparation for our wedding!”
Mag-pakasal
syang mag-isa nya, hindi pa ako nasisiraan ng bait para gawin ko yon!
Hinding-hindi ko sya papakasalan, sakalin nyo na lang ako!
“And you think
I’ll marry you because my parents already set the date of that
marriage-for-conveneince thing?” patawa naman masyado ang babae na to,
she;s not really my type, and will never be my type of girl. “You may now leave Hershey, wala na tayong
dapat pang pag-usapan.”
“Hello Yannie,
please come to my office now!”
At
hindi nga nagtagal ay pumasok na si Yannie sa office ko, and I asked her to
assist this crazy girl to find her way out of my office. Wala namang nagawa si
Hershey ng hilahin sya ng secretary ko palabas ng office ko. Damn that girl,
she’s fuckin’ dangerous! She make me feel so sick!
Dahil
sa kanya hindi ko masyadong naka-usap si Charlene, hindi ko nasabi sa kanya
kung kailan sya magsisimula sa bago nyang trabaho. Maybe I should visit her and
Chay, wala naman sigurong masama kung gagawin ko yon, just for the old time
sake.
na shock naman ako sa mga happenings dito.. grabe sa interview ah!!.. at sino nman tong bruhang hershey na to???.. ang ganda na ng scene eh.. umepal pah.. i wonder wat will happen next.. go cha,seduce him nah!! hahaha..
ReplyDeletekpag umiepal yng hershey n yan,. ppaslangin q yan!
ReplyDelete