Thursday, February 2, 2012

After All : Chapter 22

Chapter 22:
New Found Love
[Aya’s POV]


The Boracay get away with Vince, Madz and West was fantastic. Nag-enjoy naman kaming apat. Thanks to me pinayagan si Madz ng daddy niya na sumama.


Pero namimiss ko si Lance. Ilang araw na kaming di nagkikita o nagkakausap man lang mula nung nangyari yung insidente sa pagitan naming dalawa.

Bukas na yung alis ko papuntang Australia para lumaban. Hindi ko alam pero parang mabigat yung loob ko sa pag-alis. Ang barkada naman pupunta sa Baguio kasi may seminar na aatenan sina JM. Lieu, Jake at Vince. Yung iba trip lang sumama. Ako nga lang ang di makakasama eh kasi nataon sa laban ko.


Iba’t ibang school yung makakalaban ko internationally. Actually hindi ko naman hangad ang manalo, yung marecognized lang yung galling mo okay na sakin and be part of that convention is a price already for me dahil hindi lahat ng tao nabibiyayaan ng chance to experienced that.


Marami pa namang pagkakataon na makakasama ko ang barkada at hindi naman mawawala ang Baguio.


Or so I thought.


Bukas na ang alis ko and yet hindi pa ako nakakapagpaalam kay Lance.


I tried to dial her cellphone number pero unattended. Nagpalit na ba siya ng number? Kapag tumatawag naman ako sa bahay nila lagi syang wala.


Napabuntong-hininga ako. I decided na pupuntahan ko nalang siya sa bahay nila. Ayoko din naman ng ganito nalang kami lagi. Namimiss ko na yung bestest best friend ko.


Tumawid ako sa kalsada papunta sa bahay nila Lance. Katapat lang naman ng bahay namin ang house nila and yet hindi kami nagkikita.


Pagdating ko dun agad kong pinindot yung doorbell.


Pinagbuksan naman ako nung guard since matagal na kaming magkaibigan ni Lance eh kilala na ako sa kanila kaya pinapasok agad ako.


“ Good morning Sunshine. Nasa Swimming pool po sila Senyorito Lance.”  Bungad sakin ni Yaya Ena. Ang mayordoma-slash-yaya ni Lance noon.


“Sunshine” ang pet name sakin ni Yaya Ena. Para daw kasi akong sinag ng araw. Ako daw kasi yung taong nagbigay liwanag sa buhay ni Lance.


Kahit hindi pa ako nagsasalita alam na agad niya ang itatanong ko.


 “ sila? May bisita po si Lance?” takang tanong ko.
Sino naman kayang bisita nun ni Lancelot?


Imbes na hintayin ang sagot ni Yaya Ena dumiretso na agad ako papunta sa swimming pool area.


Dinig ko ang boses ni Lance. Mukha ngang may bisita siya at nagtatawanan pa sila.


I decided na wag muna agad pumasok ng swimming pool area. Para kasing nanghina ako bigla.


Babae yung kasama ni Lance at parang pamilyar sakin ang boses nun.


Huminga ako ng malalim at dahan-dahang pumasok.


There, I saw Lance and Regine having fun. Nagkukulitan pa sila sa swimming pool.


Parang may pumipiga sa puso ko pagkakita sa kanila.


Seems like they didn’t notice that I was here because they oblivious in each other.


This is the first time that I saw Lance laughing like that towards other woman. Nasanay akong ako lang ang nakakapagpatawa sa kanya ng ganun but it seems like Regine was doing a great job.


Looks like she finally able to capture Lance heart.


I smiled bitterly to myself as I felt tears starting to flow in my eyes when I saw Lance about to kiss Regine.
 I decided to leave that place without them noticing me. Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko sa kanila.


Dahan-dahan akong bumalik sa loob ng bahay at iniwasan kong may makasalubong na kahit sino lalo na si Yaya Ena dahil for sure magtatanong yun kung bakit ako umiiyak.


Hindi ko pa kayang magsalita dahil hindi ko rin alam kung anong sasabihin at iisipin ko.


Nginitian ko nalang si Manong guard nung palabas na ako ng bahay. Kung napansin man niyang umiiyak ako eh wala na akong pakialam basta gusto ko na lang makaalis ng bahay na iyon.


(T_T)

[Lance POV]


I called Regine to come over into my house. Madalas na kaming magkasama after our first date. Supposed to be uuwi n asana siya nun sa Korea pero parang nagpahaging siya na kung pipigilan ko siya eh hindi siya uuwi.


Ewan ko pero by that time sobrang frustrated ako sa nangyari samin ni Aya. Parang kailangan ko ng ifocus sa ibang bagay ang atensyon ko at ibuhos sa ibang tao ang panahon ko. Ayoko ng guluhin ang relasyon nila ni Vince. I don’t want to be the bad guy in the story. Saka I think it’s the best for both of us.


Nahihirapan din si Aya at nasasaktan.


So, ayun by the time na lilipad na papuntang Korea si Regine sinundo ko siya sa airport at pinigilan munang umalis.


“ I can stay for atleast 6 months here in the Philippines. Kasi after that I need to enroll na.” she told me nung sinabi ko na wag na muna syang umalis.


I know alam na din siguro ni Regine yung dahilan kung bakit ko siya pinigilan. And she’s a good girl to understand me.


“ alam ko namang kailangan mo ng distraction eh kaya sige kahit ganun ang magiging papel ko sa buhay mo okay lang..basta sabihin mo lang sakin kung ako na ang mahal mo at hindi na si Aya.”


Hayy!!! May mga martir pa pala talaga sa mundo.


I try my best na magustuhan siya. We always hang-out, dine somewhere, spending time with each other. Hindi na nga ako sumasama sa mga barkada. Kung nakakahalata man sila I don’t care anymore.


Napukaw ang pag-iisip ko nang maramdaman ko ang malamig na tubig ng swimming pool na tumama sa mukha ko.


“ hey!!! Saang bahagi na ng Earth nakarating ang utak mo? Kasama ba ako dun ha?” malambing na sabi sakin ni Regine.


Nasa pool area kami at nagsuswimming. Ayon na din sa kagustuhan niya.
Pinagmasdan ko si Regine. She’s wearing a red two-piece swim suit. Napakaseductive ng dating noon. I admit at the age of 20 eh maganda na ang hubog ng katawan niya.


She got a drop dead sexy body. Naalala ko tuloy si Avee bigla. Kapag sinabing sexy kasi si Avee ang unang papasok sa eksena.


Regine may not be as beautiful as Aya but she posses a very attractive aura na bibigyan mo ng second look. Especially the dimples in her right cheek na talaga naming agaw pansin.


“ so, pasado na ba ako?” nakangiting tanong ni Regine at nagpose sa harapan ko.


Napansin siguro niya na pinagmamasdan ko siya.


I gave her a naughty smile as I swam towards her in the pool.


Nauwi sa habulan sa swimming pool kaming dalawa. When I caught her I grab her waist.


“ Lance…”


I looked at her in the eye and slowly lower my head to meet her waiting lips as I touch her bare back.


Slowly….


Slowly…


But when it was only an inch away from her lips biglang nagflash sa isip ko ang mukha ni Aya kasabay ng pakiramdam na parang may nagmamasid sa amin.


Dali-dali akong lumayo kay Regine at tumingin sa paligid.


“ what’s wrong Lance?” Regine asked.


Umiling ako. Wala naming tao sa paligid. Masyado lang siguro akong paranoid para isiping nandito si Aya sa bahay at pinagmamasdan kami.


“I think dapat na tayong umahon baka magkasakit ka pa. at nagpauna na akong umahon sa swimming pool.


Inabutan ko siya ng towel nung umahon siya.


Naupo kami sa may table malapit sa pool nang dumating si Yaya Ena. Nagulat ako ng tatlong baso at plato ang dala-dala niya kasabay ng meryenda.


“Yaya, bakit tatlo ito? sasalo ba kayo samin magmeryenda?” tanong ko sa kanya.


Napakunot-noo si Yaya Ena.


“ nasaan na si Sunshine?” tanong din ang sinagot sakin ni Yaya at luminga-linga sa paligid.


Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit naman hahanapin ni Yaya si Aya dito sa bahay?


Could it be????
“ teka nga po Ya, bakit mo naman hinahanap si Sunshine dito?”


Alam kong nakikinig sa amin si Regine kaya hindi ko mabanggit na si Aya si Sunshine.


“ hinanap ka niya kanina tapos sinabi ko nga na nandito kayo ng bisita mo sa swimming pool sabi ko puntahan ka nalang niya. Saan naman kay nagsuot yung batang yun” nailing na sabi ni Yaya Ena.


Oh my god!!! So, talagang nandito si Aya kanina? Hindi lang imagination ko yun?


Kinalabit ako ni Regine.


“ Sino si Sunshine?” interesadong tanong niya sakin.


Napatingin ako kay Yaya Ena.


“ si Sunshine yung pamangkin ni Yaya Ena. Madalas kasing maglaro yun dito.” Sagot ko kay Regine at uminom ng juice.


Nakita kong napailing na lang si Yaya Ena at walang imik na pumasok ng bahay.


“ Mahilig ka pala sa bata Lance.”


“ahmm…medyo.”


Shit!!! Ang labo mo Lance!!!


Kelan pa naging pamangkin ni Yaya Ena si Aya?


I silently cursed myself.


“ Lance, samahan mo naman ako bukas, wedding kasi ng cousin ko eh. Gusto ko sanang ikaw ang partner ko eh.” Naglalambing na sabi sakin ni Regine at umabrisyete sa braso ko.


“ bukas? What time ba?”


2pm yung wedding nila eh.”


“ okay sige sunduin nalang kita sa inyo.”


“ wow!!! Talaga??? Thanks much!!! Mmmwaaahhh!!!” tuwang-tuwang sabi ni Regine sabay halik sa pisngi ko.


Napailing nalang ako sa kanya.


“ tsumatsansing ka lang eh” biro ko.


Humagikgik si Regine na parang batang nahuling kumuha ng candy.


“ eh ang bagal mo naman kasi eh. Akala ko makakahalik na ako kanina. Excited much pa naman ako tapos bibitinin mo lang..hahahah!!!”


“ kaw talaga.” Nailing na natatawang sabi ko sa kanya.



[Regine POV]


“ tsumatsansing ka lang eh” biro sakin ni Lance nung halikan ko siya sa pisngi


Napahagikgik ako na parang bata.


“ eh ang bagal mo naman kasi eh. Akala ko makakahalik na ako kanina. Excited much pa naman ako tapos bibitinin mo lang..hahahah!!!”


“ kaw talaga.”


“ hay naku kapag ako hindi ako nakapagpigil sayo Lance baka marape kita..hehe” biro ko ulit sa kanya.


“ that was a confident thing to say for a girl who is afraid to have sex with me.” Nang-aasar na sabi sakin ni Lance.


Namula naman ako. Naalala ko yung pantitrip niya nun sakin.


“ just watch me Lance…sa mga kamay ko din ikaw babagsak…hahahaha!!!”


“ well, lets see”


“ mark my word.hehehe…pero kelan mo naman ibibigay sakin yung first kiss ko?” nakangiting tanong ko sa kanya.


“ first kiss??hahaha…baliw ka talaga…saka na..kapag nalasing mo ako baka sakaling matikman mo ang halik ko.”





3 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^