Wednesday, January 25, 2012

After All : Chapter 15


Chapter 15:
The New Girl in Town

[ Aya’s POV]


Everything is back into normal. Nagkabati na kami ni Lance at okay din naman ang relasyon namin ni Vince.


Napakasweet niyang boyfriend sa akin. Everyday he always brings me flowers, chocolates at kung anu-ano pang regalo na maisipan niyang ibigay. Naiispoiled na nga niya ako masyado kaya nga minsan sinisita na siya ni West.


Sa katunayan nga eh magse-celebrate kami ng third monthsary namin together bukas eh. Excited na nga ako kung anong plano ni Vince. Lagi niya kasi akong sinusurprise kapag monthsary namin.

Speaking of monthsary I still need to buy a gift for him pala. Kaso wala akong maisip na ibigay. Ang hirap pa naman regaluhan ng mga lalaki unlike girls di ba?


Well mukhang kakailanganin ko ng power ng isang lalaki dito and I know the perfect person to ask.


“ Aya, sama ka? Pupunta kami sa bahay nila Madz” yaya sakin ni Jake.


“ Sinu-sino kayo?”


“ ako, si Jm, si Vaughn taz tatanungin ko yung iba kung gusto nilang sumama kaso baka habol nalang siguro sila kasi may klase pa sila eh”
“ si Avee?”


“ hindi daw siya pwede kasi may shooting siya ngayon eh”


“ahh..ganun ba? Pass muna ako may pupuntahan kasi ako eh”


“asus! May date ka na naman” tukso ni Jake at kiniliti ako sa baywang.


“Sira! Wala akong date noh! May pupuntahan lang akong importante”


“ hala ka! Manlalalake ka ah! Sumbong kita kay Vince” pang-aasar niya sakin


“ magsumbong ka samahan pa kita eh”


“ tara samahan mo ako!”


Hinampas ko siya ng hawak kong papel.


“ ako nga Ja-Ke tigilan mo okay? Sige na gumora na kayo”


Nauna na ako lumabas ng classroom. Dire-diretso ako sa classroom nila Lance.
Tamang-tama naman dahil pagdating ko dun wala pa yung professor nila. Agad akong pumasok sa classroom nila.


“ Aya anong ginagawa mo dito? Hindi naman dito ang classroom nila Vince ah” si Lieu ang unang nakakita sa akin.


Parehong Architecture Student sina Lance at Lieu. Engineering naman sina Vince at West.


“ Si Lance?” instead of answering his question I asked him.


“tulog” sagot ni Lieu at tinuro si Lance na nakaupo sa likuran at natutulog.


Grabe talaga itong lalaking ito. Tama ba namang matulog sa classroom.


Naglakad na ako palapit sa upuan ni Lance at tinapik siya sa balikat.


“BBF, gising”


Nag-angat siya ng paningin at tinignan ako.


“oh?”


“samahan mo ako”


“saan?”


“sa mall”
“anong gagawin mo dun?”


“bibili ng regalo”


“para kanino?”


“kay Vince”
“hindi mo ba kayang mag-isa?” nakasimangot na tanong niya.


Sinimangutan ko din siya.


“ I need your opinion eh. I don’t know what gift to buy”


“kahit ano naman ibigay mo tatanggapin nun eh.”


“sige na naman please…samahan mo na ako…” pamimilit ko sa kanya. May kasama pang yugyog sa balikat niya.


“ayoko nga. Bakit naman kita sasamahan bumili ng regalo ng boyfriend mong hilaw?!”


“sasamahan mo ako kasi mabait ka tapos bestfriend mo ako tapos love mo ako diba? Kaya sasamahan mo ako” paawa effect pa talaga ako sa kanya.


Matagal niya muna akong tinitigan. Pinagbuti ko ang pagpapaawa effect ko. Maya-maya napabuntong-hininga nalang siya.


Yessss!!! Panalo pa rin ako.hehehe.
“ ok. Tara na. May klase ka pa ba?”


“wala na. pero diba ikaw may klase pa?”



Tumayo na siya at binitbit ang bag niya.


“wala si Sir hindi daw papasok”


Nagpauna na siya palabas ng classroom.


“Ui, hintayin mo naman ako” sabi ko sa kanya at sumunod na sa kanya palabas.


“saan kayo pupunta?” pahabol na tanong sa amin ni Lieu


“magde-date” nakangiting sagot ko sa kanya at sumunod kay Lance sa labas ng classroom


(^_^)

[Lance POV]


Bakit ba ako napasama-sama nitong babaeng ito para bumili ng regalo ng boyfriend niyang hilaw?


Hindi ba niya alam kung gaano kasakit sakin ang ginagawa niya?


“Paano niya malalaman hindi mo naman sinasabi” sigaw ng utak ko.


“as if naman kapag sinabi ko hihiwalayan niya yung boyfriend niya” ganti naman ng puso ko.


‘ at least you try” si utak ulit.


“ eh paano kung mailang siya tapos iwasan na ako?” si puso.


AAAAAAHHHH!!!!


Letseng utak at puso nagtalo pa. Marunong pa kayo sakin ah.


Pwede bang wala nalang utak at pusong mangibabaw?


Bakit hindi nalang atay, bituka o kidney eh mukhang mas may pakinabang pa sila eh kaysa sa mga emoterang utak at puso na iyan.


“ ano bang magandang regalo?” Aya asked me.


Naglalakad kami sa mall trying to find a gift for her boyfriend. Nakaabrisyete pa siya sakin habang palinga-linga sa paligid.


“ ewan ko ikaw nakakakilala sa boyfriend mo eh”


I tried to sound casual and unaffected.


“wala nga akong maisip eh. Para kasing na kay Vince na ang lahat eh”
Oo nasa kanya na ang lahat. Pati nga ikaw nasa kanya na eh. Gusto ko sanang sabihin sa kanya.


Hay naku napaka bitter kong tao.


Ganito ba ang mga broken hearted?


“kung wala kang maisip eh di wag ka nalang magbigay”


Bigla siyang humarap sa akin at kinurot ako sa pisngi.


“ kaya ka nga nandito diba?” nakangiting sabi niya habang pinanggigigilan ang pisngi ko.
“ ouch!!!! Aya tigilan mo nga iyan”


Bwisit talaga itong babaeng ito. Tama bang panggigilan ang pisngi ko.


“ ui tignan mo ang sweet nila oh”


“ kaya nga eh nakakainggit sana ganyan din kasweet yung boyfriend ko”


Narinig kong sinabi nung mga babaeng malapit sa amin.


Mukhang napagkamalan pa yata kaming magboyfriend-girlfriend ni Aya ah. Well not bad. Kahit sino naman kasing makakakita sa amin eh iyon ang iisipin.


“ ang sweet sweet naman nila”


Sige lang purihin niyo pa kami. Gusto ko yan.hehe.


“Lance?”


Out of the blue ay ay tumawag sa pangalan ko.


Narinig din siguro ni Aya iyon dahil tumigil siya at tumingin din sa babaeng tumawag sa akin.


“Lance ikaw nga. Ui kumusta ka naman?” bati sa akin nung babae may kasama pang hampas sa balikat ko.


Teka nga???!!!
Sino ba itong babaeng ito at kung makaasta eh akala mo close kami??
Pansin ko rin na parang nagtatanong din ang mata ni Aya sakin.


“ hindi mo na ba ako natatandaan? Well sabagay it’s been a long time since we last saw each other. Pero ako hindi kita nakakalimutan.” Sabi pa nung babae.


Teka masyado ng magulo. Panira pa itong babaeng ito sa moment namin ni Aya.


“ Sino ka ba?” maangas na tanong ko sa kanya.


The hell I care about being a gentleman dahil hindi naman ako gentleman in the first place.


“ ano ka ba?! It’s me. Aegyo. Well its my Korean name actually. Regine ang English name ko.”


“ Aegyo?”


“ Regine?”


Sabay pa kaming nagsalita ni Aya.


“ Yeah! That’s me. Your future wife”


Ano daw?????!!!!


Future wife????!!!!

1 comment:

  1. moments! ako po yan si aegyo na yan o! o kilala nila bilang regine! ahahaha!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^