Tuesday, July 3, 2012

100 Days With Mr. Idol: Chapter 9


CHAPTER NINE


          GABI na pero wala parin si MinHo. Nag-simula nang mag-taka si JungHyun, TaeMin at Key. Nasa dorm na sila sa mga oras na yun. NAroon silang lahat sa salas habang si JiYeon ay nag-papahinga sa taas.


        "Grabe namang shooting yan! Inabot na nang gabi. Ano ba shooting na pinutahan ni MinHo ngayon?"kunot nuong tanong ni Key.


        "MC lang sya sa M! Countdown."sagot naman ni JungHyun.


        "E saan pa sya nag-punta? Kanina pa tapos yung MNET."nag-tataka namang tanong ni TaeMin sa kanila. Kibit balikat lang ang sinagot ni JungHyun sa kaniya. Tahimik lang sa tabi si Onew. Wala sa mga ito ang isip nya kundi kay MinHo. Nag-aalala na sya kung ano na ba talaga ang nang-yayari dito? Maya-maya ay bumaba si JiYeon. Iika ika parin ito mag-lakad dahil namamaga parin ang tuhod nya kaya hindi nya madiretso.


        Napatayo si Onew, lahat sila napatingin kay JiYeon. "Okay ka na ba?"alalang tanong ni Onew. Nakangiting tumango si JiYeon.


        "Bakit ka tumayo noona? May kailangan ka ba? Ako na bahala."lumapit ito kay JiYeon at inalalayan itong mag-lakad.


        "Hindi na. Ako na lang. Hindi kayo pwede lumabas. Kaya ko naman e."saad ni JiYeon.


       "Lalabas ka? Gabi na ah."wika ni Onew.


       "Dyan lang naman e. Okay lang ako."pilit nito.


       "Samahan na kita. Baka kung ano nanaman ang mang-yari sayo dyan e."presenta ni Onew.


       Agad namang tumanggi si JiYeon. "Wag na! Kaya ko na naman e."ang totoo kasi ay hindi sya lalabas para bumili ng kung ano. Ang totoo ay hahanapin nya si MinHo.


       "Hindi! Sasamahan kita! Isa pa gustong kumain ng mga 'to ng ice cream e."dahilan ni Onew kahit na alam nya kung ano ang gagawin ni JiYeon. Masaya namang nagulat ang tatlo ng marinig nilang bibilhan sila ng ice cream ni Onew.


      "Hindi kayo pwede nun-"mag-dadahilan pa sana si JiYeon kaso nauna ng lumabas si Onew. "Sandali! Onew!"tawag nya pero parang wala itong narinig. Wala na syang nagawa kundi ang sumunod dito. Napabuntong hininga na lang tuloy sya.


      Pareho silang nakikiramdam sa isa't isa habang nag-lalakd sila papuntang store. Hindi lalam ni JiYeon kung anong idadahilan nya kay Onew para magawa nya ang plano nyang hanapin si MinHo habang si Onew naman ay hindi alam kung anong unang itatanong sa kanya tungkol kay MinHo. Mag-kaiba ang pakay nila pero pareho lang ang taong iniisip nila.


     "Uh-"sabay nilang saad. sabay din silang natigilan at natawa. "Ikaw na muna."alok ni Onew. Umiling si JiYeon.


     "Hindi, ikaw na mauna."


     Bumuntong hininga si Onew bago nag-salita. "Pupuntahan mo ba si MinHo?"diretsong tanong nito. Hindi naman alam ni JiYeon kung ano ang isasagot dito. "Alam kong may ginawa nanaman syang kalokohan kaya hanggang ngayon wala sya. Pwede ba akong sumama sayo para puntahan sya?"pakiusap pa nito.


     "Ang totoo. Hindi ko pupuntahan si MinHo."bumuntong hininga si JiYeon. "Si MinHo, sumakay sya ng bus kanina.Hinid ko alam kung saan sya pupunta. Sinubukan ko syang habulin kaso hindi ko na sya naabutan."pag-amin nito. Naiisp nya kasi na kailangan nya na ng katulong. Pero iyon lang ang sinabi nya dahil nangako sya kay MinHo na hindi nya sasabihin kahit kanino ang tungkol kay HaRa.


      "Ibig mong sabihin sya ang dahilan ng mga sugat mo? At hanggang nagyon hindi mo alam kung saan sya pumunta?"naguguluhang tanong ni Onew na may halong gulat. Nag-aalala namang tumango si JiYeon. Napasapo si Onew sa nuo aty napka-pamaywang ito ng wala sa oras. "Hindi ko alam kung anong nang-yayari kay MinHo! Hindi ko alam kung bakit bigla syang naging iresponsableng tao!"namuhay muli ang galit dito. Tahimik lang na nakikinig sa knaiya si JiYeon. "Saan naman sya pupunta? Bakit sya sumakay ng bus? Alam mo ba kung bakit sya ganun?"sunod sunod na tanong ni Onew. Nag-aalala sya hindi lang dahil sa isa syang leader kundi isang kaibigan. Gusto nyang makatulong sa kaibigan kung may problema man ito. Pero ang nang-yayari ay lumalayo pa ito sa kanila. Pag-kuway nag-ring ang cellphone ni Onew. "Hello? HyoYeon noona?"si HyioYeon iyon ng SNSD. Hindi man naririnig ni JiYeon ang sinasabi ni HyoYeon sa kabilang linya alam nyang hindi maganda iyon. Halata kasi sa mukha nito. "Salamat noona. Papunta na kami dyan."halata ang urgency sa mukha nya ng tingnan nya si JiYeon. "Si MinHo nakita ni noona sa isang bar. Nakikipag-away daw sya dun ngayon."saad nito.


         "Ano?!"sagot nya. "Puntahan na natin!"nakaramdam ng takot si JiYeon na baka kung ano pa ang mang-yari kay MinHo. Naiinis sya dito dahil hindi nito kayang i-handle ang emosyon nito. Nag-papakababa ito dahil lang sa isang babae.


         Naabutan nga nila sa isang tapat ng bar si MinHo na nakikipagsapakan ito sa mga grupong lasing din gaya nya. Dinadagsa na sya ng mga tao habang ang ilan ay kumukuha pa ng picture sa kanya. Tinakbo ni Onew ang mga ito para aawatin. Punong puno na ng dugo si MinHo habang hindi naman mag-kamayaw sa pag-awat sa kanila si HyoYeon.


         "Noona!"twag ni Onew.


         "Onew! Ano bang ginagawa ng lalaking yan? Hindi ba nya alam na hindi lang image nya at image ng grupo nyo ang sinisira nya? Kundi pati image ng kumpanyang may hawak sa atin! Tingnan mo! Lahat ng tao kinukuhaan sya ng picture! Tulungan nyo kong dalhhin sya sa hospital! Baka kung ano pang mang-yari sa kanya! Umiinom sya hindi nya naman kaya!"galit na wika ni HyoYeon dito. Habang si JiYeon ay hindi makatingin ng diretso kay MinHo dahil sa mga sugat na natamo nito galing sa pang-bubugbog.


         "Sorry noona."halos buhatin na ni Onew si MinHo ng itayo nya ito. Nangi-nginig naman si JiYeon sa takot sa dugo pero kinaya nya maitayo lang si MinHo. Isinakay nila ito sa sasakyan ni HyoYeon. Tanging si JiYeon lang ang naka-upo salikuran habang nakahilig sa mga hita nya ang duguang si MinHo. Sa harap naman naupo si Onew katabi si HyoYeon. Agad na ginamot si MinHo ng makarating sila sa hospital. Habang nag-hihintay ay muling na-nermon si HyoYeon. Bilang senior ng SHINee may karapatan syang manermon lalo pa at pareho sila ng company.


        "Sa susunod wag na ninyong uulitin ang ganyan! Hindi ko inaasahan na ganyan si MinHo! alam na ba 'to ng manager nyo?"


        "Hindi pa."nahihiyang sagot ni Onew.


        "Ikaw? Sino ka ba?"kunot nuo namang tanong ni HyoYeon kay JiYeon na kanina pa nanginginig sa takot sa dugo. my phobia kasi ito sa dugo.


         "Sya ang road manager namin. Si JiYeon."si Onew na ang sumagot ng mahalata nyang hindi kayang mag-salita ni JiYeon.


         "Dapat sabihin nyo na agad 'to sa manager nyo. Ikaw ang road manager dapat in-touch ka sa manager."napailing si HyoYeon. 'Hay! Sana hindi na 'to maulit pa. SHINee, kung mahalaga sa inyo ang pangarap nyo. Ayusin nyo ang buhay nyo. Hindi ko alam kung paano kaya makakabangon sa ginawang problema ni MinHo. Pero good luck."tinapik ni HyoYeon si Onew sa balikat saka nag-paalam ng umalis. Ilang saglit pa ay dumating na sila JungHyun, TaeMin at Key. Nag-pa-panaic ang mga ito dahil iyon ang unang beses na nilang nasa hospital si MinHo, duguan pero hindi dahil sa sports kundi dahil sa pakikipag-away.


         "Hyung! Kamusta sya? Wala bang nabali sa buto nya?"agad na tanong ni TaeMin.


         "Hindi pa namin alam. Hanggang nagyon inoobserbahan pa sya."sagot ni Onew.


         "Ano ba kasing ginawa nya?"tanong ni Key. Ilang saglit pa ay lumabas na ang doctor galing sa E.R.


          "Doc! Kamusta po si MinHo?"bungad ni Onew sa doktor.


          'Okay na sya. Although my ilan ilan syang fractured na buto. Mas okay na mag-pahinga muna sya para maka-recover sa traumas na tinamo nya sa  katawan."saad ng doktor.


          "Salamat dok."wika ni Onew. Tumango ang doktor bago umalis. Sakto naman ang labas ni MinHo sa E.R na may mga gauze sa mukha at mga braso. Wala parin ito sa sarili, tulala ito habang nag-lalakad. Halatang wala parin sa realidad ang kaluluwa nito. Patakbo syang nilapitan nila JiYeon, Onew, Key, JungHyun at TaeMin.


          "MinHo!"tawag ni JiYeon pero hindi sya narinig nito. "Ano bang nang-yari? Bakit nakipag-away ka sa bar na yun?"naiiyak na tanong ni JiYeon. Wala paring reaksyon si MinHo. Tulala parin ito.


          "MinHo. Ano bang problema? Sabihin mo kung ano para makatulong naman kami. Hindi yung ganito na nag-lalasing ka tapos makikipag away ka sa bar?"hindi na rin malaman ang emosyon ni Onew.


          "Hyung."iyan na lang ang nasabi ni TeaMin sa kanya. Napapailing naman si JungHyun sa nakikitang itsura ni MinHo habang si Key ay titig na titig sa kanya.


           KINABUKASAN, nabulabog silang lahat sa gising ng manager nilang galit na galit. Umagang umaga ay maanghang na salita na nito ang kinain nila. Napabangon sila ng wala sa oras at nang mag-gather sila sa ibaba ay bumungad sa kanila ang front page na inihagis ni Mr. Kim sa mini table.


           "SHINee MINHO, SHOWS HIS TRUE COLOR"sa ibaba ay may pictures na nakikipag-suntukan nga ito sa mga nakaaway nito kagabi. Kanya kanya naman ng gulat na reaksyon sina TaeMin, JungHyun at Key samantalang si JiYeon at OOnew ay tahimik lang. Si MinHo naman ay wala parin sa katinuan hanggang ngayon.Hindi naman makapag-salita sa galit si Mr. Kim. Padabog nyang kinuha ang remote saka binuksan ang T.V. Headline si MinHo sa news ngayon na may video kung paano sya unang nakipag-sapakan sa mga lalaki. Inis na inis sina JungHyun at Key habang pinanunuod yun. Naiinis sila kay MinHo dahil naging iresponsable itong tao. Hindi na tinapos ni Mr. Kim ang news, agad nya rin itong pinatay.


         Blangko ang isip ni Mr. Kim habang tinititigan nya si MinHo.Hindi nya kasi malaman kung ano ang sasabibhin dito. Tinanggal nito ang butones ng suit nya tapos ay niluwangan nya ang tie bago namaywang. "Sabihin mo!"madiing saad ni Mr. Kim. "Sabihin mo kung bakit ka nag-kaganyan!"sumisigaw na ito. "Ginagalang ka ng mga tao! Tinulungan kitang mapaganda ang image mo sa mga tao! Lahat ginawa ko para lang mapabango ang SHINee na umabot pa sa puntong hindi ko na kayo nababantayan ng maayos! Ginawa ko lahat para matulungan kayong maabot ang mga pangarap nyo! Sinakripisyo ko pati ang pag-aasawa ko para lang sa inyo dahil tinuring ko na kayong mga anak ko! Tapos ano!?"talagang galit na galit na ito. "Tapos ano MinHo?!"bulyaw nya kay MinHo. Tmulo na ang mga luha ni MinHo kahit na parang wala ito sa sarili. Hindi rin napigilang mapaiyak ni JiYeon. "Ito lang ang igaganti mo sa akin?!"napasapo si Mr. Kim sa nuo. "Nag-sasawa ka na ba sa pagiging idol?! Sige! Tatanggalin an kita sa SHINee! Yan ba ang gusto mo? Sige! Hihingi ako ng recommendation sa Chairman para i-terminate ang contrata mo sa kanila!"kulang na lang ay isumpa nya si MinHo sa galit. "Ikaw? Ano bang nang-yari sayo? Bakit puro sugat ka rin?!"ang tinutukoy nya ay si JiYeon, pero hindi na nya hinintay pa ang sagot ni JiYeon. Wala na syang gana pang makinig sa mga rason nila.


         Ikina-alarma naman iyon nila Key, JungHyun, TeaMin, Key at Onew. Alam kasi nila na kapag-sinabi ni Mr. Kim ay siguradong totoo. Kaya natatakot sila na baka nga i-terminate na si MinHo sa kumpanya at sa grupo ng SHINee. Ano na ngayon ang gagawin ng grupo? Mukhang hindi nila mapipigilan si Mr. Kim. Hindi nila gustong mawala si MinHo, hindi dahil mawawalan ng rapper sa SHINee kundi kaibigan nila si MinHo. Nag-turingan silang mag-kakapatid. Nag-kasama sila simula pa noong training days nila. Marami na silang napag-daanan kaya hindi ganun kadali para sa kanila na basta na lang itapon si MinHo ng ganun ganun lang. At isa pa, hindi pa naman nila alam ang totoong dahilan kung bakit nag-kakaganun si MinHo.


         Palabas na ng dorm si Mr. Kim ng habulin sya ni Onew. "Mr. Kim!"tawag nya dito.


         "Ano yun?"kung kanina ay galit ito ngayon naman ay problemadong problemado ito.


         "Alam ko po na hindi rin ganun kadali sa inyo na i-give up na lang ng ganun si MinHo."aniya ni Onew.


         Bumuntong hininga si Mr. Kim. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako nag-kulang bilang manager nyo."parang nag-sisisi ito.


         "Mr. Kim hindi kayo nag-kulang. Nag-kamali lang si MinHo. Sa tingin ko parte iyon ng buhay nya na kailangan nyang pag-daanan para mas maging matatag sya. Masyado kasi syang naging perpekto sa paningin ng maraming tao. Kaya hirap silang tanggapin ang other side ni MinHo."wika ni Onew.


          "Tama ka."


          "Mr. Kim, sa tingin ko mas okay na bigyan muna natin ng time si MinHo para mag-isip sa halip na i-terminate sya. Ilayo muna natin sya para maliwanagan sya sa mga bagay na maling nagawa nya."suhestyon ni Onew.


          Napaisip si Mr. Kim at sa huli ay sumangayon din ito. "Sa tingin ko nga tama ka. Ipapadala ko muna sya  dun sa kapatid ko sa probinsya. Siguradong safe sya dun at aalagaan sya."saad pa ni Mr. Kim. Lumiwanag ang aura ni Onew. Sa wakas ay nai-settled nya ang lahat ng maayos. Ngayon ay si MinHo na lang ang papaliwanagan nya.


          Bumalik sa loob si Onew na kasama ulit si Mr. Kim. Naabutan nilang tahimik at nakatulala ang lima sa salas.Samantalang si MinHo naman ay naroon na sa taas. Napatayo si TeaMin ng makita si Mr. Kim. "Hyung?"ani TaeMin.


          "Nag-desisyon na akong wag i-terminate si MinHo."balita ni Mr. Kim. Ikinatuwa naman nila iyon lalo na ni JiYeon. "Pero hindi muna sya sasali sa mga activities ninyo. Ilalayo ko muna sya para lumamig ang iskandalo."bahagyang silang nalungkot pero para sa kanila ay okay na rin yun at least hindi mate-terminate si MinHo. Humarap si Mr. Kim kay JiYeon. "JiYeon, pwede bang ikaw na lang muna ang sumama sa kanya? Importante kasing may mag-bantay sa kaniya dun. Ikaw lang ang mapag-kakatiwalaan ko."pakiusap ni Mr. Kim.


         Sa totoo lang ng sabihin ni Mr. Kim na ilalayo nya si MinHo ay nalungkot sya. Kasi Baka matagalan pa bago nya muling makita ito. Pero ngayong sya ang pinakiysapang sumama para bantayan si MinHo ay natuwa sya. Gusto nya talaga yun dahil mapo-protektahan nya si MinHo. At kahit gaano pa kalayo ang pupuntahan nila ay wala na syang pakialam ang mahalaga ay kasama nya si MinHo. Kaya naman payag sya sa hiling ni Mr. Kim. 









3 comments:

  1. omg!!!!!!!! wat happen 2 my minho!!!!!!!! mamimiss q c minho, wag nio xang ilayo!!!!!!

    ReplyDelete
  2. ~>angel is luv<~

    i love this! super!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^