Tuesday, June 12, 2012

10 Million Worth of Life : Chapter 3

~C H A P T E R  3~
(Esmie Saavedra POV)



“Esmie, pabili naman kami ng drinks. 2 orange juice, 3 ice tea, 3 soda and one bottle of water.”



“Make it two!”


“Make it three!”



“Samahan mo na rin ng food Meiro~”



“Oo nga kanina pa kami nagugutom.”



“Sure babes, ano bang gusto niyo?”



“Anything will do.”



“Pareng Meiro, kami rin ha! Pizza naman ang gusto namin!”



“Okay! Oh Esmie, narinig mo lahat yun?”



“Yes po…” At umalis na ako sa harap nilang lahat!



Mga hinayupak! Ang sarap paghahambalusin ng mukha! Naalala ko ang bilin ni Meiro noon eh! Sabi niya sa kanya lang ako makikinig! Sa kanya lang ako kukuha ng utos! Eh bakit ngayon pati ang mga kabarkada niya at malalandi niyang babae, inaalipin na rin ako! Ayayayayay!!!



Tatagan mo lang ang loob mo Esmie! Tandaan mo, naninilbihan ka para mabayaran ang milyones mong utang! At utang na loob mo rin sa kanya ang buhay mo ngayon!



Pagbalik ko sa room bitbit ang mabigat na inorder nilang mga drinks at pagkain… “May iuutos pa ba kayo?”



“Wala na. You can rest Esmie.” And smile! Nakow Meiro!!! Hindi na ako madadaan jan sa pag-angelic smile mo! Kakainis!



But then dahil sa sinabi naman niyang pwede na akong magpahinga, naupo na lang ako sa isang tabi! At least maipapahinga ko na ang nanginginig kong tuhod at paa! Kakapagod kaya ang magpabalik-balik! Bili dito, bili dyan! Utos dito, utos doon! Hay! Buhay katulong nga naman!



“Esmie~”



Naku ilang sandali pa nga lang akong nakakaupo, may utos na naman siya? “PO!?!”



“Smile naman jan!” Sabay may tinapon siya saakin isang juice in can at buti na lang nasalo ko. “Reward mo yan! Good girl ka kasi!” At ngumiti ulit siya.



Good girl? Ano ako aso? “Thank you ha!” Pero salamat na din at binigyan niya ako ng inumin! Kanina pa din ako nauuhaw eh.


ͼ(ݓ_ݓ)ͽ



At sa inaraw-araw na nagdaan sa tuwing nasa school kami, palagi lang ako naninilbihan sa kanya at sa mga kaibigan niya… pati na rin sa iba’t ibang babae niya.



Grabe talaga siya! Yung mga babaeng kasama niya, araw-araw ding napapalitan! At kung minsan pa, gumagawa sila ng kalaswaan kahit nandito sa school! Kakadiri! Ginawang hobby ang pagpi-PDA!!!



“Meiro~ ah…” Ano ba naman! Itong bago niyang babae ngayon, ang ingay!!!



“Sheesh… Wag kang maingay…”


Kakakilabot lang yung ungol nila! Mga lahing manyakis talaga! Sa pagkakaalam ko, yung babaeng kalandian naman niya ngayon, galing sa isang mayamang pamilya. Kaya nga nakakapagtaka na bakit parang pakawala siya kung umasta? Binibigay niya ang katawan niya ng ganun na lang! Hay naku! Kaduray!!!



Kung itatanong niyo nga pala kung paano ko nalalaman ang mga pangyayari, nandito kasi ako sa labas ng room kung saan gumagawa ng himala yung dalawa. Dito lang daw ako bilang taga-bantay kung may mapapadaan na iba.



Ayoko naman talaga sanang malaman ang mga kahalayan nila, wala lang talaga akong magawa. And to be honest, dahil nga ilang beses na itong nangyayari, parang naging daily routine ko na ito as Meiro’s personal assistant so sinasanay ko na lang ang loob ko.



“Yow! Si Meiro? Hindi pa ba sila tapos?” Nandito na naman si Cliff!



“Oo. Nandun pa sila sa loob. Kasisimula pa nga lang.”



“Talaga?” Tapos sinilip niya yung pinto at narinig kong sumigaw yung babae at si Meiro na parang nakakaabala daw siya. “Oops! Sorry! Sige ituloy niyo lang!” At natatawa siyang umiling.



Hindi ko na lang pinansin yung kaibigan ni Meiro kasi akala ko aalis na siya. Pero nakatayo lang siya at parang nakatingin saakin. “Balita ko virgin ka pa daw? Never been kissed and touched.”



Napatingin ako sa kanya ng masama. So sinabi ni Meiro yun sa kanila? “Oh? Ano ngayon?”



“Esmie… hindi ka ba nalulungkot na…” At dahan-dahan siyang lumapit saakin. “…ikaw nakikinig ka lang habang may ginagawa yung amo mo dun sa loob.”



“Bakit naman ako malulungkot?”



“Kasi mag-isa ka lang.” Nakaramdam na ako ng masamang kutob sa plano nitong lalaking ‘to! Balita ko, pinaka-manyak daw siya sa lahat. Lalo pa akong kinabahan nung binalak ko sanang umalis pero ni-corner niya ako sa may pader. “Oh saan ka pupunta?”



“Ano ba! Lumayo ka saakin!” Pinilit ko siyang itulak palayo pero wala lang sa kanya.



“Magiging maswerte ka kung ako ang magiging first kiss mo.” Ano siya si Kissing Bandit? Feeling! Ang pangit niya kaya!!!



“Ayoko sabi!!! Hwaah!!!”



“Wag ka nang lumaban!!! It’s just a kiss!!! You’ll like this for sure!!!” Hindi ako makapalag dahil ang lakas niya. Sobrang lakas na wala akong magawa! At papalapit na talaga ang pangit niyang mukha at nakakadiring nguso!



Naiiyak na nga lang ako kaya pinikit ko na lang ang mata ko at…



*buugggggsshhh!*



Sa isang iglap, nakatumba na sa sahig si Cliff! At si Meiro, nandito na siya at iniwan niya yung kasama niyang babae. Si Meiro ang dumating at sumuntok sa sarili niyang kaibigan… “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa kanya ha?”



“Pare naman, I’m just playing with her.”



“Meiro, wag mo na nga silang pakelaman…” At pilit namang kumakapit sa braso yung babae kay Meiro.



Pero hindi ko ma-gets kung anong iniisip ni Meiro. Hindi niya lang kasi pinansin yung babae at sa halip, sinuntok pa niya ulit si Cliff. “You don’t play with her because she’s mine!!!” At kinuwelyuhan pa niya siya saka itinulak ulit.



This is the first time na makita kong galit si Meiro.



“Okay!!! Sorry!!! I won’t do it again! She’s all yours!”



“Good! And I don’t want to see your face again in my school or else I’m going to make your life here a living hell.”



“Hah? Pare naman…”



Hindi na niya pinansin pa ang pagmamakaawa niyang kaibigan. “Let’s go…” Yun lang ang sinabi niya kaya sumunod naman ang babae niya pero… “Not you.”



“What? But Meiro???”



“I’m no longer in the mood.” At tumingin siya saakin. “Let’s go Esmie.” Saka niya ako hinawakan sa braso at umalis na kami pareho.



(◑..)



Tahimik at seryoso lang si Meiro nung nasa loob kami ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa mansion niya.



Wala naman na daw siyang iuutos kaya pwede na daw akong magpahinga. Pero papasok palang sana ako sa loob ng kwarto ko, pinigilan niya ako ulit…



“Where did he touch you?”



Umiling lang ako bilang sagot. “Hindi niya natuloy kasi tamang-tama na dumating ka.” Narinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga niya tapos tumalikod na siya. Pero bago siya umalis,  “Um… thank you. Thank you ulit Meiro.”



He just smiled when he heard me said that. Lumapit pa siya saakin and he even patted my head. “You’re welcome Esmie. I own you so it’s also my job to protect you.”



And I don’t know what happened dahil parang biglang nag-slowmo ang lahat. Lalo pa nung yumuko siya just to kiss me on my cheeks.



I’m supposed to get angry, but I'm not.



And I just watched him go habang naiwan akong nakatayo at nakatulala pa rin. Napahawak na lang ako sa pisngi kung saan niya ako hinalikan at saka ko pinakiramdaman ang naging mabilis na tibok ng puso ko…



“A… ano bang nangyayari saakin…?”



(-''-)?

End of Chapter 3

5 comments:

  1. MY GOODNESS KA MEIRO!!! NIKIKILIG NAMAN AKO SAYO!!! PWEDE BANG AKO NA LANG SI ESMIE??? BWAHAHAHA... NAGLANDI NA NAMAN ANG REYNA!!! AHAHAHA!!! UPDATE MO NA TO AGAD SIS... NGAYON LANG ULIT AKO NAGKARON NG INTERES MAGBASA KAHIT NA BUSY!!!



    PARANG AWA MO NA, UPDATE MO NA TO PLEASE!!!!

    ReplyDelete
  2. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! ang landi landi ni meiro! may ganung eksena pa with other girl! omg! pero kinilig ako nung niligtas niya si esmie! yan kasi, sabi nang sa kanya lang si esmie, rirapin mo pa cliff ha!

    ReplyDelete
  3. ~>angel is luv<~

    grabe ka meiro! pervert ka! sino na naman yang babae mo!
    pero buti dumating ka at niligtas mo si esmie sa pervert na si cliff!
    eww siya rapist!

    ReplyDelete
  4. Wow Meiro ha! Ginawa daw bang look out si Esmie?! At feeling naman nitong Cliff na toh! -__- nakakatawa siya kasi magugustuhan daw ni Esmie. Jusmio naman!!! Feelingerong unggoy! Hahahaha. Eeeeeeeeeeeeeeek! Kinikilig ako~ ang sweet naman ni Meiro kahit na manyakol siya!!! Hihiihi~

    ReplyDelete
  5. Wiieh~ kinikilig ako sa last part! Mwehehe

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^