Saturday, March 3, 2012

After All : Chapter 48

Chapter 48:
Bridal Shower
[Avee’s POV]


Yeah…you read it right..may POV din ako. Ewan ko nga ba at bakit kung kelan patapos na ang kwentong ito saka pa ako naisipang bigyan ng POV ng pasaway na author nito. Akala ko dakilang extra lang ako eh.

Kung sabagay lagi naman kasi akong wala sa Pilipinas kaya di ako masyadong nag-eexist.. (pero bakit naman si Aya? Sa Japan na halos nakatira?)
Oo na…siya kasi ang bida di ba?

Kung wala si Aya..walang After All..kaya sige thank you nalang sa pagiging extra ko dito.

Ayon sa aking obserbasyon sa nalalapit na pagtatapos ng kwento ay gumaganda ang buhay at lovelife ng mga friendships ko.

Maayos na ang lagay ni JM mula sa malupit na kamay ni Xander. Pareho silang ligtas ng baby niya. Nakakatawa yung reaksyon ni Jake nung nalaman niyang preggy si JM. Mukha siyang ewan..hahaha.. pero obvious naman na happy siya na magiging daddy na siya. At dahil medyo sensitive ang pagbubuntis ni JM ay pinagreresign na siya sa work ni Jake.

How sweet!!!!
Nagpaplano na nga silang magpakasal eh. Kaso nagreklamo si Regine. Moment niya daw ngayong taon kaya naman sa Judge nalang muna sina JM at Jake magpapakasal. Patatapusin daw muna nila ang kasal nila Lance at Regine.

Parang adik lang eh…alam naman nilang may baby ng involved. Mabuti nalang at mabait yung dalawang pasaway na magjowa para pagbigyan ang kapritso ni Regine. Mukha namang super happy sina Lance at Regine sa wedding nila eh…happiness was written in their eyes. Sinong mag-aakalang magkakatuluyan ang dalawang ito? Eh si Aya ang lovelife ni Lance dati…well…atleast everybody happy.

Speaking of sinong mag-aakala…

Magkasabay na dumating ng hospital sina West at Queen. Sila na nga yung pinakahuling dumating eh.

Ang most intriguing part…

We saw them walking HHWW PSSP!!!

As in..

Holding Hands While Walking, Pa Sway- Sway Pa.

Kaloka sila…daig pa nila ang aso at pusa kung mag-asaran eh. Sabagay…si Queen lang naman ang nakakapagpalabas ng tinatagong emosyon ng big brother sa grupo namin.

Ganun siguro talaga…it’s either yung taong kinaaasaran mo o yung taong mahal mo lang ang may kakayahang ilabas ang natatagong emosyon ng puso mo. Dinaig pa nila ang arnibal sa sobrang sweet ngayon eh. Kaya tuloy inulan sila ng tukso ng buong barkada.

Si Maddy naman nagsend ng picture samin ng wedding nila ni Ivan…Sa America sila ikinasal three days ago. Hindi na kami nakapunta kasi biglaan daw eh. Pero sina Vince at Aya naka-aatend ng wedding nila kasi may show daw si Aya sa Los Angeles that time. Isinabay narin nila sa pagpunta.

Ok fine!!! Sige!!! Sila na may lovelife..

Hayyy!!! Naiingit naman ako sa mga friendships ko..kasi mukhang natagpuan na nila ang mga soulmate nila. Even Vaughn…dinidiskartehan si Raffy. Mukhang nakakaget-over na siya sa torpe image niya. That’s good.

Paano naman ako??? Inggitera much…hahaha

I glanced at one particular man and sighed.

“Guys…I think I have to go…may shooting pa kasi ako mamayang gabi eh…kailangang mag-beauty rest.” Paalam ko sa kanila.

“Ganun ba? Sige…salamat ah…ingat ka” sagot ni JM.

“Okay…sige..ingatan mo si baby ah…first angel ng barkada yan.” I said and kissed her in the cheeks.
“oo naman”

“Aalis na din ako” biglang paalam ni Lieu.

Napatingin naman ako sa kanya, nakataas ang kilay.

“Bakit ka naman sasabay sakin?”

“Sinabi ko bang sasabay ako sayo? Ang sabi ko lang aalis na din ako”

Okay Fine!!! Pahiya ako dun.

“Mauna ka na!! ayokong kasabay ka” pagtataray ko bilang panakip sa pagkapahiya ko sa sinabi niya.

“As if naman ako gusto kong kasabay ka…sige bye guys…”

At lumabas na siya ng pinto ng private room ni JM.

Nang-gigigil na inambahan ko naman ng suntok ang nakasaradong pinto dahilan para matawa ang mga kaibigan naming nasa loob ng silid.

“Avee…don’t forget sa Saturday ah..” paalala ni Regine.

“Saturday??? Yeah…okay sige” bridal shower na nga pala niya sa Saturday.

Matapos magpaalam ay lumabas na din ako ng silid.

+++++++++

[Regine’s POV]

Saturday…

Nakakatuwa dahil kumpleto ang barkada. Even Aya came back from Japan to attend my bridal shower. Hanggang wedding ko na daw sila ditto ni Vince.

Sa isang hotel ang bridal shower ko. Ayaw naman kasi ni Lance na sa condo eh.

In the morning we had a spa and complete beauty treatment. Then nagpareseve sila sa restaurant for our lunch. Yung mga friends ko talaga ang gumastos for this event.

When the night came we proceeded to our reserve room.
Hindi ko alam kung anong kalokohan ang inihanda ng mga friends ko since all girls night-out naman ito.

I received various gifts from them and they urged me to open it. Maloka-loka ako sa ibinigay na regalo sakin ni JM.

It’s a lingerie na wala na talagang itatago sa katawan. Kulay pula siya na see-through.

Pulang-pula talaga ang mukha ko when I received that.

“Baliw ka talaga JM..kaya ka nabubuntis eh” pang-aasar ni Aya dito.

“weiiii….hahaha…halleerrr??? bridal shower kaya ito”
“bakit kailangan pa magsuot ng ganyang damit di ba? Eh huhubarin din naman niyo yan sa honeymoon niyo.” Tanong ni Ching.

“Syempre para sexy ang dating saka may thrill”

“hay naku kung ako yan…wala ng ganyan…hubad agad” biro ni Queen.

Inulan naman namin siya ng asar.

“Uy!!!! Nagpaplano..baka ikaw na sumunod sakin ah” biro ko sa kanya.

“Congratz ate Queen…sa simbahan na ba ang tuloy niyong dalawa ni kuya?” bati naman dito ni Aya.

“Hindi pa naman namin napag-uusapan syempre kung ako…gusto ko diba?”

“ayyyiiiiieee….kinikilig ako…”

“eh ikaw Aya??? Kelan kayo ikakasal ni Vince?” tanong ni Avee.

“Ewan ko…bawal pa kasi ako mag-asawa at magbuntis eh..kailangan ko pa matapos yung one-year contract ko sa Japan kung ayaw kong makasuhan ng breach of contract”

“Hala??? Eh paano yan? Anong sabi ni Vince?”

“ayun…asar na asar na nga eh..hahaha..kasi kahit na magkasama kami sa Japan magkahiwalay naman kami ng kwarto… Conservative kasi sina Lolo at Lola eh.”

“eh di tigang pala si Vince dun?” react ni JM.

Napatingin naman kami dito.

“Grabe ka magsalita JM ah…tigang talaga???” natatawang sita ko sa kanya.

“Halllerrrr???? Wag niyong sabihing ngayon pa kayo magpapaka-OA ah…. I’m sure lahat naman tayo dito may alam na sa ganyang bagay”

“Kaya ka tuloy nabuntis…ang dami mong alam” pang-asar ni Raffy.

Nauwi tuloy kami sa tawanan.

“Ano ka ba? Tumatakas kaya yun sa gabi..pumupunta siya sa kwarto ko..then babalik din siya ulit sa room niya kapag mag-uumaga na” natatawang kwento samin ni Aya.

“para-paraan lang iyan…mautak din si Vince eh” komento naman ni Queen.

Nakakatuwa talaga silang kasama. Ang kukulit.

Natigilan kami ng may biglang mag-doorbell sa kwarto.

“Ayan na yata yung regalo ko” tumayo si Avee para tignan yung nagdoorbell.

Bigla namang tinakpan nina Ching at Raffy ang mga mata ko.

“ui..ano ito?”

“surprise namin yan.”

Syete!!! Mukhang alam ko na kung anong klaseng surprised ito ah..

Hinayaan ko nalang yung mga kaibigan ko na gawin ang gusto nila.

Maya-maya ay narinig kong nagpatugtog sila.

Yung kontrobersyal na “Careless Whisper” ang pumailanlang sa loob ng kwarto.

Mukhang may balak pa yatang mag 2nd round sina Katrina Halili at Hayden Kho ah.

Naramdaman kong may nagtanggal ng takip sa mata ko.

Ganoon nalang ang gulat ko ng may isang lalaking nakaboxer shorts lang na gumigiling-giling sa tapat ko.

Naghihiyawan naman ang mga kasama ko sa kwarto.
Grabeng mga babae ito. Feel na feel nilang pagtripan ako.

“Bakit may ganyan?” natatawang tanong ko sa kanila.

“Ano ka ba?! Kasama yan sa bridal shower noh!!! I’m sure mas matindi pa nga dyan ang ginagawa ng mga boys eh… sigurado akong madaming babaeng kasama yung mga yun.” Sagot ni Avee.

“Naku!!!! Subukan lang ni Lance noh!!!..teka nga matawagan nga yung lalaking iyon.”

Pero inagaw ni Queen ang cellphone ko at pinatay.

“Huling araw na ni Lance sa pagkabinata kaya pagbigyan mo na…saka nagpromise naman yung mga boys na clean fun lang eh…wala daw silang gagalawin”

Umingos naman si Avee.

“maniwala kayo!!!... palay na ang lumalapit noh!!! Tutuka at tutuka ang manok!”

“Hayaan niyo na sila…eh di magsaya din tayo.”

“Yeah!!!! Let’s party!!!!” at sinabayan ni Avee ang pag-giling nung macho dancer.

May part two nga yata sina Hayden at Katrina.

Mukha namang nainggit yung iba kaya nagmistulang dance floor ang loob ng silid ko.

[Lance POV]

Puro kalokohan talaga itong mga brhaw ko. Kahit sinabi ko ng wag na kaming magkaroon ng bachelor’s party eh talagang pinilit pa nila. Kasehodang sila ang gumastos sa lahat.

Ngayon nga ay nasa condo unit kami ni Lieu. Since siya ang promoter nitong kalokohang ito.

Kumpleto ang barkada dahil umuwi din si Vince. Kasama daw niya si Aya pero di ko pa siya nakikita ngayon eh. May bridal shower din pala silang ginagawa nila Regine.

“Kumusta na kaya yung mga girls?” tanong ni West.

“Siguro nag-eenjoy…ang gwapo at macho nga daw nung lalaking nakuha nila eh sabi ni Ching” sagot naman ni Jake.

“Ano?????!!!!!”

“So talagang kailangan sabay-sabay pa kayong tatlo ah” natatawang sabi ni Vaughn samin.

Sabay-sabay kasi kaming nagsalita nila West at Vince eh.

“Bakit may lalaki?!” nakakunot ang noong tanong ko sa kanila.

“malamang Lance bridal shower iyon eh.”

“Hindi pwede yun.” Kinuha ko ang cellphone ko para sana tawagan si Regine pero naka-off ang cellphone niya.

“S**T!!!! nakaoff pa talaga ang cellphone ah!”

“Ano ka ba naman Lance! Wag mong sabihing pag-aawayan niyo pa yan? Eh natural nalang iyan eh.” Sita ni Lieu.

“Hindi ako papayag na may ibang katawan ng lalaking makita si Regine! Ayokong madumihan ang utak nun. Saka baka kung anong gawin nung lalaking iyon sa kanila. Puro pa naman sila babae. Baka rapist pa yun….Vince tawagan mo nga si Aya!”

Agad namang tinawagan ni Vince si Aya. Daig ko pa ang naghihintay ng oras ng bitay habang tumutunog yung cellphone.

Maya-maya ay sinagot din niya ito.

“Hello”

Bago pa makasagot si Vince ay inagaw ko na sa kanya yung cellphone.

“Hello!! Aya?! Bakit nakapatay yung cellphone ni Regine at saka bakit ang ingay dyan sa inyo ah!!!” sigaw ko sa kanya.
“Hello??? Sino ito??? Lance??? Sorry di kita marinig eh”

“Hello???!!! Aya???!!! Syet!!! Naputol pa!”

“baka nalobat na siya…di niya pa kasi naichacharge yung cellphone mula nung dumating kami.” Sagot ni Vince at kinuha sakin yung cellphone.

“Alam mo Lance ang OA mo” nailing na sabi ni Lieu.

“I’m going”

“Saan ka pupunta?”

“Pupuntahan ko sina Regine. Baka kung ano nang pinaggagawa ng mga iyon eh”

“sasama ako” tumayo na din sina West, Jake at Vince.

“Teka!!! Paano naman yung babaeng kinuha ko?” angal ni Lieu.

“sayo nalang…tutal ikaw naman ang may gusto niyan eh”

Wala ng nagawa si Lieu kundi bayaran nalang yung babae dahil maski yung ibang guys ay sumama na din samin.

Pero panay ang reklamo ni Lieu sa sasakyan.

“Ikaw na Lance!!! Ikaw na!!!..ikaw na KJ..ikaw na OA!!!”

“Ano bang inirereklamo mo dyan Lieu?” iritableng tanong ko sa kanya.

“Hindi kasi nakaiskor dun sa babae eh” nakatawang sagot ni Jake habang nagmamaneho.

“Eh di ba sinabi ko ng sayo na nga lang yun..ikaw naman nagbayad dun eh pero pinaalis mo”

“Eh ano pang sense ng party na ito kung wala yung celebrant. Nagpapaka-OA magreact nung nalamng may lalaking kasama yung fiancée niya sa bridal shower nito” parinig ni Lieu. Nakasimangot pa din.

“Seloso pala si Lance eh” komento naman ni Vince. “fiancée mo na nga eh dapat di ka na nagseselos”

“Baka daw kasi biglang umatras si Regine eh at marealized niyang mas magandang lalaki pala yung kasama nila” biro naman ni Vaughn.

“Bakit ikaw ba Vince hindi ka nagseselos kapag may kasamang iba si Aya?” tanong ko.

“May tiwala naman ako kay Aya saka kung wala namang dapat ipagselos eh bakit ako magseselos…besides subok na yung relasyon naming dalawa…five years ba naman ang nakalipas pero ako pa rin ang mahal niya” proud na sagot naman ni Vince.

“OA lang talaga yang si Lance maka-react”
“Tumigil ka dyan Lieu kung ayaw mong pababain kita sa sasakyan”

Bakit mo ako pabababain eh kotse ni West ito hindi naman sayo”

“Fine!!! Kapag di ka tumigil bababa ako sa sasakyan”

“eh di bumaba ka…sinong tinakot mo?”

“Hay naku tumigil na nga kayong dalawa.ang ingay niyo. Sumasakit ang ulo ko” saway samin ni West.

Pareho naman kaming nanahimik ni Lieu hanggang sa makarating kami ng hotel.

+++++

[Vince POV]

Natatawa ako kay Lance nung makarating kami sa hotel kung saan ginaganap ang bridal shower ni Regine.

Daig niya pa ang torong may hinahabol na pulang tela sa sobrang bilis maglakad.

Pagdating namin sa room hotel ay nagulat pa yung mga girls na makita kami.

“Anong ginagawa niyo dito?!” gulat na tanong ni Avee.

“OA si Lance…OOOOOO--------AAAAAAAA!!!!”

“Lieu isa pa sasapakin na talaga kita!!!”

“Lance...anong ginagawa mo dito?” biglang lapit ni Regine.

“Eh ikaw anong ginagawa mo? Bakit may lalaki dito?”

Napatingin kami sa lalaking tanging boxer shorts lang ang suot na halatang nagulat sa biglaang pagdating namin.

“Eh…sila ang may dala niyan dito eh”

“Natural lang naman yun sa bridal shower diba?” depensa naman ni Avee.

Binalingan ni Lance ang lalaking nakatulala pa din.

“Ikaw!!! Kapag bilang ko ng tatlo at di ka pa umalis ditto ipapakulong kita” sigaw ni Lance sa pobreng lalaki.

Mukha namang natakot ang lalaki kaya agad nagtatakbo palabas ng silid. Isinara naman ni Vaughn ang pinto.

“Hay naku!!!! OA nga!!!” react nina Avee, Queen at JM.

“Tumigil kayo ah!!! Wag niyo akong asarin” sita ni Lance sa mga ito.

“OOOOOOOAAAAAAAA!!!!!”

“Shut up!”

“Uy teka…nasaan si babydoll ko?” tanong ko ng di ko makita sa silid si Aya.

“ayun..bagsak kahit di naman uminom ng alak…natutulog na dun sa kama.” Sagot ni Regine.

“May Jetlag pa kasi yun” sabi ko at pinuntahan sa bedroom si Aya.

Pero dinig ko pa din ang usapan nila.

“Since nagpapakaOA naman si Lance eh di tayo-tayo nalang ang magcelebrate…sayang ang alak at pagkain” yaya ni Jake.

“Yeah!!! Tama yun…lets party-party!!!”

“Hay naku maglalasing ako dahil nakakaasar si Lance” reklamo ni Lieu.

“Ako din…sayang yung bayad ko” segunda ni Avee.

Nakakatuwa yung dalawa. Mukhang may future sila ah.

Yun eh kung di mauunahan ng pride ang bawat isa.

+++++

2 comments:

  1. lang chapters na lang po ang natitira dito?
    diba patapos na?

    i hope mas marami pang moments nina aya at vince... para kasing lumalamlam na yung about sa kanila, nakakamiss!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hangang 50 nalang po ito..at sa final chapter ay sina Aya at Vince ang magtatapos ng kwento..

      thanks for reading po.

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^